05

2814 Words
“And who the actual f**k told you that I’ll f*****g agree to that? Bakit naman kita patitirahin sa bahay ko?” Zephyr glanced towards me before giving me a lop-sided grin. “Me?” Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniiya. Kung nagpaulan siguro si Lord ng kakapalan ng mukha, baka naroon siya sa labas at naliligo sa ulan. I drew in a long breath before leaning against my swivel chair. “At bakit ang kapal niyang pagmumukha mo para isipin na patitirahin kita sa bahay ko? Wala ka bang sariling bahay, huh?” “Meron.” “Oh? Meron naman pala, bakit hindi ka nalang doon tumira?” He casually shrugged his shoulders before smiling towards me. Sa halip na matuwa dahil nakangiti siya, parang mas lalo ko siyang gustong suntukin dahil nakakainis ang paraan ng pagngiti niya. He’s not smiling genuinely but instead, he is smiling as if he wants to mock me! “My father confiscated it… may bahay ako dati, wala na ngayon,” he answered casually. Malakas akong bumuntong hininga bago siya tinaasan ng kilay. “Your father what? Confiscated it? What are you, a child? Ano ba ‘yong bahay mo, playhouse?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. I mean, I am working for my father, too. But my salary and everything I owns belongs to me. Kahit kailan ay hindi makukumpiska ni Dad ang kahit na anong pag-aari ko kasi pinaghirapan ko ‘yong makuha. My brows drew in a straight line before glancing towards Zephyr. Unless… He sighed. “Technically, it’s not mine to begin with. Bigay niya lang,” sagot niya na parang wala lang sa kaniya na wala na siyang matitirahan ngayon. “Then go to your brother’s house. Bakit sa akin nakikitira? Hindi nga tayo close---“ “I’d rather live with you than live with my brother, brat.” My lips parted before looking towards him obliviously. “What did you just call me? Ako? Brat? Ano pa kaya ikaw?” Inis na tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at kapagkuwan ay nagkibit balikat kaya’t mas lalo lamang akong nainis. I let out a harsh breath before fixing my hair. Nas-stress ako sa kaniya nang wala sa oras! Grabe na nga ang stress ko sa trabaho tapos makikisabay pa siya. Parang hindi pa sapat para sa kaniya ang pamemeste niya sa akin nang ilang taon at gusto pa yata niyang dagdagan ang galit na nararamdamna ko sa kaniya. “Kung seryoso ka na gusto mong makitira sa akin, wala kang mapapala. Hindi kita patitirahin sa condo ko kasi roon na ako umuuwi ngayon. Hindi na ako umuuwi sa bahay namin kaya hindi na free ang condo ko,” mariing sambit ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya. He groaned. “Then let me sleep there for a couple of days. Come on, para namang may makikita pa akong hindi ko dapat makita—“ “Zephyr!” Malakas na sigaw ko sa kaniya. Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinagpapasalamat ko na sound proof ‘tong opisina ko dahil kung hindi, baka narinig na ng buong kumpanya ang malakas na pagtawag ko kay Zephyr. My cheeks flushed as my palm turned into fist while looking towards him. A playful smirk etched on his lips as he matched my gaze. “What? Tayo lang naman ang nandito… bakit ka pa nahihiya?” pang-aasar niya pa. Malakas akong bumuntong hininga at pinaypayan ang sarili para kumalma. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nitong lalaking ‘to at ibinabalik pa ang nakaraan na matagal ko nang ibinaon sa limot. Ni hindi ko nga alam na naaalala niya pa pala ‘yon! Don’t tell me he’s been thinking about it… Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kaniya samantalang tinaasan niya lamang ako ng kilay. “Come on, Maurice. Let me sleep in your condo for a few days—“ “Ayoko,” I answered firmly. “Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Learn how to respect a no, Mr. Destura.” Zephyr looked at me with amusement clearly written on his eyes. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na niya ako kaagad sa pagsasalita. “Mr. Destura, huh? What if it was my brother who asked you if he can sleep in your place? I bet you will immediately say yes.” Nagtiim ang bagang ko dahil sa sinabi niya. Alam ko sa sarili ko na may point at tama siya. Kung si Kayden lang sana ang makikituloy sa condo ko, hindi na niya kailangan pang magtanong o mangulit dahil papayag ako kaagad. Pero hindi, e. Itong antipatikong kapatid niya ang nakikitira sa bahay ko! Malakas akong bumuntong hininga at taas-noong tumingin sa kaniya. “Of course not. K-Kahit si Kayden pa ‘yan, hindi pa rin ako papayag na makitira siya sa bahay ko,” pagsisinungaling ko. I really tried my best not to look away because if I do, he will definitely think that I am lying—kahit na totoo naman na nagsisinungaling ako sa kaniya. I am just too shy to admit that fact. Zephyr let out a soft chuckle, making my brows furrowed. Wala sa sarili akong napalunok nang tumingin siya sa akin na para bang tuwang-tuwa siya sa narinig. “You can fool the world but you cannot fool me, Maurice. I know you so damn well, honey. Alam na alam kong nagsisinungaling ka riyan sa sinabi mo. You’re head over heels towards my brother… you even considered to become his mistress back then—“ “Isa pang sabi mo niyan, ipapakaladkad talaga kita sa guards palabas ng opisina ko,” mariing banta ko sa kaniya. I gritted my teeth as I looked towards him furiously. Instead of being bothered, Zephyr grinned. “What? I am just saying the truth, Maurice. O baka naman gusto mong sabihin ko kay Kuya Kayden ang ginawa mo three years ago? Let’s bet… tingnan natin kung magkakaroon ka pa ng chance sa kaniya kung sakali mang sabihin ko sa kaniya ang ginawa mo noon sa akin.” “Excuse me? Ginawa ko sa ‘yo? You put yourself in that situation! Hindi ko naman alam na ikaw ‘yon—“ “Because you thought that I am my brother,” he casually remarked as he slowly nod his head. “I know. Pero kapag sinabi ko rin sa kaniya na sa kaniya mo talaga planong gawin ang ginawa mo sa akin… do you think he’ll like it? Do you think he will accept you? No. Never.” Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kaniya. I should have known that this would be the consequence of my action three years ago but still… Dapat talaga hindi ako sumuway kay Dad noon! Dapat hindi naging matigas ang ulo ko. Kung sana sumundo lang ako noon, e ‘di sana, hindi ko na kailangan pang sundin lahat ng gusto nitong antipatikong lalaking ‘to. “You should just leave, Zephyr. Wala akong planong makipagtalo pa sa taong katulad mo.” “I don’t want to leave though.” He casually rested his back on his chair before giving me an annoying grin. The corner of my lips twitched as I rolled my eyes on him. Hindi ko alam kung saan siya nagmana ng kakapalan ng mukha dahil sa pagkakaalam ko, hindi naman ganito ang tatay at Kuya niya. He would be a lot more tolerable if he’s just like his brother but unfortunately… he’s not. “Kahit na mabulok ka pa diyan sa kinauupuan mo, hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. Hindi kita patutuluyin sa bahay ko dahil ayaw kitang makasama, naiintindihan mo ba, huh? Sa iba ka nalang makitira, huwag na sa akin. We’re not even that close to begin with! Hindi nga tayo magkaibigan tapos bigla kang makikitira sa akin? Are you even using your motherfucking brain?” “Oh, honey, yes I do. That’s why I’m here,” he answered immediately. Muli akong umirap nang mapansin na hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kaniyang mga labi. He really loves teasing me and I f*****g hate it! Bakit ba ako ang kinukulit ng lalaking ‘to? Parang kailan lang, noong huli kaming nagkita, galit nag alit pa siya sa akin dahil tinititigan ko raw ang Kuya niya at tinanong na naman ako kung gusto ko bang maging kabit. Tapos ngayon, ganito na siya kung umasta? He’s unbelievable! Hindi na nakakapagtaka na nag-away na naman sila ng tatay niya dahil kung ganito lang din ang magiging anak ko, hindi nalang ako mag-aanak. I can’t help but to sigh upon glancing at my wrist watch. Finally! Sa buong buhay ko, ngayon lang siguro ako nagpasalamat sa Diyos dahil may meeting ako at kailangan ko nang umalis. I used to hate meetings but now… it is a gift from God! I rose up from my seat and heaved a deep sigh. Tumingin ako sa gawi ni Zephyr at taas-noo siyang tinaasan ng kilay. “Kung ayaw mong umalis diyan, bahala ka. I have a meeting so if you’re going to leave, then please just close the door, huh? And please, huwag na huwag kang tutulog dito sa opisina ko dahil hindi ka na kailan man sisikatan ng araw kapag dito ka natulog,” mataray na sambit ko at naglakad na upang lampasan siya. “What the f**k?!” Malakas kong hinampas ang dibdib ni Zephyr nang walang pasabi niyang hinawakan ang beywang ko at hinila ako palapit sa kaniya. In the end, I ended up sitting on his lap while my face is facing his neck. Wala sa sarili akong napalunok at pinilit na lumayo sa kaniya subalit masiyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking beywang kaya’t kahit na anong subok kong lumayo ay hindi pa rin ako malayo mula sa kaniya. Marahas akong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Ano bang problema mo?!” He looked down to meet my gaze and I immediately felt a jolt of regret when I realized what I just did. I swallowed the lump on my throat while looking towards him, our faces are only a few inches away from each other. I was about to looked away when he suddenly held my chin and lifted it, forcing me to look towards him. Sunod-sunod naman akong napalunok dahil sa ginawa niya. I felt like my chest is going to burst because of its tightness. Mas lalo pang namula ang pisngi ko when I felt ‘something’ poking my ass. That’s… that is his phone, right? “U-Umayos ka nga. Nasa opisina tayo—“ “Why? Are you bothered by my presence?” Zephyr cut my words off. Gustuhin ko mang magbaba ng tingin para makaiwas sa mga mata niya pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang baba ko. I averted my gaze on him before clearing my throat. “Huwag kang masiyadong mahangin, please. Kung ikaw si Kayden, baka oo ang maging sagot ko but sadly… you’re not him so shut the f**k up.” A small chuckle escaped from his lips upon hearing what I said. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata dahil doon. I was about to speak when he suddenly pressed his lips against mine, making me look like a f*****g statue. I immediately pushed him away. “And who gave you the right to kiss me? Baka nakakalimutan mong nasa opisina kita—“ “I am just trying to cleanse your mouth, honey. You should sometimes go to church, you know? Masiyado nang marumi ang bibig mo.” My eyes widened as I looked towards him obliviously. “What the f**k? At sa ‘yo pa talaga galing ‘yan? For your information, mas marumi ang bibig mo kesa sa akin. Mahiya ka naman, please,” inis na sambit ko. “Malinis pa ang bibig ko ngayon, Maurice. Don’t f*****g wait for me to talk dirty because if I do, you’re probably screaming my name right now—“ “Sige, ituloy mo ang sasabihin mo at tatama sa mukha mo ‘tong palad ko,” mabilis na pagbabanta ko sa kaniya bago niya pa maituloy ang kung ano mang sasabihin niya. Zephyr grinned towards me as he leaned closer. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil doon. “What? You’re embarrassed now? Do you really want me to tell my brother what ‘we’ did three years ago or… you’ll let me stay in your house?” “You can’t blackmail me like that,” I firmly remarked. “Tingin mo ba matatakot mo ako diyan? Kahit na sabihin mo pa sa kaniya, hindi pa rin ‘yon maniniwala. Isa pa, it doesn’t even concern him at all. He won’t mind if—“ “But I’m sure he’ll be so f*****g curious why ‘we’ did that. Hindi ba’t siya naman talaga ang target mo? Do you want me to tell him—“ “f**k you.” I angrily cut his words off. But to my surprise, a small smile etched on his lips once again. Zephyr slowly nod his head. “f**k me.” Nanlaki ang mga mata ko at akmang magsasalita na nang biglang bumukas ang pinto. Dahil sa labis na pagkagulat ay agad akong napatayo kaya’t muntik na akong matumba pero hindi natuloy dahil agad akong nasalo ni Zephyr. Bumungad sa akin ang mukha ng secretary ko na ngayon ay parang luluwa na ang mata nang makita ang sitwasyon namin ni Zephyr. Agad akong lumayo kay Zephyr na ngayon ay malapad na ang ngisi sa labi. “We’re not doing anything—“ “U-Uh… late na po kayo sa meeting, Ma’am. Ic-cancel ko po ba?” pagputol ng secretary ko sa kung ano mang dapat na sasabihin ko. My cheeks turned red as I glanced towards Zephyr. This is the first time that I am going to be late for my meeting! Kasalanan niya ‘to! I smoothed down my skirt as I cleared my throat. Marahan akong umiling bago nag-angat ng tingin sa secretary ko. “No. Susunod na ako sa ‘yo. I just have to… sort some random things out.” Masama kong tiningnan si Zephyr ngunit kinindatan niya lamang ako kaya’t sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga. My secretary looked at the two of us before etching a small smile on her face. Wala siyang sinasabi pero alam kong kung ano-ano na ang pumasok sa isip niya dahil sa nahuli niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at humugot ng malalim na buntong hininga. I think I should bribe her so she won’t tell my father about what she just saw. Papatayin ako ni Dad kapag nalaman niya ang tungkol dito. “Susunod nalang ako.” Tumango sa akin ang secretary ko at dali-daling lumabas ng opisina ko. The moment the door closed, I immediately faced Zephyr. “What the f**k did you just do? Naabutan tuloy tayo—“ “We’re not doing anything wrong. Come on, chill.” I rolled my eyes as I crossed my arms over my chest. “Bahala ka na sa buhay mo. Kung aalis ka, e ‘di umalis ka. Siguraduhin mong huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan dahil masasampal talaga kita—“ “Uh-huh. Not so fast, honey. From now on, you’re going to see me every single day. So come on, let me stay in your place for a couple of days. I promise that I would be a….” Muli siyang ngumisi habang nakatingin sa akin kaya’t tiningnan ko siya nang masama. “…. A good boy.” My right brow raised unconsciously upon hearing what he said. Everybody knows that he’s far from being a good boy! Sinong niloko niya? “Hindi nga sabi puwede—“ “I won’t bother you, I promise.” He cut my words off for the umpteenth time. “Come on, Maurice. You’re already late on your meeting. Hindi kita palalabasin dito hangga’t hindi ka pumapayag.” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at humugot ng malalim na buntong hininga. Mr. Sandejas is sucj an important client and everyone knows that I can’t miss this meeting. Ikinalma ko ang aking sarili bago ko tuluyang iminulat ang aking mga mata. I reached out for my house key on my wallet before throwing it towards him. Agad niya naman iyong na-salo kaya’t agad akong napairap. “Suit yourself, jerk,” sambit ko at dali-daling lumabas ng aking opisina. I’ll just get it from him later but for now… I really have to sort out my priorities first--- and a jerk like Zephyr Destura is clearly not my first priority right now… or ever. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD