" You're at your happiest when you are inlove." - Ms. Green
Isang simpleng kasalan ang agad na naganap kina Jenny at Anton kinahapunan. Tuwang-tuwa sina Maggie ng tinawagan ko sila kaninang umaga at sinabihang umattend sa kasal ni Jenny. Back to back kainan at handaan daw sa loob lang ng dalawang araw. Ang PG (Patay Gutom) din talaga minsan ng kaibigan kong ito as if naman hindi siya nagmula sa mayamang pamilya. Nadadala lang talaga ng ganda niya ang isang ito . Charot!
"Deyang"
Naputol ang pagmununi-muni ko ng marinig ko ang malabing na boses ni Jenny. She's the only person who loves to call me by that nickname siguro kasi siya rin ang may imbento ng medyu mabantot at pang matandang nickname na iyan.
Mula sa likuran ko ay ipinulupot niya ng payakap ang mga braso niya sa leeg ko at agad ko namang hinawakan ang braso niya. She is really sweet and clingy at times at mukhang dahil sa pagbubuntis niya ay mas nadagdagan ang pagiging sweet niya.
"Congratulations Jeng! (ito naman ang nickname ko sa kaniya tunog pambata) "
Binaklas niya ang pagkakayakap sa akin at naupo sa tabi ko. Kanina pa ako nakaupo sa isa sa mga table dito sa hotel na venue ng reception ng kasal nila. Tahimik akong nanonood sa ilang malalapit na bisita nila na masayang nagsasayawan sa gitna. Mukhang napaghandaan pa rin ng groom ang kasal na ito kahit madalian dahil may ilang malalapit na kilalang tao dito sa San Bartolome ang narito. Isa sa mga ninong nila ang Mayor ng bayang ito na malapit na kaibigan daw ng tiyuhin ni mamang malaki ang "ano" este ni Andrei pala na kanina ko pa kinaiinisan dahil hindi mapuknat-puknat ang tingin sa akin. Patingin-tingin pero hindi naman makalapit. Hindi sa gusto kong lumapit siya sa akin pero nakakainis na kasi talaga dahil mula kaninang umaga sa condo nila ay hindi na niya ako tinatantanan ng tingin. Tapos ang bwesit na pinsan naman niyang si Viktor ay panay ang tingin din sa akin at sa pinsan niya na para bang may something siyang inaabangan sa amin.
"I still can't believe I'm married."
Naputol ang pag iisip ko ng muling marinig ko ang boses ni Jenny. I looked at her, she seemed happy naman so I felt relieved.
Akala ko biglang nauntog ito at nagbago ng isip. Ngayon pa lang hindi ko na alam kung paano ko siya matutulungan na magtago sa asawa niyang patay na patay sa kaniya. Malaking problema yon malamang.
"Ang bilis talaga ng panahon Jeng." napabuntunghininga kong sabi.
Nakita ko si Anton na palinga-linga sa paligid habang kaharap ang tito niya na kaibigan at kakilala pala ni ninong chief at tita Sophie. Hindi ako makapaniwala sa liit ng mundo. Akalain mo na halos magkakakonekta lang pala ang buhay ni Jenny at Anton dahil malapit din palang kaibigan ng mga magulang namin ang tito ni Anton.
Ang dinig ko ay matagal na silang nananatili dito kaya marunong na din silang magtagalog at umintindi ng talagalog, slang nga lang talaga sila kapag nagsasalita. Kaya pala kahit tagalog ang gamit namin sa pakikipag-usap ay maayos pa rin namin silang nakakausap.
Ang mga magulang ni Anton ay nag video call kanina para bumati. Tuwang-tuwa sila na finally ay nakita na daw ng anak nila ang babaeng para sa kaniya. Nalungkot lamang daw ang mga ito dahil sa biglaang kasalan kaya hindi na nila nakayang makauwi. But they're very excited sa kanilang magiging apo. Kaya naman nakahinga ako ng maayos dahil alam ko na magiging mabuti ang lagay ni Jenny sa pangalawang pamilya niya.
"Tama ka Deyang. Parang kelan lang, naglalaro lang tayo sa ulan. Walang mga pakialam sa paligid.. .- pero simula ng mawala ang mga magulang natin.. ."
" Hey! Jeng don't." agad na putol ko sa kaniya ng makita kong bigla siyang nalungkot.
"Namimiss ko sila lalo na ngayon. .. kanina..." Biglang napaiyak si Jenny kaya agad ko itong niyakap.
Nakita ko na nagmamadaling lumapit si Anton sa kinaroroonan namin habang nakapaskil ang pag-aalala sa best friend ko.
Napangiti ako ng makita kung gaano kamahal ng lalaking ito ang kaibigan ko. I am happy knowing that my best friend is with the right guy. A guy who loves her a lot and will take really good care of her.
"She's fine, she just got emotional dahil naalala niya ang parents niya.. .namin." agad na paliwanag ko ng makalapit si Anton sa amin.
"Tss! bakit ka ba lumapit pa? Nag uusap lang naman kami ni Deyang." agad na pagsusungit ni Jenny sa asawa habang inis na pinapahid ang di maampat na luha sa mga mata niya.
Napakamot sa batok na tila nahihiyang ngumiti sa akin si Anton. Akma itong lalapit pa para tulungang pahirin ang luha ng asawa ngunit sinibat ito ng masungit na tingin ni Jenny kaya napatigil ito.
Napangiti ako sa kaniya at saka bumaling kay Jenny.
"Ano ka ba naman buntis, bat ang sungit mo sa asawa mo eh nag aalala lang naman yong tao." natatawang saway ko dito at saka marahang tinulungan siya sa pagpapahid ng luha gamit ang panyong iniabot ni Anton.
"Eh kasi naman.. kanina pa dikit na dikit sa akin akala mo naman iiwanan siya " busangot ang mukha na sagot nito.Nakahalukipkip na tiningnan ulit nito ng masama ang kawawang asawa.
"Uyy, hindi ka naman daw iiwanan oh." pang-aalaska ko kay Anton.
Umaliwalas ang mukha ni Anton at saka tila kinikilig na napatikhim ito.
Ako naman ay natawa ng makita kong namula pa ang pisngi nito.
"Love, don't take back what you said pow ha" kakamot-kamot sa ulo pero tuwang-tuwa na sabi nito sabay yakap sa asawa na lalo pang nagpainis sa buntis.
"Ano ba! Kapag hindi ka lumayo sa akin ngayon babawiin ko talaga ang sinabi ko pati ang pirma ko."
Napabunghalit ako ng tawa ng makitang takot na takot na lumayo ng yakap si Anton kay Jenny.
"Grabe! lahi pala ni Andres Bonifacio ang napangasawa mo Jeng. Under sa saya mo." tawang-tawa kong sabi.
"Well I do really love being under her ." sabi ni Anton sabay wink kay Jenny at takbong palayo.
Medyu na lutang moment kaming dalawa ng very slight. At nang ma gets namin ay nagtinginan kami ni Jenny.
"Langya ano daw?!" natatawa ulit na tanong ko.
Namumula ang pisngi na sinamaan ng tingin ni Jenny ang asawa at saka nahihiyang tumingin sa akin. Busangot ang mukha nitong inambaan ng suntok ang asawang tatawa-tawa sa malayo kasama ang mga pinsan at kaibigan nito na tila nagtataka naman sa pagtawa nito.
"G*go talaga yon! Ang bastos ng bibig. Maparusahan nga mamaya." inis na natatawa na ring sabi ni Jenny.
Sabay kaming tumawa ng malakas at ng tumigil saka tahimik na ibinaling ang tingin sa mga nagsasayaw. I felt Jenny's head laid on my shoulder.
"I think magugustuhan nila ang napangasawa mo." nakangiti sa kawalan na sabi ko.
"Sana nga." sagot ni Jenny.
"Sigurado yon. As long as you're happy with him ay masaya rin kaming lahat na nagmamahal sa iyo. Siguradong masayang-masaya sina tita para sa inyo ng magiging apo nila."
Narinig kong napasinghot si Jenny. I gently rub her hair habang nakasandig pa rin ang ulo niya sa balikat ko.
"Napaka-iyakin mo naman today Jeng" puna ko.
"Eh ikaw eh, pinapaiyak mo ko" natatawa na naiiyak na sagot nito.
"Baka malintikan ako sa asawa mo ha, nakatingin na naman dito."
"Sus! yaan mo yan. Bugbugin ko lang yan eh."
"Yabang!"
natawa kami ulit. Binalik niya ang ulo niya sa may balikat ko.
"I'm happy."
"hmm, I know." nakangiting sagot ko.
Natahimik na kami ulit. Wala ng nagsalita pa.
We cherished the moment of silence that we have right now.
Ganito kaming magkaibigan, we love serenity and peace. Taliwas man sa trabahong napili namin, ako sa force at siya sa maingay na bar pero ang katahimikan ay mahalaga talaga sa amin. Sino ba namang aayaw sa ilang segundo o minutong katahimikan sa magulong paligid na meron tayo sa araw-araw diba?
Kontento at masaya kami sa mga ganitong pagkakataon.
Bago matapos ang kasiyahan ay nagkayayaang mag inuman sa condo nila sina Anton. Inaya niya rin kami nina Maggie na hindi naman tinanggihan ng mga PG kong kaibigan. Talagang balak nilang sulitin ang back to back na kasiyahan namin sa linggong ito. Jenny and Anton plans to stay in the condo habang hindi pa raw tapos ang bahay na ipinapagawa ni Anton para sa pamilya niya. At siyempre dahil buntis si Jenny at medyu maselan ang pagbubuntis nito ay hindi muna sila magha-honeymoon abroad. Babawi na lang daw si Anton pagkapanganak ng asawa nito at pagkatapos ng kasal nila sa simbahan. Ang dinig ko ay balak nitong libutin ang mga bansang pangarap na maabot ni Jenny. Napakagalante naman ma inlove ng isang Anton Turgenev.
I took a glance at the newly weds and I saw how lovingly Anton is looking at my best friend. Ang sarap palang makita na masaya ang kaibigan mo. Finally, after the long doubts of feelings towards the man ay pinili pa rin ng kaibigan ko na pakinggan ang nasa puso nito. Love is really amazing!