"You may now kiss the bride." Ganoon na lang ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Hindi mapigilan ni Sheryll ang kumawala ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang bagong kasal, kahit pa todo na ang pagpipigil niya sa pag-iyak. Parang mayroon kasing maliliit na karayom ang tumutusok sa kanyang dibdib habang pinanonood ang mga ito, may bahid ng inggit sa kanyang pakiramdam ngunit naroon din ang bahagi niya na masaya para sa dalawa. "Congrats friend, I'm happy for you!" salubong niya na lang dito nang makalapit. "Sa..salamat Sheryll," nanlalaking matang sambulat ni Celina. Natawa na lang siya sa gulat na mukha nito. "Congrats po sir," bati niya na lang sa napangasawa nito. "Thank you," nakangiting baling nito sa kanya. Tuwangg-tuwang napapalakpak na lang siya nang makita

