" My heart jumps everytime I see you, no one compares, just you." -Ms. Green
Tuwang-tuwa ako ng marinig ang sinabi ni uncle Rik. L*ngya assuming na kung assuming pero feel na feel ko talaga yon. Ang sarap sa tenga at talaga namang paulit-ulit ito sa utak ko kanina pa.
"Very well then, pag usapan na natin ang magiging relasyon ninyo ni Andrea."
Parang biglang nagkakaroon ng unli playback yang linyang yan sa utak ko. Para siyang drugs na dinadala ang buong sistema ko sa ulap. Ang saya sobra!
"Ahermm!"
Bigla pumutok ang bubble sa utak ko ng marinig ang sadyang pag tikhim ni Dad na sinabayan ng mahihinang tawa ng dalawang kolokoy kong pinsan na sina Viktor at Nick. Biglang nag init ang mukha ko ng makitang nakangiwi ang amasona ko sa akin.
"Lutang ka yata iho. Are you okay?" seryosong tanong ni uncle Rik.
Napakamot ako sa ulo saka sumagot.
"I'm fine uncle, may naisip lang ako bigla." palusot ko.
Napatawa ng malakas ang dalawang kolokoy kaya sinibat ko sila ng matalim na tingin. These guys are really a pain in the ass. Napaka walang suporta.
"Kids, stop teasing my son." natatawang saway ni Dad sa dalawa.
Agad namang umayos ang dalawa at nag sorry kay Dad.
"Anyway, as I was saying.. Andrea will stay with you at all times Drei, iho." uncle Rik said.
Sinubukan ko ng ibigay ang full attention ko para hindi na ako maging katatawanan ng mga kolokoy lalo na't pumapabor sa akin ang sinasabi ni uncle Rik.
"Since siya ang magiging personal bodyguard mo ay kailangang mag stay siya sa kung saan ka nag-i-stay at pupunta siya kung saan ka man pupunta, 24/7 . " dagdag pa ni uncle.
Poker face lang ako habang nakikinig pero sa loob ko my heart is jumping with so much joy. Sh*t lang kasi, 24/7 ko ba namang makakasama ang amasona ko. How lucky could I get!
I looked at my amasona loves, seryoso lang din siyang nakikinig sa mga instructions sa kaniya ni uncle Rik. Talagang focus siya sa trabaho na ibinibigay sa kaniya. I'm so proud of her.
"Drei iho, "
napalingon ako sa pagtawag ni uncle Rik sa akin. Agad akong lumapit ng makitang tinawag niya ako palapit sa kanila ng amasona ko.
"Yes po, uncle ?" tanong ko.
"Please be good to my inaanak, okay? Wag mong pasasakitin ang ulo nito dahil hindi ko maipapangakong hindi ka makakatikim ng parusa sa isang ito kapag nagpasaway ka. Anyway it's for your own safety, okay iho?"
"Yes po uncle I understand! Don't worry po." pagsang- ayon ko.
"Nak? ikaw na ang bahala kay Andrei ha? .. he's a family." sabi ni uncle Rik kay amasona loves ko.
"Don't worry nong, hindi ko po kayo bibiguin. He'll be safe as long as hindi po siya magpapasaway." nakangiting pagsang-ayong naman ng amasona ko sabay baling sa akin at tinaasan ako ng kilay.
" Good, good! I hope hindi makaapekto ang nangyari nong nakaraan. . and Drei sana'y hindi na mauulit pa iyon ha?"
"Yes po uncle and I'm sorry again about that."
" Andrea I'm sorry!" pahabol na sabi ko sabay baling sa amasona ko at ngiti dito.
Tila nabigla siya sa pagpapakumbaba ko kaya sandali siyang natigilan ngunit ng makabawi ay isang tango na lamang ang isinagot niya sa akin.
"Anyway mga anak, magpanggap na muna kayong magkarelasyon sa ibang tao para hindi isipin ng kalaban na may nagbabantay sa iyo Andrei. The team, your dad and cousins are the only ones who knew the truth about Andrea being your bodyguard."
"What if Volkov investigates her?" kuryusong tanong ko.
"Well, wala siyang makikitang kahina-hinala. Her connection with the force was already erased a long time ago, simula ng mapabilang siya sa team namin. Ang makukuha lang ng mag iimbestiga ay si Andrea Cervantes na adventurous na nagtapos ng business course at nagma manage ng sariling travel and tour business niya."
Nakahinga ako ng mabuti knowing na safe naman pala ang identity ng amasona ko kung sakali. Knowing Volkov, alam kung kikilalanin niya ang mga taong malapit sa amin lalo na't nabulilyaso ang pananambang nila sa amin ni Dad.
Matapos ang pag uusap namin ay nagplano na ang lahat para sa kasal ni uncle Rik bukas.
Sabay-sabay na kami na pupunta sa simbahan habang si auntie Sophie naman ay babantayan ni Anton at ng buong team ni Viktor kasama si Jacob at Raven. Sina Uno naman ang makakasama namin nina Dad bukas. Yeah tama, Jacob na Ang tawag ko sa kaniya since nagkaayos na kami at nalaman ko na hindi naman pala sila magkarelasyon ng amasona loves ko.
Kaya yon, kahit matagal na siyang palipad hangin sa amasona ko ay hindi na ako threatened lalo na't may chance na ako para mapalapit ng husto sa amasona ko. Well panghahawakan ko ang hiwaga ng 24/7 na pagsasama namin sa mga susunod na araw. Tsk! Ngayon pa lang parang kinikilig na ako.
Nakakabakla man pakinggan pero talagang sobra yong kilig ko sa kaalamang makakasama ko ang amasona ko palagi. Sana maging effective ang 24/7 na pagbabantay ko sa kaniya, I mean pagbabantay niya sa akin. haha basta seize the opportunity ako nito.
I will make sure na maakit at mapapaibig ko siya, by hook or by crook. Napangisi ako sa naisip kong mga plano, Oplan Mrs. Turgenev na ito! Yes Mrs. dahil hindi ko na siya balak na pakawalan lalo pa't lintek na pag-ibig pero super true ang tumama sa puso ko.
"Tsk! ang manyakis mo naman makatingin insan. Parang natatakot tuloy ako sa kahihinatnan mo if ever man may gawin kang masama kay Andy." bulong ng panira kong pinsan na si Nick.
"Can you not jinx my plans Nicky Boy? Ang aga mo namang mag negamonyo sa akin. Nakakput*ngina lang! " inis na pabulong na sagot ko habang nakatanaw sa likod ng amasona ko na naglalakad sa unahan namin papunta sa itaas.
And sexy niya talaga, sobrang liit ng bewang at yummy ng pang-upo.
Aayusin daw niya ang mga gamit niya para bukas dahil ipinadala ni auntie Sophie ang isusuot niya bukas sa kasal. At siyempre dahil hindi kami pwedeng maghiwalay ay nakasunod ako sa kaniya ngunit sa kasamaang palad ay may nag aasungot na sumama sa akin at ito ay walang iba kundi ang walang suportang pinsan ko na si Nick.
Biglang may kamay na pumahid sa may gilid ng labi ko.
"Tulo laway masyado insan..haha" kantiyaw ni Nick.
Akma ko siyang bibigwasan sa panga ng mahagip ng mata ko ang paglingon ng amasona loves ko kaya sa halip na bigwas ay pasimpleng kurot sa pisngi na madiin ang ibinigay ko sa pinsan ko.
"Don't f*ckin' disturb me *ssh*le!" pagbabanta ko sa kaniya.
"Aray! apaka sungit ah, parang ang bilis mo naman atang makalimutan na kung hindi naman dahil sa akin eh hindi sana yang si Andy ang magiging bodyguard mo. You're welcome ha insan ha, you're welcome! " inis na pagdadrama na tila nasasaktan ni Nick sa akin.
Natawa ako pero lalong ikinainis ng kolokoy. Inakbayan ko siya at saka binulungan.
"Okay fine, Thank you Nicky Boy! Love you na! " sabi ko saka mabilis na hinalikan siya sa pisngi at tumakbo palayo habang tumatawa.
Malakas akong minura ni Nick at binigyan pa ng F*ck you sign. Ayaw na ayaw kasi niya na hinahalikan siya ng kapwa lalaki kahit pa kami na pinsan niya dahil nong highschool siya ay may bakla daw na humalik sa kaniya sa harap ng karamihan sa school quadrangle nila kaya ayon na trauma ang g*go.
Napahinto na sa paglalakad ang amasona ko at saka nagtatakang napatingin sa amin ni Nick. I just gave her my sweetest smile na sinagot naman niya ng pagtaas ng kilay at pag simangot saka umirap at tumalikod. Itinuloy niya ang pag akyat sa itaas patungo sa kwartong inuukupa ata niya.
Apakasungit naman talaga ng amasona ko, mukhang may galit pa rin sa akin. Di bale babawi ako, sisiguraduhin ko na mago-goodshot na ako sa mata niya at masusungkit ko ang puso niya.
Mrs. Andrea Cervantes Turgenev, uy bagay! haha kinikilig na naman tuloy ako. Agad akong humabol ulit sa amasona ko habang hindi pa rin maalis ang saya, ngiti at kilig ko.
Excited na akong makasama siya sa condo at sa bahay ko na soon ay magiging bahay na rin namin. Sana magustuhan niya ang tumira malapit sa beach.
Pagdating sa taas ay agad akong umagapay sa lakad ng amasona loves ko. Tiningnan niya ako at saka huminto.
"Where are you going?". nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ahmm, I'm going with you." sagot ko sabay turo sa pinto ng kwartong pupuntahan niya.
Tumaas na naman ang kilay niya at napasimangot pa.
"Why?" seryosong tanong niya.
"Eh diba sabi ni uncle 24/7 tayong magkasama dapat?" confident na balik-tanong ko.
Napangisi siya.
" Yeah he said that pero bukas pa iyon, you're safe here as long as hindi ka lalabas!" nakahalukipkip at paingos na sabi niya sa akin.
Iiling-iling na mabilis niya akong tinalikuran at saka pumasok sa pinto na malapit sa amin. She locked the door samantalang ako naman ay naiwan sa labas na kakamot-kamot. L*ngya di halatang ayaw niya sa akin ah, so suplada. Grrrr! Halikan kita diyan eh!
"Tsk! Napaghahalatang excited insan ha." tumatawang sabi ni Nick na sumunod pa rin pala sa amin.
Napagdesisyunan ko na bumaba na lamang at makipag huntahan sa mga kolokoy na asungot kong pinsan. Kesa pansinin ang pambubuska ni Nick sa akin na tuwang-tuwa sa kahihiyan ko. Ang ending, ako pa rin pala ang magiging pulutan nila at ginawa pang katatawanan ng mga gago ang pagsusuplada sa akin ng amasona loves ko. Naku naman talaga! lasma!