6

2768 Words
CHADIE ACE MILLER'POV ISANG malakas na katok ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Padabog kong kinuha iyong unan sa gilid at tinakip sa tainga ko. Damn! I still want to sleep! Pipikit na sana ako ulit pero isang katok na naman mula sa pinto ang narinig ko. Kumpara sa nauna mas malakas na ngayon. At dahil naiinis na ako hindi ko na napigilan iyong sarili kong sumigaw. "What the heck! Natutulog pa iyong tao!" "Pasensya na po Sir. Pinapababa na po kasi kayo ng mommy niyo para mag breakfast." "Tell mom that I don't want to eat, gusto ko pang matulog!" singhal ko. "Pero pinapagising na po kayo, andito po kasi----" Hindi ko na pinatapos si manang sa sasabihin niya. "Wala po akong pakealam kung sinong pa ang dumating. Just leave me alone! Gusto ko pang matulog manang!" Napapakamot na ako sa sobrang inis. Baka iniisip niyo ang sama ko? ayoko kasing naiisturbo ako lalo na sa pagtulo. Sobrang sakit pa naman ng ulo ko. Late na kasi akong nakatulog dahil nag bar kami ng kaibigan kong si Shance kagabi, naparami ang inom namin. Medyo pagod din iyong katawan ko, hindi ko kasi inaasahan na mas wild pa sa akin iyong babaeng nakilala ko sa bar. Potek! "Sir? Pinapatawag na po talaga kayo." Sunod-sunod na katok na naman ang narinig ko. Nasambunutan ko na lang iyong sarili ko sa inis. Pumikit na lang ako. Mapapagod din si manang sa pagkatok. Gusto ko pa talagang matulog! "Lalabas ka ba sa kuwarto mo o sisirain ko 'tong pinto?" Napadilat naman ako ng mata nang makilala iyong boses nang nagsalita. "Ate?" nasabi ko na lang. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at patakbong tumungo sa pintuan. Muntik pa nga akong madulas sa pagmamadali. Nang mabuksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni ate Cha. "Did you missed me?" Hindi ko na siya sinagot. Mabilis ko siyang niyakap. "Wait, is this for real?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Damn! Ate Cha!" Pakiramdam ko nawala iyong antok at sakit ng buong katawan ko. Pasensya na ha? I'm proud ate's boy talaga. Kami lang kasing dalawa ang magkapatid, kaya sobrang close kami sa isat-isa. Not until she got married, naging madalas na lang ang pagkikita namin kaya sobrang miss ko siya. Lagi kasi silang out of the country ng kupal niyang asawa. Oo, kupal iyong asawa niya. "I missed you too!" Niyakap niya ako pabalik. Bumitaw na ako sa yakapan namin. "I thought next week pa ang uwi mo from state?" "Sobrang miss ko na kasi kayo nila mommy, especially you. I can't wait more days to be here." "Buti pinayagan ka ng asawa mong kupal na maunang umuwi." "Chadie, stop. Don't say that." suway niya sa akin. Natawa naman ako. "Just telling the truth." "I know, but he still my husband." "Okay, whatever." Naglakad ako paupo sa kama ko. Sumunod naman si ate Cha sa akin. Hindi ko naman inaasahan ang ginawa niya, bigla niya piningot iyong tainga ko. "Ouch! Ate Cha!" hiyaw ko sa sakit. "Kailan ka pa natutong uminom, ha?" Nagulat naman ako pero hindi ko pinahalata. "W-what? I don't know what you're talking about." "Talaga?" Mas lalo niyang tinaas iyong tainga ko. "Mommy si ate!" Parang batang sumbong ko kahit alam kong imposible na marinig ako. Natatawa namang na binitawan ni ate iyong tainga ko. "Masakit 'no? Mas masakit pa rin iyong mga ginagawa mo sa babae, akala mo ba walang nagsusumbong sa akin ng mga ginagawa mo?" sermon nito sa akin. Hawak-hawak ko lang iyong tainga kong sigurado akong namumula ngayon. "Sino bang sinungaling ang nagsumbong sa'yo?" tanong ko. "Hindi ako nanakit ng babae. Sa totoo nga lang pinapaligaya ko sila for having me kahit na saglit lang. Suwerte na sila kung tutuusin kasi pinagbibigyan ko lang sila ng makasama ang katulad ko," dagdag ko pa. Nakatikim naman ako ng hampas sa balikat. "Kung sipain kaya kita?" banta pa nito. "Ate naman! Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos ang sunget mo pa. Hindi mo ba namiss ang guwapo at hot mong kapatid?" Nagkagat labi pa ako pagtapos ay kumindat. "Hindi." Mabilis na sagot nito. Umakting ako na parang nasaktan. "Grabe ka ate Cha, you're so mean." "Hindi ka guwapo at hot pero namiss kita." "Okay na sana," reklamo ko. "Here, para mawala tampo mo." Isang paper bag ang inabot sa akin ni ate. Nanlaki naman iyong mata ko ng makita iyong loob nito. "Wait, Montblanc pen ba 'to?" paninigurado ko. "To see is to believe." Maingat ko 'tong nilabas sa paper bag at dahan-dahang binuksan. Halos mapanganga ako ng makumpirmang totoo nga. "Oh my god! Para sa akin ba 'to?" pinipigilan ko iyong sarili kong huwag sumigaw sa saya. "Hindi, pahiram ko lang," seryosong sagot ni ate, nawala naman iyong ngiti sa labi ko. "Joke lang! Of course that yours." Tinignan ko pa siya kung nagsasabi talaga ng totoo. Nakangiti lang siya sa akin kaya ibig sabihin totoo nga! Damn, I'm so happy. Hilig ko kasi mangolekta ng pen. Matagal ko ng gustong bumili ng Montblanc kaya lang laging out of stock dahil limited edition lang. At ngayon meron na ako! Sa sobrang saya niyakap ko kaagad si ate. "Magpasalamat ka, client namin iyong isa sa nagtratrabaho sa company ng brand na 'yan." "Thank you ate! Thank you, thank you!" Hahalikan ko pa sana siya sa pisngi pero nilayo lang nito iyong mukha niya sa akin. Napansin ko naman iyong mga bitbit ng katulong namin na nasa likod niya. "Don't tell me this "Give this to Felinne.." Inabot niya sa akin iyong box ng isang luxury brand. "And this is for Shance, nahirapan akong maghanap niyan. Sabihin mo na rin sa kaniya may pirma na 'yan ng lodi niya." Bigla naman akong nacurious kaya bubuksan ko na sana pero hinampas ako ni ate. "That's not yours! Uunahan mo pa iyong kaibigan mo." "Titignan ko lang naman." "Ipaabot ko na lang kaya sa driver, baka mamaya hindi mo ibigay." "Sobrang masaya na ako sa pen na binigay mo, hindi na ako mag-iinteres sa regalong 'to." "Talaga ba?" Tumango-tango ako. "Yes, sis." "Edi good." "Magkikita rin kaming tatlo mamaya kaya ako na lang magbibigay." "Oo nga pala may pasok ka today." Tumango-tanga pa siya pero bigla na lang tumaas ang kilay niya at piningot na naman ako. "Aray! Ano na naman ba!" "Nagpakalasing ka kagabi kahit alam mong may pasok ka kinabukasan? Kahit kailan ka talagang bata ka!" Kaagad akong lumayo sa kaniya nang bitawan niya ang tenga ko. "Hindi naman ako nagpakalasing kagabi, atsaka papasok naman ako ngayon!" sagot ko. Pakiramdam ko matatanggal na iyong tenga ko! "Okay sabi mo. Just take care." At ngumiti pa talaga siya ng malapad. Napairap na lang ako sa pagiging baliw ni ate Cha. No wonder magkasundo sila ni Felienne, pareho silang amazona. "SUP, Fe!" bati ko kay Felienne nang makalapit ito sa amin. "Namiss ka namin." si Shance. Natatawang inirapan naman siya ni Felienne. "Excuse me, magkasama lang kaya tayong tatlo kahapon." Inakbayan ko naman siya. "Totoo ba ang narinig namin, may mga new friends kana?" Natawa naman si Shance. "Himala kung mangyari 'yan." "Bilis naman kumalat ng balita. Sino na naman nagkuwento sa inyo?" tanong niya sa amin pabalik habang nakataas ang kilay. Nagkatinginan lang kami ni Shance. "Bakit ko pa ba itatanong? Eh, it's obvious naman. By the way to answer your question, yes, but not yet. And sana nga. I want to be their friends." Nakangiti na siya habang sinasabi iyan sa amin. Bukod sa reaksyon niya nagulat din kami sa sagot niya. Grade school palang kasi magkakaibigan na kaming tatlo. Si Felienne ang only girl sa grupo at sa ilang taong pagkakaibigan namin never siyang nagkaroon ng friend beside us. Well, ganun din naman kami. I'm good na sila lang ang kaibigan ko— ang mga best friends ko. Natawa na lang ako. "Anong nakain mo? Naging college ka lang naging friendly kana?" pang-aasar ko. Mabilis na bumalik ang masungit nitong mukha. "Nakakasawa na kasi kayo," mabilis na sagot niya. Nagkatinginan naman kami ni Shance, sumenyas ako sa kaniya na alam na niya ang ibig sabihin. Pagkatapos ay sinunggaban namin ng yakap si Felienne. "Ganun, ha!" si Shance. "Can't breath." reklamo ni Felienne habang pilit kumakawala sa yakap namin. Ganito talaga kami more than a bestfriend din kasi ang turing namin sa isat-isa, para kaming magkakapatid. Nang marealize na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante, bumitaw na ako. "Ano nakakasawa pa rin ba kami?" pang- aasar ko pa. "Pagkatapos ka naming samahan sa enrollment mo sasabihan mo kaming nakakasawa! Grabe." dagdag ni Shance. Natatawa niya lang kaming inirapan. "Yo, baby!" "Shance my loves!" Dalawang babae ang lumapit sa amin. Iyong isa ay agad na pinulupot ang braso sa akin. Habang 'yong isa naman ay mabilis na yumakap kay Shance. "Sino ka?" tanong ko at agad na kinalas ang nakapulupot na braso sa akin. Nag-pout naman 'yong babae, she looks familiar. "Its me, Dana. Remember? Cinema?" kinagat pa niya ang labi. Lumapit naman si Shance sa akin at bumulong. "Sila 'yong nasalubong natin sa mall kahapon." Bigla ko namang naalala kung paano namin sila nakilala at ang ang mga nangyari sa loob ng Cinema. Tumikhim naman si Felienne na nasa gitna namin at kitang hindi na nagugustuhan ang naririnig. Kamot ulo akong umakbay kay Felienne. "Yeah, naalala ko na." I smiled. "By the way, this is Felienne. Our best friend." tumingin pa ako kay Shance. Lumapit si Dana kay Felienne at akmang makikipag beso pero lumayo ito. "I don't make beso with strangers." sarcastic na sambit ni Felienne. Pinipigilan ko namang wag matawa kahit si Shance ay napatakip na lang ng bibig. Sanay na kaming ganito si Felienne lalo na pag hindi niya kilala. Kaya nagulat nga kami kung paano niya patunguhan 'yong dalawang babae kanina. Pinulupot ulit ni Dana 'yong braso niya sa akin. "Well I'm not just a stranger, I'm your best friends girlfriend." Hindi na ako nagulat, lahat naman ng babaeng nakaka-fling ko ganito ang sinasabi. "You're not the first one who said that," pang-aasar ni Felienne rito. Mukhang hindi naman nagustuhan ni Dana iyong narinig. Kaya tinignan niya ako ng masama, isang matamis na ngiti lang ang binalik ko sa kaniya. “I thought you are serious to me." "Sorry to burst your bubbles girls, pero my friends didn't know the word serious." Pinagdiinan niya pa iyong huling salitang binigkas niya. Nagkatinginan naman kami ni Shance na parehong nagpipigil ng tawa pero naawa rin kami sa dalawang babaeng 'to. Hindi naman kami p'wedeng kumontra, basta si Felienne walang makakapigil. Nakita ko naman kay Dana ang inis dahil sa sinabi ni Felienne. Tinaasan niya 'to ng kilay at ngumisi. "You know, kanina ka pa sumasabat! Who are you ba para sabihin iyan? Don't tell me you like your friends kaya sinasabi mo iyan. I am right?" Bigla namang tumawa si Felienne ng malakas. Iyong tawa na parang nang-aasar kahit kami ni Shance napapailing. "Wait? Itong dalawang 'to gusto ko?" Tinuro niya kami pagkatapos ay tinignan na parang nandidiri. "Kadiri... Never! Gusto niyo inyo na iyang mga iyan. Sa lahat ng narinig ko sa buong buhay ko iyan iyong pinakanakakatakot. Swear." Grabe! Kung kanina natatawa kami ni Shance ngayon parang pakiramdam ko nainsulto pagkatao namin. Kaibigan ba talaga namin 'tong babaeng 'to? "If that so, then shut up. Hindi ikaw ang pinunta namin rito." Iyong kasama ni Dana na ka-fling naman ni Shance. "Kayo rin, bahala kayo." Bakas sa tono ng boses ni Fe ang pang-aasar. Hindi na siya pinansin nang dalawa, lumapit ito sa amin. Pinulupot na naman ni Dana iyong braso niya sa akin pero mabilis kong tinanggal. Naiirita na kasi ako at pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante. "I'm sorry Dana. I only know how to play, being serious is not my thing." Ngumiti pa ako ng malapad sabay hawak sa pisngi niya. Kita kong nasaktan siya sa sinabi ko, pero anong magagawa ko? I'm just telling the truth. Besides, hindi naman ako nagbigay ng malisya sa kaniya. Hindi ko na siguro kasalanan na nahulog siya katulad ko. Well, wala namang bago sa part na iyan she's not the first one. "I.. I hate you!" Parang maiiyak na singhal nito. Mabilis siyang umalis sa harap ko kasama iyong kaibigan niyang broken din dahil kay Shance. "I felt bad for them.." Naiiling na bulong ni Fe. "Magbago na nga kayong dalawa," dagdag nito na nakatingin sa amin ng masama. "Bakit kami? Hindi naman namin kasalanan na nahuhulog sila sa amin." Siniko ako ni Shance ng mahina. "Right bro?" proud pa na tanong nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Shance. "Yes. Mga guwapo kasi mga best friend mo kaya ganun." "Saan banda? Nakakasawa na nga kayo kasama," walang prenong sagot nito na parang hindi kami kaibigan. "Kaya may new friends kana?" Kunwaring nagtatampong tanong ko. "Sort of." "Grabe bro! Pagpapalit na talaga tayo ni Felienne. Hindi man lang pinag-isipan ang sagot." Umakting pa si Shance na parang nasaktan sa sagot ni Fe. May naalala naman ako bigla. Gumaganiyan kana, ha. Tignan natin Felienne. May kinuha ako sa bag ko."Ganun?After how many years na pinagsamahan nating tatlo?" Binago ko pa iyong tono ng boses ko na parang nanghihinayang. "Sayang may pinapabigay pa naman si ate Cha sa'yo. Nakalimutan kong sabihin, nakauwi na pala siya kanina." Inabot ko muna kay Shance iyong pinabibigay ni ate sa kaniya. Tulad ng inaasahan, sobrang saya ng loko. Hindi pa siya makapaniwala. "For real bro? Damn! Finally, matagal ko ng gustong bilhin 'to pero hindi ako pinagbibigyan ni dad dahil sa mga grades ko." Natawa naman ako sa reaksyon niya. Sa totoo lang afford naman niyang bumili niyan, hindi lang siya pinagbibigyan dahil matigas ang ulo. Actually pareho naman kami, pinagkaiba lang may ate akong mahal na mahal ako. "Where's mine?" Napalingon ako kay Fe na parang may hinahanap sa akin. "Impossible naman na si Shance lang may pasalubong, love na love kayo ako ni ate Cha." Nilabas ko iyong box sa bag ko at pinakita sa kaniya. "Pere sabi mo sawa kana na maging kaibigan kami? Kaya nga may mga new friends kana," tugon ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Anong connect? Si ate Cha naman nagpapabigay niyan sa akin." "Kung ibibigay ko sa'yo," pang-aasar ko. Kita ko naman na parang naasar na siya. "Chadie! Give that to me." Ngumisi lang ako. "Why would I?" "Sumbong kita." Nanakot pa talaga. "As if I'm scared." Akala ko maasar na siya pero biglang nagbago iyong timpla niya. "Joke lang naman iyong sinabi ko kanina. Feel ko lang maging friends iyong dalawang girl, pero kayo pa rin ni Shance ang bestfriends ko." Pagkatapos ay ngumiti siya ng malapad. "Sabay ganun? Kung pagtabuyan mo kami kanina." Singit ni Shance na nasa pasalubong pa rin sa kaniya ang atensyon. "Shut up, Shance. Butasin ko iyang bola mo." Banta ni Fe rito. Natawa naman ako dahil kaagad na tinago ni Shance iyong bola niya. "Parang kaya mo naman, Fe." "Oo, hindi ko kaya pero si tito sure akong kaya niya." Pagtutukoy nito sa papa ni Shance. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa reaksyon nito. Malaki talaga takot niya kay tito. "Huwag naman ganiyan, Fe." Humarap sa akin si Shance. "Bigay mo na bro. Hindi naman tayo ipagpapalit niyan, mahihirapan na siyang humanap ng guwapong kaibigan." "Pinagpapalit na nga tayo," Kunwaring disappointed na sagot ko. Isang batok naman ang binigay ni Fe sa akin. "Why so drama Chadie? Hindi bagay sa'yo. Ibigay mo na lang sa akin iyan kung ayaw mong isumbong kita kay ate Cha about sa nangyari a minutes ago." At tinakot pa talaga ako. Kapag sinumbong ako nito baka makatikim na naman ako ng pingot, ang mas malala baka bawiin pa iyong pasalubong niya sa akin. Kaya wala na akong nagawa, binigay ko kay Fe iyong para sa kaniya. Parang nagningning naman iyong mata niya sa nakita. "Talo talaga tayo sa kaibigan natin na 'to, bro." Bulong ni Shance sa akin. "Makakabawi rin tayo diyan kapag may nanligaw sa kaniya." Sinadya kong lakasan iyong boses ko kaya tinignan kami ni Fe. "At bakit?" panghahamon nito. "Bubugbugin namin sa harap mo," diretsong sagot ko. Tumawa naman siya. "Kung magpapaligaw ako." Syempre tumawa rin ako. "Oo nga pala, asa ka rin na may manliligaw sa'yo." Pang-aasar ko. "Sa sungit mong iyan? Malabo pa sa malabo," dagdag naman ni Shance. Unti-unti namang kumunot ang noo ni Fe sa sinabi namin, kaya bago niya pa kami masambunutan tumakbo na kami palayo. "Bumalik kayo rito!" Narinig na lang naming sigaw ni Fe. Tuluyan na kaming natawa ni Shance. Binibiro lang naman namin siya, sadyang pikon lang talaga kaya ang sarap asarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD