06

1700 Words
Chapter Six “My developmental team are not doing their properly these past few weeks so I apologized if I had to schedule another meeting next week. I’ll just let my secretary to contact you if that’s okay with you.” Nag-angat ako ng tingin kay Mr. Sandejas at pormal siyang nginitian matapos kong magsalita. He’s looking at me as if he’s not completely listening to what I’m saying. Nakatingin lamang siya sa mukha ko at animo’y pinagmamasdan lamang ang bawat galaw ko. It’s quite uncomfortable but I still remained calm. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya kaya’t marahil ay napansin niya na may hinihintay akong sagot mula sa kaniya. A small chuckle escaped his lips as he lifted his shoulder in a half shrug. “Don’t worry, I don’t really mind. Instead of your secretary… why don’t you just message me personally? I’ll highly appreciate it if you do the honor.” Wala sa sarili akong napalunok matapos marinig ang sinabi niya. Hindi naman ako ganoong ka-manhid para hindi maramdaman kung ano ang tunay niyang intensiyon nang sabihin niya iyon. Peke akong ngumiti at kapagkuwan ay marahang tumango. “Of course, it’s all right. Can I have your number, please?” tanong ko at inilabas ang cellphone ko. Ngumisi siya dahil sa ginawa ko bago niya tuluyang kinuha ang cellphone ko. Niyakap ko naman ang aking sarili dahil sa lamig dito sa parking lot. He insisted on driving me home so here we are. Akala ko kanina ay titigilan na niya ako matapos naming mag-meeting pero nag-offer pa siyang ihatid akong umuwi kahit na sinabi ko naman sa kaniya na kaya ko nang umuwing mag-isa. Pero dahil nagpumilit siya, sa huli ay wala rin akong nagaw akung hindi ang pumayag at magpaubaya na lamang sa kung ano mang gusto niya. “Here.” Ibinalik niya sa akin ang cellphone ko na agad ko namang itinago sa dala kong purse. I was about to speak again when I noticed that he already removed the suit that he’s wearing. Sunod-sunod akong napalunok nang ipatong niya ang damit niya sa balikat ko kaya naman taka ko siyang tiningnan. “You don’t have to do this…” He smiled. “No, it’s fine. Just give it back to me on our next meeting.” Ilang beses akong napakurap at kapagkuwan ay nahihiyang tumingin sa kaniya. Next time, I should really bring my blazer with me. It’s such a hassle. Madali pa naman talaga akong lamigin kaya’t nakakahiya sa kasama ko. Marahan akong tumango at tipid siyang nginitian. “Thank you. Kakausapin ko lang ‘yong secretary ko para makapag-set na ako ng next meeting natin. I’ll just message you to ask if you’re free or something.” “No worries. But in exchange…” he trailed off as he scratched the back of his head as if he’s shy. Wala sa sarili namang nanliit ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Kahit na hindi niya pa tuluyang sinasabi, mukhang alam ko na kung ano man ang balak niyang sabihin sa akin. It’s quite obvious. “Hmm?” patay-malisyang tanong ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. “Can I ask you out?” “What do you mean by that?” “I mean… a dinner date. No work involved.” My brows drew in a straight line upon hearing what he said. Hindi ko alam kung hindi pa ba nakakarating sa kaniya ang mga rumor tungkol sa akin o sadyang sinubukan niya pa rin akong tanungin kahit na alam niya na naman kung ano ang isasagot ko sa alok niya. I drew in a long breath before giving him a small smile. “Well, I appreciate the thought but… I don’t think I can have a dinner date with you. Masiyado akong busy para sa dinner date na ‘yan o kahit na ano pa. The only thing that I could offer right now is a business meeting. Aside from that, I don’t think you’ll have a chance to have a dinner date with me. I’m sorry,” mahinang sambit ko. From my direction, I saw how his smile vanished because of what I said. Akmang magsasalita pa sana siya ngunit naunahan ko na siya sa pagsasalita. “I think I have to go inside. Saka na lamang kita imemessage kapag nakausap ko na ang secretary ko. Thank you for your time and…” Inalis ko sa balikat ko ang nakapatong na suit niya bago iyon iniabot sa kaniya. “Thank you for this.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang nagawa kung hindi ang marahang tumango. Lihim naman akong napangiti dahil hindi tulad ng ibang nagtanong sa akin noon ay hindi na siya namilit pa. Kahit papaano naman ay may kaibahan din pala siya sa iba. Tipid ko lamang siyang nginitian bago ako tuluyang tumalikod at naglakad na palayo sa kaniya at para pumasok na sa loob ng condo unit ko. Sa haba ng naging araw ko ngayon, pakiramdam ko ay deserve ko naman kahit papaano ng kaunting pahinga— “Seems like someone is sad tonight.” Agad akong napatigil sa paglalakad nang may marinig na pamilyar na boses. Inilibot ko ang paningin ko sa parking lot at kaagad ding nanlaki ang mga mata nang makita si Zephyr na nakasandal sa isang kotse habang naka-krus ang dalawang braso. Dali-dali akong lumingon sa gawi ni Mr. Sandejas upang tingnan kung nakita niya si Zephyr. Nakahinga naman ako kaagad nang maluwag nang makitang nakasakay na sa kotse niya si Mr. Sandejas at mukhang paalis na. I immediately grabbed Zephyr’s wrist and pulled him towards a darker part of the parking lot. Wala sa sarili ko namang nahigit ang aking hininga nang dumaan ang kotseng minamaneho ni Mr. Sandejas hindi kalayuan sa puwesto naming dalawa. Nang masigurong wala na si Mr. Sandejas ay saka ako humiwalay kay Zephyr. Masama ko siyang tiningnan. “What the f**k are you doing here? Paano kung nakita ka ni Mr. Sandejas, huh? Hindi ka ba nag-iisip?” Inis na tanong ko sa kaniya. He looked towards me before raising his brow. Wala sa sarili naman akong umismid dahi sa ginawa niya. At anong itinataas-taas ng kilay niya, huh? “Isn’t it obvious? I’m waiting for you,” kaswal na sagot niya sa akin bago tumingin sa suot na relo. “It’s almost twelve in the morning, nasa labas ka pa rin. Ano bang meeting ang ginawa niyo at tumagal nang ganoong katagal?” This time, it was me who raised my brows on him. Hinintay niya akong umuwi? At bakit naman? “Sino ba naman kasing nagsabi sa ‘yo na hintayin mo ako, huh? Saka isa pa, malinaw ko na rin namang sinabi sa ‘yo na ayaw kong makita ang pagmumukha mo pag-uwi ko. Hindi ka ba nakikinig sa akin? Baka gusto mong palayasin kita kaagad—“ “Chill, chill.” Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang hawakan ni Zephyr ang dalawa kong balikat. I was about to speak when a soft chuckle escaped from his lips. “Masiyado kang bad mood. Kung bad mood ka dahil doon kay Sandejas, huwag mo akong idamay. Wala akong ginagawang masama, oh.” “Kilala mo si Mr. Sandejas?” He casually lifted his shoulder in a half shrug. “Kaklase ko noong College, bakit? May galit din ako diyan kay Sandejas, e. Siya ang nagsumbong sa Dean na may frat ako kaya ‘yon, na-dissolve ang frat ko—“ “Share mo lang?” I rolled my eyes on him as he looked towards me with amusement written on his face. Sino ba naman kasing mag-eenjoy makinig tungkol sa ‘frat’ niya noong College? Alam ko ang tungkol doon dahil niligawan ako no’ng ka-frat niya dati na mukhang hanggang ngayon ay may galit pa rin sa akin. Inalis naman ni Zephyr ang pagkakahawak niya sa balikat ko kaya’t hindi ko napigilang huminga nang maluwag. Akala ko ay may kung ano na naman siyang gagawin dahil kung mayroon na naman, tatadyakan ko na talaga siya. Tinuruan kaya ako ni Mom ng self-defense. Baka rito ko pa kay Zephyr unang magamit. “Akala ko pa naman, parehas nating ayaw doon kay Sandejas. Pangiti-ngiti ka pa kanina… ano, pumayag kang makipag-date?” I frowned as I glanced towards Zephyr. “Pinapanood mo kami ni Mr. Sandejas? Aminin mo nga, stalker ka, ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Silly. I told you that I was waiting for you. Ilang oras na ako rito kasi akala ko, kung napano ka na tapos pagdating mo, pangiti-ngiti ka pa. Let me guess… he asked you for a date, right?” Umawang ang labi ko at ilang beses na napakurap nang marinig ang sinabi niya. “Paano mo nalaman?” Zephyr groaned as he slowly shake his head. “Alam na alam ko na ‘yang ganiyang galawan niyang si Sandejas. Sus. Huhulaan ko ulit… hindi ka pumayag, ano?” Hindi ako sumagot at sa halip ay nanlalaki lamang ang mga matang tumingin sa kaniya. Narinig niya na ang usapan namin ni Mr. Sandejas? Pero sa malayo siya nakapuwesto kaya imposible na narinig niya… I was pulled out of my reverie when Zephyr let out a harsh breath. Taka ko naman siyang tiningnan at akmang magsasalita na sana nang naunahan na niya ako sa pagsasalita. “Don’t go on a date with someone else. I thought you like my brother? It will be much harder for you if you go around and date other men,” sambit niya at tumalikod na sa akin. He casually put his hands on his pocket after tightening his hoodie. Naiwan naman ako sa puwesto ko at takang pinagmasdan ang papalayong pigura niya. Who is he to stop me from dating other men? Nakalimutan na niya yata na may girlfriend ang kapatid niya kaya wala akong ibang dahilan para hindi makipagdate sa iba. I heard him whispering some inaudible sentences but I wasn’t able to hear it properly. Humugot naman ako ng malalim na buntong hininga at sumunod na sa kaniya papasok sa loob. Right. We’re living in the same space now… I forgot about it. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD