When things go wrong, run! Pero paano kung hindi ka na nagkaroon ng pagkakataon na tumakbo?
Kagaya ni Ligalig, nawalan na ng oras na tumakbo dahil sa kahayukan niya sa batang laman. Kinarma kaya ngayon ay pilit siyang kinukuhanan ng impormasyon nina Uno sa loob ng safehouse.
Dito siya dinala to make sure na hindi siya mababawi o mapapatay ng sindikato lalo na at wala pa kaming nakukuhang impormasyon mula sa kaniya. They are trying to convince Oyo na ikanta ang mga nalalaman nito pero mukhang matigas at matibay talaga ang loob ng matandang phedo dahil kahit ilang oras na siyang pinapahirapan nina Uno ay ayaw talagang kumanta. Mas gugustuhin pa daw niyang mamatay kesa ipagkanulo ang boss niya. Lintek! iba din ang palabra de honor ni tanda, sobrang loyal sa d*m*nyong amo niya. Kung loyalty man o takot ang dahilan ng hindi niya pagpiyok ay yon ang hindi pa malinaw sa amin.
"My labs, bakit nandito ka sa labas? Nasa loob sina Maggie, nagpapahinga muna. Are you not tired?" malambing na tanong ni Jacob sa akin sabay upo sa tabi ko.
Kahit kelan talaga tong si Jacob panira ng peace of mind ko.
"I'm trying to breathe, ampangit ng hangin sa loob." nakapikit kong sagot sa kaniya.
Kanina ay naiinis ako sa matandang phedo kaya pinili ko na lang na lumabas dito sa may likod ng safe house. Nangigigil akong tumulong para pahirapan siya pero hindi ko trabaho yon kaya sa halip na mainis lalo ay pinili ko na lamang lumabas.May duyan na inilagay dito sina Shubhi para maging tambayan kapag nandito kami. Magandang tanawin ang makikita mo sa parteng ito, the city lights and houses plus the clear sky na punong-puno ng matitingkad na bituin at mailaw na pabilog pa lamang na buwan. May mga kalapit na puno na nakapagbibigay ng masarap at preskong hangin plus mga bulaklak na hindi man masyadong kita ngayon dahil gabi ay naamoy naman sa paligid ang halimuyak ng mga ito.
"Baka naamoy mo lang ang utot ni Maggie don kaya bumaho ang hangin." malakas na tumawa si Jacob matapos ko siyang tingnan ng masama at irapan.
"Apaka balahura talaga nito. Pag ikaw narinig ka ni Mags, lagot ka na naman don." banta ko sa kaniya.
"Sus! Lambing lang ang katapat ng inis ni Maggie sa atin, bigyan mo lang ng tsismis yon ok na agad ang mood non, makita mo!" pabiro pa ring sagot nito saka pinilit humiga sa duyan na kinauupuan ko.
"Tsk! kayo talaga, ang sama ninyo kay Mags. Hindi naman tsismosa yon,.. .
slight lang."
sabay kaming natawa sa sinabi ko at saka ako tahimik na tumanaw ulit sa magandang tanawin habang siya ay nakapikit na tila inaantok na. Parang walang pakialam sa napakagandang tanawin at sa langit na punong-puno ng matitingkad na bituin.
I heard Jacob heaved out a deep sigh. Napabaling ang tingin ko sa kaniya. Akala ko pa naman nakatulog na itong katabi ko.
" lalim non ah! spill it out!" panghihimok ko sa kaniya.
"Wala" malumanay na sagot niya saka dumilat at tumingin sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin pero nagpipigil lang siya.
"Com'on Jacob, ako lang to. Si Andrea na kaibigan mo" pabirong pilit ko na nakangising nakatingin sa kaniya habang tinataas-baba ng sabay ang aking kilay.
Napalatak siya at napangiti habang naiiling.
"Tss! naman talaga oh! friend zone talaga ako lagi sayo. Sheket! " pa kwelang balik niya habang may pahawak at pa tap pa sa dibdib na nakanguso.
Pinitik ko ng mahina ang noo niya ng makitang nag iinarte siya.
"Sabihin na kasi." pamimilit ko pa rin.
Napabuntunghininga siya ulit at saka tahimik na tumanaw sa mga bituin.
"Wala, wag na lang."
Tiningnan ko siya at pilit na inaalam sa mukha niya kung ano ang gusto niyang sabihin. He just smiled at me at saka kumindat-kindat pa.
"G*go! wag mo akong daanin sa pa cute mo hindi uubra yan sakin" busangot ang mukha ko sa kaniya.
"I know pero wala namang masamang magbaka-sakali diba?"
Natahimik kami pareho. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at saka muling bumaling sa magandang tanawin. Bigla akong naging uneasy.
"You know. . " hirap magpaliwanag at nag aalangan na sabi ko.
" It's ok my labs. Tanggap ko naman na basted ako matagal na, I'm just teasing you pero hindi na rin masama kung papatulan mo." he smirked at saka ako kiniliti ng konti sa bewang. Umiwas ako at inirapan siya.
"Ewan ko sayo, nabubuang ka naman Jacob. Pumasok ka na nga doon sa loob. Si Maggie na Lang ang bwesitin mo." inis-inisang sabi ko pero ang totoo ay hindi ko talaga alam kung panu kakausapin si Jacob kapag tungkol sa nararamdaman na niya ang usapan.
Hindi ako magaling sa salita, I am more of an action person. Sa kilos ko ipinapakita ang nararamdaman ko, ang love and care ko para sa isang tao. But with Jacob I don't know how to tell him na wala talagang romantic feelings akong madama towards him.
"Anyway my labs, sasama ka ba sa Sunday?"
"hmm, anong meron sa Sunday?" tinatamad kong balik-tanong sa kaniya.
"Invited daw ang buong team, hindi ka ba nasabihan ng bestfriend mo tungkol don sa party ng tita niya?"
"ah yon ba? Sus! siyempre nasabihan na ako. Ako nga ang bestfriend diba? Tsaka future ninang ko kaya yong may birthday sa Sunday." mayabang na sagot ko.
Napangiti ako at muling gumaan ang nararamdaman ko when I remember ninong chief at ang kanyang longtime unrequited feelings towards tita Sophie. Wish ko lang talaga na magkaroon na ng progress ang lovelife ng ninong chief ko. He deserves to be happy, deserve niyang maranasan at maramdaman kung panu ang umibig at ibigin.
"yabang natin ah! sige na ikaw na ang VIP sa party sa Sunday." tumatawang sagot ni Jacob sabay pat sa ulo ko.
Natatawang umiwas ako sabay siko sa kanya ng mahina sa tagiliran para tigilan niya ako. When Jacob stopped teasing me, parehu kaming tahimik na nakaupong tumanaw sa kawalan. This guy really is something pero ewan ko ba, kahit gaano ko kasundo si Jacob I never felt romantically involved with him. What I have for him is purely platonic, just a friendly feelings and more of a brotherly love. But really, kung pwede lang, kung matuturuan lang ang puso I will choose him over anyone else. Jacob and I knows and understands how special we are to each other. Hindi man romantically pero walang hihigit na anuman dito and that definitely is gonna be our own forever.
Naputol ang pagmununi-muni namin ni Jacob ng tila may bumara sa lalamunan niya kaya siya napatikhim. Nang bumaling ang tingin ko sa kaniya ay nakita kong nakapikit siya at nakatingala na tila nagpipigil ng isang malalim na emosyon. I sighed. I know there is something that is troubling him pero hindi ko ipipilit na sabihin niya sa akin kung hindi pa siya handang magsabi pero malakas ang kutob ko na this is all about his family.
Ihinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. It is my simple indirect way of telling him I'll be just beside him no matter what happens.
Pagdating sa pamilya niya lalo na sa Dad niya ay malalim ang tinik na nakabaon sa puso ng katabi kong ito. I don't know the exact reason dahil hindi naman talaga ma detalye sa buhay si Jacob. All I know is that he has an estranged relationship with his Dad for a long time now. The reason why he choosed this job para malayo siya sa mata ng kaniyang ama na isang sikat na senator ng bansang ito, si Senator Kubarubias Asuncion.
Anak mayaman si Jacob eversince pero never ko siyang nakitaan ng ere. He is a very down to earth man na handang tumulong kahit kanino at hindi nakakap*t*ngina ang ugali niya kundi talaga namang nakakabilib. Unlike other rich kid na nakasalamuha ko, what Jacob have in his life now all came from his effort to better himself. Napaka jologs na tao at napaka simple.
" Kung hindi ka kumportableng pag-usapan ay ok lang Jacob. " nanantiyang sabi ko.
He looked at me and smiled. Isang tipid at simpleng ngiti.
"Thanks my labs! " he smiled at me a little then went back to being calm and quiet.
Pagkatapos naming tumambay ni Jacob sa labas ay naki join na kami sa ibang mga kasamahan namin na nasa loob. We helped Uno talk to Ligalig but still we made no progress. Matigas talaga ang matandang phedo.
Matapos ang ilang araw na pananatili namin dito sa safehouse ay hindi pa rin bumaliktad si Ligalig alyas Oyo. Luckily, kinontak napapayag na ng aming team leader na si Uno ang dating karelasyon ni Ligalig at nais niyang tumulong upang makausap si Ligalig. Kahit na ayaw nitong harapin si tandang phedo dahil sa atraso nito dito ay napilit pa rin ito ni Uno.
Sa makalawa ay ihahatid siya dito ng taong nagbabantay sa kanila na itinilaga ni ninong chief. We are hoping na sa tulong niya ay may ibibigay si Ligalig na mahalagang impormasyon para matukoy namin ang bossing ng Venom Syndicate para mawakasan na rin ang paghahasik ng kasamaan ng grupo nila gayundin mabigyan ng katarungan ang mga taong pinatay at inagrabyado nila.
Tungkol naman sa batang na rescue namin kay Ligalig, sa ngayon ay maayos na ang kalagayan niya. Isinailalim siya nina ninong chief sa isang psychiatric treatment para sa trauma na natamo niya. Ang mga magulang at kapamilya naman niya ay inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ngunit malaki raw ang posibilidad na baka wala na ang mga ito at maaring pinatay na ng sindikato kaya napunta kay Ligalig ang bata.
Nakakalungkot man isipin na maaring dahil sa sindikatong Venom ay may isang bata ang nawalan ng pamilya at labis ang trauma na natamo ngunit hinihiling ko na lamang na sana ay mapabuti pa rin siya. Sana sa susunod na magkaharap kami, kung meron pang pagkakataon, sana ay masaya at maayos na ang kalagayan niya. As for us, we will not stop until mahuli namin ang puno at siyang lakas ng sindikato, ang bossing nila.
I still believe that God will not let the darkness win.