CHAPTER 7 - RICKY AND KIMBERLY'S POV

2250 Words
Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay si Kimberly na yata ang naiiba sa lahat. Dahil bukod sa maganda na ito ay ramdam ko rin na may pagtingin din siya sa akin, kahit pa kakapagkilala lang namin na dalawa. Hindi ko lubos maisip nang dahil sa pagkakatapon nito ng bagoong sa damit ko ay makakasama ko siya nang matagal sa loob ng motel. "Mahal mo na siya, Ricky," bulong ng isip ko habang pinagmamasdan ko maamong mukha ni Kimberly. Kanina pa ako itinataboy ni Kimberly pero hindi ko ito sinusunod. Dahil ayaw kong umalis na hindi nito sinasagot ang tanong ko. "Ricky, inaantok na ako. Wala ka bang balak umalis?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako at umiling. "Ang sabi ko sa 'yo hindi ako aalis. Hangga't hindi mo sinisigurado sa akin na girlfriend na kita," sabi ko habang nakatitig sa kanya. Sumimangot si Kimberly. "Ang daya mo naman, kakikilala lang natin. Tapos ang gusto mo sasagutin agad kita," reklamo niya. Tumayo ako at hinapit ko siya sa kanyang beywang. "Bakit hindi? Pumayag ka na nga na halikan kita kanian," bulong ko sa may tainga niya habang hinahaplos ko ang kanyang pisngi na ngayon ay pulang-pula na. "Ricky, papayag ba ako, kung wala akong pagtingin sa 'yo?" sabi niya, dahilan upang lumundag ang puso ko sa tuwa. Ngumiti ako at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Eh, 'di ang ibig mong sabihin tayo na?" paniniguro ko. Tumango siya at ngumiti. "Oo, tayo na. Kung 'yon lang makakapagpaalis sa 'yo." pabirong sabi ni Kimberly sa akin. "Talaga lang huh." tanging tugon ko at hinawakan ko ito sa baba. "Masaya akong nakilala kita, at sisiguraduhin ko sa'yo na matutunan mo din akong mahalin." at muli ko itong siniil ng halik Halik na mas malalim at may pagmamahal. Habang magkahinang ang aming mga labi ay malayang nag e-espadahan ang aming mga dila sa loob nito. Naramdaman kong ikinawit nito ang kanyang mga braso sa batok ko. Habang naghahalikan kami ay tumingin ako sa paligid ng makita kong walang tao ay pinangko ko ito at dinala ko sa likod ng bahay nila na nakukubli sa dilim at patuloy kaming naghahalikan. Nang maging malikot ang aking mga kamay ay itinulak ako nito ng tangkain kong ipasok ang aking mga kamay sa soot niya "Ricky, masyado pang maaga para may mangyari sa atin." sabi nito. Ngumiti ako at niyakap ko ito. "Babe, I'm sorry, masyado lang akong nadala." hingi ko ng paumanhin dito. Huminga muna ito bago muling nagsalita. "Babe talaga ang endearment natin?" paninigurado nito. "Ayaw mo ba ng Babe, pwede nating baguhin." mabilis kong tugon. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. "Siguro naman, pwede ka ng umuwi." humigab ito. "Inaantok na kasi ako." sabi nito. Tumingin ako sa relo's ko at nagulat ako ng makita kong mag a-alas-dose na ng hating gabi. Tumingin ako dito at niyakap ko uli ito. "Sige, uuwi na ako. Pero bukas susunduin kita. Mag de-date tayo." sabi ko. "Oh, sige. Sunduin mo na lang ako dito bukas." mabilis nitong tugon. Kumalas ako ng pagkakayakap dito. "Aalis na ako." huminga muna ito. "I love you babe." sabi ko. Tumango ito, "I love you too, sige na umuwi ka na." taboy nito sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. "Oh sige na nga, uuwi na ako." sabi ko at hinatid ko na siya sa kanilang may pintuan. "Bukas ng umaga, andito na ako." sabi ko at tumalikod na ako upang pumunta sa aking sasakyan. Bago ako pumasok sa aking sasakyan ay nilingon ko ang bahay nila Kimberly, at nakita ko na nakatanaw parin ito sa akin. Ngumiti muna ako dito at sumenyas sa pamamagitan ng aking kamay bago ako sumakay ng sasakyan. Habang nagmamaneho ako pauwi ng bahay ay hindi mawala sa isip ko si Kimberly. Nabibilisan man ako sa pangyayari dahil naging girlfriend ko ang isang babaeng ngayon ko lang nakilala ay okay lang. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko ito. "Tama nga siguro si Pareng Eric, nahahanap ko din ang katapat ko." bulong ko sa sarili ko. Nang dumating ako ng bahay ay tulog na ang lahat, maliban sa kapatid kong babae na nakita kong naka siwang ang pintuan at kinakausap ang picture ng kaibigan kong si Eric. "Eric, sana mahintay mo akong mag dalaga." Kinig kong sabi nito at hinalikan nito ang picture ni Eric. Halos mapatawa ako sa reaksiyon nito ng magsalita ako. "Chantal, bakit hindi ka pa natutulog?" . "Ay kabayong bundat!" Kinig kong sambit nito. Tumingin ito sa akin ng madilim. "Kuya, naman, bakit ka bigla-bigla nagsasalita?!" inis nitong tanong. Pumasok ako sa kwarto nito at laking gulat ko na punong-puno ng picture ni Eric ang likod ng pintuan niya. Umupo ako sa tabi ni Chantal. "Bakit, hindi ka pa natutulog?" Tumingin ako sa mga picture ni Eric at sa malaking sulat na Eric love Chantal. "So, tama talaga ang hinala ko." sabi ko. "Kuya please naman, huwag mo akong isusumbong kila Mommy at Daddy, at lalong-lalo na huwag mong uulitin kay Eric ang nakita mo." sabi nito habang nahihiya sa pula. Bigla kong naalala si Kimberly na halos kasing edad lamang ito. "Promise, hindi kita isusumbong." ngumiti ako at hinaplos ko ito sa kanyang buhok. "Matulog ka na at maaga pa tayo bukas pa Manila." sabi ko at agad kong naalala na may usapan kami ni Kimberly bukas. "Chantal, sa isang araw na lang tayo pupunta ng Manila." sabi ko. "Oh sige Kuya, magpapaalam na lang ulit ako kay Mam." sabi nito. Tumango ako at hinalikan ko ito sa kanyang noo. "Matulog ka na, Good night." sabi ko at lumabas na ako sa kanyang silid. Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay agad akong naglinis ng katawan ko at humiga sa kama. Hindi ako makatulog dahil pumapasok parin sa diwa ko si Kimberly. "Mukang na love at first sight ka ah." sabi ng isip ko. Bumangon ako at kumuha ng beer sa personal ref ko. "Ano bang me'ron ka at ganito na lang ang nararamdaman ko?" tanong ko sa hangin. "f**k, mukang tinamaan ka talaga kay Kimberly." bulong ng isip ko. Ngumiti ako, "Kung may lalaanan man ako ng pagmamahal, siguro nga'y ikaw 'yon, Kimberly." bulong ko sa sarili ko at ininom ko na ang beer. Nang makaramdam ako ng antok ay agad akong humiga sa kama ko at natulog. KIMBERLY Hindi ako makatulog, dahil hindi mawala sa isip ko si Ricky. Hindi ko lubos akalain na si Ricky ang lalaking inaasam-asam ng kaibigan ko na makita dito sa Quezon. Ang Isa pa sa iniisip ko ay ang kaibigan ko dahil halata ko itong nagtampo sa akin. "Tama ba ang naging desisyon ko? Na sagutin agad si Ricky, kahit kakikilala lang namin. Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Na easy to get along babae." Mga tanong na naglalaro sa isip ko. Ang alam ko lang masaya ang puso ko sa naging desisyon ko. Habang nag-iisip ako ay dampi-dampi ko ang aking mga labi at ninalalasap ko parin ang sarap ng mga halik niya. Ngumiti ako ng maalala ko ng tuhurin ko ito kaninang umaga. Nakatulog akong si Ricky ang iniisip ko. Kinabukasan ay nagising ako sa isang malakas na sigaw. "Kimberly, gising na. Nasa baba na ang prince charming mo!" malakas na sigaw ni Chrezelle. "Huh!" tanging reaksiyon ko at nagtakip ako ng unan upang bumalik sa pagtulog ko. "Kimberly, kapag hindi ka pa bumangon diyan. Paakyatin ko si Ricky dito." Kinikilig na sabi ni Chrezell sa akin. Halos mapabalikwas ako sa sinabi ni Chrezell. "Ulitin mo nga ang sinabi mo." sabi ko. Ngumiti ito, "Ang sabi ko po. Nasa baba na ang prince charming mo. May pupuntahan daw kayo, pinagpaalam ka na niya Kay Tita Klarissa." seryosong sabi nito. "Bakit naman ang aga-aga niya pumunta dito?" tanong ko. Tumaas ang mga kilay nito. "Hoy, Kimberly, tanghali na po." sigaw nito. Pagkasabi nito ay tumingin ako sa orasan, at halos magulat ako ng makita ko na mag a-alas-diyes na ng umaga. "Tanghali na pala." tanging nasabi ko. Agad akong tumayo at kinuha ko Ang mga damit ko na susuotin at dali-dali na akong bumaba ng hagdanan papuntang banyo sa baba. Kababa ko lang ng hagdan ng makita ko si Ricky na masayang kausap kaibigan ko at si Nicole. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso ng makita kong masayang-masaya itong kausap si Carla. Hindi nito ako napansin pero bigla itong lumingon sa akin ng marinig nitong tinawag ni Mommy. "Anak, ang sabi ni Ricky ay may pupuntahan kayo. Pwede n'yo bang isama si Carla, ng makapamasyal naman siya." sabi ng Mommy ko. "Sige po," Tumingin ako kay Ricky na nakangiting nakatingin sa akin. "Maliligo lang ako." sabi ko at tinungo ko na ang banyo. Habang nasa banyo ako ay halos mang galaiti ako sa galit. "Hindi daw ako sasaktan, pero may kausap agad na iba!" inis kong bulong sa sarili ko. Hindi nagtagal ay nagbihis na ako at sinadya kong magsuot ng dress na aabot lang hanggang sa kalahati ng hita ko, at siniguro ko na lalabas Ang magandang kurba ng aking katawan. "Tingnan ko lang kung hindi ka pa maglaway sa akin!" Inis kong bulong sa sarili ko. Nang makalabas na ako ng banyo ay lumapit na ako sa kanila. "Mommy, alis po muna kami." pagpapaalam ako. "Anak, hindi ka ba muna mag a-almusal? Wala pang laman ang tiyan mo." sabi nito sa akin. "Sa labas na lang, Mommy." Sabi ko at lumapit na ako kila Ricky. "Tara na." walang buhay kong sabi. Tumango ito at nagpaalam sa Mommy ko. "Tita, alis na po kami." pagpapaalam nito na agad na tinanguan ng Mommy ko. Unang naglakad si Carla papuntang sasakyan ni Ricky at nagulat na lang ako ng bigla itong umupo sa unahan. "Kimberly, pwede bang dito na ako sa unahan umupo." sabi nito. Nagkatinginan kami ni Ricky at magsasalita na sana ito ng bigla akong nag salita. "Oh sige, dito na lang ako sa back seat." sabi ko at pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Habang nagmamaneho si Ricky ay pasimple itong tumitingin sa salamin, habang ako ay nakatingin sa labas. Nang mapansin ni Carla na nakatingin sa akin si Ricky ay bigla itong nag salita. "Ricky, ang ganda naman pala dito." patiling sabi nito. Ngumiti si Ricky. "Maganda talaga dito. Malamig pa ang simoy ng sariwang hangin." tugon ni Ricky "Ricky, pwede mo ba akong dalhin sa labat ng magandang pasyalan dito?" Mabilis na tugon ng kaibigan kong si Carla. "Sure, yon lang pala, walang problema." Tugon ni Ricky. "Talaga? Thank you." Sabi ni Carla at sabay hilig sa braso ni Ricky. Tahimik na lang akong nakinig sa kanilang dalawa habang ang mga mata ko ay nakatingin sa labas at pinipigil ko ang mga luha ko na nagbabadya ng pumatak. Hanggang sa itigil ni Ricky ang sasakyan. "Bakit andito tayo?" tanong ni Carla ng makitang itinigil ni Ricky ang sasakyan sa tapat ng Eljhe's Restaurant. Imbes na tugunin si Carla ay nilingon ako ni Ricky. "Kimberly, Kain muna tayo dito. At ng maipakilala ko din kayo sa mga kaibigan ko." sabi nito sa akin. "Okay." Tipid kong tugon sa malamig na boses ko at bumaba na ako ng sasakyan. Ganon na din ang ginawa nila at sabay kapit ni Carla sa braso ni Ricky. Nang makapasok kami sa restaurant ay lumapit kami sa isang grupo ng mg lalake. "Mga Pare, sina, Carla at si, Kimberly, girl...." Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng bigla akong masgsalita. "Kimberly, kaibigan ni Ricky." Sabi ko at diniinan ko ang salitang kaibigan. Ngumiti ang isang lalaki, "So, ikaw pala si Kimberly. I'm Eric, bestfriend ni Ricky. At sina, Jay, Michael at Herwin." pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ako, "Hi," tipid kong bati sa kanila ay umupo na ako. Umupo na rin si Ricky sa tabi ko habang si Carla ay sa kabilang tabi niya naman umupo. Masaya silang nagkukwentuhan ng magpaalam ako. "Punta lang ako sa banyo." sabi ko at tumayo na ako. Nang makarating ako ng banyo at ibinuhos ko na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nagseselos ako sa pagiging sweet nila sa isa't-isa lalo na at alam kong may gusto si Carla sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito sa loob ng banyo. Inayos ko ang sarili ko at ang mga mata ko ay binasa ko ng tubig. Nang makita kong wala ng mga bakas ng luha ko ay lumabas na ako ng banyo. Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng may biglang nagsalita sa baritonong boses nito. "Kim, bakit ang tagal-tagal mo sa loob?" tanong ni Ricky sa akin. Tumingin ako dito, "Bigla kasing sumakit ang tiyan ko." pagdadahilan ko na ang totoo ay umiiyak na ang puso ko. Tinitigan ako ni Ricky sa mga mata ko. "Umiyak ka ba?" seryosong tanong nito sa akin. Umiling ako. "Napuwing lang ako." pagtanggi ko dito. Maglalakad na sana ako pabalik sa pwesto namin ng hawakan ako nito sa kamay at hawakan ng isa niyang kamay ang aking baba at tinitigan ako. "Kahit hindi mo sa akin sabihin ang totoo. Alam kong umiyak ka." huminga ito. "Siguro nagseselos ka sa kaibigan mo?" Niyakap ako nito. "Ikaw ang gusto ko, hindi siya." seryosong sabi nito. Huminga ako, "Ricky, mababaw lang talaga ang mga luha ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito." pagtatapat ko. Matagal kaming magkayakap ng may biglang tumawag sa amin. "Pareng Ricky, Kimberly, lalamig na ang pagkain n'yo." tawag sa amin ni Michael. Naghiwalay kami sa pagkakayakap at magkahawak kamay kaming bumalik sa pwesto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD