Hindi na mabilang ni Sheryll kung nakakailang bote na siya ng beer ng mga oras na iyon, natagpuan na lang niya ang sarili na sa bar na pinuntahan nila ng mga kaibigan ng wala sa oras sa sobrang sama ng loob, pakiramdam niya kasi ay doon siya magagawang matanggal ang nadarama. Wala siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kung hindi ang uminom muli upang kahit papaano ay makalimot at lunurin ang sakit na walang tigil na sumasaksak sa kanya. "Hey!" Napalingon na lang si Sheryll nang maulinigan ang isang malalim at pamilyar na boses, doon tila huminahon ang kanyang pakiramdam at kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob. "Uy!" masaya niyang tugon nang makasigurado kung sino iyon. "Celebrating again?" biro nitong sambit sabay upo sa kanyang harapan. "Yes!" Itinaas niya na la

