Chapter 10

2167 Words
"Your heart feels what it wants to feel." -Ms. Green Finally ninong chief got his big "YES" and we are definitely celebrating it right now. Inuman, kantahan at sayawan sa may hardin ng bahay ni tita Sophie. I was with the whole Black Delta team together with my bestfriend Jenny when ninong chief announced his plan to ask tita Sophie to be his girlfriend for the nth' time. Yes, ilang beses na siyang nanligaw, nabasted at nanligaw ulit pero ngayon lang siya nagpa set-up ng ganito. The team helped prepare the place habang si tita Sophie ay sinamahan ni Jenny sa grocery at salon para libangin at kunyaring mag celebrate ng konti dahil nga ayaw ng birthday celebrant ng party para sa kaarawan niya. Lingid sa kaalaman niya ay gagawing memorable ni ninong chief ang araw na ito para sa kanya. "Haayyy, sana all na lang talaga nakamit na ang forever na ninanais ng puso niya." That's what's Maggie's words were. Kanina pa siya kilig na kilig at inggit na inggit sa bagong lovebirds at kanina pa rin naman siya inaalaska ng dalawang asungot sa buhay niya, sina Raven at Jacob. The set-up was so romantic. Naglagay kami ng mga ilaw sa itaas at isang mahabang lamesa with a beautiful sunflower centerpiece since yon ang paboritong bulaklak ni tita. The scented candles was placed sa magkabilaang gilid ng isang short red carpet na punong-puno ng talulot ng sunflower na bulaklak.May malamyos na tugtugin din kaming pinailanlang at siyempre pagpasok ni tita ay nagpatugtog din si Shubhi ng piano with a romantic piece mula sa isang singer na si Moira Dela Torre. Shubhi is a great pianista. She's definitely gifted . The ambience is very romantic kaya salamat talaga at hindi nasayang ang effort ng lahat. Pero takenote ha, pagkatapos mag yes ni tita sa will you be my girlfriend na tanong ni ninong chief ay isinunod agad ng ninong ko ang pagluhod at pagbibigay ng singsing. So, ngayon ay engaged na sila at sa susunod na linggo na agad ang kanilang kasal. Wow lang talaga! Oh diba, iba si ninong chief! Sinigurado niya na hindi na magbabago ng isip si tita at hindi na makakawala sa kaniya. Lodi talaga! Sa isang gabi dalawang proposal agad ang ginawa. Sa tagal ba naman ng panahon na pinaghintay siya ni tita ay talaga namang naniguro na siya. I'm so happy to finally see the glow of happiness in both of this lover's eyes. They both deserved it. Sobrang naiyak nga kami nina Jenny kanina at parang sasabog ang puso ko sa tuwa when tita finally said Yes to ninong chief. Ngayon ay hindi sila mapaghiwalay. Sobrang sweet at kinakantahan pa ni ninong si tita ng paboritong kanta daw nito na Can't Help Falling in Love. Grabe umi- Elvis Presley si ninong chief. Well kasing gwapo rin naman talaga niya iyong famous singer na iyon. "woohh! go chief! iba talaga pag pumapag-ibig!" malakas na sigaw ni Maggie na sobrang enjoy na enjoy sa sing and dance performance ni ninong para kay tita. Kami naman at tawang-tawa kay Maggie dahil sumasabay pa siya ng sayaw na mag-isa. Tila lasing na ang kaibigan ko, medyu bangenge na ang itsura. Si Raven ay humahagalpak pa habang pumapalakpak kay Maggie. Si Jenny naman ay biglang nagpaalam dahil may hihintayin daw na bisita sa labas ng bahay nila. I volunteered to wait with her pero hindi na daw kailangan since sandali lang naman ang bisita niya at wala siyang balak na papasukin. Palagay ko ay ang long-time manliligaw niya iyong darating. Baka nalaman ang tungkol sa birthday ni tita kaya pumunta. Kanina ay napansin ko na parang medyu balisa si Jenny pero hindi ko naman makausap ng sarilinan dahil masyado kaming busy. Balak ko siyang kausapin pagkauwi ng mga kaibigan ko. Kahit bihira kaming magkasama ay madalas naman kaming magkausap sa phone para magkumustahan at huling usap namin ay mainit ang ulo niya sa manliligaw niya dahil nahuli niya itong may kalingkisan na babae. I don't know kung ano ng balita dahil sa na busy na ako sa naging misyon namin na hulihin si Ligalig at siya naman sa trabaho niya. Natapos ang party na hindi na nakabalik pa si Jenny. I tried calling her pero hindi niya sinasagot ang tawag. Ninong chief is staying over at dahil nga wala pa si Jenny ay pinili ko na magpaiwan na rin. I have a small room here dahil mula ng mga bata pa kami ni Jenny ay nakagawian na namin na mag sleepover sa bahay nila at gayundin sa bahay namin. She also has a room in my house. Kaya naging mag bestfriend kami ay dahil na rin sa mga magulang namin na malalapit na magkaibigan din. Sila at pati na rin sina tita Sophie at ninong chief ay magkababata at magkaibigan. The team went home at si Oppa Lee ang nag drive at naghatid sa mga lasing dahil hindi naman siya umiinom ng alak. Masyadong health concious ang Oppa ng Black Delta. I tried waiting for my bestfriend to come home but since nakainom ako kanina ay nakatulog na ako kahit na anong pigil ko. I woke up because of ninong chief's loud knocking in my room. Pupungas-pungas akong mabilis na bumangon at tiningnan ang oras sa sa orasan sa may dingding. It's 4:30 in the morning, halos three hours pa lang ang tulog ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad si ninong chief with a serious face at si tita Sophie with a worried face. "Nong? may problema po ba?" nag-aalalang tanong ko ng makita ko si tita na umiiyak na at yakap ni ninong chief. Bigla akong kinabahan. "Fix yourself. Kailangan nating puntahan si Jenny." seryosong sabi nito. "Si Jenny? why? what happened?" naaalarmang tanong ko ulit. "Someone called your tita Sophie awhile ago. A man. Sabi niya ay puntahan daw natin si Jenny. He gave an address so let's go." " Magbibihis lang po ako nong, I'll be out in a minute " Nagmamadali kong isinara ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ko ng tumalikod na palabas ng bahay sina ninong chief. I quickly readied myself at saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Nakita ko ang sasakyan ni ninong chief at mabilis akong pumasok sa may backseat. Agad na pinaandar ni ninong ang sasakyan habang ako ay busy na sa pagtawag kay Jenny ngunit nakailang ring na ito ay wala pa ring sumasagot. Kinakabahan na tinigil ko ang pagtawag at tumanaw na lang sa labas. Sana ay walang masamang nangyari sa kanya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling mapahamak ang best friend ko. "Hush ling (short for darling) she's gonna be just fine." malambing na pang-aalo ni ninong kay tita Sophie na wala pa ring tigil sa kakaiyak. I closed my eyes and prayed for Jenny to be okay. Naging napakabagal ng oras para sa akin. Ganon ata talaga kapag gusto mong mapabilis ang oras ay lalo itong bumabagal pero kapag gusto mo namang maging mabagal ay tila ka tinutudyo ng tadhana at tila ipo-ipong mabilis na dumaraan ang oras. When we finally arrived at the place ay mabilis kaming lumabas ng kotse ni ninong chief. The address given to us ay address ng isang malaking building. Isa pala itong magarang condominium. "Cuadro's Condominium" looks very class at talagang mamahalin ang dating, pagpasok pa lang namin sa lobby ay kitang kita na namin ang mala palasyong disenyo nito with a combination of gold and white colors all around. Ang alam ko ay bagong-bago ang building na ito at mga kilalang artista, business persons at pulitiko ang karamihan sa nagmamay-ari ng units dito kaya naman mahigpit din ang security. Sinalubong kami kanina ng isang security guard at tinanong ang pangalan at pakay namin. Nang magpakilala si tita Sophie ay agad na inasikaso kami at pinaupo sa sofa na nasa lobby. He called the woman in the reception area at pinasamahan kami sa pag-akyat sa top floor. I heard the man mention na word boss kaya napaisip ako kung sino ang taong sasalubong sa amin sa top floor. He must be someone big since hindi naman niya maafford ang top floor kung simpleng tao lamang siya. Nagtataka kaming nagtitinginan nina ninong chief noong nasa loob na kami ng elevator. I think we are all wondering what is Jenny doing in a place like this. When we arrived at the top floor, I noticed the grand lobby, kasing bongga ng nasa baba but manly lang ang ambience since the color around is more of dark grey white and gold. Pinaupo kami ng babaeng receptionist sa isang napakagandang sofa na parang ginawa para sa mga maharlikang tao. Matapos kaming bigyan ng inumin na tinimpla niya mula sa magandang kitchen na tanaw sa may kinauupuan ko ay magalang itong nagpaalam. Nais sana naming magtanong ngunit mabilis na itong tumalilis papunta sa elevator. Pagkasara ng elevator ay biglang bumukas ang isa sa limang pinto na naroon na hula namin ay mga kwarto. Iniluwa ang isang matangkad at malaking lalaki na mahahalata mong may dugong banyaga. A very handsome man with a dangerous aura. Mahaba ang buhok na naka ponytail pero may mga takas na hibla sa may mukha, balbas sarado at may abuhing mata. I saw a scar in his forehead pero sa halip na mabawasan ang ka gwapuhan nito ay mas nakadagdag pa ito sa warrior like looks nito. Napasinghap si tita Sophie at naka nganga itong di maalis ang tingin sa lalaki kaya mabilis itong kinabig ni ninong chief palapit sa kaniya. "Good morning pow! I'm sorry to disturb you this early." walang imik akong nakatingin lamang ng seryoso sa kaniya. He sounds like a Russian man and by his looks mukang Ruso nga talaga siya. Tila walang maapuhap na salita upang sabihin si tita Sophie sa kaharap namin. Tumikhim si ninong chief at saka ito nagsalita. " Ikaw ang tumawag sa fiancee ko kanina." nakakasigurong sabi ni ninong chief. "Yes pow" I am impressed! Nakakaintindi siya ng tagalog at kanina pa siya gumagamit ng po, slang nga lang. "Pwede na ba naming makita si Jenny?" mahinahong sabi ko. The guy looked at me for awhile at saka sumagot. "Of course. By the way, I'm Viktor. I'm Anton's cousin, who happens to be the boyfriend.. I mean fiancee of Jenny." magalang na pakilala nito. Napasinghap muli si tita Sophie habang ako ay hindi naiwasang mapakunot ang noo. "fiancee?" seryosong paglilinaw ko. "Yes mam! you heard it right. I'll call Anton to clear things out with you." magalang itong nagpaalam sa amin na hindi pa rin makapaniwala sa narinig. He went to the room next to where he came out and knock at the door. Sa ikatlong katok ay may lalaking nagbukas nito and there we saw Anton wearing a white sando and a board shorts.Agad itong lumingon sa direksiyon namin at tila inasahan na nito na makita kami kaya nakangiti itong lumapit sa amin at agad na nagmano sa dalawang matandang kasama ko, este nakakatandang kasama ko. Anton is not much of a stranger to us. I met him once at naipakilala na din siya sa akin ni Jenny while tita Sophie knows him well dahil madalas itong dumalaw kay Jenny sa bahay. Ninong chief knows him too dahil minsan ay nakakasabay niya ito sa bahay nina tita Sophie since nanliligaw din siya kay tita dati. Tito ninong told me once na inimbitahan daw niya si Anton once para kilatisin since he has a dangerous and playboy aura like his cousin kanina. At sa tingin ko ay pumasa naman siya dahil may mga pagkakataong nagkakaharap din sila sa inuman after that kilatis moment. I looked around at napaisip ako talaga. Is he a billionaire or something? I didn't know anything about his work or his financial status dahil never kong inusisa si Jenny about that pero seeing him in this place made me wonder. I looked at ninong and tita Sophie. Alam kaya nila na ganito kayaman si Anton? Or sa kaniya ba itong unit dito? "I'm sorry for worrying you auntie." narinig kong sabi ni Anton. He smiled at me at nagmano siya kina ninong chief. Nakita kong umaliwalas na ang mukha ng dalawang kasama ko at tila nakahinga ng maluwag ng makita si Anton. "Why did you call for us here, Anton?" matiim ang tingin ko sa kaniya when I asked him. Lumingon siya muli sa akin at saka tumikhim. Pinili niyang umupo sa upuan na nasa tapat ko na malapit kina tita Sophie. Nagkakamot ng leeg at alanganin ang ngiti siyang nagpabalik-balik ng tingin sa aming tatlo. "uhm.. . I have a good news for you guys?" hindi siguradong sabi niya. I heard his cousin chuckle kaya nakakunot ang noong binalingan namin ito ni Anton. He laughed at taas ang kamay na naupo ito sa upuan malapit sa amin. Magsasalita na sana ulit si Anton when we heard a loud cursing kasunod ang mga yabag na naghahabulan at malakas na tawa ng isang lalaki. "F*cking Lazaro, you're d*mn dead! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD