FELIENNE'POV IYONG feeling na maaga kang natulog pero late ka nagising? Kaya ang ending, kulang na lang magulo iyong buong room ko sa pagmamadali. Nang matapos ako sa paghahanda, kaagad akong bumaba papunta sa dining area. "Kumain kana, Felienne," anyaya ni mama sa akin nang makita ako. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Sa university lang ako kakain ng breakfast 'ma," sagot ko. "What time did you go to sleep last night at late kana nagising?" Napalingon naman ako sa tanong ni daddy, he's drinking his coffee. Next akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. "Maaga ako natulog dad, napasarap lang talaga ang tulog ko kaya late na nagising," nakangiting sagot ko pagkatapos ay binigyan din siya ng halik sa pisngi. Huli akong lumapit sa kapatid kong nakasimangot

