Chapter 14

2920 Words
Andrei's POV "Trouble, trouble trouble" I was really mad at my cousin Nick dahil sa nakakahiyang sitwasyong nasuungan ko. Matapos ang ilang buwan na naging tahimik ang puso ko.. - este buhay ko ay biglang nagulo na naman ng makita ko ulit ang amasonang nanakit sa akin nong nakaraan. Worst is sa kaniya pa lumanding ang briefs na isusuot ko sana pero dahil sa kalutangan ko at hangover nong nakaraang gabi ay nakalimutan kong dalhin sa banyo. At dahil lutang nga ako ng umagang iyon at masakit ang ulo ay hindi ko rin namalayan na hindi ko pala nai-lock ang pinto ko kaya ang ending ang prankster na si Lazaro ay nakapasok at napagdiskitahan ang briefs ko. Ayun naghabulan lang naman kami sa labas ng kwarto ko at naitapon niya sa mukha ng magandang amasona ang briefs ko. Buti na lang at bagong laba iyon kaya tiyak na malinis at mabango. Pero nakakahiya pa rin na sa muling pagkikita namin ay ganong sitwasyon naman. Mukhang nadadalas ang paghubo ko sa harap ng amasonang crush ko. Ayun! oo, sige na! I admit I like that effin' lesbian. Pero siyempre pa cool pa rin ako at hindi nagpahalatang type ko siya yon nga lang mukhang nahuli niya ang boner ko na hindi ko naiwasang maramdaman ng makita ko ang naniningkit niyang mata at mapupula niyang labi. Ang dami agad tumakbong kalaswaan sa isip ko habang tulala ako sa kagandahan niya kaya nahuli din niya ang mala manyakis na paglalaway ko sa kaniya. Madalas niya akong irapan at taliman ng mata. Halatang halata ang pagka badshot sa akin at ako naman ay bwesit na bwesit din sa pinsan kong si Viktor na walang kaalam-alam na kanina ko pa minumura sa isip ko dahil sa selos. Sh*t lang talaga, kung ako badshot siya naman nakalapit at panay pa cute pa sa amasona ko. Oo! sa akin yon hindi sa kaniya. Kailangan kong kausapin ang g*gong ma L na pinsan kong ito dahil hindi pwedeng pagnasaan niya ang amasona ko. Hindi man lang kasi makaramdam kanina ko pa binabalaan ng tingin ang b*b* ay hindi naman maka gets. May palapit-lapit at pabulong-bulong pang nalalaman. L*ngya! akala niya hindi ko alam ang galawan niya. Ngali-ngali ko nang batuhin ng sandamakmak na kutsilyo ang g*go pero ang tanging nagawa ko ay tumikhim at taliman ito ng mata na hindi pa rin ma gets kasi nga pagdating sa babae nagiging b*b*. Ang sweet lang talaga ha, nagtatawanan at nagbubulungan pa sila habang nasa harapan ko. At dahil nga badshot ako sa amasona ko ay hindi ko magawang lumapit sa kaniya. Torpe na kung torpe, takot na kung takot pero kinakabog talaga ang puso ko kaya hindi ako makalapit. Nagkakasya lang ako sa pagtanaw at pagsulyap-sulyap sa kaniya. Para na akong CCTV na laging nakasunod sa kilos niya. Kaya ayon mula umaga hanggang gabi sa condo ay hindi maalis ang selos ko. Hindi lang kay Viktor mas lamang pa sa mukhang uranggutang na jowa daw ata niya ayun kay Viktor. Sobrang sweet habang ako asim na asim na sa selos. May pag-asa pa pala ako kung totoong jowa niya ang uranggutang Jacob na yon dahil ibig sabihin ay hindi siya lesbian. Kung Bi naman siya at napapansin din niya ang isang lalaki ay goods sa akin yon pero hindi goods na ibang lalaki ang pinapansin niya at hindi ako. Kanina pa ako naghahanap ng tayming na makalapit sa kaniya. Gusto ko sana siyang ayaing sumayaw kanina pero naunahan ako sa paglapit ng best friend niya na hindi na humiwalay sa kaniya. Pagdating naman sa condo ay ang uranggutang naman ang walang puknat na nakasunod sa kaniya. May paakbay at pabulong-bulong pa akala mo naman kung sinong gwapo. Wala na nga akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko basta sa kaniya lang nakafocus ang mata ko. Uminit ng husto ang ulo ko ng makitang hinapit ng uranggutang ang amasona ko palapit sa kaniya at saka nakangising tumingin sa akin ang g*go. Nang-iinggit siya alam ko, halata ko. Siguro napansin niya ang malagkit na tingin ko sa amasona ko kaya iniinis ako. Hindi ko na sana papatulan pero ng yumuko siya at muntik ng mahagip ang bibig ng amasona ko ay talagang naubos ang pisi ko. Binato ko sa kaniya ang bote ng Vodka na hawak ko. Hindi ko naman talaga pinatama sa kaniya, kumbaga warning lang kahit na ba gustong-gusto ko na patamaan talaga siya ay nagpigil pa rin ako. Alam ko na badshot lalo ako sa amasona ko pero talagang na bwesit ako. At maghahamon pa ng suntukan ang g*go akala niya siguro uurungan ko siya eh kanina pa ako atat na bugbugin ang nakakaloko niyang panget na mukha. May pa my labs my labs pa siyang nalalaman. Ang baduy ha! Alam ko na mali na nagpadala ako sa selos ko pero dahil sa ginawa ko ay sandamakmak na sermon ang inabot ko. Hindi lamang sa mga pinsan ko kundi maging sa Dad ko. I know galit din si Jenny sa akin kahit hindi siya umiimik. Pero dahil hindi ko masabing selos ang dahilan ko kaya nagawa ko yon ay hindi na lamang ako umimik at sumagot sa mga tanong nila. Naisip nilang dahil lang magulo ang isip ko dahil sa amasonang gusto ko na hindi nila alam na nakilala na nila. At dahil nga sa hindi ako nagsasalita nong tinanong nila ako ay pinili ni Dad na isama ako pauwi para daw makapag-isip ako. Gusto ni Dad na ipakausap ako sa kanila para personal na humingi ng pasensiya pero ng makausap niya si uncle Rik ay sa linggo na lang daw pagbalik namin kami makipag-usap. Uncle Rik invited us to their wedding at ang sabi pa ay kakausapin din daw niya ang mga anak-anakan niya. So ayon maghihintay ako ng linggo at kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong magpakumbaba since mali rin naman talaga na nagpadalos-dalos ako at nagpadala sa bugso ng damdamin ko. Kailangan ko ring magpa good shot sa amasona ko kaya kahit bwesit ako sa uranggutang na boyfriend niya (l*ngya nakakainis isipin na boyfriend niya iyon) wala akong magagawa kundi ang magpaka buti. I want her, at kailangan makalapit ako sa kaniya. Tama naman na sumama ako sa Dad ko dito sa San Manuel dahil natambakan na rin pala ako ng trabaho. Agad na itinambak ni Elfie ang aking cute pero masungit na secretary ang mga paperworks ko. Pinuri ko lang pero hindi kami talo. Marami daw akong kailangan pirmahan para sa mga materyales na kailangan para sa villa's na idinagdag naman bilang paghahanda sa nalalapit na summer. Ngayon pa lang ay fully booked na ang buong summer na calendar namin. Kaya naman ipinahabol ko ang pagpapagawa ng mga A-huts na pwedeng dagdag na accomodations sa mga hahabol magpa book. Ang target ay aabot ang mga A-huts na ipapagawa hanggang sa baba ng cliff. Hindi ko na ipinaabot sa taas because my villa is there at gusto ko ng privacy doon. Aabot sa fifty A-huts ang gagawin. Malalaki ito at kasya ang tatlo hanggang limang tao. May banyo at maliit na balkonahe na pwedeng tambayan kung gusto mong magkape habang nakatanaw sa karagatan. Gawang concrete pero mukhang kahoy ang design. Kaya kung titingnan sa malayo ay mukhang huts na gawa sa kahoy pero sa malapitan ay concrete pala. I decided to make it concrete unlike sa woods na madaling masira at mahirap i-maintain ang concrete ay matibay at pangmatagalan. Isa pa uso naman na ngayon ang ganito binabawi na lang sa design para magmukhang native na huts ang meron kami. Ilang araw akong nalibang sa trabaho. Sa sobrang pagod ay tulog agad ako pagdating sa villa ko. Si Dad naman ay dumiretso sa Isla nila ni mama at luluwas na lang dito sa Sabado bago kami bumiyahe pabalik ng San Bartolome para sa kasal ni Uncle Rik. Pumasok sa isip ko ang magandang mukhang kinasasabikan ko ng makitang muli. I don't care if may boyfriend or girlfriend man siya ngayon basta sisiguraduhin ko na makalapit ako sa kaniya at saka ko siya aagawin. I will make sure na magiging akin ang amasona ko by hook or by crook. Kakalimutan ko na ang pagganti sa pagkapahiya ko noong una naming pagkikita ang gusto ko na lamang ngayon ay mapalapit sa kaniya at sisimulan ko iyon sa paghingi ng tawad sa k*gaguhan ko. Pagsapit ng Sabado ay bumiyahe kami ni Dad papuntang San Bartolome. I was so excited knowing na any moment ay makikita ko na ulit ang amasona ko. "Mind sharing son? mukhang excited ka bumalik. Is there anything you want to tell your poor dad here who's wondering why my son is going crazy right now?" my Dad probes. Natawa ako at napakamot ng ulo habang nagdadrive. "It's nothing Dad. Good mood lang po ako today. Na refresh ang utak ko sa villa." palusot ko. "Hnmmm. . that's good but don't forget what you need to do once we get back there. Okay son?" "Yes Dad no worries. I'm sorry again for acting like an ass back there. " "Just don't.. . " Agad naputol ang sasabihin ni Dad ng biglang may marinig kaming putok ng baril. I saw the window at the back may konting crack Doon patunay na kami ang puntirya ng mga itim na kotseng kasabay at nasa likod namin. Agad kong pinababa ang ulo ni Dad at kinapa sa compartment ng kotse ko ang baril na nakatago doon. Dad also took out his gun in his pouch bag. Nagkamali ang mga taong ito kung iniisip nilang mapapatumba kami ni Dad sa ginawa nilang pananambang sa amin ngayon. We are prepared for this. Ito ang payo kay Dad ng kaibigan niya sa military, to always be prepared kaya ang kotseng ginagamit namin ay bulletproof lahat. Pero kahit na tiwala ako na hindi lulusot ang bala sa kotseng ito ay pinayuko ko pa rin si Dad. I saw him took out his phone matapos ma check ang baril niya. He made an emergency call to his friends so I did the same thing. I took out my phone and dialled number one. Ito ang safe line at emergency line naming magpipinsan. Sinadya namin ito para masigurong mabilis naming makokontak ang bawat isa. Agad na sinagot ni Nick ang tawag at kahit hindi pa ako nagsasalita ay dinig ko na ang nagkukumahog na galaw niya. I know they already knew our situation but I didn't cut the line off. Naka speaker mode ito kaya hinayaan ko na nakalagay sa may hita ko. "We're coming! Viktor called our team papunta na kami. What's your status?" I heard Nick's dangerous voice on the line. "We're at inside the car. Tatlong itim na Mercedes dalawa ang pilit na gumigitgit, isa sa likuran humahabol ng putok. " agad na sagot ni Dad na inagaw na sa akin ang phone. I saw his phone and my phone in his right hand sa kabila ang baril. Parehong nasa tawag sa magkaibang tao ang phone namin at halos sabay ang pagmumura ng parehung nasa linya ng marinig ang sinabi ni Dad. Nag focus ako sa pag drive at pag-iwas sa mga gumigitgit sa sasakyan namin. L*ngya mga traydor, tinayming na sa tagong daan kami inaabangan mukhang planado ang lahat. Kung ganon nagsisimula na siya at alam na niya an kinaroroonan namin. "we're fast and coming. Be sure to stay alive while we're not there yet. Wag kang lutang ngayon Drei g*go ka kasama mo si tito. " banta ni Nick sa akin. "G*go what do you think? pababayaan ko si Dad? no f*cking way. Uubusin ko sila mga p*tcha nila" galit na sagot ko. "Hey Drei relax, wag padadala sa init ng ulo. Don't underestimate your opponent kahit na gaano pa kahina ito sa tingin mo." paalala ni uncle Rik sa kabilang linya. So, siya pala ang kaibigan ni Dad sa military. Hindi ko pa siya nami meet dahil ayaw ni Dad na mainvolve ako sa ginagawa nila. But no sh*t I would let them na hindi ako kasali. Ngayon ay alam kong alam na ni Dad na may ginagawa kami ni Nick base na rin sa siguradong nag aakusang tingin niya sa akin. "And do you really think I will let you protect me? I'm your father Andrei, you're a Turgenev but you are my son, my only son kaya wala kang gagawin kundi mag drive. Ako ang bahala sa iba at wag kang kokontra. You have a lot of explaining to do son." agad na babala nito sa akin. Inilagay niya sa cellphone holder ang na nasa unahan namin ang phone ko at ang kaniya naman ay ipinatong sa nakabukas na compartment. Sinubukan niyang buksan ng maliit ang salamin malapit sa kinauupuan niya pero agad ding isinara ng muling may magpaputok dito. *D*mn Dad! Don't open that." "L*ngya kang bata ka, are you cursing at me? " "F*cking no Dad! of course not!" "Don't you dare! Stop the cursing and just focus on your driving. Kailangan nating makalayo sa kanila para makaganti ako ng putok" Tinanguan ko si Dad at agad na pinaarangkada ko ang sasakyan. Pilit na humahabol ang tatlong itim na sasakyan sa amin pero ng makalayo kami ng kaunti ay saka binuksan ni Dad ang bintana niya. I also opened my window at sinabayan siya sa pagpapaputok habang nagda drive. Natamaan namin ang unahan ng sasakyan na nauuna sa tatlo pero hindi pa rin ito tumigil. Pinuntirya ko ang gulong nito at ng matamaan ay agad na isinara ang salamin malapit sa akin. Tinanaw ko ang pag gewang-gewang ng natamaan kong sasakyan at saka mayabang na tumingin kay Dad. Agad na napalis ang ngisi ko ng makita ang masamang tingin niya sa akin. Napapakamot ng ulo na nag sorry ako. "Focus on your f*cking driving Andrei. Tigilan mo ang pagsuway at pagpakitang gilas." galit na saway ni Dad sa akin. "Dad I can manage. Natamaan ko nga.." "I don't care, just do what I said." "Yes Dad" Ibinalik ko ang atensiyon sa mga kotseng nasa likuran namin. Medyu malayo na ang distansiya namin ng marinig ko ang mga putukan. Mukhang wala pang isang oras ay may mga tao nang dumating to help us. "Dumiretso kayo sa isa sa mga safe house ko malapit diyan. Ang mga tao ko na ang bahala sa mga humahabol sa inyo. I'll send the location Drei " narinig kong sabi ni uncle Rik "Yes uncle, okay po" "You're men, tell them to go to that location too. Kailangan ko silang makausap " uncle Rik added. "Copy bud!" Dad answered for me habang masama na naman ang tingin sa akin. When uncle Rik cut the call para ma send ang location sa akin ay kinuha ni Dad ang phone ko. Kinausap niya sina Nick at ibinigay ang location na ibinigay ni uncle Rik. Pagdating namin doon ay hindi kami agad bumaba gaya ng instruction ni uncle. He asked some men to check our car at isinabay na din ang dumating na kotse ng mga pinsan ko kasama ang ilang tao na dala ni Viktor. Nang masigurong safe ang kotse namin mula sa anumang tracking device ay saka kami pinapasok ulit ni uncle sa kotse at pinasunod sa kanila. Ilang minutong pagmamaneho pa at narating namin ang isang malaking bahay sa gitna ng kagubatan. Maaliwalas ang paligid pag baba namin ng sasakyan ay nasamyo ko ang preskong hangin. Inalalayan ko si Dad palabas at saka lumapit at nagmano kay uncle. "You did well! Wag mo nang masyadong pansinin ang Dad mo, overprotective lang yan sayo." Tinanguan ko siya at saka nagpaalam na pupuntahan sina Viktor. Inabutan ko si Viktor na nagbibigay ng instructions sa mga tao niya na agad na nagsi pwesto sa paligid. They hugged me ng makalapit ako sa kanila. Even Anton is here. "Bakit mo iniwan ang asawa mo? g*gong to!" sita ko sa kaniya. "Hey relax Drei! My wife is safe. She's with her best friend nong tumawag ka. Naghahanda sila para sa bridal shower ni auntie. And I made sure na may mga taong nakabantay sa kanila sa malapit. Hindi ko nga lang ipinaalam sa kaniya para wag siyang mag worry." Nakhinga ako ng marinig ko ang sinabi niya. "Make sure you're people are good. Sabihin mo bantayan din ang amasona ko ayokong mapahamak iyon." "amasona mo? who? " nagtatakang tanong ni Anton. Nakatingin din sina Viktor sa amin ng marinig ang tanong ni Anton. "It's her. You're wife's best friend" nakangising imporma ko sa kanila "Ay g*go! kaya pala na beast mode ka don kay Jacob at pati na rin sa akin!" tumatawang sabi ni Viktor. Agad nila akong pinagkumpulan at pinektusan. Natatawa akong umilag sa kanila. "Children let's get inside." tawag ni Dad sa amin. Natawa kaming mabilis na nagtakbuhan palapit kay Dad. Inakbayan ko ito ng maabutan ko. Iniakbay niya rin ang isang kamay niya at saka ginuli ang buhok ko. "You did great son!" Sobra akong natuwa ng marinig ang sinabi niya. Finally, mukhang isasali na niya kami sa ginagawa nila ni uncle Rik para mahanap at mapagbayad si Volkov. Nginisian ako nina Viktor nang bumaling ang tingin ko sa kanila. They heard what Dad said at alam kong natutuwa rin sila na finally naipaalam na namin ang ginagawa namin. No secrets anymore. "Kayo rin! Good job!" pahabol ni Dad na ang tinutukoy ay ang mga lokotoy kong pinsan. Mas lalong nagliwanag ang mukha ng tatlo ng marinig ang sinabi ni Dad. Tuwang-tuwa silang nag thumbs up sa akin. Uncle Rik also gave us a thumbs up. Ang sarap sa pakiramdam sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD