CHAPTER 4- KIMBERLY'S POV

1119 Words
Nagpalipas ako ng oras dito sa bahay nina Mang Ernest. Tahimik akong nag-iisip nang lumapit sa akin si Mang Ernest. "Seniorita, ayos lang po ba kayo?'' magalang na tanong sa akin ng matanda. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang aking daliri at tumingin ako kay Mang Ernest. "Opo, may iniisip lang po ako." pagtatapat ko. "Seniorita, hindi naman po sa namamakialam ako sa inyo. Bakit hindi ninyo sabihin kay Senior Alejandro ang ginawa sa inyo ni Sir Anton?" mungkahi niya sa akin. Huminga muna ako bago muling magsalita. "Mang Ernest, kahit naman po sabihin ko kay Daddy ang ginawa sa akin ni Anton. Hindi na magbabago ang desisyon niya na ipagkasundo ako sa lalaking yon!" mga katagang lumabas sa ;labi ko na may kasamang galit. Nagkibit na lang ito ng kanyang balikat dahil sa sinabi ko. Habang tahimik akong nag-iisip ay nabuo sa aking isip ang isang desisyon upang makaiwas sa balak ng ama ko. Sasabihin ko sa mga Tito at Tita ko sa Tayabas ang balak ng aking ama at sila lang ang makakatulong sa akin, oras lisanin ko ang lugar na ito. Narinig kong nagsalita si Mang Ernest. "Seniorita, madilim na po. Baka hinahanap na po kayo sa mansyon." Ngumiti ako. "Sige po, Uuwi na po ako Mang Ernest," pagpapaalam ko. "Seniorita, ipapahatid ko na po kayo kay James. Baka kung mapaano pa po kayo sa daan," muling sabi ni Mang Ernest. "Naku, hindi na po. Nakakahiya naman po," pangtanggi ko. "Seniorita, huwag na po kayong mahiya." Tumingin ito kay James. "James, pakihatid mo muna sa mansyon si Seniorita Kim," utos nito kay James. "Sige po, Tatay Ernest," mabilis na tugon ni James sa kanyang ama-amahan. Lumapit sa akin si James. "Tara na po, Señorita. Ihahatid ko na po kayo," pag-aaya nito sa akin na may kasamang paggalang. Tumango ako at tumingin sa matanda. "Mang Ernest, salamat po. Pauwi na po ako sa mansyon," pagpapaalam ko sa matanda. "Sige po Señorita, mag-iingat po kayo," mabilis na tugon sa akin ni Mang Ernest. Naglalakad kami ni James patungo sa aming mansyon nang basagin ko ang katahimikan. "James, maraming salamat nga pala sa ginawa mong pagliligtas sa akin kanina." sabi ko. Huminga ito, "Señorita, ginawa ko lang po ang tama. Kahit pa alam kong ikakagalit ni Senior Alejandro ang ginawa ko," tugon niya sa akin.. Napaisip ako sa sinabi ni James. "Anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong. "Seniorita, kanina po aksidenteng narinig ko ang pag-uusap nina Senior Alejandro at ng ama ni Sir Anton." Huminga muna ito nang malalim. "Inutos po talaga ng sarili niyong ama na sundan kayo ni Sir Anton upang magkausap kayo ng masarilinan. Kaya naisipan ko pong sundan si Sir Anton," paliwanag ni James sa akin. Tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko, na nakita naman ni James. "Señorita, huwag na po kayong umiyak, hangga't andito po ako sa hacienda. Hindi ko po kayo pababayaan na gawan ng hindi maganda ni Sir Anton," muling sabi niya. "Salamat, James, tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mo sa akin kanina," tugon ko. Habang naglalakad kami ni James pa mansyon ay isang desisyon ang nabuo sa aking isip. Kapag malapit na akong magdesi-otso anyos ay lilisanin ko na ang lugar na ito. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa mansyon at nakita ko ang ama ko na galit na galit. "Kimberly, bakit kasama mo ang lalaking yan?!" galit nitong tanong at sabay turo kay James. "Daddy, hinatid lang po ako ni James. Dahil muntik nang may mangyaring masama sa akin," paliwanag ko. Ngumisi ito, "Paano'ng mapapahamak ka sa loob ng ating hacienda?!" takang tanong nito sa akin. "Daddy, siguro nga nasa loob ako ng lupain natin. Pero kung may demonyo kang pinapapasok dito. Hindi na ako magtataka na kahit sarili mong anak ay mapahamak!" sagot ko na punong-puno ng galit. "Ano bang pinagsasabi mo?" muling tanong ng aking ama. "Daddy, Anton almost raped me! At dito pa talaga sa sarili nating lupain!" Nagpahid ako ng aking luha. "Ang ganong klaseng tao ba? Ang gusto mong mapang-asawa ko?!" sigaw ko. "Anak, huwag mong baligtarin si Anton." Tumingin ito kay James. "Huwag mong pagtakpan ang lalaking yan!" sigaw nito. Nagulat ako sa sinabi nito, "Daddy, sandali lang! Anong pinagsasabi mo?" tanong ko. Ngumisi ito, "Anak, hindi ko papayagan na makipagmabutihan ka sa lalaking yan!" Sabay turo nito kay James. "Daddy, wala kaming relasyon ni James. Ang Anton na 'yon ang nagtangkang halayin ako!" sigaw ko. "Anak, huwag mo nang siraan si Anton." Ngumisi ito, "Kaya mo ba sinisiraan si Anton, dahil nahuli niya kayong dalawa sa may ilog?" paninigurado nito. "Senior Alejandro, wala po kaming relasyon ni Seniorita Kimberly! At lalong hindi kami magkasama sa may ilog," singit ni James sa usapan namin na mag-ama. "Tumahimik ka, hampaslupa!" sigaw ng aking ama kay James. "Daddy, nagsasabi siya ng totoo. Ang totoo, iniligtas ako ni James sa kamay ni Anton!" Tumingin ako kay James. "Sige na, James, bumalik ka na sa bahay ninyo, ako na ang bahalang magpaliwanag sa daddy ko," utos ko kay James. "Sige po Seniorita, salamat po," tugon ni James at nagsimula nang maglakad pabalik sa kanilang bahay ni Mang Ernest. Nagdesisyon na akong pumasok sa mansyon nang magsalitang muli ang ama ko. "Anak, hangga't maaga pa, putulin mo na ang pakikipagmabutihan mo sa hampaslupa na iyon." mga katagang binitiwan ng aking ama na naging dahilan upang tumigil ako sa paglalakad. "Daddy, sa maniwala ka o hindi. Wala kaming relasyon ni James," pahayag ko at tinalikuran ko na ito nang tuluyan. Nang makarating ako ng aking silid ay inilabas ko lahat luha ko na kanina ko pa pinipigilan hanggang sa mapagod ang aking mga mata. Dahil sa nangyaring diskusyon namin na mag-ama kagabi ay hindi ako nagsasalita hbang sama-sama kaming kumakain. Tanging ang mommy ko lang ang kinakausap ko. "Mommy, alis na po ako." walang gana kong paalam. "Anak, aalis ka na agad? Ni hindi mo pa nga ginagalaw ang pagkain mo," sabi nito sa akin. "Mommy, wala po akong ganang kumain," tugon ko at tumalikod na ako. Maglalakad na sana ako nang biglang magsalita ang aking ama. "Kimberly, huwag mong tatalikuran ang grasya," sabi nito sa akin gamit ang baritonong boses niya. "Excuse me, Daddy, hindi ako gutom! Dahil hanggang ngayo'y hindi ko lubos akalain na mas papaniwalaan mo ang demonyong Anton na 'yon, kaysa sa akin na sarili mong anak!" katwiran ko at umalis na ako. Hindi ko sukat akalain na magsisinungaling si Anton sa Daddy ko. Lumipas ang ilang araw ay hindi parin kmi nagkakaayos ng Daddy ko, At ngayon ay kasalukuyan kaming nag babiyahe pa Quezon Province, at siyempre kasama ko nga ang bestfriend kong si Carla. Mahaba pa ang oras ng biyahe namin kaya naisipan kong matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD