Pagkatapos nang mahaba namin na biyahe mula Tarlac hanggang dito sa Tayabas ay nakarating na rin kami dito sa bahay ng Tito Romano.
"Kim, ang lamig-lamig pala dito sa Quezon," komento ni Carla nang makababa siya ng sasakyan.
Sadyang maganda ang klima dito sa Tayabas lalo na kapag sumapit ang November.
"Oo, kaya nga gustong-gusto ko na nag babakasyon dito," masayang sabi ko.
"Siyanga pala Kim, bakit hindi natin kasama ang Daddy mo? Hindi ba't sabi mo na kumpleto kayo na pupunta dito?" takang tanong niya.
Ngumiti ako nang pilit. "Mabuti na rin na hindi siya sumama," walang buhay kong tugon.
Simula nang magtalo kaming mag-ama ay hindi ko na ito pinapansin. Kaya nga magsasabi ako sa mga Tito at Tita ko ng aking problema. Dahil sila lang ang p'wede kong tuluyan sa oras umalis ako ng aming hacienda.
Simple lang ang buhay ng mga Tito at Tita ko dito sa Tayabas. Kung ikukumpura ang maliit nilang bakuran sa napakalaki naming hacienda ay kasing laki lang ito ng mansyon namin.
"Oh, Klarissa andito na pala kayo?" bati ni Tito Romano na mas tinatawag namin sa pangalan na Roman, ang kapatid ng aking ina na si Klarissa Andal.
"Kuya Roman," masayang bati ng aking ina sa kaniyang kapatid.
"Oh, bakit kayo lang mag-ina? Nasaan si Alejandro?" tanong nito.
Tumingin sa akin ang ina ko. "Kuya Roman, mamaya na natin pag-usapan si Alejandro," tugon ng aking ina.
"Oh, siya! Mabuti pa'y pumasok na kayo sa loob. At panigurado ako na napagod kayo sa biyahe," pag-aya ni Tito Roman.
Pumasok kami sa loob ng bahay at hinanap ng aking mga mata ang pinsan kong sina Chrezell at Nicole.
"Tito Roman, nasaan po sina Chrezell?" tanong ko.
Ngumiti si Tito. "Pumunta lang sila bayan," mabilis nitong tugon.
Dahil malayo sa pinakasentro ng Tayabas itong Intertown, kung saan nasa pinakadulo naman ang bahay ng mga Tito, kung kaya bayan ang tawag sa sentro ng Tayabas.
"Kimberly, may kasama ka pala." Sabay tingin ni Tito Roman sa aking kaibigan.
Tumingin ako kay Carla. "Opo Tito, si Carla po, bestfriend ko." Tumingin ako sa kaibigan ko. "Carla, si Tito Roman, kapatid ng mommy ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hello po," simpleng bati ng kaibigan ko.
"Tuloy ka, hija, at huwag kang mahihiya," pag-aya ni Tito Roman na agad namang sinunod ni Carla.
Lumipas ang ilang oras ay dumating na din ang mga pinsan ko.
"Kim!" sabay na sigaw nina Chrezell at Nicole.
Sinalubong ko ang aking mga pinsan na matagal ko na ring hindi nakikita.
"Chrezell, Nicole, kumusta na kayo?" sabi ko at kasunod ay niyakap ko sila.
"Kim, mabuti naman at nakasama ka ni Tita Klarissa," masayang sabi ni Chrezell.
"Oo, siyanga pala may kasama ako." Hinawakan ko ang kamay ni Carla. "Si Carla, bestfriend ko." Tumingin ako kay Carla. "Carla mga pinsan ko nga pala, sina, Chrezell at Nicole," pagpapakilala ko sa kanilang tatlo.
"Tamang-tama pinsan ang dating mo. Sa linggo birthday ni Chantal at kinumbida ni Chantal lahat ng mga mag-aaral sa Don Bosco," sabi ni Nicole.
"Naku, nakakahiya naman. Baka sabihin nagsama pa kayo,"mabilis kong pagtanggi.
Ngumiti si Chrezell at nagsalita. "May invitation kami. At kung ayaw sumama nina Papa at Mama. kKyo na lang ang isasama namin."
Tumango ako. "Hindi ba nakakahiya?" tanong ko.
"Bakit ka naman mahihiya? Pareho lang naman kayong mayaman ni Chantal. Isang haciendera, at isang the governor's daughter," proud na sabi ni Nicole na ikinagulat ni Carla.
"Kim, pumayag ka na!" Ngumiti muna siya bago muling nagsalita. "Para makita ko na rin sa personal ang the governor son!" patiling sabi niya.
Kumunot ang mga noo ko dahil sa sobrang OA ng aking kaibigan. "Carla, ano ka ba? Paano ako papayag? Kung dito pa lang, para ka nang sinisilaban," biro ko.
"Kim, paano niya nakilala si Ricky Vergara? Ang kilalang playboy ng Tayabas at Quezon?" curious na tanong ng pinsan kong si Nicole.
"Eh, 'di napanood ko sa TV. Tapos ang gwapo-gwapo niya," mabilis na tugon ni Carla.
Nagkatinginan na lang kaming magpipinsan dahil sobrang excited ni Carla at maya-maya ay nagkaayaan na kami na maghapunan.
Kinabukasan ay nagdesisyon akong sumama sa bayan kay Tita Lorenza na pumuntang bayan upang ipamili sila Chrezell at Nicole ng damit na susuotin nila para sa birthday party na pupuntahan namin sa linggo.
"Tita, punta lang po ako ng seven-eleven," paalam ko sa aking tiya.
"Oh, sige." pagpayag niya.
Naglalakad ako dito sa may gasoline station nang biglang bumukas ang pintuan ng isang sasakyan na naging dahilan upang mapabagsak ako sa semento.
"Kita na ngang may nakaparada ditong sasakyan dito pa talaga dadaan!" mataray na sabi ng isang lalaki.
Nagdilim ang paningin ko sa sinabi nito. "Hoy, mayabang na lalaki! Sa susunod dahan-dahan ka sa pagbubukas ng pintuan ng kotse mo!" singhal ko sa lalaki na kung titingnan mo ay parang si Adonis na pinababa mula sa langit.
Nagulat ito nang makita ako at bigla naman akong nakaramdam ng paru-paro nang makita ko ang buong tindigan nito na halos lahat yata ng mga kababaihan ay gugustuhin na makatabi ang lalaking ito. At lalo pang lumabas ang kagwapuhan nito nang tanggalin niya ang suot na shades.
'f**k, ang yummy,' bulong ng isip ko. Sino bang hindi hahanga sa isang katulad niyang gwapo na ang ganda pa ng katawan. Kung tutuusin ay para siyang si Jestoni Alarcon.
Natauhan ako nang magsalita itong muli. "Miss, I'm sorry, hindi ko sinasadya," sabi nito na biglang nagbago ang ekspresyon nang kanyang boses.
Bigla akong nagdilim ng paningin nang maalala ko ang sinabi nito kanina. "Walang hiya ka! Ikaw na nga ang nakasakit kanina! Ikaw pa ang mataray!" muling sigaw ko.
Ngumiti ito kasabay nang pagngiti ng kanyang mga mata. "Miss, hindi ko nga sinasadya," sabi nito.
"Anong hindi sinasadya?!" mataray kong tanong.
Napahawak ito sa batok niya. "Miss, kapag hindi ka tumigil sa katatalak mo. Hahalikan talaga kita," sabi nito at sabay hapit nito sa beywang ko.
Nang ilalapit na nito ang kanyang labi sa labi ko ay agad ko itong sinampal. "Bastos! Ang manyak-manyak mo!" sigaw ko.
Kung hindi pa ito hinila ng kaibigan niya ay baka hindi ko ito tigilan na sampalin.
"Pareng Ricky, tara na. Huwag mo nang patulan." sabi ng kaibigan nito habang papalayo sa akin.
"Dude Pare, never akong sinampal ng mga naging babae ko. Tapos ang babaeng bungangera na 'yon, sasampalin lang ako." narinig kong sabi ng lalaki na ipinag-init ng aking tainga.
"Hoy! Lalaking manyak, hindi ako bungangera. Ikaw ang bastos!" sigaw ko na narinig nito.
Halos mapalunok ako nang tumigil ito sa paglalakad at binalikan ako.
"Miss, para sabihin ko sa 'yo hindi ako manyak." Ngumiti ito. "At kung ipipilit mo na manyak ako hindi ako magdadalawang isip na gawin ko ito sa 'yo." Sabay hapit nito sa aking beywang at siniil ako ng halik.
Halik na ngayon ko lang naranasan at sa isang ekstranghero pa na katulad niya.
's**t, ang sarap.' bulong ko sa aking sarili.
Pakiramdam ko ay nasa langit ako at ang mga paro-paro sa aking tiyan ay naramdaman kong nagsiliparan.
Nang matauhan ako ay bigla ko itong tinuhod sa alaga niya. "Buti nga sa'yo!" sabi ko nang makita ko na namilipit ito sa sakit ng alaga niya.
Napapatawa na lang ako na iniwan ito. Infairness, malaki ang alaga niya.
RICKY
Nasira na ang buong araw ko dahil sa babaeng 'yon. Pero kanina sobrang lakas ng t***k ng puso ko nang halikan ko ito, dahil kakaiba ang dulot sa akin ng mga halik na 'yon. Sa dami ko nang nahalikan, masasabi kong ako ang first kiss niya.
"Dude Pare, ang ganda ng ngiti mo ah," puna sa akin ni Eric.
Napangisi ako. "Anong maganda ang ngiti? Nasira nga araw ko nang dahil sa babaeng 'yon!" inis kong tugon sa aking bestfriend.
Aminado ako na hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Isa pa ang sa tingin ko ay bata pa rin ito katulad ng kapatid kong si Chantal.
'f**k! Bakit hindi ka mawala sa isip ko?' tanong ko sa aking sarili dahil kahit ipikit ko ang aking mga mata ang mukha pa rin ng babaeng 'yon angaking nakikita.
Lumipas ang ilang oras na hindi ako maka-focus sa ginagawa ko dito sa opisina ng kaibigan ko nang bigla itong nagsalita.
"Pare, sa tingin ko nakita mo na rin ang katapat mo."
Umiling ako. "Pare, huwag mo ako itutulad sa 'yo na magkakagusto sa isang bata," mabilis kong tugon.
Tumawa ito nang malakas dahil sa sinabi ko. "Pare, sa pag-ibig hindi batayan ang edad," wika ni Eric.
Binato ko siya ng news paper. "Hindi pa ipinapanganak ang babaeng bibihag ng puso ko!" sabi ko.
Napailing na lang ako nang batuhin din niya ako ng newspaper.
"Kaya pala, hindi ka magkandaugaga sa ginagawa mo. Dahil ginugulo ng babaeng 'yon ang isip mo." Ngumiti ito. "Kilala kita, Pareng Ricky, alam ko kung may pagtingin ka sa isang babae. Kaya hindi mo ako maloloko," mga katagang lumabas sa labi niya.
Ngumiti ako. "Pare, isipin mo na ang gusto mong isipin. Pero kung pagtatagpuin man uli kami ng tadhana. Sisiguraduhin ko sa 'yo na paglalaruan ko lang siya." Bigla kong naalala ang pinagtapat nito sa akin kanina. "Pare, maalala ko nga pala. Kailan ka pa nagkagusto sa kapatid ko?" pag-iiba ko sa usapan namin.
"Pare, matagal ko nang crush si Chantal. Hindi ko naman akalain na mahuhulog nang husto ang damdamin ko para sa kanya," seryosong tugon sa akin ni Eric.
Napailing na lang ako. "Sinasabi ko sa 'yo, pare, spoiled brat ang kapatid ko. Sasakit lang ang ulo mo sa kanya."
"Pare, mahal ko ang kapatid mo. Kaya mamahalin ko rin, kung anong ugali mayroon si Chantal," mabilis niyang tugon sa akin.
"Bahala ka na ng!. Pero binabalaan kita, huwag na huwag mong lolokohin ang kapatid ko sa oras ligawan mo siya," seryosong sabi ko dahil alam ko ang kalokohan ng kaibigan ko sa mga babae. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan ko na siya.
"Pangako, Pareang Ricky, hindi ko sasaktan si Chantal." Sabay lahad niya ng kanyang kamay sa akin.
Lumipas ang ilang oras ay naisipan namin ni Eric na puntahan ang site ng Bar na pinapatayo naming magkakaibigan. Sina Jay, Michael at Herwin ang malimit bumisita sa site namin, dahil mas malapit ang ang opisina nilang tatlo, at si Michael din ang engineer ng project namin.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa site. Mabilis kaming bumaba ng sasakyan ni Eric.
Masaya kaming naglalakad ni Eric nang may bumunggo sa akin at natapunan ako ng mangga na may bagoong.
"Ano ka ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!"sigaw ko.
"Sorry, hindi ko sinasadya," hingi sa akin nang paumanhin ng isang babae.
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nakabunggo sa akin. "Ikaw?!"
Nagulat ito nang makita niya ako. "Ikaw, 'yong lalaking manyak!" inis nitong sabi.
Nagtagis ang pangà ko. "Ikaw, Miss Mataray, hindi ka ba talaga maalam tumingin sa dinadaanan mo?!" inis kong tanong sa babae na ang totoo ay natutuwa akong makita na nagtataray siya,.
"Hoy, lalaking manyak! Ikaw itong bigla-bigla na lang sumusulpot!" mataray nitong sabi.
Napakamot ako sa aking ulo. "Ako pa talaga ngayon ang may kasalanan?!" galit kong tanong.
"Totoo naman ah!" mataray niyang tugon habang nakataas ang mga kilay sa akin.
"Pare, hindi naman sinasadya nung babae," awat sa akin ng kaibigan kong si Eric.
Tumingin ako kay Eric. "Pare, ikaw na lang ang tumuloy ng site." tugon ko kay Eric habang hinuhubad ko ang aking polo na may bagoong.
Halos mapangiti ako nang napansin kong nakatulala ang magandang babae sa harapan ko nang makita niya ang hubad kong katawan.
Ngumiti ako. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin!" sabi ko sa baritonong boses ko at sabay kinalong ko ito, na nasa likuran ko ang kanyang kalahating katawan habang hawak-hawak ko ang kanyang mga hita.
"Ibaba mo ako!" sigaw nito.
"Pare, anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Eric.
"Pare, tuturuan ko lang leksiyon ang babaeng 'to!" sabi ko.
Napailing ito. "Pare, minor pa 'yan!" sigaw sa akin ng kaibigan ko.
Tumango ako sa aking kaibigan. "Pare, ibibigay ko lang sa babaeng 'to, ang hinahanap niya," tugon ko at isinakay ko na ang babaeng parang palengkera kung magalit.
"Saan mo ako dadalhin?!" sigaw nito nang ini-start ko na ang sasakyan.
Ngumiti ako nang pilyo. "Eh, 'di saan pa? Kung 'di sa langit." Sabay tingin ko sa kanyang dibdib.
Halos matawa ako nang yapusin niya ang sarili niyang katawan.
's**t, ang ganda niya,' bulong ko sa aking sarili nang mapagmasdan ko ang mala-anghel nitong mukha. Bagay na bagay sa kaniya ang mapupungay na mata na may mahahabang pilik-mata. Ang kanyang matangos na ilong ay bumagay sa maliit niyang mukha at ang labi niyang mapupula ang sarap halikan.
Tahimik akong nagmamaneho nang muling magsalita ang babae. "P'wede bang ibaba mo na ako sa tabi," pakiusap niya.
Ngumisi at umiling ako. "Hindi mo ako p'wedeng iwan na hindi ko nagagawa sa 'yo ang gusto kong gawin," seryosong sabi ko.
Nagkibit-balikat na lang ang babae at tumingin sa labas ng bintana.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami dito sa RichWood Hotel. Dahil suki ako dito madali kaming nakapag-check-in.
"Andito na tayo. Bumaba ka na diyan," utos ko pero hindi ito kumibo. Muli akong nagsalita. "Kapag hindi ka bumaba diyan! Diyan mismo kita gagahasain," sabi ko na may kasamang banta.
Dumilim ang mukha nito. "Sisiguraduhin ko sa 'yo na sa oras galawin mo ako. Mabubulok ka sa bilangguan!" sigaw nito at agad na itong bumaba ng sasakyan.
Gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil ang akala talaga niya ay gagalawin ko siya. Pero ang totoo ay paglalabahin ko siya ng damit kong may bagoong.
Hinubad ko ang aking sando at halos pagpawisan ang babae nang makita niya ang Abs ko. "Ano pang hinihintay mo? Pumunta ka na sa banyo." utos ko.
Tumingin siya sa akin habang napapalunok. "Pagsisihan mo ang pagdadala mo sa akin dito!" sigaw nito.
Tumango ako at ngumiti. "Miss, relax! Hindi kita gagahasain. Pinapapunta kita sa banyo para labhan itong damit kong natapunan mo ng bagoong," paliwanag ko.
"Talaga, hindi mo ako gagahasain?" paninigurado nito sa akin.
Ngumiti ako. "Oo, at hindi ako nakikipag s*x sa hindi ko girlfriend." Hinaplos ko ang mga pisngi niya. "Siguro, kapag naging girlfriend pa kita," sabi ko habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha.
'f**k, na love at first sight yata ako.' bulong ko sa aking sarili.
Tinanggal nito ang kamay ko sa kanyang mukha. "A-akin na 'yong damit mo," nauutal nitong sabi.
"Pumunta ka na sa banyo. Kukunin ko lang sa kotse." mabilis kong tugon.