CHAPTER 3 - KIMBERLY'S POV

1131 Words
Andito ako ngayon sa Tarlac Recreational Park kung saan nanonood ako larong football ng mga school mate ko. "Kim." tawag sa akin ng bestfriend kong si Carla. "Bakit?" mabilis kong tugon. Ngumiti ito. "Itatanong ko lang sana, kung tuloy ang bakasyon mo sa Quezon Province?" tanong niya sa akin na may kasamang tili. Tumango ako. "Oo, next week kami magbabakasyon sa Tayabas." mabilis kung tugon. Ang Mommy ko ay tubong Tayabasin, samantalang ang Daddy ko naman ay nagmula dito sa San Carlos Tarlac. Kung saan kilala ang pamilya ng Daddy ko at ako ay kilalang isang haciendera. Pero ang Mommy ko ay nagbuhat sa isang simpleng pamilya sa Tayabas. "Bakit mo ba naitanong?" muling tanong ko kay Carla. Ngumiti ito. "Wala lang, gusto mo lang sana sumama kasi..." hindi nito naituloy ang sasabihin dahil para itong sinisilihan ang pwet sa saya. "Kasi ano?" curious kong tanong. Ngumiti ito. "Eh kasi napanood ko sa balita yung anak ng governor ng Quezon mukang yummy." patiling sabi nito. Napatawa ako. "Dahil lang don kaya sasama ka at a-absent sa school." sabi ko. Ngumiti ito. "Oo naman, ang yummy kaya kahit maedad na." malanding sabi nito. "Alam mo ba kung saan sa Quezon nakatira? Baka hindi sa Tayabas." muling sabi ko. Napailing ito. "Hindi eh." malungkot nitong sabi. Ngumiti ako. "Huwag ka ng malungkot. Isama parin kita, pagkatapos itatanong na lang natin sa pinsan ko kung saan nakatira Ang governor nila." paliwanag ko. Ngumiti ito. "Talaga Kim isasama mo ko?" paninigurado nito. "Oo, alam mo naman na hindi kita matitiis di'ba." masayang sabi ko. Malimit akong mag bakasyon sa Tayabas, dahil mas gusto ko ang simpleng kapaligiran at malamig Ang klima sa Tayabas na sing lamig ng tubig nila. Nang dumating ako sa aming mansyon ay may bisita sila Daddy. "Anak andiyan ka na pala." bati sa akin ng aking Daddy. "Daddy, sorry po medyo na late ako ng uwi." sabi ko. Ngumiti ito. "Anak, sige na umakyat ka na ng makapag palit ka na ng damit mo. Pagkatapos ay bumaba ka kaagad at may pag-uusapan tayong importante." seryosong sabi ng ama ko. "Sige po Daddy." tipid kong tugon at umakyat na ako sa kwarto ko. Nang matapos akong maglinis ng aking katawan ay nag suot ako ng t-shirt at fitted jeans, naka tuck-in ang t-shirt ko at nag suot din ako ng aking sombrero dahil plano kong mangabayo ngayon kaya nagsuot din ako ng aking black boots. "Anak maupo ka muna dito." tawag sa akin ng aking Daddy ng makita ako. "Daddy, bakit kailangan andito din ako?" curious kong tanong. Ngumiti ang aking Daddy. "Anak, mas mabuti pang ngayon pa lang ay malaman mo ng nakatakda kang ikasal kay Anton." seryosong sabi ng ama ko. "Ho!" gulat kong reaksyon. Tumingin ako sa ama at ina ko. "Daddy, Mommy, bakit kailangan na kayo ang mag desisyon sa buhay ko?!" galit kong tanong habang ang mga mata ko ay nanlilisik na nakatingin kay Antonio Cuevaz na anak ng matalik na kaibigan ng aking ama. "Anak, nakapag-usap na kami ng Tito Diego mo." mabilis na paliwanag ng ama ko sa akin. "Daddy, napaka bata ko pa para planuhin niyo ang mangyayari sa buhay ko!" inis kong tugon. Ngumisi ang ama ko. "Anak sa ayaw at Sa gusto mo. Si Anton ang mapapang-asawa mo." seryosong sabi nito. Nagdilim ang mata ko ng makita ko itong ngumiti. "Kim, huwag kang mag- alala. Matutunan mo din akong mahalin." sabi ni Anton. "Excuse me, maiwan ko na kayo!" pag papaalam ko at agad na akong lumabas ng mansyon at dali-dali akong pumunta sa malawak naming kuwadra kung nasaan ang kabayo kong si Malo. "Seniorita, bakit po ang lungkot-lungkot niyo?" puna sa akin ni Mang Ernest ang nangangasiwa sa aming mga kabayo. "Oo nga po Seniorita." singit naman ni Mang Vio na siya namang namamahala sa malawak naming manggahan, palayan, maisan at iba't-ibang pananim na ibinabagsak namin sa buong Norte at pati narin sa Maynila. "Wala po, may naalala lang po ako." pagdadahilan ko. "Hindi ako papayag na magpakasal sa lalaking hindi ko mahal." bulong ko sa sarili ko. "Seniorita, kung may problema ka po. Huwag po kayong magdadalawang isip na magsabi sa amin." sabi naman ni Manang Lita na siyang mayordoma namin. Ngumiti ako. "Salamat po sa concern ninyo sa akin. Kunin ko na po si Malo para mangabayo.”sabi ko. Nang nailabas ko na si Malo ay agad akong sumakay at mabilis na pinatakbo si Malo. Habang nanga ngabayo ako ay pumatak ng tuluyan ang mga luha ko. Hindi nagtagal ay nakarating ako dito sa may ilog at dito ko inilabas ang sama ng loob ko. "Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal!" sigaw ko habang umiiyak. "Bakit kailangan nilang gawin sa akin ito?" tanong ko sa kawalan. Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari, Kaya bago dumating ang araw na iyon ay gagawa ako NG paraan na hindi maikasal sa lalaking hindi ko mahal. Mas mabuti pang lisanin ko na lang ang lugar na ito, kapag pinilit ako ng ama ko na ipakasal sa Anton na yon. Tahimik akong nakatingin sa ilog ng may biglang humapit sa akin àt nagsalita. "Andito ka palang dear." sabi ni Anton. Itinulak ko ito. "Anong ginagawa mo dito?!" galit kong tanong. Ngumisi si Anton. "Ikaw naman, galit agad." sabay hila niya sa akin. "Kailangan mong tanggapin na pagdating ng panahon, magiging akin ka. Kaya matuto kang maging mabait sa akin." mayabang na sabi nito. Nagdilim ang paningin ko. "Anton kahit kailan hindi ako magiging sa'yo!" sigaw ko at sabay tulak ko sa kanya. Sasakay na sana ako sa kabayo ko ng bigla nito akong hilahin at ihiga sa damuhan. "Kung gayon ngayon pa lang kukunin na kita!" sigaw nito sa akin sabay hubad nito ng kanyang pang itaas na damit. "Anton, anong gagawin mo?!" galit kong tanong. Ngumisi ito. "Ano pa? Kungdi kukunin ko na ang katawan mo." at hinalikan na nito ako sa aking leeg. "Huwag Anton." pagmamakaawa ko habang nagpupumiglas ako. "Tulong! Tulong!" sigaw ko dahil nanghihina na ang katawan ko dahil sa lakas ng pwersa ni Anton. "Maawa ka sa akin Anton." pagmamakaawa ko habang umiiyak. Hindi nagtagal ay tumilapon ang katawan ni Anton at nakita ko si James ang mabait naming trabahador na may pagtingin sa akin pero hindi nito ako tinangkang ligawan dahil sa agwat ng edad namin at dahil din SA estado ng buhay namin. "Ma'am, okay ka lang po? tanong sa akin ni James ng tulungan nito akong makatayo. "Salamat James." tanging nasabi ko. "Hampaslupa, pagsisihan mo ang ginawa mong pangingialam!" galit na sigaw ni Anton. "Ma'am, mas makakabuti pong bumalik na kayo sa mansyon." sabi ni James. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon pero mag papalipas ako ng oras sa bahay nina Mang Ernest dahil mas takot ako kung sa mansyon ako tumuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD