CHAPTER 6 - KIMBERLY'S POV

2500 Words
Ilang oras na ako dito sa banyo pero hindi ko pa rin natatanggal ang mantsa ng bagoong sa letseng polo na ito. Ngumiti ako nang maalala ko ang ekstranghero na kasama ko ngayon. 'Pero infairness ang yummy ng katawan niya.' malanding bulong ng isip ko habang kinukusot ko ang polo. Maya-maya ay nakaramdam ako ng hapdi sa aking daliri at halos maluha ako nang makita ko ang aking mga kamay na nagsusugat na. Hindi ako marunong maglaba kaya kung p'wede ko lang siya bilhan ng polo ay ginawa ko na. Patuloy ako sa pagkukusot nang may biglang kumatok at nagsalita. "Miss, ilang oras ka na diyan. Hindi pa rin ba tapos ang polo ko?" tanong nito. Hindi ako nagsalita kaya binuksan na nito ang pintuan ng banyo. Tumambad sa akin ang madilim nitong mukha at salubong ang mga kilay. "Miss, isang polo lang ang lalabhan mo! Bakit ang tagal-tagal mo?!" sigaw nito sa akin. Nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi nito. "Hoy, lalaking manyak! Iisa nga ang nilalabhan ko! Pero ang hirap tanggalin ng mantsa!" sigaw ko. Ngumisi ito. "Aba, miss masungit, sinong may kasalanan?! Bakit may mantsa ang damit ko, Aber?!" sisi nito sa akin na may halong galit. "Hoy, lalaking manyak! Hindi ko po sinasadya ang nangyari kanina!" galit kong tugon. Sasampalin ko sana ito nang bigla niyang hawakan ang aking mga kamay, dahilan upang tumambad ang kamay kong may sugat. Nagbago ang awra ng mukha nito nang makita nito ang kamay kong namumula na gawa sa sugat. Tinitigan niya ako. "Masakit ba?" tanong nito sa akin na may halong pag-aalala habang hawak-hawak nito ang aking mga kamay. Napalunok ako nang biglang magsalubong ang aming mga kamay. "Aray!" daing ko nang kunin nito ang isa ko pang kamay. "Sorry, hindi ko sinasadya," hingi nito nang paumanhin sa akin. Nagulat ako nang bigla nito akong kalungin na parang bagong kasal at dalhin niya ako sa kama. "Anong gagawin mo?" takang tanong ko nang ilapag nito ako sa kama. Ngumiti siya sa akin habang may tinatawagan ito sa telepono. "Hello," kinig kong sabi niya sa kausap niya mula sa kabilang linya. "Kuya, p'wede bang dalahan mo ako ngayon ng cream or petroleum," seryosong sabi nito sa kausap niya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako nang magkasalubong ang aming mga mata. Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang lumakas ang t***k ng aking puso nang lumapit na ito sa akin. 'f**k, bakit ganito ang nararamdaman ko?' tanong ng aking isipan. "Miss, anong gusto mong kainin?" tanong ng lalaki sa akin. Bigla akong anbalisa nang naalala kung anong oras na. "Kailangan ko ng umuwi," sabi ko. "No, hindi ka pa uuwi." Ngumiti ito, "Gusto ko pang bumawi sa'yo. Kasi nang dahil sa akin, nagkasugat ang mga kamay mo," seryosong sabi nito. Huminga muna àko bago nagsalita. "Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko." Sabay kagat ko sa aking labi. Ngumiti siya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Ihahatid kita sa inyo." Umupo siya sa tabi ko. "By the way, I'm Ricky, and you are?" pagpapakilala niya sa akin. "Kimberly," pagpapakilala ko at nginitian ko rin siya. Tumango siya habang nakatingin sa akin. "Kimberly, pala ang pangalan mo. Bagay na bagay sa maganda mong mukha," papuri niya sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil bigla akong nakaramdam nang panginginit sa aking pisngi nang dahil sa sinabi niya. "Salamat," matipid kong tugon. Tahimik siyang nakatitig sa akin nang may biglang nag-doorbell. Mabilis siyang tumayo at binuksan ang pintuan. "Boss, narito na po 'yong cream na hinihingi mo," kinig kong sabi ng taong dumating. "Salamat," kinig kong tugon ni Ricky. Halos mahiya ako nang marinig kong muli ang sinabing lalaki. "Boss, mukang batang-bata ngayon ng girlfriend mo, ah!" sabi ng lalaki. "Maganda ba?" tanong ni Ricky. "Boss, sa lahat ng babaeng dinala mo dito. Siya ang pinakamaganda," mabilis na tugon ng lalaki. "Salamat, oh sige na, i-order mo na lang kami ng pagkain," pagtataboy ni Ricky. "Sige po, Boss, iwan ko na po kayo. Para makarami kayo," pagpapaalam ng lalaki. Pagka-alis ng lalaki ay agad akong binalikan ni Ricky at ginamot niya ang aking mga sugat sa kamay. "Pasensya ka na ha! Nang dahil sa akin, nagsugat ang mga kamay mo," sabi niya sa malambing niiyang boses. Sobrang lakas ng t***k ng aking puso habang hawak-hawak ni Ricky ang mga kamay ko at ginagamot. "Salamat, Ricky," sabi ko nang matapos niyang gamutin ang mga kamay ko. Ngumiti siya sa akin. "Hindi mo kailangang magpasalamat, Kimberly," wika niya. Napalunok ako nang haplusin niya ang aking pisngi. "Ang swerte-swerte ko, dahil nakilala kita," sabi niya at unti-unti niyang inilalapit sa akin ang kanyang mukha. Ramdam na ramdam ko ang malakas na t***k ng aking puso nang siilin niya ako ng halik. Dahil wala akong karanasan na mahalikan ay hindi ko alam ang aking gagawin. Habang tumatagal ay nasasanay na ang mga labi ko sa labi niya, at ramdam na ramdam ko ang init na dulot nito sa akin. Naghahalikan kami nang may biglang nag-doorbell muli sa pintuan. Agad na naghiwalay ang aming mga labi. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking mukha sa init na nararamdaman ko sa aking pisngi. Mabuti na lang at mabilis na pumunta si Ricky sa pintuan upang tingnan kung sino ang nag-doorbell Pagbalik nito ay tulak-tulak na nito ang nilalagyan ng aming pagkain. Nakaramdam ako ng gutom nang maamoy ko ang pagkain. "Kim, kain muna tayo," pag-aya sa akin ni Ricky. Tumango ako. "Ano-ano bang inorder mo?" tanong ko sa lalaking mapangahas na humalik sa akin. Lumapit siya sa akin at inilagay niya ang mga buhok kong nakaharang sa mukha ko sa likod ng aking tainga. "Hindi ko kasi alam ang gusto mong kainin. Kaya nagpaluto na lang ako ng pancit lucban, pizza, babeque at mango shake para sa 'yo, at beer naman sa akin," sabi niya sa akin. "Kaya pala ang bango. Nagpaluto ka ng pancit lucban," masayang sabi ko. "Tara kain na tayo." Sabay upo nito sa tabi ko. Masaya kaming kumakain nang muli itong magsalita. "Kim, p'wede bang malaman, kung ilang taon ka na?" tanong niya sa akin. "Disi-sais anyos na ako," mabilis kong tugon at sabay ngiti ko sa kanya. Tumango-tango ito bago muling nagsalita. "Matanda ka lang pala ng isang taon sa kapatid kong babae." "Ilang taon ka na ba?" tanong ko. Ngumiti ito at tinitigan ako. "Ano sa tingin mo?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ako sigurado kung ilang taon na siya pero hinulaan ko pa rin. "Twenty-four?" hula ko. "Ganon ba ako kabata tingnan? Actually twenty-seven na ako," wika niya na may kasamang biro. Napalunok "ako at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. 'f**k, ang tanda na pala niya. Pero muka parin siyang bata,' bulong ko sa aking sarili. Hindi nagtagal ay natapos na kaming kumain at siya na rin ang nagyaya umuwi. "Kim, saan ka nakatira? Ihahatid na kita." "Sa dulo ng Intertown." mabilis kong tugon. "Layo ah!" tanging nasabi ni Ricky habang napapailing. Habang nasa sasakyan kami ay binasag nito ang aming katahimikan. "Kim, may boyfriend ka na ba?" seryosong tanong nito sa akin. Umiling ako. "Wala pa po akong boyfriend. Kasi wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan." pagtatapat ko. Ngumiti siya."So, pwede pala kitang ligawan," sabi niya dahilan upang mamula ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Hindi na ako nakaimik hanggang sa makarating kami malapit sa bahay ng tito ko. "Pwede bang itigil mo na dito ang itong sasakyan," utos ko na agad niyang sinunod. Baba na sana ako ng sasakyan nang pigilan niya ako at siilin ng halik. Halos mabaliw ako sa halik na binibigay niya sa akin ngayon. Hanggang sa maramdaman kong inihihiga na niya ang aking sinasandalan. Unti-unti na akong nawawala sa aking katinuan nang maramdaman kong maglakbay ang mga kamay niya sa loob ng aking damit, dahilan upang malinawan ako at itulak ko ito palayo mula sa akin. "Ricky, kailangan ko nang umuwi," sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan niya ang aking mga kamay. "Kim, I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Huminga ito. "Masaya akong nakilala kita. Susunduin kita bukas ng umaga dito, ha!" sabi niya at bumaba na ito ng sasakyan upang pagbuksan ako ng pintuan. Nang makababa ako ng sasakyan ay kita kong nakatingin sa akin ang Mommy ko. "Salamat sa paghatid Ricky." sabi ko. Tumango ito at nakangiti. Habang ang kanyang isang kamay ay nakahawak parin sa kamay ko. "Kim, ako ang dapat magpasalamat sa iyo. Kasi kinumpleto mo ang araw ko." Tumingin ito sa direksiyon ng Mommy ko. "Pwede ba kitang ihatid hanggang SA bahay n'yo?" tanong nito sa akin. Napalunok ako, "Liligawan mo ba talaga ako, papa yummy?" malanding bulong ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa napaka gwapong si Ricky. Natauhan lang ako ng muli itong mag salita. "Ano, pwde na kitang ihatid SA bahay n'yo?" Tumango ako, "Sige, mapilit ka eh!" malanding sabi ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad ng biglang lumabas ang mga pinsan kong sila Chrezell at Nicole, at pati narin ang bestfriend kong si Carla at lahat sila ay nakatingin sa mga kamay namin ni Ricky na magkahawak parin. "Kimberly, bakit ngayon ka lang? At sino yang lalaking kasama mo?" Tanong sa akin ng Mommy ko. Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Tito Roman, "Sir Ricky, magandang gabi po, pumasok po muna kayo sa munting tahanan namin." masayang bati ng Tito ko sa lalaking kasama ko. "Salamat po, Mang Roman." Mabilis na tugon ni Ricky sa Tito ko at tumingin ito sa Mommy ko. "Mam, ako nga po pala si Ricky Vergara anak ni Governor Ricardo Vergara." pagpapakilala nito sa Mommy ko na ikinagulat ko. Hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko ng makita ko ang madilim na mukha ng bestfriend kong si Carla. "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Ricky. Lumunok muna ako bago muling nag salita. "Oo, okay lang ako." tugon ko habang nakatingin ako sa kaibigan ko. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay muling nag salita ang Mommy ko. "Iho, bakit kayo magkasama ng anak ko? At bakit sobrang gabi na, nang ihatid mo siy? Saan ba kayo galing?" sunod-sunod na tanong ng Mommy ko. "Mom, ang dami mo naman tanong sa tao?" reklamo ko. Pinisil ni Ricky ang kamay ko. "Mam, magkasama po kami ng anak n'yo, dahil muntik ko na siyang mabunggo." huminga muna ito. "Pasensya na po kung ngayon lang po siya naihatid. Dahil kumain pa po kami sa labas." pagdadahilan nito sa aking ina. "Eh, bakit! Nakasando ka lang?! galit na tanong ng Mommy ko. Ngumiti si Ricky, "Kasi po, natapunan po ng bagoong ang polo ko." Mabilis na tugon ni Ricky. Tumango ang Mommy ko. "Ano bang pakay mo sa anak ko?" muling tanong ng ina ko. Huminga muna si Ricky ng malalim bago nagsalita. "Mam, magsasabi na po ako sa inyo. Hihingin ko po sana ang basbas ninyo, upàng maligawan ko si Kimbery." seryosong sabi ni Ricky. Nagulat ako ng biglang tumakbo si Carla papuntang kwarto namin. Nakaramdam ako ng konsensya ng dahil sa kaibigan ko. "Bakit ka makokonsensya? Hindi nga kilala Ni Ricky ang kaibigan mo, Kaya huwag kang makongsensya." bulong ng isip ko. Tumingin sa akin ang Mommy ko. "Kimberly, mag-uusap tayo mamaya." Tumingin ito kay Ricky. "Nasa anak ko Ang desisyon, kung papayag siya o hindi." Huminga muna ito bago muling nagsalita, "Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa." pagpapaalam nito sa amin. "Sige po, salamat." Tugon ni Ricky. "Pinsan, hindi mo naman sinabi sa amin. Na kilala mo pala si Sir Ricky." sabi naman ni Chrezell. Ngumiti ako, "Ka..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Nicole. "Oo nga,pinsan. Pagkatapos manliligaw mo pa pala si Sir Ricky." kinikilig na sabi ni Nicole. Namula na lang ang mukha ko sa sinabi nito, at naalala ko pa kung ilang beses na akong nahalikan ng lalaking ngayon ko lang nakilala. "Uy, si pinsan, namumula ang mukha." sabay na biro ng mag kapatid sa akin. Tumikhim ang Tito Roman ko, "Kayong dalawa umakyat na kayo sa kwarto n'yo." utos nito sa magkapatid at pagkatapos ay tumingin sa amin Ni Ricky. "Sir Ricky, maiwan ko na muna po kayong dalawa. Kimberly, ikaw ng bahala sa manliligaw mo. Bigyan mo ng makakain at maiinom." pagpapaalam nito sa aming dalawa ni Ricky. Binalot kaming dalawa ng katahimikan ng maiwan na lang kaming dalawa ni Ricky dito sa salas. Huminga muna ako bago magsalita. "Ricky, anong gusto mo? Juice, Soft drinks o Kape?" alok ko sa kanya. Ngumiti ito, "Ikaw, ikaw ang gusto ko." seryosong sabi nito sa akin sabay halik nito sa aking mga kamay. "s**t, kinikilig ako." pilyang bulong ko sa sarili ko. Bakit ba kasi mula sa pagiging masungit nito ay naging sweet na ito. Ngumiti ako sa kanya. "Tinatanong po kita kung anong gusto mong inumin." sabi ko sa malambing na boses ko. Ngumiti ito at hinapit ako palapit sa kanya, "Kape na lang babe, para hindi ako antukin." malambing na sabi nito sa akin. "Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong babe." bulong ko sa sarili ko. Tumàyo ako at ngumiti sa kanya. "Ipagtimpla lang kita ng kape." huminga muna ako at muling nag salita. "With sugar or without sugar?" tanong ko. "Kapeng barako, please." Sabay kindat niya sa akin. Gusto kong maglulundag sa saya dahil hindi ko sukat akalain na sobrang gwapo nga pala ng The Governor Son na tinatawag nila, at infairness ang sarap niyang humalik. Tahimik akong nagtitimpla ng kape ng may biglang tumayo sa likuran ko dahilan upang magulat ako. "Ay kabayong malaki." Narinig kong tumawa si Ricky. "A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong. Hinawakan nito ako sa aking mga balikat at iniharap sa kanya. Dahil mas malaki ito sa akin ay nakatingala na ako. "Eh kasi po ang tagal-tagal mong magtimpla ng kape." sabi nito sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. "Nagbanyo kasi ako." pagdadahilan ko. Tumango ito, "Ang bango ng kapeng tinimpla mo." sabi nito sa akin. "Salamat."simpleng tugon ko. Halos manigas ako ng bigla nito akong yapusin. "Kimberly, alam ko masyado pang maaga para sabihin ko sa'yong mahal kita. Sa maniwala ka't hindi, sa'yo ko lang naramdaman ang ganito. Mahal kita, Kimberly, sana tanggapin mo ako sa buhay mo." bulong nito sa akin. Gumanti ako ng yakap kay Ricky, "Natatakot akong masaktan." mga katagang kusang lumabas sa bibig ko. "Kimberly, pangako, hindi kita sasaktan." sabi nito sa akin. "Huwag ka nang pakipot, Kim," sabi ng isip ko. Sa daming nanliligaw sa akin sa Tarlac ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at kay Ricky pa talaga. "Ricky, huwag mo akong sasaktan." tanging nasabi ko. "Pangako, hinding-hindi kita sasaktan."at siniil na nito ako ng halik. Halik na may pagmamahal at bumubuhay sa init ng aking katawan. Nang nasasanay na ang aking mga labi sa labi nito ay ikinawit ko ang aking mga braso sa batok niya. Ramdam na ramdam ko àng matitigas nitong dibdib at amoy na amoy ko ang mabango nitong katawan. Itinulak ko ito ng may pusang umungot sa labas. Nagkatinginan kami at nagtawanan na dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD