DEBBIE'POV "LING nagtext mo na ba si Fe?" tanong ko rito. Nang dumating kasi kami rito sa quadrangle, wala siya. Pero iyong kotse niya nasa parking naman. Ilang minuto na kami nag-aantay sa kaniya rito. Nakaalis na nga iyong dalawa, pinauna ko na kasi may test pa sila. Matinding pilitan pa nga ang ginawa ko kay Chadie. Tumango si Ling. "Kanina pa. Baka may pinuntahan lang siya?" Hindi pa siya sigurado sagot niya. Kung ganun nga, saan naman pupunta si Fe? "Time na pero wala pa siya," sambit ko habang tumitingin sa paligid. "Start na first subject namin, mauna na ako Debs, ha? Strikto pa naman iyong prof namin. Baka mapagalitan ako kapag late akong pumasok." Tumango na lang ako kay Ling. "Sige lang, pumasok kana. Ako na lang ang mag-aantay kay Fe," sagot ko. Classmate naman ka

