CHAPTER 2

1377 Words
RICKY'S POV "Kuya ano namang kapalit? Kapag tinulungan kita?" tanong ng sa akin ng kapatid kong si Chantal, habang nakangiti. "Kahit anong gusto mo. Ibibigay ko sa 'yo, mahal kong kapatid," pabiro kong saad sa kan'ya. Ngumiti si Chantal nang pilya. "Wala naman akong ibang gusto kuya. Kung 'di ang magka-boy—" Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin. Nang bigla ko siyang sapukin. "Aray ko kuya! Bakit ka ba nanapok, agad?!" reklamo niya na may kasamang pagkainis. Ngumisi ako. "Hingiin mo na ang lahat, sa akin, Chantal, huwag lang ang magka-boyfriend. Dahil bata ka pa," paliwanag ko. Bigla siyang sumimangot. "Okay, madali naman ako kausap, Kuya Ricky. Kung 'di mo ibibigay ang gusto ko. Eh, 'di harapin mong mag- isa, ang babaeng bakla," maarteng sabi niya. Napailing na lamang ako. Dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Hindi ko alam, kung paano ko pa siya kukumbisihin, na tulungan ako. Kung 'di ko ibibigay ang hinihiling niya. Dahil hindi agad ako nakasagot sa aking mahal na kapatid, ay tinawanan ako ng aking mga kaibigan. Habang si Eric ay hanggang tainga ang ngiti. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Herwin. "Babygirl, bakit gusto mo nang magka-boyfriend? May nanliligaw na ba sa 'yo?" tanong ni Herwin habang nakangiti. Si Eric naman ay biglang dumilim ang mukha. Nang dahil sa mga salitang binitiwan ni Herwin. "Pareng Eric, mukang wala ka na sa mood, ah," puna ni Jay nang biglang nagtagis ang mga panga ni Eric. Umiling si Eric. "Hindi, ah," pagtanggi niya. Sabay inom niya ng alak nang walang patid. "Pareng Ricky, ano kaya mo na bang harapin si Katrina? Na hindi ka tutulungan ni babygirl?" singit naman ni Michael. Napaisip na naman ako, kung paano ko lulusutan si Katrina. "Naku! Kuya Michael, kayang-kaya na ni Kuya Ricky, na harapin ang gusot niya," maarteng sabi ni Chantal. Napailing na lamang ako at wala nang nagawa kay Chantal. Kung 'di ang ibigay ang kan'yang hiling sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita. "Sige na Chantal, pumapayag na ako, sa gusto mo," pahayag ko na ikinagulat ni Chantal. "Talaga, Kuya Ricky? Pumapayag ka na sa gusto ko?" paninigurado niya sa akin. "Oo, pumapayag na ako. Basta— dadaan muna siya sa mga kamay ko," seryosong wika ko na ikinabigla naman ni Eric. "Kuya, huwag kang mag-alala. Kasi— I'm not sure naman. Kung gusto rin ako ng crush ko," maarteng sabi niya, habang nakatitig kay Eric. Lumalakas na talaga ang kutob ko, na may pagtingin ang aking kapatid. Sa bestfriend kong, numero unong playboy. Ngumiti ako at tinitigan ang aking kapatid. "Oh, sige na. Tara na," pag-aaya ko kay Chantal. "Kuya Ricky, wait lang. Dapat magmuka akong dalagang-dalaga. Kaya kailangan kong magpaganda," sabi niya. Napakamot naman ako sa aking batok. Dahil hindi ko alam kung saan ako manghahagilap ng make-up. Nahalata naman ni Michael na balisa ako. Kaya bigla siyang nagsalita. "Chantal, may make-up kit ang kapatid ko. Pwede mong gamitin," sabi ni Michael. Tumango naman si Chantal, bilang pagsang-ayon. Mabilis na tumayo si Michael at kinuha sa loob ng bahay ang make-up kit ng kanyang kapatid. "Chantal, na ito, oh," sabi ni Michael at sabay abot niya ng make-up kit kay Chantal. Natawa na lamang ako nang magsimula nang magpahid ng make-up si Chantal. At mukang sanay na sanay na siya sa kanyang ginagawa. Hindi nagtagal ay natapos na siyang maglagay ng make-up sa kanyang mukha. "Wow! Chantal, dalagang-dalaga ka na talaga," puri ni Jay. "Maganda na ba ako, Kuya Eric?" tanong niya kay Eric. "Mas maganda ka pa rin. Kapag wala kang make-up," tugon ni Eric na nakatitig sa aking kapatid. "Ano, Chantal? Ready ka na ba?" tanong ko sa aking magandang kapatid. "Yes, I'm ready, Kuya," mabilis niyang tugon at kumapit na sa braso ko. Habang naglalakad kami papunta sa kabilang kalye. Kung saan, naroon ang aming mansyon ay nagsalita si Chantal. "Kuya, pwede bang magtanong?" "Ano 'yon?" balik kong tanong sa kanya. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "May girlfriend ba si Kuya Eric?" diretsong tanong ni Chantal sa akin. Ngumiti ako. "Si Eric, maraming babae 'yon. Pero wala pa siyang sineseryosong babae," mabilis kong tugon. "Talaga?" paninigurado niya. "Oo, bakit mo ba naitanong?" Namula ang kaniyang pisngi. "Wala naman. Nagtataka lang kasi ako. Kasi— siya lang ang hindi nagsasama ng babae. Kapag nag-iinuman kayo sa bahay." paliwanag nito. Ngumiti ako. "Tapatin mo nga ako Chantal. May gusto ka kay Pareng Eric, 'no?" paninigurado ko. Namula siya nang husto. "Kuya Ricky crush lang naman eh!" pagtatapat niya. "Chantal, okay lang naman sa akin kung crush mo siya. Basta huwag kang papakita ng motibo. Para magustuhan ka rin niya," paliwanag ko. "Oo naman, kuya, at isa pa— imposible na magustuhan niya ako kasi ang laki ng age gap namin," pagtatapat niya sa akin. Ngayo'y alam ko na. Kung bakit? Nawawala ang ibang picture ni Eric sa album ko. At tama ang kutob ko, na si Eric ang dinadasalan ni Chantal gabi-gabi. Habang papalapit kami sa aming mansyon ay naririnig ko na ang malakas na sigaw ni Katrina. "Ricky, lumabas ka diyan! Harapin mo ako! Kailangan mo akong pakasalan!"  Nagkatinginan kami ng aking kapatid. "Game ka na ba sa palabas natin? My dear sister," sabi ko. "Yes, my dear brother," mabilis na tugon ni Chantal. Nang makalapit na kami sa mansyon ay nagsalita ako. "Katrina, bakit ka naririto? At bakit ka nag-e-eskandandalo dito?!"  galit kong tanong. Ngumisi siya at nagdilim ang paningin. Nang makitang may kaakbay akong babae. "Sino siya Ricky?" tanong niya sa akin. Sabay tingin kay Chantal. Nagtagis ang panga ko. "Sagutin mo muna ang tanong ko!" galit kong tugon. "Ricky, kailangan mo akong pakasalan. Papatayin ako ng mga magulang ko. Kapag nalaman nilang buntis ako," sabi ni Katrina. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Dahil imposible na mabuntis ko siya. "What? Ikaw buntis? Imposibleng mangyari 'yon! Dahil nagko-condom ako!" nakangisi kong pahayag. Nagulat siy sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin. "Ang sabi ko! Gumagamit ako ng condom. Kaya imposible na mabuntis kita!" ngumisi ako. "Nakakahiya ka!" sigaw ko. "Ricky, sinabi ko lang naman na buntis ako. Para hindi mo ako iwan at ipagpalit sa babaeng 'yan." Sabay turo niya kay Chantal. Kinurot ko si Chantal para magsalita na siya. "Hoy babae! Ako ang matagal ng girlfriend ni Ricky at ang babaeng papakasalan niya!"  sigaw ni Chantal. Ngumiti nang malandi si Chantal. "Babe, ikaw naman kasi— napaka-playboy mo. Hindi mo mahintay na ibigay ko sa 'yo. Ang katawan ko, kaya kung sino-sino na lang ikinakama mo," malanding sabi ni Chantal. "Hoy Babaeng malandi ako ang girlfriend ni Ricky!" galit na sigaw ni Katrina. Nagtangka si Katrina na sabunutan si Chantal pero naharang ko ito. "Subukan mong saktan ang girlfriend ko. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka. Kaya pwede ba, Katrina?Tigilan mo na ako!" sigaw ko habang yakap ko ang kapatid ko. Umiling si Katrina. "Pagsisihan mo ito, Ricky!" sigaw ni Katrina at umalis na. Tumingin ako sa mga pulis nitong kasama. "Kayo, hindi pa ba kayo aalis?" tanong ko. "Mr. Vergara, aalis na rin po kami." Ngumisi ang pulis. "Malakas yata, ang tama sa 'yo, ng babae. Kaya gusto kang pikutin," sabi ng pulis. "Sige po, Mr. Vergara, paalis na po kami," pagpapaalam ng isang pulis at nakipagkamay sa akin. Nang makapasok kami ng mansyon ay sinalubong ako ng sermon ni Daddy. "Ikaw— talaga, Ricky, puro ka kalokohan." Ngumisi ito. "Kailan ka ba magtitino. Ang tanda-tanda mo na!" sabi nito sa baritono niyang boses. "Dad, relax." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sa magkabilang balikat niya. "Promise, last na ang babaeng 'yan, na mag-e-eskandandalo dito," sabi ko na may kasamang lambing. Pumormal lalo ang mukha nito at muling nagsalita. "Tumigil ka nga Ricky. Ilang beses mo nang— sinabing last na 'yan." Napailing ito. "Pati 'yang kapatid mo. Ginagamit mo sa kalokohan mo!" Tumingin naman ito kay Chantal. "At ikaw naman, babae ka. Nagpapauto ka pa talaga sa kuya mo!" Ngumiti si Chantal at nagyakap sa ama namin. "Daddy, kaya ko naman tinulungan si Kuya Ricky. Kasi— ayaw kong maging ate 'yung babaeng bakla, na 'yon." Sabay halik nito kay Daddy. Napailing na lamang ako. Nang mawala na ang galit ng aming ama. Gawa ng kapatid kong sobrang Daddy's girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD