DEBBIE'POV KANINA ko pa tinititigan si Ling pero mukhang hindi niya napapansin. Tulala kasi ang loka, para bang may nakita siyang yumanig ng buhay niya. Kinalabit ko siya sa braso. "Ling, galaw-galaw baka pumanaw," sambit ko pa. Simula kasi nang umuwi siya galing sa university ganiyan na iyong itsura niya. Para siyang baliw na nakatulala, gusto ko pa naman malaman iyong ganap sa first day of school niya. Teka? Siguro kaya siya ganiyan kasi binalikan siya ng dalawang bitchesa na tumawag sa akin ng cheap? O kaya may ibang ng bully sa kaniya? Humarap ako sa kaniya na kasalalukuyang nakaupo sa higaan ko. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang sumigaw, tili pala. "Kadiri! My eyes, my inosenteng mata! Patawarin sana ako ni mama at lola masyado akong naging chismosa!" Napatakip pa siy

