"The heart wants what and who it wants. No one can argue." -Ms. Green
Ilang minuto mula ng makaharap namin si Anton ay agad nag init ang bumbunan ko. Hindi dahil kay Anton kundi dahil sa mga g*gong pinsan niya na parang mga batang naghahabulan at naghaharutan ng ganito kaaga.
"I'm really really sorry again Andy! " kanina pa paulit-ulit na humihingi ng paumanhin si Anton sa akin pero hindi pa rin talaga mawala ang init ng ulo ko.
Masama akong nakatingin sa naglalakihang mama na tila maamong tupa na nakayuko sa harap namin. Mas lalong nag init ang ulo ko ng makita ko ang maliit na saplot na bumalot kanina sa mukha ko.
"F*cking Lazaro, you're d*mn dead! "
pumailanlang ang malakas na tawa ng isang lalaki at malapit na yabag ng nagtatakbuhan papunta sa direksiyon namin. Bago pa ako makalingon sa komusyon na nakapagpa kuryuso sa amin ay biglang nagdilim ang paligid ko. I smelled a manly perfume, napakabango at tila mula ito sa telang tumapon at tumabon sa mukha ko. I heard a loud gasps around me kaya dahan-dahan kung inalis ang telang tumakip sa mukha ko at saka idinilat ang mga mata ko na napapikit saglit ng matabunan ang mukha ko. My eyes darted o a piece of white cloth ngunit biglang nag init ang pisngi ko at bumbunan ko when I realized what kind of cloth is in my hands right now.
Agad kong ibinaling ang matiim na titig ko sa kaharap kong si Anton na nakanganga pa rin sa labis na gulat. When I turned around, siniringan ko rin ng mata ang dalawang lalaking nasa likuran ko na alam kong siyang salarin kaya nasa kamay ko ngayon ang nakakaeskandalong telang ito. I saw the shocked face of a topless guy, magulo ang buhok at mukhang pinoy ito dahil kayumanggi ang kulay. He is wearing nothing but a boxer shorts. Then I saw the other guy na naka towel lang habang tumutulo ang basang buhok pababa sa eight packs abs niya at sa.. . mabilis na binaling ko ang tingin sa mukha ng lalaki at saka ko nakita ang foreign man na tandang-tanda ko pa rin ang itsura hanggang ngayon. Ang g*gong afam na kasama ni Margareth na may malaking "ano".. . muling bumaba ng di sadya ang tingin ko at napunta sa malaking bukol na tila walang balak na magtago kahit may towel na nakatabing dito. "sh*t! " naputol ang masagwang iniisip ko ng makitang tinakpan ng dalawang malalaking kamay ang bukol at pumalit sa view ko ang likod na bahagi ng malaking mamang may malaking.. . ngayon ay matambok na pwet naman ang nakikita ko. L*ngya lahat yata malaki sa lalaking ito.
Nag init ng husto ang pisngi ko ng makitang lahat ay nakatingin sa akin habang hawak ko pa rin ang brief... yes brief na malaki po ang natapon sa pagmumukha ko. Kahit gaano pa kabango ang brief na ito ay kahiya-hiya pa rin ang sinapit ko sa harap nilang lahat dito kaya talaga namang di pwedeng di ako magalit sa sinapit ko.
"Andy, auntie, uncle.. I'm really really really ashamed of what this kids has done." tila paluhod ng nakayukong paulit-ulit na paghingi ng tawad sa amin ni Anton.
I looked at Viktor na kanina pa rin nagpipigil ng tawa sa tabi ko. Ngali-ngali ko ng batukan ito kaya lang mahirap abutin ang batok niya kaya kahit gustuhin ko man ay pinipigilan ko ang sarili ko na gawin ito. Mukhang sa lahat ng nandito ay siya lang ang tuwang-tuwa sa nagawa ng mga isip-bata niyang pinsan. At speaking of isip-bata ay nakayuko pa rin ang ulo at walang imik pa rin ang dalawang salarin. Nakapagbihis na sila ng maayos saka muling humarap sa amin. At ang brief na hawak ko kanina ay kinuha na ni Anton at ibinalik sa pinsan niya kanina.
"Anong nangyayari? bakit ka humihingi ng tawad sa kanila Ton? "
I heard Jenny ask kaya sabay-sabay na napabaling ang tingin namin sa kaniya.
"Love! you're awake!" masayang sabi ni Anton at saka mabilis itong lumapit at umalalay kay Jenny sa paglalakad pabalik sa amin.
Napansin ko ang maingat na paghawak ni Anton sa bewang ni Jenny at saka ang tila ingat ding pagpatong ng isang kamay niya sa tiyan ng befriend ko. Agad akong ngumiti at itinago ang banas na nararamdaman ko para sa dalawang isip-bata ng bumaling ang tingin ni Jenny sa akin. She shyly smiled at me then looked at tito and tita.
Nang makaupo ang dalawa ay tumikhim si Jenny bago nagsalita.
"Uhm, tita pinapagalitan po ba ninyo si Anton? Nasabi na po niya sa inyo? nag- aalalang tanong nito.
"no love! something just happened awhile ago so I ask for sorry." malambing na agaw paliwanag ni Anton.
He looked at me at saka nagpapaumanhin pa ring tumango sa akin.
"really? so hindi mo pa nagsasabi?" mahinang tanong ni Jenny kay Anton pero malinaw ko pa ring narinig.
"spill it out. " nakakunot ang noong sabi ko.
I'm having a hunch at kung tama ako mukhang mapupurnada ang plano ni ninong chief sa susunod na linggo.
Anton sighed at saka hinawakan ang mga kamay ni Jenny. Napabaling ang tingin ko sa may uluhan ni Jenny kung saan nakatayo ang lalaking matiim ang mata na nakatingin sa akin. Sinimangutan ko ito at tiningnan ng masama saka binalik kay Anton at Jenny ang tingin. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin dahil tila nagtataasan ang balahibo ko sa di ko maipaliwanag na damdaming nararamdaman ko mula sa matiim na titig nito but I tried to not mind it since alam ko na importante ang sasabihin ni Anton.
"I just want to tell you auntie that I'm so sorry for this scenarios. We should've visit you in your place but I can't wait anymore. I want to marry Jenny later pow. "
"ano? naku boy hindi pwede! " mabilis na tutol ni ninong chief.
Mabilis na rumehistro sa mukha ni Anton ang pag-aalala.
"I know that you don't like me and you don't know me that much but I am really serious towards Jenny. I really love her and I'm gonna take good care of her and our child."
"ch- child?!" shock na tanong ni tita.
narinig kong napamura ng mahina si ninong chief.
"L*ngya kang bata ka! inunahan mo pa ako." inis na sabi ni ninong.
Agad naman itong binatukan ni tita at sinamaan ng tingin.
"inunahan pala ha?" inis na sabi ni tita kay ninong chief.
Natawa ako kay ninong ng bumusangot ang mukha nito at saka malambing na humawak sa kamay ni tita na pabatok na sana ulit dito.
"Eh kasi naman Ling, mas matanda tayo sa kanila kaya dapat tayo ang maunang magka baby. At saka hindi pwede na mauna pa kayong magpakasal sa amin." inis na saway nito kay Anton.
"Uncle? you proposed too?" gulat na tanong ni Anton.
"Yes, and bawal ang sukob kaya hindi pwedeng sabay tayong magpakasal sa taong ito. Next year na kayo."
"oh, love what do you think?" tila natalong tanong nito kay Jenny.
"Ano ka ba naman nong, wag ka ng maniwala sa mga sukob na yan. Hayaan mo ng magpakasal ang dalawang iyan tapos kayo sa sunod na linggo."
"ikaw na bata ka talaga, palibhasa napaka moderno mong mag isip. O siya sige na nga payag na ako " sabi ni ninong chief.
We smiled at each other and looked at tita. Siya ang may final say dito since siya ay itinuturing na ni Jenny na mama niya simula ng mawala ang mga magulang nito.
"tita? " tanong ko.
"well, ikaw ang magdesisyon Jen-Jen. Gusto mo na bang magpakasal? akala ko ba hindi mo pa sinasagot yan?" paismid na sabi ni tita.
Nahihiyang bumaling ang tingin ni Jenny sa akin at saka sinagot si tita.
"hindi naman po talaga ta. .. "
" Lintek kayong mga bata kayo oh! at paano nabuo yan? landian lang ganon?!" higblood na tanong ni tita.
Ang kanina pang nagpipigil na katabi kong malaking mama ay tuluyan ng napabunghalit ng tawa. Ang saya lang niya talaga kanina pa. Akala ko pa naman seryosong tao ang lalaking ito pero mukang kenkoy pala.
Sa inis ko ay siniko ko ito ng malakas sa tagiliran.
"Ouch! what is f*ckin' wrong with you woman?" inis na bweltang pabulong ni Viktor.
"Ang saya mo kasi, parang enjoy na enjoy mo ang sitwasyong ito. Anong tingin mo sa aming lahat, clown? " paismid na bulong ko dito.
"ahermm! ahermm! " malakas na pukaw atensiyon ng isa sa isip-bata na pinsan ng katabi ko.
Nabaling ang tingin ko sa kaniya at nakita ko ang matiim na titig nito sa amin lalo na kay Viktor. Mukha namang walang pakialam ang katabi ko kaya deadma na rin ako at saka ibinalik ang atensiyon kina Jenny.
"ta naman.."
"wag mo akong ma tita tita Jen-Jen ha! naku! kayong mga kabataan talaga kayo ang babaw na ng pagpapahalaga ninyo sa sarili ninyo. Noong kabataan ko, kung hindi ko kasintahan ay nungkang makahawak yan ni dulo ng daliri ko o dulo ng saya ko." mahabang litanya ni tita Sophie .
"Ling tama na yan, wag ka ng ma high blood." malambing na pag-alo ni ninong kay tita Sophie.
"I'm so sorry auntie! It's my fault." pagpapakumbaba ni Anton.
"This is why I called for you here this early. I want your presence for our wedding later and your approval as well. I really love her pow and I know what you mean to her that's why I asked you to come." dagdag pa ni Anton.
"The truth is, we took her here last night because we found out about her pregnancy. Anton tried to propose marriage to her many times already but she's always saying no." dagdag na paliwanag ng katabi kong si Viktor. in fairness naman sa mamang to, kala ko kekengkoy lang sa amin pero aambag din pala ng explaination.
"She bleed last night so I decided to take her here and take care of her. She's okay now, don't worry.. " agad na paglilinaw ni Anton ng makita ang pag-aalala sa mukha namin.
"na stress lang daw po ako Ta. Kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang kalagayan ko lalo na't wala naman po kaming relasyon. Aksidente lang po talaga ang lahat." paliwanag ni Jenny.
" Tsk! it wasn't an accident love. I intend to impregnate you so you'll stop avoiding me." nababanas pero mayabang na saad ni Anton.
Langya talaga tong si Anton, nagawa pang sabihin sa harap namin na sinadya niyang buntisin ang best friend ko. Napalatak ako sa narinig at natawa naman si ninong. Tita Sophie pouted at them pero halatang nagpipigil ng ngiti. Sinamaan naman ito ng tingin ni Jenny na sinagot lang ni Anton ng paghapit dito palapit sa kaniya.
" Anyways, Jen and our child is my responsibility now auntie. I don't want to bother your birthday but I really want for us to be legally binded. She might change her mind again pow , you know." napapakamot na sabi ni Anton.
Natawa kami pero natuwa na din para sa dalawa. Talagang kakaiba si ninong chief at Anton sa larangan ng pag-ibig. Sila ang klase ng lalaki na mukhang matatapang at seryoso pero pagdating sa babaeng mahal nila handa silang magmukhang tanga at kawawa na humahabol-habol para lang makuha ang babaeng gusto nila. . at pag nakuha na ay sisiguraduhin na hindi na makakawala pa. Akalain mo yon, ang kadalasan na engagement ng dalawang tao ay inaabot ng buwan o minsan at taon pero sila isang araw o isang linggo lang after mag oo ay papakasalan na nila.
Hindi halatang maagap at always prepared ang dalawang boyscouts na ito. Haayy...love..
biglang napabaling ang tingin ko sa malaking mama na isip bata. Nakita ko ang matiim na titig niya na hindi niya inaalis kanina pa sa akin. Paano ko nalaman? Well kanina pa naninindig ang balahibo ko, ang pakiramdam na parang may manyakis na nagbabalak sayo.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mabilis na pagdila ng manyakis este ng isip- bata sa mapupula niyang labi. Langya, manyakis nga ata talaga ang g*go! I saw him smirked at me kaya inirapan ko ito. Nakakabanas ang itsura ng malaking mamang ito. Sarap lang batuhin pabalik ng malaki at mabangong puting brief. Haha