04

1821 Words
“This isn’t the proposal that I’m expecting for. I think you could have done better with this one.” Tumaas ang isang kilay ko bago tuluyang isinara ang folder na ibinigay niya sa akin. I looked up only to find out one of my employee only to find out that she’s on the verge of tears. “Did I say something wrong?” I cluelessly asked her. “That’s our fifteenth revision… Ma’am.” I rested my back on my swivel chair and darted her a glance. “And?” “Pero Ma’am kasi akala namin pasado na tapos—“ “I told you that you could have done better, right? Hindi ko naman sinabing pangit o hindi ko nagustuhan ang gawa niyo… it’s just that there’s something lacking about it,” kaswal na sagot ko ngunit hindi pa rin nabago ang ekspresyon sa mukha niya. Lihim akong napaismid. Siguradong kapag lumabas siya ng opisina ay iiyak na talaga siya at pag-uusapan na naman ako sa labas. Sasabihin na naman nila, nagpaiyak na naman ako ng empleyado kahit na wala naman akong ginagawang kakaiba. I’m not even shouting at them. Mabait pa nga ako sa lagay na ‘to. If my Dad is here… I drew in a long breath before looking towards her. “It’s good, all right? I just want it to be perfect. Hindi puwedeng basta-basta na lang tayong maglalabas ng product nang hindi pinag-iisipang mabuti. The budget for that project is a lot. Ayaw kong mag-aksaya ng pera at sumugal para lang sa bagay na hindi naman perpekto ang kalalabasan. That’s not how business works, Miss. So go ahead and fix it. I hope this would be the last revision,” kalmadong sambit ko. “Pero Ma’am, Friday ngayon.” “And?” “Wala pong pasok bukas.” I groaned upon hearing what she said. Kung kanina ay nagtitimpi pa ako, ngayon ay parang gusto kong tumawa—hindi dahil sa hiya ngunit dahil sa pagkamangha. “Then bring it to your house and finish it. Wala ka bang kamay pagdating sa bahay niyo at hindi ka makakapag-type?” prangkang tanong ko sa kaniya. Kung ako ang nagsabi ng ganiyang kataga kay Dad, I’m sure he will laugh at my face and will tell me how ridiculous I am. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at umayos ng upo. “Give me the revised version on Monday, 9AM sharp. If it’s still not perfect, I’ll have to give it to another team. May quota tayong hinahabol kaya hindi puwede sa akin ang mediocre na gawa… do you understand me?” I added. Marahan siyang tumango at nagbaba ng tingin sa akin habang yakap-yakap ang folder na ibinigay niya sa akin kanina. Wala akong nagawa kung hindi ang mapailing. “You may leave. Tapusin mo na ‘yan habang maaga pa,” sambit ko nang hindi na siya nagsalita pa. Dali-dali naman siyang umalis at halos tumakbo na makalabas lamang ng opisina ko. I drew in a long breath as I rested my back against my chair. I’m sure they’ll call me names outside but at least I’m pushing them to do better. I’m not mistreating them… far from it. I massaged my forehead as I scan my desk. My ilang mga papeles pa akong i-review tapos may dalawa pa akong meeting na kailangang attend-an. I have so much thing to do that even thinking is a waste of time. Malas. Hindi pa man tuluyang nagtatagal mula nang makaalis ang pinaalis kong empleyado nang muli na namang may kumatok sa pinto ng opisina ko. For the umpteenth time, I sighed. “Come in!” Malakas na sigaw ko para marinig ng kung sino mang nasa labas. “Miss Maurice,” bati sa akin ng secretary ko kaya’t hindi ko mapigilang mapasimangot. Whenever she’s here, I’m sure that she’s going to give me an additional workload. “May kailangan pa ba akong pirmahan bukod sa mga ibinigay mo kanina?” Marahan siyang umiling bilang tugon kaya naman taka ko siyang tiningnan. “Nag-cancel ba si Mr. Sandejas sa meeting namin?” I asked once again. Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang umiling kaya’t tuluyan nang nagtagpo ang aking dalawang kilay. “Then what is it? Why are you here?” “U-Uh… Kasi Miss Maurice, nasa labas si Mr. Destura tapos gusto raw po kayong makausap.” Agad na nanlaki ang aking mga mata at tila pumintig ang aking tainga nang marinig ang pamilyar na apelyidong iyon. I swallowed the lump on my throat as I tried to calm myself down. “Nasa labas si Kayden?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. The last time that Kayden went here was three years ago! Ang tagal na niyang hindi pumupunta rito sa Inara kaya’t anong pumasok niya sa isip niya at naisipan niyang pumunta rito nang wala man lamang pasabi sa akin? Kinagat ko ang aking ibabang labi at lihim na napangiti. Kung sinabi niya sa akin kaagad na pupunta siya rito, e ‘di sana nakapag-ayos man lamang ako ng sarili o kaya ay pinalinis ko man lang ang opisina ko para kaaya-aya sa mga mata niya— “Ma’am, hindi po, e. Si Sir Zephyr Destura po ang nasa labas.” Agad na nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya. Marahas akong lumingon sa gawi ng secretary ko at seryosong tumingin sa kaniya. “Huwag mong papasukin.” Gustong-gusto kong hilutin ang sintido ko dahil nadissapoint na naman ako pero siyempre, hindi ko puwedeng ipakita sa secretary ko na ganoon ang reaksiyon ko. Lihim akong bumuntong hininga at muling nag-angat ng tingin sa secretary ko. “Kung wala siyang appointment, huwag mong papasukin. Sabihin mo, busy ako,” I added. “Pero kasi Miss Maurice, nagpupumilit po siyang pumasok—“ “Just tell him that I’m busy or I’m in a meeting or something. Huwag na huwag mong papapasukin sa opisina ko,” mariing utos ko. “Oh. So you’re trying to avoid me now, huh?” My train of thoughts were interrupted when I heard a familiar voice. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa may pintuan para lamang kumpirmahin kung sino ang nagsalita. Masama kong tiningnan ang secretary ko dahil hindi niya isinara ang pinto kanina nang pumasok siya. Agad naman siyang nagbaba ng tingin, marahil ay dahil alam niya ang ginawa niyang pagkakamali. Humugot ako ng malalaim na buntong hininga at umayos ng pagkakaupo. “You may leave,” utos ko sa secretary ko na agad din namang sumunod. Dali-dali siyang lumabas ng opisina ko at hindi na naman isinara ang pinto nang lumabas siya. On the other hand, Zephyr took the initiative to close the door. Gusto ko sanang magpasalamat dahil isinara niya ang pinto pero dahil siya si Zephyr Destura, parang mas gusto ko siyang sipain palabas kaysa pasalamatan. “What do you need?” Humarap siya sa gawi ko at kapagkuwan ay tumaas ang sulok ng labi habang nakatingin sa akin. “Masama na bang bumisita?” He asked sarcastically as his eyes flickered over my face. Umismid ako at umirap sa kaniya. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na bad mood ako dahil alam na niya naman na hindi ako kasing-bait tulad ng iniiisip ng iba sa akin. He already saw me at my worst… bakit pa ako magpapanggap sa harap niya ngayon? “Can’t you see that I’m busy working? Kung wala kang mahalagang sasabihin, just leave me alone. Sayang lang ang ipinunta mo rito dahil wala akong balak makipagkuwentuhan o sumabay sa mga kalokohan mo.” “You’re busy what? Ang magpaiyak ng tao? Your employee was crying her eyes out when I crossed paths with her a while ago. Considering your attitude, hindi na nakakapagtaka na medyo marami na ang lumipat sa Solasta,” sambit niya at mahinang tumawa. My jaw clenched upon hearing what he said. Hindi ko maitatangging mali siya dahil totoo naman talaga ang sinabi niya. But it’s also not my fault that those people switched from my company to them. Kasalanan ko bang hindi nila maabot ang standards ko? Should I adjust to them? “Kung iinisin mo lang ako, then leave the s**t out of me. Sinisira lang ng pagmumukha mo ang araw ko. Hindi mo ba nahahalatang kanina pa ako bad mood tapos sasabay ka pa? You’re really getting on my nerves,” I told him as I rolled my eyes. A laugh bursts out of him, making me more irritated. May nakakatawa ba sa sinabi ko? “You’re only saying that because I’m not my brother,” sambit niya at kaswal na umupo sa upuan sa harap ko. I firmly closed my eyes to calm myself. Nang masigurong kaya ko nang humarap sa kaniya nang hindi siya sinasampal ay saka ko iminulat ang aking mga mata. “Maybe because if he personally went here, we’re going to talk about business. Malamang hindi ko siya paaalisin dahil importante ang pag-uusapan namin,” inis na sagot ko. Zephyr fake shudders. “You’re actually a pretty good liar, huh? Mas lalo mo lang pinapatunayan sa akin na tama ako.” I rolled my eyes at him. At this point, may kailangan pa ba akong patunayan sa kaniya? He already knows everything about me… even my fascination towards his brother. Kaya ganitong kakapal ang mukha niyang kausapin ako dahil alam niya ang kahinaan ko. Fuck him. “Kung wala kang mahalagang sasabihin, umalis ka nalang. O baka naman gusto mong ipahila pa kita sa mga guards para lang umalis ka?” Zephyr left out a harsh frown. The air morphs into something cold, with Zephyr’s icy glare threatening to reverse climate change. The way he stares at me reminds me of the deepest part of the ocean—cold, dark, and unnervingly quiet. From his dark hair to the permanent grimace written on his face, it makes me want to take back what I said earlier. Sabi ko nga, hindi ko na siya ipahihila pa sa mga guards palabas. I silently groan out of frustration. Kung hindi niya lang alam ang sikreto ko, baka kanina ko pa siya pinalabas knowing that I have an ample amount of patience left on my body. But now, I’m stuck here with him. Damn him. Zephyr drags his eyes towards me as if he’s trying to say something. Most people cowers under his star but instead of being afraid of him, I straighten my spine and look at him head-on like his presence means nothing to me. “I’m going to ask you again,” I trailed of as I inhaled a harsh breath. “What are you doing here? Hindi ka naman basta-basta pupunta rito nang walang dahilan… am I right?” Zephyr grins as he comfortably rested his back on the chair. “I need a place.” “What?” “Titira ako sa bahay mo.” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD