7

2367 Words
DEBBIE'POV "NAINTINDIHAN niyo ba mga sinabi ko?" tanong ni tita Linda sa amin ni Ling. Nagkatinginan naman kaming dalawa, sa totoo lang wala kaming naintindihan, bukod sa ang gulo ni tita, ang bilis pa niya magsalita. Pupunta kasi kami ni Ling sa mall ngayon para bumili ng mga gamit niya para sa first day of school niya bukas. At dahil newbie kami rito sa Manila, tinuturo ni tita sa amin ang direksyon papunta roon at kung anong sasakyan namin. "Oo 'ta, naintindihan ni Debs." Napalingon naman ako sa sagot ni Ling. Pinanlalkihan niya pa ako ng mata. "Sana true," bulong ko na lang. Siniko niya ako ng mahina. "Mag-oo kana lang Debs para makaalis na tayo," mahinang sabi nito. May ginagawa rin kasi si tita kaya hindi niya napapansin ang bulungan namin. Humarap siya ulit sa amin. "Mas mura sana kung jeep ang sasakyan niyo, kaya lang hindi lang isa ang kailangan niyong sakyan at baka kung saan pa kayo makarating... Kapag taxi naman diretso na sa mall, medyo mahal nga lang," paliwanag ni tita sa amin. "Okay na iyon 'ta. Tatawad na lang kami kung p'wede," sagot ng katabi ko. Hindi ko alam kung saan 'to kumukuha ng sa lakas ng loob. Nanunuod lang ako sa kanilang dalawa, medyo naiilang pa rin kasi ako kay tita Linda. Sigurado rin naman kasi akong alam ni Ling ang gagawin namin. At kapag naligaw kami siya ang may kasalan. "Kung p'wede ko nga lang kayo samahan, kaya lang may pasok ako ngayon." "Huwag na 'ta, kaya naman namin. Gala kaya kami ni Debs sa probinsya." Inakbayan pa talaga ako ng loka. Napatingin ako kay Ling. "Nandamay ka pa. Ikaw nga lang iyon." Kumunot naman ang noo ni tita Linda. Wrong move si Ling. "Ikaw Analie, sinasabi ko sa'yo, pag-aaral ang pinunta mo rito, ha?" Hindi ko naman mapigilang matawa, proud pa kasi na gala siya. Magkasalubong na tuloy ang kilay ni tita dahil sa sinabi niya. Kamot-ulo na lang siyang tumango. "Opo 'ta." "Sige na, larga na kayo para makauwi kayo ng maaga. Mag-ingat kayo, ha!" "Sige po," ako na ang sumagot dahil nakasimangot na iyong isa. Nang makalabas ng bahay, pumara kami kaagad ng taxi. Napapikit ako ng makapasok sa loob nito, feeling ko masusuka ako sa amoy ng aircon. Hindi naman kami nagpahalata na bagong salta lang kami rito, paalala rin kasi sa amin 'yan ni tita Linda. Maganda na rin iyong nag-iingat. Binanggit ni Ling iyong pangalan ng mall na pupuntahan namin. Ilang minuto lang ay nakarating din kami. Tama nga si tita Linda, medyo masakit sa bulsa ang pamasahe. Buti na lang at may bawas kahit paano, mabait naman kasi iyong driver. Nang makababa hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Lalo na sa mall na nasa harapan namin. Sobrang laki ng pagkakaiba sa mall namin sa probinsya. "Exciting naman 'to," excited na bulong ni Ling. "Oo, exciting din iyong magagastos mo. Ang mamahal kaya ng tinda rito, dapat nag bangketa kana lang." "Sa national bookstore naman ako bibili. Chill ka nga muna Debs, enjoy natin 'to." Hinayaan ko lang siyang hatakin ako kung saan, wala naman akong bibilhin dito. Sinamahan ko lang talaga siya. Enjoy din naman kahit window shopping lang ang ganap namin. Lahat ng store na magugustuhan namin pinapasok namin, pero hindi kami bumibili. At sa wakas nakarating din kami sa aming pakay, hindi katulad ng inaasahan ko medyo mura naman iyong ibang tinda rito. Kinuha na ni Ling lahat ng kailangan niya at nagbayad sa counter. "Gusto ko ng sundae," sambit ko nang makalabas na kami sa store. "Tara, libre kita." Para namang nabuhayan ako sa sinabi niya. Kaagad kaming naghanap ng fastfood chain, bumili kami ng burger at sundae. At syempre ang maganda kong pinsan ang nagbayad. Nag take out na lang kami, gusto rin kasi namin maglibot habang kumakain. Napansin ko naman na parang may hinahanap si Ling, humahaba kasi iyong leeg niya. "Anong meron?" usisa ko. Nakangitin siyang tumingin sa akin. "Iyong nakakausap ko sa roleplay world.. nasa mall siya ngayon." "Magkikita kayo? Kaya pala gusto mo rito, ha" "Hindi 'no. Nabanggit niya lang sa akin, hindi ko naman alam kung anong mall." "Bakit hinahanap mo? Nakita mo na ba itsura niya?" sunod-sunod na tanong ko. "Hindi pa. Bawal sa amin iyon." Napataas naman ako ng kilay. "Hindi mo pala alam itsura, bakit hinahanap mo?" Sumubo muna siya ng sundae. "Nagbabakasakali lang naman." "Hinahanap mo iyong never mo pang nakita? Lakas mo, ha? Malala kana Ling, baka inlove kana sa shanbu na 'yan." "Shamoon hindi shanbu," pagtatama niya. Nakakalito kasi iyong pangalan. Tunog arabo pa, baka arabo nga talaga? "So in love kana nga sa mystery guy na kausap mo?" Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi niya. "H-hindi 'no. Nakakatuwa lang siya kasi lagi niyang sinasabi sa akin iyong mga ganap sa buhay niya." Ramdam ko sa boses niya 'yong pagpipigil ng kilig. "Talaga ba Ling?" pangaasar ko. "Opkors, ang dumi ng brain mo." At dahil masarap siya asarin. Sinundot ko pa siya sa tagiliran. Para kaming batang naghaharutan habang naglalakad. Hindi tuloy namin namalayan na may mababangga na pala kami. Pangalawang beses na 'to, pero mukhang kabaliktaran 'to ni Felienne. "W-what the hell!" bulalas ng babaeng nabangga ni Ling. Sabi na e', patay na talaga kami. Nakatingin siya ngayon sa damit niyang natapunan ng sundae. "Sorry, hindi--" "Don't you dare touch me!" akmang pupunasan kasi ni Ling iyong damit ng babae. Nagulat naman ako sa pagsigaw nito, kahit si Ling halata na iyong kaba sa mata. "Pasensya na," humingi na rin ako ng sorry, pinagtitinginan na kasi kami sa lakas ng boses ng babaeng nasa harap namin. Hindi ko naman siya masisisi pero hindi naman siguro niya kailangang sumigaw. Isang matalim na tingin ang binigay niya sa akin. "Matatanggal ba ng sorry mo iyong mantsa na ginawa ng kasama mo sa damit ko? Mga stupida kasi. All of places dito pa maghaharutan! Alam niyo ba kung gaano kamahal 'tong damit ko?" bigla siya ngumisi pagkatapos ay tinignan kami mulo ulo hanggang paa. "Huwag niyo ng sagutin halata namang hindi niyo kayang bayaran." Naningkit naman iyong tenga ko sa mga sinabi ng babaeng 'to. Nagkamali kami, humingi naman kami ng sorry pero parang sobra naman 'to magsalita. Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Ling. "M-magkano ba 'yan?" tanong niya rito. Tumawa naman iyong dalawang kasama ng babae na nasa likod niya. "Are you serious?" Iyong babaeng maiksi ang buhok. Isa siya sa kasama ng babaeng natapunan ng sundae ni Ling. "Do you have hundred thousand?" dagdag pa nito. H-hundred thousand? Wait, tama ba pagkakarinig ko? "Based on their looks? I don't think so," sagot naman ng isa pang babaeng kasama nito. Para siyang model sa tangkad. "Hundred thousand 'yong d-damit mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Ling. "Mas mahal pa sa buhay mo.." seryosong tugon nito. Ano raw? "Pasalamat ka may sinusundan akong mahalagang tao. Kung hindi, pagsisihan mo talagang nabangga mo ako," dagdag pa nito. Pagkatapos ay lumayas na sila sa harap namin at binigyan kami tingin na parang nakakadiri kami. Napansin ko naman na nakayuko si Ling. Kaya hinawakan ko siya sa braso. "Oks ka lang? Grabe! Ang sarap sambunutan! Kung makapagsalita, naiinis ako promise!" Hinawakan niya ako sa kamay. "Kasalanan ko rin naman." "Kasalanan natin tangeks.." pagtatama ko. "Hayaan mo na nga iyon! Porket mamayaman, ang yabang." "Nanghina ako Debs. Akala ko magbabayad na talaga ako ng hundred thousand. Saan ko kukunin iyon? Mapapatay ako ni mama kapag nangyari iyon!" Bago pa siya mag hysterical, inawat ko na siya. "Kalma ka nga. Naniniwala ka talaga sa sinabi ng babaeng iyon? Ano iyong damit niya gold?" "Nakita mo ba mga itsura nila? Obvious naman na mga anak mayaman sila. Lalo na iyong natapunan ko! Sayang pa iyong sundae, wala pa nga sa kalahati natapon na." Sabagay, ang gaganda nga nila, e'. Kaya lang masama ugali! Katulad na lang ng dalawang babaeng nilait ako sa university nang nakaraan! Bago pa ako mainis lola, hinarap ko na lang si Ling. "Hayaan mo na nga iyon. Kung talagang mayaman siya, edi bumili siya bagong damit. Kukumpara niya pa sa buhay mo! Nakakainit ng ulo, sarap ulit tapunan ng sundae sa mukha. Kaya lang sayang." Oo, mas nanghihinayang pa ako sa sundae kesa sa damit niya. Pero seryoso kinabahan din ako. Paalis na sana kami sa puwesto namin ng may marinig kaming pamilyar na boses. "Hey! I know you guys!" Sabay kaming napalingon ni Ling sa pinanggalingan ng boses. Teka? "It's me Felienne!" Kinaway niya pa iyong dalawang kamay niya. Nakangiti siyang lumapit sa amin at niyakap kaming dalawa. Nagulat pa ako sa ginawa niya. Nagkatinginan pa kami ni Ling. Bigla na naman pumasok sa isip ko iyong nangyari noong sinamahan ko si Ling sa university na papasukan niya. Baka masabihan na naman akong user at cheap ng kung sino dahil dito. "H-hello," naiilang na bati ni Ling dito. Tanging pag ngiti na lang ang ginawa ko. Medyo naging allergic na kasi ako sa mga mayayaman. Iba naman si Felienne sa kanila pero hindi ko alam, siguro naiinis lang ako ngayon dahil sa nangyari kanina. "Hindi pala ako nakapagpakilala ng maayos sa inyo noon. Buti na lang nakita ko kayo ulit." Halata sa mukha niya iyong saya. "By the way, I am Felienne. Kayo?" pagpapakilala nito. Nagpakiramdaman muna kami ni Ling kung sinong unang sasagot. Pero nang mapansin kong nag-aantay na si Felienne sa sagot namin, ako na iyong nauna. "Debbie." maiksing tugon ko. "I'm Analie, pero Ling na lang." "Cool! Alam na natin name ng isat-isa." Napangiti na lang kami. "By the way, ano palang ginagawa niyo rito? Namimili din ba kayo for first day of school? Nakabili na ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito. "Oo, kakatapos lang namin mamili." Si Ling na iyong sumagot. Ngumiti naman si Felienne na para bang may naisip siya na kung ano. "Then p'wede ko ba kayong yayain na kumain? Treat ko!" "Sayang naman, kaya lang pinapauwi na kami." "Talaga? Nakakahiya naman." - Ling. Sabay na sabi namin ni Ling. Nakatinginan kaming dalawa at binigyan niya pa ako ng kakaibang tingin. Habang si Felienne halatang naguguluhan. Ngumiti ako. "Pinapauwi na kasi kami. Atsaka nakakahiya naman baka may kasama ka." Para namang nalungkot iyong ekspresyon niya. "Iyong dalawang friend ko lang naman kasama ko. Wala naman din problema sa kanila kung isasama ko kayo." Parang nakokonsensya tuloy ako! Pansin ko rin na iba na iyong tingin ni Ling sa akin, parang may gusto siyang malaman. "Pasensya na, Felienne. Kailangan kasi talaga namin na umuwi na." Sinungaling pa more Debbie! Mukhang naintindihan niya naman. "Okay lang, pero sana next time pumayag na kayo. Gusto ko kasi kayong maging kaibigan." Kaibigan? Kami? Bakit? Gusto ko sanang tanungin 'yan kaya lang baka humaba pa ang usapan. "Sige, hindi na kami tatanggi next time." Tanging nasabi ko na lang. Alam ko naman na hindi na kami magkikita. Sila ni Ling, p'wede pa. "Tatandaan ko 'yan. So paano ba iyan? I need to go na, baka hinahanap na ako ng dalawa. Ingat kayo sa pag-uwi, it was nice talking to the both of you!" Pagkatapos ay niyakap kami ulit ni Ling. Pinanuod lang namin siya maglakad palayo. Nang mawala na siya sa paningin namin ay humarap si Ling sa akin. "Anong meron? Hindi pa naman tayo uuwi, parang iniiwasan mo si Felienne." "Wala. Nakakahiya lang kasi, hindi pa naman natin siya close ng ganun..." pagsisinungaling ko. "Atsaka baka may makakita na naman at kung anong sabihin," pabulong kong sabi. Kumunot naman iyong noo ni Ling, mukhang narinig niya nga. "Anong sabi mo? May hindi ka sinasabi sa akin Debbie, anong problema?" At dahil alam kong hindi na niya ako titigilan sa pagtatanong, kinuwento ko sa kaniya kung anong nangyari nang pumunta kami sa university. Tama nga ako, gigil si ate Ling niyo. Nawalan na raw kasi siya ng gana gumala kaya nag-aya ng umuwi. Pagkadating sa bahay akala ko magiging okay na siya pero hindi pa rin. "Ano bang itsura ng dalawang iyon? Kapal ng mukha nila pagsabihan ka ng ganun. Makita ko lang sila sa university, hahampas ko sa kanila iyong bag mong sinabihan nila ng cheap." Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na sinabi ko sa kaniya o hindi. Oks na rin iyon para makaiwas siya sa dalawang iyon. "Kalma pinsan, scholar ka bawal magkaroon ng bad record. Baka ikaw hampasin ng mama mo." "Nakakainis e'! Dapat kasi sinabi mo sa akin kaagad, edi sana naabangan natin sa labas." Tuluyan na akong natawa. "Gigil na gigil? Bakit kanina hindi ka naman ganiyan." pagtutukoy ko sa sundae scene na nangyari sa mall. "Kanina naman, may kasalanan naman talaga ako. Pero iyong nangyari sa'yo, may nagawa ka ba sa kanila? Wala 'di ba? Tapos bigpa silang aarte ng ganun, porket mayayaman!" Napailing na lang ako kay Ling. "Nakikita ko sa'yo si tita, magaling ka rin pala mag-rap." Tinarayan naman ako ng loka. "Seryoso ako. Kung si mama 'yan, baka sinugod pa sila." Naiisip ko pa lang na ganun mangyayari, sumasakit na ulo ko. Ayaw pa naman ni tita na may umaapi sa amin. Iyong girlfriend nga ni Guian na namahiya sa akin, nalaman ko na lang na sinugod niya pala. Sobrang suwerte ko talaga sa pamilya ko. "Salamat," nasabi ko na lang bigla. Nagtataka naman na tumingin si Ling sa akin. "Pinagsasabi mo?" "Ramdam ko iyong concern mo sa akin." Umakting naman siya na parang nandidiri sa sinabi ko. Pero ang totoo alam ko kinikilig 'yan. Nagpipigil kasi niya ngiti. "Syempre, ganun talaga ang pamilya..." Tinaasan niya naman ako ng kilay. Nakangiti kasi ako sa kaniya. "Korni mo, Debs." "Pakiss nga Ling." Ngumuso pa ako. Kumunot naman iyong noo niya. "Para kang timang Debs." Lumayo siya sa akin pero sinundan ko siya. "Para kang tanga!" "Isa lang, choosy mo, ha!" Sumunod pa rin ako sa kaniya hanggang sa mauwi kami sa habulan. Nang mahuli ko siya, kaagad ko siyang tinadtad ng halik sa pisngi. "Tangna mo Debbie!" Napahalagakpak na lang ako sa tawa dahil sa reaksyon niya. Hanggang siya naman ang humabol sa akin. Nabangga ko pa iyong estante kaya nalaglag iyong mga gamit. Nagkatinginan pa kaming dalawa, mabilis akong tumakbo sa kuwarto namin at nilock ito. "Debbie!" sigaw niya. Natawa na lang ako, bahala siya maglinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD