Chapter 17

1684 Words
"I promise to protect you and love you... it's a promise that will never be broken!" -Ms. Green Kanina pa ako hindi mapakali habang nasa upuan. Kasi naman ako dapat ang nagdadrive pero baliktad ang lahat. "You look worried... or upset? " I looked at the gorgeous woman beside me in my car. She never fails to take my breath away. Kahit simpleng jeans at t-shirt lang ang suot niya ay talagang nakukuha niya pa rin ang puso ko. Lalo pa ngayon na nakasuot siya ng isang sexy na peach dress that compliments her sexy body and beautiful color. Nakalabas ang isa niyang makinis at mahabang legs sa mahabang slit ng dress. Kanina pa din ako hindi mapakali dahil sa naghuhumiyaw niyang busog na busog na hinaharap. Just d*mn! Nakakatakam talaga siya. I know everytime I'm with her nagmumukha na akong manyakis na gutom. I just can't help it, she's so d*mn hot! I'm not worried, I just can't sit quietly beside you with that sexy dress on you. I felt so d*mn hot inside because of you. Gustuhin ko mang sabihin yan ay iba ang isinagot ko. Ayokong matakot siya sa nararamdaman ko para sa kaniya. " I'm not worried. Upset a little,yes but I'm excited as well." yan ang safest answer na dumaan sa utak ko. "Ako din excited na rin pero akala ko talaga worried ka or natatakot ka dahil sa kotseng kanina pa nakasunod sa atin." kalmado pero alertong sagot niya.Habang nakatingin ng pasimple sa rearview mirror. I'm upset kasi hindi ako ang nagdadrive para sa kaniya dahil sabi niya kasama sa trabaho niya na siguraduhin ang kaligtasan ko kaya siya na din ang nag drive. Kumontra sana ako since I want to be a gentleman pero ayaw talaga niyang paawat. Akmang lilingunin ko ang sinasabi niyang kotse para siguruhin ang sinasabi niya when she held my jaw towards her face. Buti na lang at naka stop ang kotse namin dahil naka red ang stoplight . So near, sh*t! Parang ang sarap sunggaban ng labi niya na napakalapit sa akin habang ang mata niya ay nakatutok sa mata ko. Nanlalaki ang mata niya sa akin signing me not to look at the car she mentioned. Pigil hininga kong ginalaw ang mga kilay ko para ipaabot ang pag sang-ayon ko. "Don't look! baka makahalata." she calmly said. Sana all kalmado, kasi ako hindi ako worried sa sinasabi niyang nakasunod sa amin kundi sa biglaang pag react ng buong katawan ko sa hawak niya at amoy ng hininga niya na sobrang bango. "Hey! focus ang tingin sa akin lang" agad niyang inalis ang pagkakahawak sa mukha ko ng makitang naka go na ang stoplight. Sh*t naman kasi, nasa alanganin na nga kaming sitwasyon ay kung ano-anu pang nararamdaman ko sa katawan ko. Tapos sh*t na malagkit gusto niya sa kaniya lang ako nakatingin, aba'y favored sa akin.Ang saya! "I'm sor..ahem..sorry, kinabahan lang." palusot ko. "Don't worry, I got you! I won't let anything bad happen to you." seryoso niyang sabi tsine-check niya ang maliit na baril na nakatago pala sa hita niya at kinuha niya kanina. "I have a gun in the compartment." naalala ko bigla kaya nasabi ko. "Get it kapag kinailangan. Tingnan muna natin kung talagang sa atin nakasunod. I'll turn the other way. " Itinuturo niya ang diversion road na nasa unahan. So I agreed at what she said. Tiningnan niya ng maigi kung susunod ba ang sasakyan sa nilikuan namin habang ako at sa kaniya lang nakasunod ang tingin. Nang wala namang sumunod matapos ang ilang sandali ay parehu na kaming nakahinga ng maluwag. "Sorry, false alarm." nakangiwing hingi niya ng paumanhin. "Nah, it's all good. You just proved me how good and serious you are at your job. Thank you! Ngayon hindi na ako kakabahan na ikaw ang kasama ko." nakangiti at nakahingang sagot ko. She stopped the car and eyed me. "Hmm, so kanina ay kabado ka pala na ako ang kasama mo? " Nakupo! magsusuplada na naman ata ang amasona loves ko. "oh no! that's not what I mean." agad na paliwanag ko sabay taas ng bahagya ng dalawang kamay ko. She narrowed her eyes at me. Grabe ang kaba ko. After awhile ngumisi siya at pinaandar na muli ang sasakyan. "It's okay! alam ko namang kakabahan ka since babae ang guard mo. I understand." " No, no no! that's definitely not what I meant when I said kinabahan ako kanina. I know kahit babae ka ay magaling ka kaya nga ikaw ang inatasan na magbantay sa akin. I'm not belittling you just because you're a woman. I don't look at women that way." walang hinga-hinga na mabilis na paglilinaw ko . Kinabahan ako ng husto na yon ang iniisip niya. I will never belittle her. . not her, not any woman. Alam ko na ang mga babae ngayon ay kasing galing na ng mga lalaki sa iba't-ibang larangan, minsan nga ay nakalalamang pa sila. No offense meant sa mga kabaro ko pero iba na talaga ang mga babae ngayon and I respect and salute them for that. Bigla siyang natawa. "I'm just teasing you. Pinapagaan ko lang ang atmosphere parehu tayong kinabog ng false alarm kanina." tumatawang sabi niya. I heaved out a deep sigh and smiled at her. Mukhang mas kinabahan pa ako don kesa sa false alarm kanina. Medyu mabato ang kalsada sa nalikuan namin but luckily maayos naman kaming nakarating sa simbahan kung saan idaraos ang kasalan. Sa awa ng diyos ay natapos naman ng maayos ang kasal ni uncle Rik kay auntie Sophie. Ang ganda rin ng amasona ko kanina. Sobrang naghinayang lang ako na hindi ako ang partner niya sa paglalakad sa aisle at swerte talaga ng uranggutang na yon dahil siya ang partner ng amasona ko. Di bale next time ako naman ang kapares niya sa paglalakad at sisiguraduhin ko na sabay din kaming mag "I Do" sa unahan. Selos now tawang matagumpay later. "Insan, kumusta? naka first base ka na ba?" Biglang naputol ang pagmununi-muni ko ng marinig ko ang tanong ni Nick. Kami ang magkakasama sa mesa dito sa reception. Katabi ko kanina ang amasona ko pero nagpaalam siya at pumunta muna sa mga kaibigan niya. Kanina pa ako nag iisip na sunduin siya sa mesa nila para maisayaw siya pero dinadaga ako ng konti. I know we did good kanina. Nagkakatawanan at ngitian na kami but when she's with her friends I can't help feeling uncomfortable na makisali sa kanila lalo na't medyu bago pa yong nagawa ko nong lasing ako. "I think it's a no Nicky boy. " nambubuskang sabi ni Viktor. Tiningnan ko sila ng masama. Pang inis na naman itong mga kolokoy na pinsan ko. "Can you just mind your own business?" supladong sagot ko sa kanila saka ibinalik ang tingin sa babaeng kanina ko pa gustong isayaw. "So you don't need our help?" nakangising tanong ni Anton. Cool na cool talaga ang isang ito porket kasal na siya sa Jenny niya. Paingos ko silang tiningnan at saka humalikipkip at sumandig sa upuan. "Bakit, makakatulong ba kayo?" "L*ngya! kami pa ba." sabay-sabay na sagot na tatlong kolokoy. Napangiti ako at saka tiningnan ang kinaroroonan ng amasona ko. Biglang tumayo si Anton at nilapitan si Jenny saka inakay sa dancefloor. Tamang-tama at maganda at malamyos ang tugtog. Tumayo din si Viktor at lumapit sa amasona ko saka bumulong. Tatayo sana ako para lumapit pero pinigilan ako ni Nick. Siya ang tumayo at bago ako iniwan ay sinabing isayaw ko raw si auntie Sophie. I don't know what their plan is pero nong nakita kong nakangiting kakamot-kamot ang amasona ko na tumayo at inakay ni Viktor sa dancefloor ay agad akong tumayo at lumapit kina uncle Rik at auntie Sophie. Nagpaalam ako kay uncle Rik at auntie Sophie para sa isang sayaw at salamat naman at pinagbigyan ako ni uncle Rik na tila nakakaintindi. Kinindatan pa ako nito bago kami umalis ni auntie Sophie at saka pasimpleng inginuso ang amasona loves ko na ikinangiti naman ni Dad na kasama nila sa table nila. Mukhang na briefing ng mga kolokoy ang mga matatanda. Ilang sandali habang nagsasayaw kami ni auntie Sophie.. "Bakit kasi hindi mo pa inayang magsayaw kanina?" narinig ko ang mapanudyong tanong ni auntie Sophie. Namula ako at saka napangiti. "Dinaga lang po auntie." Natawa siya sa isinagot ko. "Ay naku, weak..haha akong bahala iho." Natawa ako sa sinabi niya. Young at heart din pala si auntie Sophie pati sa pagsasalita may pa weak pang nalalaman. Nang lingunin ko ang amasona ko ay nakita kong si Anton na ang kasayaw nito. Iginiya ako ni tita Sophie palapit sa kanila habang nagsasataw kami. Nang makalapit ay agad niyang tinapik ang balikat ni Anton at nakakaintindi naman itong ngumiti at tumigil sa pagsasayaw. "Andrea anak, makikipalit muna ako ng partner ha. Isasayaw ko lang itong pamangkin kong si Anton" Ngising aso naman si Anton at sobrang tuwa ata na tinawag siyang pamangkin ni auntie Sophie. Tumango naman ang amasona loves ko. Biglang kumabog ang dibdib ko ng pagkalakas-lakas at parang pinagpawisan ako ng malamig. Mukhang dinadaga ang puso ko sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Nang bumaling sa akin ang tingin ng amasona ko ay nginig kamay akong humawak sa bewang niya. Sh*t na malagkit! ang lambot niya, kahit batak sa exercise at training ang katawan niya ay para pa ring unan, too soft at napakabango din sobra. Ipinatong niya ang kamay niya sa mga balikat ko at saka marahang gumalaw na sinabayan ko. Walang imik kaming nagsasayaw. Ako ay hinahamig pa ang sarili sa sobrang tuwang nararamdaman ko. Siya, hindi ko alam kung ano ang nasa loob niya. All I know is this night is the best night of my life. Isa sa mga bucket list ko ito with my amasona loves. Sarap sa feeling grabe! From this night on I promise to protect and love my amasona, My Andrea! .. it's a promise that will never be broken till the day I held my last breath. God I'm so inlove with this woman, please make her mine! Akin na lang po siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD