Chapter 13

1751 Words
"Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. . ..Paano kapag bote ng alak ang ibinato sayo? babatuhin mo ba ng pulutan? " "Hoy Lazaro anong alak ba itong ipinainom mo sa amin? Bakit nakakalasing ito? ha? sabihin mo! magpaliwanag ka!" bangenge na sigaw ni Maggie. L*ngya! lasing na ang supermodel ng Black Delta at talaga namang kahiya-hiya na ang lumalabas sa bibig ng maingay na ito. Nagmumukhang engot na ito. Hindi ko maintindihan pero ngayon ko lang ata nakita na nalasing nag husto itong babaeng ito. Dati naman kapag nagbabar kami ay ok naman ito kahit santambak na alak pa ang iharap mo. Mukhang magaling sa paghahalo ng alak itong si Nick dahil mapapatumba ata ang bahay -alak ni Maggie the Lasenggera. "Honey common' kelan pa hindi nakalasing ang alak? Natural umiinom ka kaya malalasing ka diba?" Isa ring engot itong si Nick, sinasagot pa rin si Maggie kahit na alam na ngang lasing talk na ang ginagawa nito. Meaning walang kabuluhan at purong kaengutan na lang ang lumalabas sa bibig. Gaya kanina, tinatanong niya si Viktor kung bakit daw ang aso ay hindi naiinlove sa pusa? Namimili daw ba ang aso ng mamahalin at tsursurbahin niya? G*go lang diba? Pero mas g*go ang sagot ni Nick sa g*gong tanong na iyon. Akalain mong sagutin na baka daw loyal lang talaga sa kapwa aso ito kaya hindi natingin sa pusa. Haru jaskeng mga bata ito! Mukhang si Raven lang ang nag eenjoy dahil panay lang ang tawa ng g*go sa palitan ng kaengutan nina Nick at Maggie. "My labs, sabay ka na sa amin pauwi ha? Hindi ako masyadong uminom para ako ang mag drive." Naagaw ni Jacob ang pagmununi-muni ko. Naramdaman ko ang pag -akbay nito sa balikat ko gaya ng nakasanayan na nito. "Hindi naman ako lasing Jacob. I can go home safely." pabulong na sagot ko dito. Magkatabi kami sa upuan dahil pagdating namin dito ay hindi na ako hinihiwalayan ng lalaking ito. Napansin daw kasi niya ang malagkit na titig sa akin ni Andrei kanina pa kaya kahit saan ako pumunta laging nasa tabi ko siya. Nagpapaka possessive ang isang ito sa hindi naman niya jowa. "I know my labs pero baka lang naman makalusot. " natatawang hirit nito. "Toinks!" sagot ko at saka pasimple ko itong siniko sa tagiliran ng maramdaman ang paghapit niya sa akin palapit sa kaniya. "Grabeng makatingin ang kaharap natin. Parang gusto ng pilipitin ang leeg ko." inis na pabulong na sumbong nito. Inis na nginusuan ko si Jacob. Kanina pa nga talaga sadyang masamang nakatingin si Drei sa amin, particularly sa kaniya. Mukhang hindi ata nila gusto ang isa't-isa. I heard na tumikhim si Andrei na binalingan naman ng katabi niyang si Viktor at tila nagtanong pa sa kaniya pero hindi man lamang niya sinagot. "Alam mo Jacob, ayaw kong gumawa ng issue pero feeling ko type ka ng mamang iyan" natatawang pabulong na buska ko dito. "Ay sh*t na malagkit! wag naman po" kwelang sakay naman ni Jacob. Sabay kaming natawa. Biglang napalukso ang puso ko ng makarinig ako ng malakas na ingay ng binatong bote sa pader. Nakita ko na kung asintado lang ang nagbato ay baka tinamaan sa ulo si Jacob. Agad na nag init ang ulo ng katabi ko ng mapansin ang nakita ko. "T*rant*do ka ah! Bakit ka nambabato?" galit na sigaw ni Jacob sa taong tingin ko ay salarin ng boteng basag na nakahimlay sa may likuran ng upuan namin. "Oops! akala ko kasi may nakita akong bubwit don kaya binato ko. Mahirap na baka makagat kayo, magka rabies pa kayo " pa cool na nakagisi pa na sagot ni Andrei. "G*go! Kanina pa masama ang tingin mo sa akin ang sabihin mo type mo lang talaga ako. Ano suntukan oh? " tungayaw ni Jacob. "Hey bud! Don't be like that. Chill " mahinahong awat ni Viktor kay Jacob na nakatayo na at akmang susugod na kay Andrei. Mainitin ang ulo ni Jacob lalo na kapag pakiramdam niya ay inaagrabyado o binabastos siya. Madalas niyang sabihin sa amin tuwing nasa bar kami na hindi siya papayag na may mambabastos sa kasama niya o mananakit. He's a protective friend, mainitin ang ulo pero tinitiyak naman na nasa tama siya. May punto naman ang naging galit niya, hindi sa pagkampi pero kung tinamaan si Jacob sa ulo ng tila pasadyang pagbato ni Andrei tiyak na mapapahamak ito.Mukhang iba ang topak ng Ruso na ito kapag lasing. "Chill? parang sadya ang pagbato niya eh. Bisita kami dito bro hindi kami kaaway. " nagpipigil ng galit na sabi ni Jacob. "Kung sinadya ko nga, ano naman sayo? " hamon na sagot naman ni Andrei. "Hey! hey! stop Drei, that's enough! mataas ang boses na awat ni Viktor. You're not being reasonable here. . magsasalita pa sana si Andrei pero agad na pinutol ito ni Viktor. .. they are our guest, nakakhiya if Anton find out about this he'll be mad." dagdag ni Viktor. "I think we need to end this night. Uuwi na siguro kami Viktor hindi na maganda ang tama ng alak sa mga kasama natin." nakita ko si Raven na tila handang damayan ang best friend niya if ever mamali ulit ang kilos ni Andrei. At dahil ayaw namin ng gulo lalo na't buntis si Jenny, baka makasama kapag nalaman niya ito o magising siya sa kalapit na kwarto ng mini bar kung saan kami umiinom. Nakita ko na kinakausap ni Nick si Andrei kasama si Maggie na tila biglang nawala ang kalasingan dahil sa gulo ng dalawa. Andrei on the other hand seems to be still unaffected by everything at nakatingin na naman sa gawi ko. Masama at matiim na tingin na nakapagbigay kilabot sa kaibuturan ko. I felt Jacob's hand in my arm. "Let's go home." pabulong na Aya nito sa akin. Ramdam ko sa salita niya na nagpipigil pa rin ito ng galit. Ako man ay naiinis sa ginawa ni Andrei. Napaka isip-bata talaga. Nang tumango ako ay tinawag ni Jacob si Maggie at Raven na agad namang tumalima. "Uuwi na muna kami Viktor, for Jenny's sake." nakakaintindi na tumango si Viktor sa amin. I took a glimpse at Andrei bago kami umalis pero tila mas galit pa ito na nakatingin sa amin. Naku ang isip-batang ito, siya pa ang galit eh siya nga itong may mali. So immature. Inirapan ko ito bago tumalikod at sumabay kay Jacob paalis. Narinig pa namin ang pagmumura ni Andrei bago maisara ang pinto ng elevator. Kung ano man ang problema niya hindi niya dapat kami dinadamay. Ang saya ng inuman tapos bigla siyang mag-aattitude. Ang gulo lang talaga. Napapansin ko everytime na magkikita kami ng lalaking iyon may hindi magandang nangyayari. Pansin ko lang ha. Hinabol pa kami ni Viktor sa baba at nag apologize sa amin. Kakausapin daw nila ang pinsan nilang may topak at ininvite pa nila kami sa nalalapit na anniversary daw ng Seven Digits Bar. Si Nick pala ang nagmamanage ng bar na iyon at tila co-owner daw ata ayon kay Viktor kaya pinaunlakan at inoohan agad ni Maggie. Siyempre libreng alak yon at good time. Viktor promised us na hindi na mauulit ang pag-aatittude ng pinsan niya kaya nag agree na rin kami at tinanggap na din ang apology ni Viktor in behalf sa lokotoy niyang pinsan na ayon sa kaniya ay may love problem lang daw. Baka daw naalibadbaran sa ka sweetan namin ni Jacob. He even think na mag jowa daw kami ni Jacob na tinawanan naman namin. Nakanguso naman itong inoohan sana ni Jacob pero inalaska lamang nina Maggie. "wish mo lang boy" iyon pa ang sabi ni Raven. Pauwi ay hindi pumayag si Viktor na hindi siya ang maghatid sa aming lahat kaya ang ending inihabilin ko ang paborito kong Ducati kay Viktor. He was amazed nang malamang iyon ang rides ko. Mahilig din daw siya sa mga astig na big bikes at mamahaling motor pa ang mga nabanggit niya na parte ng collection niya. Na excite ako nag malamang same kami ng taste sa rides kaya ng sinabi niyang ipapakita niya sa akin ang collection niya one of these days ay inoohan ko agad. We exchanged numbers para daw madali niya kaming makokontak. Hindi lang naman number ko ang hiningi niya kundi number naming lahat kaya walang malisya mga mare na ma issue. Sa bahay na kami nagpahinga lahat. Napagdesisyunan ko na wag ng pagdrive-in ng malayo si Jacob lalo na at nakainom din naman siya at pagod na rin kaming lahat. Isa pa may mga rooms naman silang inookopa talaga dito sa bahay ko. Naisip pa na magluto ng pagkain ni Raven pang alis daw ng kalasingan. Nagsalo kami sa isang masarap at mainit na lumi na pinaresan namin ng mainit na pandesal na binili namin sa kalapit na 24hrs bakery ni Aling Bebang. Matapos kumain ay kaniya-kaniya na kami ng pahinga. Halos hapon na ng magising ako at paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sina Jacob sa likod-bahay na masyang nag- memerienda. Agad nila akong inaya pero pinili ko na kumuha ng kanin at ulam na si Jacob daw ang may handa at saka bumalik sa kanila para makitambay. Bukas ay balik-trabaho na naman kami at sa linggo ay kasal ni ninong chief naman ang dadaluhan namin. Matapos kumain, I checked my phone at nakita ko ang messages nina Viktor, Anton at Jenny. They are all apologizing for what happened at mukhang umabot pa sa mga matatanda ang nangyari kagabi dahil ayon kay Jenny ay isinama daw ng ama si Andrei pauwi sa San Manuel a place that is three hour drive from here. Doon pala nakatira ang kaibigan ni ninong chief na tatay ni Andrei. Mula daw ng mawala ang asawa nito ay pinili nito na manirahan dito sa Pilipinas kasama ang anak at mga malalapit na tao sa asawa nito. Ayon pa sa source ko ay pagpasensiyahan daw namin si Andrei kung isip- bata minsan dahil kulang daw sa aruga. Ang information na iyan ay galing lang naman sa buntis na Marites na best friend ko na bwesit din kay Andrei dahil wala naman daw maibigay na dahilan nong tinanong ng tatay. Mukhang nahahawaan pa ata ni Maggie si Jeng sa pagiging Marites. Naku po! wag naman sanang pati ang magiging inaanak ko ay mahawaan. L*ngyang Maggie nagkakalat ng virus. Agad kong binatukan si Maggie na nabigla at inis na gumanti sa akin. "Naku ang mga bata, naglalaro na naman." natatawang sabi ni Raven habang kami ni Maggie ay naghaharutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD