CHAPTER 1

1173 Words
RICKY'S POV Buwan-buwan na lang yata akong papalit-palit ng girlfriend. Dahil lahat sila'y, ginagawa ko lamang na parausan. At hindi ko ikinakaila na isa akong palikero— sa madaling salita, playboy. Kaya nga binansagan akong mangbubutas ng bayan namin, na ang totoo— ang mga babae ang naghahabol sa akin. Ako si Ricky Vergara, anak nina, Governor Ricardo Vergara, at Elizabeth Vergara, na kilala sa buong Quezon Province, lalo na dito sa bayan ng Tayabas. "Ricky, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Katrina nang makita niya akong tumayo. At nagsuot ng aking damit, pagkatapos naming maniig. "Eh'di saan pa? Uuwi ng masyon," mabilis kong tugon habang nagsusuot ng aking pantalon. Bumangon si Katrina at nagbalot lamang siya ng kumot sa kanyang hubad na katawan. "Ricky, pwede magtanong?" sabi niya habang nakayakap sa akin. "Ano ba :yon?!" inis kong tanong. "Ricky, isang buwan na tayong magkarelasyon. Pero— hindi mo pa rin ako ipinapakilala sa pamilya mo." Ngumiti siya. "Kailan mo ba akon ipapakilala na girlfriend mo? At tinatanong din ni daddy. Kung kailan tayo magpapakasal?" tanong niya sa akin, habang hinahaplos ang aking braso na ikinapikon ko. "Katrina! Anong kasal?! Ang pinagsasabi mo?!" galit kong tanong. Pumormal ang mukha niya. "Ricky, simula ng maging boyfriend kita. Ibinigay ko na sa 'yo ang katawan ko. Pagkatapos, wala kang balak na pakasalan ako!" galit niyang sabi. Nagtagis ang panga ko. "Katrina, hindi kita pinilit na ibigay sa akin ang katawan mo! Ikaw ang kusang nagbigay. Pagkatapos ngayon! Ano— hahanapan mo ako ng kasal?!" inis kong sabi pagkatapos ay tumalikod na ako para lumabas ng motel. "Ricky, mag-usap muna tayo!" sigaw ni Katrina. Lumingon ako. "Look, Katrina, wala na tayong dapat pag-usapan pa. At wala sa plano ko ang magpakasal!" pagtatapat ko, sabay labas ko ng silid. Hindi ako 'yung tipo ng lalaki na magpapakasal. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng ihaharap ko sa altar. Kung sakaling magpapakasal man ako. Andito kami ngayon sa mansyon nina Michael, kung saan malimit kaming mag-inom. "Pare, mukang bad mood ka ngayon ah," puna sa akin ni Eric ang best friend ko, na crush ng nakababata kong kapatid. Ngumisi ako. "Pare, sinong hindi maiinis? Ang putang— Katrina, umaasa na pakakasalan ko siya." Napatawa silang lahat dahil sa aking sinabi. "Bakit, Pareng Ricky? Hindi ba, ikaw ang naka-virgin? Kaya ayaw mo?" tanong ni Jay sa akin habang nakangisi. "Mga Pare, magpapakasal lang ako. Kapag ako ang naka-virgin. Si Katrina pinagsawaan na ng iba, bago ko nakuha," paliwanag ko. "Pare, hindi ka ba natatakot sa karma? Alalahanin mo, babae ang kapatid mo. Baka makatagpo ng katulad mong playboy," seryosong sabi sa akin ni Michael. "Mga pare, ito ang tatandaan ninyo. Dadaan muna sa akin, ang manliligaw sa kapatid ko." At nahuli kong napatingin sa akin si Eric na pinagpapawisan. Matagal ko nang nahahalata ang paligaw-ligaw tingin niya sa kapatid kong si Chantal, na alam ko rin na siya ang crush ng kapatid ko. Minsan nga ay gusto ko na siyang tanungin, kaso ayaw kong pangunahan. "Isa pa kung may kakarmahin man, ako 'yon. Hindi ang kapatid ko." "Ikaw, talaga," singit naman ni Herwin. Masaya kaming nag-iinuman ng my biglang tumawag sa gate nina Michael. "Kuya Ricky," malakas na sigaw ng aking kapatid mula sa labas ng gate. "Pare, mukang sinusundo ka na ni babygirl ah," biro sa akin ni  Jay  habang ang bestfriend kong si Eric ay humahaba ang leeg katitingin sa gate. "Pareng Eric, humahaba yata ang leeg natin ah!" biro ko. Napakamot ito sa kanyang ulo. "Wala, pare, tinitingnan ko lang kung may kasama si babygirl." pagdadahilan niya. "Kuya Ricky," muling sigaw ng kapatid ko. "Pareng Ricky, pagbubuksan ko lang ang kapatid mo," sabi ni Michael at pagkatapos ay pumunta na sa gate. "Naku, patay na naman pulutan natin nito," biro ni Jay. Napatawa na lamang ako sa sinabi ng aking kaibigan. Dahil noong bata pa si Chantal, ay mahilig nang kumain ng pulutan namin tuwing nag-iinom kaming magkakaibigan. Iinom na sana ako nang bigla akong sapukin ng kapatid ko. "Aray ko, Chantal!" reklamo ko. "Bakit mo ako sinapok?!" inis kong tanong. "Ang tagal mo kasi akong papasukin," katwiran niya, habang nakasimangot. Tiningnan ko siya at muli akong nagsalita. "Ano bang ginagawa mo dito?" Pinaikot niya ang kaniyang mga mata. "Kuya, may babaeng bakla, sa labas ng mansyon natin." Kumuha siya ng barbeque. "Yung babae, nagwawala sa labas ng mansyon. Hinahanap ka., sabi niya pagkatapos ay kumain ng barbeque. Nagtagis ang panga ko nang dahil sa sinabi ng aking kapatid. "Chantal, bakit hindi paalisin ni Manong Boy?" tanong ko. "Kuya, papaalisin nga ni Manong Boy. Ang kaso, may mga kasamang police. Pagkatapos, dumating pa sina Daddy. Kaya galit na galit na naman sa 'yo ang daddy," sabi niya at sabay upo sa tabi ni Eric. "Kuya Eric, patabi ha." "Chantal, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" paninigurado ko. Ngumiti siya. "Kuya Ricky, kailan ba kita niloko?" maarteng tugon niya sa akin. "Anong sabi ni Daddy?" tanong ko. "Ang sabi ni Daddy, ipapadala ka niya sa military. Para magtino ka na raw." mabilis niyang sagot. "Naku, Pareng Ricky, kawawa ka naman." biro ni Herwin. "Tang-ina, mga pare, hindi ako papayag 'no," tugon ko. Napailing na lamang ako, dahil sa sinabi ng kapatid ko. At biglang nagdilim ang paningin ko, nang makita ko na sobrang igsi ng suot niyang short. "Chantal, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo? Na— huwag kang lalabas ng bahay, na kita na ang kuyukot mo!"galit kong sabi. "Grabe ka naman, kuya. Kuyokot agad ang makikita? Hindi ba pwedeng panty muna?" maarteng katwiran niya sa akin. "Naku! Chantal— kung hindi ka lang babae, malamang nasapak na kita!" inis kong saad. Nagtaas ang mga kilay niya. "Sorry ka na lang, dahil babaeng maganda ang kapatid mo," pilyang sabi niya. "Tumigil na nga kayong magkapatid," saway sa amin ni Michael. "Pareng Ricky, sa tingin ko si Katrina ang nagwawala sa inyo," seryosong sabi ni Michael. Nang marinig ni Chantal ang sinabi ni Michael ay nagsalita itong muli,."Kuya,  parang, Katrina nga pangalan ng babaeng bakla. At ang sabi pa niya, kay Daddy, girlfriend mo raw siya." Sabay ngiti niya. "Yuck, Kuya! Kailan pa bumaba ang taste mo sa babae?" Tumingin siya kay Eric. "Buti pa 'yung crush ko, pogi." malanding sabi niya. Napailing na lamang ako sa kaartehan ng sarili kong kapatid. "Chantal, hindi ko siya girlfriend. Isa lang siya sa mga babaeng, gustong maghabol sa gwapo mong kuya," biro ko. "Kuya, ang sabi pala ni Daddy, umuwi ka na. At paalisin mo si Katrina dahil baka mamaya may dumating pang media." Sabay kuha ulit nito ng barbeque. "Pare, ano— haharapin mo si Katrina?" tanong ni Eric sa akin. Ngumisi ako. "Wala akong choice, pare, kung hindi harapin ko siya." Sabay tingin ko sa kapatid ko. "Chantal, nakita ka ba ni Katrina?" tanong ko sa aking kapatid. "Hindi, kuya. Bakit? tipid niyang tugon. "Good, eh'di alam mo na. Magpapanggap ka ulit na girlfriend ko. At awayin mo si Katrina," sabi ko dahil si Chantal ang malimit tumulong sa akin sa ganitong gusot. Dahil dalagang-dalaga nang tingnan ang kapatid ko. Kaya minsan napapagkamalan siyang kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD