8

2766 Words
ANALIE' POV "BASTA ang lagi kong sinasabi sa'yo Analie, mag-aral ka ng maayos huwag mong sayangin ang scholarship na nakuha mo. Hindi lahat pinagpapala katulad mo." Nakatutok lang ako sa kinakain ko habang nagsesermon si tita. Si Debbie naman tanga-tango kunwari pero alam kong nagpipigil ng tawa. Narinig kasi ni tita iyong pag-iinarte ko kanina ng very light. Hindi naman talaga ako nag-iinarte sadyang malakas na naman ang trip ni Debbie kaya kung anong pinagsasabi. Kinakabahan lang naman talaga ako at siguro naman normal iyon kapag first day of school niyo. Tapos iyong papasukan mo pa hindi basta-basta. Parang ngayon ko lang naramdaman iyong pagsisi kung kailan papasok na ako. Sumubo muna ako ng pandesal. "Alam ko naman po iyon tita, kinakabahan lang talaga ako," tugon ko. "At bakit ka naman kinakabahan? Papasok ka lang naman." Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. "Syempre ang yayaman ng mga nag-aaral tapos ako ganito lang. Narealize ko parang hindi naman ako bagay doon," tugon ko pa. Tumigil si tita sa pagkain. "Umayos ka nga! Bakit ba ganiyan ka mag-isip. Ikaw na nagsabi, lahat ng nag-aaral doon mayayaman kaya bakit ka mag-aalala? Ano ba ang pakealam ng mga iyon sa'yo ha?" Grabe naman 'to si tita, pero may point naman siya. Bakit ba masyado akong nag-aalala? Pag-aaral ang dapat asikasuhin ko hindi iyong mga estudyante doon. Hindi na ako sumagot dahil baka humaba pa at mapagalitan lang ako lalo. Natapos kaming kumain hanggang sa nagpaalam na ako kay tita para pumasok. "Iyong mga sinabi ko sa'yo, ha! Mag-ingat ka sa pagpasok," paalala ni tita. "Opo tita." Sunod naman akong humarap kay Debbie na humihikab pa sa harap ko. "Gusto mo hatid kita?" alok nito sa akin. Mabilis naman akong tumanggi. "Huwag na. Matulog kana lang diyan." "Mamimiss kita pinsan." Biglang naging malambing ang boses nito. Alam ko namang mang-aasar lang 'to. "Tigilan mo nga ako Debs, korni mo." "Arte nito, porket may lumalam--" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya pinigilan ko na siya. Baka marinig na naman ni tita at mapagalitan ako, minsan pa naman pahamak ang bibig ng pinsan ko. "Ewan ko sa'yo! Aalis na nga ako, magkikita pa tayo mamaya. Matulog kana lang ulit." Bago pa siya magsalit ay nilayasan ko na siya. Malakas pa naman sapak ni Debbie kapag kulang sa tulog. Sumabay kasi ng gising sa akin. Nagsimula na akong maglakad. At habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep kung ano-ano ng senaryo ang pumapasok sa isip ko. Bakit ba masyado akong kabado? Sigurado naman akong magiging okay din ang lahat. Nang masakay ng jeep bigla namang nag ring iyong cellphone ko. Mas lalong nadagdagan iyong kaba na nararamdaman ko nang mag flash iyong pangalan ni mama sa screen. Alam niya nga pala na unang araw ko ngayon sa university. "Anak, kumusta?" bungad ni mama sa kabilang linya. Bumuntong hininga muna ako. "O-okay lang naman po, 'ma. Kayo ni lola diyan? Kumusta?" Ilang segundong tumahimik sa kabilang linya. "Ito namimiss na kayo. Tahimik na ang bahay dahil wala ng maiingay dito." Nakaramdam naman ako ng lungkot. "Mabuti nga iyan hindi na kayo naiinis sa ingay namin," biro ko. "First day mo ngayon 'di ba? Nasa university kana ba?" Pag-iiba niya, alam kong umiiwas 'to sa drama. Napakamot naman ako sa ulo. "Nakasakay na ako 'ma.." halos pabulong ko ng sabi. "parang ayokong pumasok," dagdag ko pa, na sana pala hindi ko na sinabi. Iyong kaninang malungkot niyang boses ay napalitan ng sigaw. "Anong sabi mong bata ka? Umayos ka Analie! Pumunta ka ng Manila para mag-aral tapos sasabihin mo ayaw mong pumasok? Aba't! Sasayangin mo iyong scholarship mo dahil lang sa pag-iinarte m--" Hindi ko na pinatapos si mama dahil ang sakit sa tenga ng boses niya. Buti na lang talaga nakaheadset ako. "Joke lang naman 'ma. Kinakabahan kasi talaga ako, lalo na at mga mayayaman iyong makakasama ko tapos ako maganda lang, parang ako lang ang naiiba." Hininaan ko na rin iyong boses ko dahil marami na rin akong kasamang pasahero sa jeep. "Anong naiiba? Bakit alien ka ba at ikaw lang naiiba sa kanila? Pareho lang kayong lahat, tumatae at umuutot! Tigilan mo nga ako sa mga dahilan mo Analie. Kung andiyan lang talaga ako makakatikim ka sa akin!" Kahit pala sa call nakakatakot pa rin si mama. Pakiramdam ko nga kasama ko lang siya habang sinisermunan ako. Napakamot na lang ako sa ulo. "Oo na 'ma. Ang aga-aga high blood kana naman. Papasok po ako.." tugon ko para sa ikakatahimik ng bunganga ni mama. "Takot ko lang po sa'yo," bulong ko pa na mukhang narinig niya naman. "Matakot ka talagang bata ka. Kapag nawalan ka ng scholarship makakatikim ka talaga sa akin." "Chill ka lang 'ma. Mag-aaral po ako ng maayos at mabuti rito. Kinakabahan lang talaga ako." Huminahon naman iyong kabilang linya. Senyales na kalmado na si mama. "Mabuti naman kung ganun. Normal lang ang kabahan. Isipin mo kung bakit ka andiyan, huwag mong intindihan iyong mga estudyante dahil wala naman silang pakealam sa'yo." Grabe, magpinsan nga talaga sila ni tita. "Oo na 'ma. Nasaan pala si lola?" tanong ko. Miss ko na rin kasi siya sobra. "Nasa bayan may binili. Mamaya tatawag kami sa inyo kapag nakauwi kana, gusto kayo makausap ng lola niyo." "Opo 'ma. Sige na po, andito na ako." Hindi ko namalayan, ang bilis ng biyahe. "Sige, anak. Mag-aral ng mabuti, tigilan mo iyang pag-iinarte mo. Mag-iingat kayo." "Oo na po 'ma. Ingat din kayo diyan ni lola. Tatawag na lang ako mamaya." At namatay na ang tawag. Sweet talaga ng nanay ko pinatayan ako ng tawag. Katulad ng sinabi ni mama tinigilan ko na ang pag-iisip ng kung ano-ano. Pumasok na ako sa malawak na gate ng university, nilabas ko iyong registration paper ako at pinakita kay kuyang guard. Nakayuko lang ako habang naglalakad pero syempre tumitingin pa rin ako sa nilalakaran ko, baka may mabangga pa ako o kaya mas masaklap mapatid pa ako. Kung ano-ano na naman pumapasok sa isip ko, nahahawa na ako Kay Debbie. Nakakamiss naman pinsan ko kahit na nakakabadtrip iyon minsan. "Ling!" Natigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Pamilyar din iyong boses niya kaagad ko itong hinanap. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa kamay. Handa ko ng itulak kung sino 'to nang makilala ko ang mukha niya. "F-felienne?" Nauutal pa ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Hindi naman ako natotomboy sa kagandahan niya, naiilang lang talaga ako. Ngumiti siya ng malapad. "Nice meeting you again Ling! Buti na lang nakita kita." Grabe, natatandaan niya pa rin pangalan ko, seryoso talaga siguro siya na gusto niya kaming maging kaibigan ni Debs. "H-hello sa'yo Felien--" "Just call me Fe, tutal we're friends naman na hindi ba? Sayang nga lang at wala si Debbie..." Bakas sa boses niya ang lungkot. "Kaya buti na lang andito ka." Ngumiti naman siya ulit. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa paligid. At tama nga ako, nasa amin iyong tingin ng ibang estudyante. Bigla ko tuloy naalala iyong kuwento ni Debs tungkol sa mga umaway sa kaniya rito. "Kaya nga," maiksing tugon ko sa sinabi niya. Bukod kasi sa wala akong masabi, naiilang din ako sa tingin ng mga estudyante sa amin. Mukhang nahalata niya naman. "Sabay tayo maglunch mamaya?" alok niya para kunin ang atensyon ko. "Mga hapon," sagot ko. Nawala naman iyong ngiti sa mukha niya. "Iba nga pala course mo 'no? Sayang naman. Gusto pa naman sana kita makasabay mag lunch." Edi siya na maganda tapos mabait. Parang ang inosente ni Fe kung titignan. Nasaan ba mga kaibigan nito? Teka, bakit ko ba hinahanap? "Malay mo naman magsabay din tayo kahit minsan," sagot ko para naman makabawi kami sa pagtanggi namin sa kaniya noon. "Hopefully, para naman may makasabay akong kumain bukod sa dalawang kaibigan ko. Nakakasawa na kasi sila. " At ngumiti na naman siya ng malapad. Gandang-ganda talaga ako sa kaniya. Tumawa na lang ako kunwari. "Oo nga pala, mauna na ako sa'yo. Hahanapin ko pa kasi iyong section ko," paalam ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang tumango. "Yeah, I forgot. Salamat sa time mo, kapag nagkasabay tayo ng sched huwag kang tumanggi sa alok ko, ha? Magtatampo ako niyan." Ngumiti rin ako pabalik. "Oo naman. Salamat din sa time, mauna na ako." Nagsimula na akong maglakad, nakita ko pa siyang kumakaway sa akin. Bakit kaya sobrang bait ni Felienne sa amin? Hindi ko naman namalayang andito na pala ako sa building namin. At dahil nga first day busy ang mga estudyante sa paghahanap ng mga section nila. Mabilis ko namang nahanap iyong sa akin. Inabot pa nga ako ng ilang minuto bago pumasok sa loob, grabe kasi iyong kabog ng dibdib ko. Sobrang kinakabahan ako. Feeling ko naman magiging maayos ang unang araw ko, bukod kasi sa halata sa mga kaklase ko ang pagiging mayaman. Mukha naman silang mababait, puro mga babae rin pala kami sa section namin. Isama na natin iyong dalawang lalaking mas mukha pang babae sa akin. Ganda kasi. Hanggang sa dumating na iyong professor namin. Wala naman masyadong ganap ngayong araw, puro pakilala lang hanggang sa dumating na ang break time namin. Sa wakas makakahinga na rin ako ng maluwag. Naloka ako sa mga kaklase ko, Hindi lang basta mayaman. Paano ko nalaman? Nang nagpakilala sila sa harap. Tapos iyong mga english accent, mapapanganga ka talaga. At dahil nga kanina pa ako nakakaramdam ng kaba, naipon lahat kaya ngayon naiihi na ako. Kaagad akong naghanap ng ban yo, nakarating pa nga ako sa fourth floor dahil gusto ko solo ko lang iyong banyo. Nang makapasok sa loob kulang na lang banyo p'wede na ako matulog. Napakasosyal ng dating. Grabe! Bago pa ako maihi sa kilig pumasok na ako kaagad isang cubicle. Ginawa ko na ang aking pakay. Patayo na sana ako nang matigilan ako ng dahil sa malakas na pagsara sa pinto ng banyo. Sunod kong narinig ay iyong mga tunog ng sapatos, para bang nagmamadali na pumasok sa banyo. Baka natatae? Hindi ko na lang 'to pinansin at lumabas na lang ako ng cubicle. Pakiramdam ko bumalik lahat ng kabang naihi ko dahil sa naririnig ko ngayon. Boses ng isang babae, parang dumadaing na ewan. Nagulat pa ako ng masundan 'to ng ilang kalabog. Pitumpu't pitong puting pating nga naman talaga, baka mamaya may nangyayari ng kung anong masama sa babaeng iyon. Baka mamaya kinakatay na pala siya o kung ano, wala pa naman masyadong tao sa fourth floor na 'to! Umaandar na naman imagination ko, pero uso pa naman iyong ganun sa ibang school. Kakanuod ko 'to ng horror movies, e'! Nahahawa na rin ako kay Debbie. Pero paano nga? Hindi ko alam pero kusa na lang na naglakad iyong paa ko papunta sa dulong cubicle. Poteks na curiosity naman talaga! Pumikit muna ako at huminga ng malalim, naririnig ko pa rin iyong mahinang ungol ng babae pero parang tinatakpan iyong bibig niya na ewan! Bumilang muna ako pagkatapos ay tinulak ng malakas iyong pinto ng cubicle na sana.... na sana hindi ko na ginawa! Mas masahol pa 'to sa crime scene! "What the heck!" gulat na sigaw nang babae nang makita ako. Mukhang may natamaan pa 'ata ako ng pinto. Napatakip pa siya sa kaniyang watermelon na nakalabas ngayon. Oo, watermelon! Malakas 'to kay lord kaya nabiyayaan ng ganiyan. Nagsimula na akong mataranta. Hindi ko alam ang sasabihin ko at mas lalong hindi ko alam kung saan titingin. "S-sorry miss! Hindi ko sinasadya, h-hindi talaga. Ano kasi.. Kasi ano akala ko may nangyayari ng masama sa'yo. Iyong ano mo kasi.. iyong ungol mo. Sorry talaga." Napakagat pa ako ng labi dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Isang masamang tingin naman ang sinukli niya sa akin. "Are you f*****g serious?!Inisturbo mo kami dahil lang sa nonsense mong reason?" Kita ko sa mukha niya ang panggigil. Wala rin siyang pakealam kong nakikitaan na siya ngayon, ako ang nahihiya para sa kaniya. Atsaka nonsense ba iyon? Pasalamat pa nga siya concern ako, paano pala kapag may masama talagang nangyayari sa kaniya? Konsensya ko pa dahil hindi ko pinansin. Napatingin naman ako sa lalaki nang marinig ko ang mahinang pagtawa nito. Teka, parang pamilyar siya? Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa na parang inuusisa ako, pero may mali sa tingin niya na parang gusto kong tusukin iyong mga mata niya ngayon. "Maybe, you want to join us kaya mo ginawa iyon?" Parang nang-aakit pa ang tono ng boses nito. Ngumiti pa talaga na parang nang-aasar. Aba't! Hindi ko pa gets iyong sinabi niya nang una pero unti-unting nag sink-in sa buong pagkatao ko lahat kaya parang kinilabutan ako ng very light. Naniningkit ang mata ko siyang tinignan. "A-anong sabi mo? Ako s-sasali sa inyo? Sa ginagawa niyo?" Tinignan ko pa sila na kulang na lang maghubad na. "Yes, medyo nagiging boring na kasi. Kaya mas maganda kung may additional naman to add some spice." At kumindat pa talaga! Grabe, wala akong masabi sa pinagsasabi nitong tarantadong 'to. Mukhang nagselos naman iyong babae sa pinagsasabi ng boyfriend niya. "Are you serious Shance? I've never been in threesome at kung mangyayari iyon, never with this girl. Look at her! She looks so.. I don't want Shance! Gusto ko ako lang." Parang nilait pa 'ata ako nito, ha! "Don't be too selfish Ellaine. The more the happier. Kahit naman siguro dalawa iyong likod niya may ipagmamalaki siya." Bigla naman akong napahawak sa dib dib ko kung saan siya nakatingin ngayon. "A-anong dalawang likod? A-anong pinagsasabi mo diyan?" "I'm just telling the truth," mabilis nitong sagot. "But you're sexy, kaya p'wede na iyan," dagdag pa nito. Pakiramdam ko umakyat iyong dugo ko sa mukha. Bigla rin uminit kahit may aircon. "M-manyakis..." nasabi ko na lang. Lumapit naman iyong babae sa akin. Tinignan niya ako na puno ng pagbabanta. "Can you just go. Masyado ka ng isturbo at nagpapansin kay Shance," singit naman ni ate girl na malaki ang kinabukasan. Dinuduro niya pa ako kaya nakaramdam na ako ng inis. Kanina pa kasi 'to. Kumunot iyong noo ko. "Teka lang, ha. Kanina ka pa sa akin. Una sa lahat hindi ako papansin sa lalaking manyakol na iyan! Nagalala lang ako dahil sa ungol mo na iyan, malay ko bang mali akala ko. Ako na nga naging concern ikaw pa galit?" Tinaasan niya ako ng kilay. "So ano nagawa ng pagiging concern mo? Inisturbo mo kami sa ginagawa namin! Dami kasing banyo rito pa talaga pumunta." Natawa na lang ako sa sagot niya. "Parang kasalanan ko pa ngayon? Iyon na nga, e'! May tamang lugar naman para gawin iyan dito niyo pa naisip. Excuse me ate, ha? Banyo po kaya 'to, hindi po 'to motel o hotel o basta!" Hindi ko na napigilan magtaas ng boses, gigil kasi ako ng babaeng 'to. Sinabihan pa talaga akong papansin. "Enough of drama girls, let start na," awat naman sa amin ng Shance na 'to. Humarap siya sa akin. "Ano game?" tanong pa nito. Hindi naman ako makapaniwala sa pinagsasabi niya. Napupuno na talaga ako sa manyakol na 'to. "Anong game? Baliw ka ba? Bakit ako sasali? Ano ako siraulo? Sabog ka sigurong kupal ka." nanggigil na sambit ko. Lakas ng tama nito! Hindi ko naman inaasahan iyong pagtapik ni ate girl sa braso ko. "Hey, watch your words! Who you think you are para pagsalitaan ng ganiyan si Shance. Ikaw na nga iyong nakaisturbo ikaw pa magsasalita ng ganiyan. So squatter, ew." Kanina papansin tapos ngayon squatter? Napangisi naman ako. "Sorry po, ha? Kung naisturbo ko kayo sa kababalaghang ginagawa niyo. Banyo po kasi ito ate, hindi po 'to motel. At saka sorry po kung naging concern ako sa iyo, akala ko po kasi kinakatay na kayo diyan ng kung sino. Aalis na po ako, ituloy niyo na po iyong ginagawa niyo. Pasenya po ulit," sarkastik kong sagot dito. Ngumiti pa ako ng pilit kahit ang sarap pagbuhulin ng dalawang 'to. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palabas. Malapit na ako sa pinto ng magsalita iyong kupal na kaibigan ni Felienne. Oo, isa siya sa kaibigan ni Fe. "Are you sure ayaw mo talagang sumali?" bakas sa tono ng boses niya ang pang-aasar. Tinignan ko siya sa mga mata at ngumisi ako. "F*ck you," madiing sabi ko pagkatapos ay walang lingong umalis sa banyong iyon. Binilisan ko pa ang lakad ko para lang makalayo sa lugar na iyon. Bukod sa pandidiri dahil sa nakita ko, nanggigil din ako dahil sa pinagsasabi ng lalaking iyon. Paano kaya siya naging kaibigan ni Felienne? Grabe, ganito ba talaga mga estudyante rito? walang pinipiling lugar, ang pupusok, sobra! Kung magiging ganito lang pala unang araw ko rito sana na-bully na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD