Prologue

908 Words
Dinilat ko ang mga mata ko sa isang madilim na paligid. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang panlalamig, inabot ko ang gamot na iniinom ko sa tuwing hindi ako dinadalaw ng antok. Wala na itong laman at halos mabaliw ako sa lahat ng mga naglalaro sa isip ko, yakap yakap ko ngayon ang stuff toy na binalik sa akin ng ex ko. Nagkalat din sa kama ko ang mga gamit na binalik niya sa akin. Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Dahan dahan akong bumangon at hindi man lang ako dinapuan ng hiya nang buksan ko ang pintuan ng condo ko. Bumungad sa akin ang isang lalaking sobrang bango, malinis ang pananamit, maging ang buhok nya ay proper haircut at wala ka atang makikitang ligaw na hibla ng buhok na hindi nakaayos. He's pretty.. he's handsome.. he's hot. Umiling iling ako at napansin na masculine ito at nakasalamin. Napatingin ako sa itsura ng damit ko na malaking white shirt at maikling short, sobrang gulo rin ng buhok ko at sa tingin ko ay sobrang itim ng ilalim ng mga mata ko sa sobrang puyat. Puro tuyong luha rin ang mayroon sa pisngi ko, sobrang pula rin ng mga mata ko. Dinapuan ako ng hiya.. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, napaatras ako sa paraan ng pagtitig nya. Kumunot ang noo nya at tinalikuran ako, the hell.. para saan 'yun? Muli ko sanang isasara ang pintuan ko ngunit bumalik ito. Ngayon ko lang napansin ang dala dala niyang paper bag. Inabot niya ang paper bag sa akin at tinitigan ko lamang iyon. Nababaliw ba siya, bakit niya binibigay sa akin 'yun? Inangat niya ulit iyon sa mukha ko at naaasar na tumingin siya sa akin, agad ko iyong kinuha. “A-Ano.. wala akong order ngayon?” Nauutal na sambit ko. Nagtitimping pumikit ito, parang naiinis ito sa sinabi ko. “Hindi 'yan package.” Tinalikuran niya na ako at walang sabi sabing umalis na. Pumasok ako sa loob at tinignan ang laman ng paper bag. Pagkain 'yun.. may lugaw at mga energy drink. May gamot din.. hindi katulad ng mga gamot na iniinom ko. Gamot 'yun para sa sakit ng ulo.. Agad na tumulo ang luha ko. Kailan kaya ako makakatanggap ng mga ganitong bagay mula sa mga taong mahal ko? Tumunog ang phone ko at bumungad sa caller ang pangalan ni Mommy “Anak? Could you please go to korea? Kailangan mo asikasuhin ang mga papers ng kapatid mo para makapag-enroll siya. He can't do it by himself. May inaasikaso lang ako ngayon sa japan.” I thought she's going to check my situation. Kung okay lang ako.. kung buhay pa ba ako. “Nae. Bukas pupunta ako.” Agad nitong pinatay ang tawag.. May sasabihin pa sana ako. Kumusta kayo? Okay lang po ba kayo? Nakakakain pa kayo sa tamang oras? Namimiss ko na po kayo nila Daddy. Mahal ko kayo.. Binagsak ko ang sarili sa kama. Nararamdaman ko ang mga sugat sa katawan ko. Halos tatlong taon na pala ang nakalipas. Walang nagbago, wala pa rin silang pagmamahal sa akin. Binenta pa nila ako para sa kompanya nila, nandidiri ako sa sarili ko. Puro sugat.. puro pasa. Nakarinig ako ng iyak ng bata sa kabilang kwarto. Agad akong napabangon kahit kumikirot ang mga pasa ko. Naabutan ko na pinapalo ng hayop na lalaking 'to ang anak ko.. Halos manginig ako sa galit nang makita ang pasa nito sa braso. Ang anak ko.. hindi ko hahayaan na may manakit sa kanya. Hindi ko ipaparamdam sa anak ko na hindi siya kamahal mahal. He deserves everything in this world. “You slut! I will kill your son!” Agad akong humarang at tinanggap ang pananakit niya sa akin. “Mommy!” Pagtawag niya sa pangalan ko habang umiiyak. Ayos lang ako anak, 'wag ka lang niya sasaktan. Ayos lang ako basta ayos ka. Kaya ko tiisin lahat para sayo. “Daddy! Don't hurt my Mommy!” Sigaw ng anak ko. Pero hindi nakikinig ang lalaking nananakit sa akin sa loob nang nagdaang taon. I thought I'm already suffering when my parents doesn't show any affection towards me, but this is worst than that. Masakit pala makita ang anak mo na nakikitang wala siyang maayos na pamilya. Isang pamilyang nagsasakitan at hindi siya nakakaramdam ng kahit anong pagmamahal ng isang buong pamilya. I can suffer alone, I can take all the pain. But I can't stand seeing my own son being hurt.. being in pain. No, I will never let anyone hurt him. He's the best thing ever happened to me. God gave him to me, he's the best gift I've ever received. Nandilim ang paningin ko. I can't control myself anymore. With all my strength, I dragged him out of my son's room, I brought him with me in our room. “Don't you dare hurt my son again!” He slapped me the moment I said those words. “And don't you dare shout at me! You're worthless! You're both useless!” Nandilim ang paningin ko, nakapa ko mula sa bed side table ang knife na tinatago ko sa tuwing pipilitin niya akong makipagniig sa kanya. I stabbed him right in his chest. All I saw is blood.. he fell in the floor. Nanginginig ako sa mga dugo na nasa kamay ko.. What I have done? ---------- Author's Note: This story has a violence scenes. Read at your own risk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD