Worst
I'm so excited. I will surprise my boyfriend today, it's our second anniversary. Naghanda ako ng cake na ako pa mismo ang nagbake and may mga foods din akong hinanda, especially spaghetti. I really love spaghetti. I can't wait to see his reaction. He's Ivan, he's a typical bad boy but he changed when he court me. Kinikilig tuloy ako.
Nagpunta ako sa gym kung saan sila madalas magpractice ng basketball with his friends. Member din kasi siya ng varsity dito sa highschool. I can't wait to see his reaction when I surprise him. Pagkarating ko doon ay nakita ko agad ang mga friends nya, nagkukumpulan sila kaya agad akong nagtaka.
“Go Ivan! Kiss!” Bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig mula sa mga kaibigan niya.
Lumapit ako at natanaw ko na kaharap ni Ivan ang isang maputing babae. Napakamot sa batok si Ivan at walang sabing hinalikan ang babae sa harapan niya. Nabitawan ko ang cake na dala dala ko kaya lumikha iyon ng ingay at nagkalat sa sahig ng gym. Napatingin silang lahat sa akin. Agad akong yumuko at niligpit ang nagkalat na cake at spaghetti, tumutulo ang luha ko habang pinupulot ang mga pagkain na nagkalat.
I was expecting him to at least help me, but he didn't.. Ganoon ba ako kawalang kwenta para saktan palagi? Pagmamahal lang naman ang hinihingi ko..
Bakit parang walang kayang magbigay?
Tumayo ako at muling tinignan sila. Hinding hindi ako magiging katulad nila, I will never cheat to my partner kahit palagi akong sinasaktan. I will never hurt someone I love, I will never tolerate my friends cheating in their relationship.
Tumalikod ako at hindi na sila muling nilingon pa. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Ivan pero hindi ako lumingon pa, I maybe crave for someone's love and affection but I know my limitation. I know where I stand. I will never crawl back to you when I knew it wasn't my fault.
Umiiyak ako habang naglalakad, bitbit ko pa rin ang cake na wasak wasak na at ang spaghetti na nagkalat na. Sobrang dungis ko, kaawa awa na naman ako. Naalala ko ang pustura nung babae kanina.. Maganda siya at maputi ganoon ba palagi ang standard ng mga tao?
I'm half korean pero morena ako. Hindi ako tanggap ng pamilya ni Daddy sa korea kaya hindi ako doon lumaki at nag-aral. They can't stand seeing me around their premises. Morena ako at hindi ganoon katangos ang ilong, because my Mom before wasn't that pretty, nagpaganda lang siya sa korea. I don't mind being ugly pero the people around me seems to love judging my physical appearance.
Even my own family doesn't care about me. Siguro kaya hindi rin ako magawang mahalin ni Ivan, hindi ako kagandahan. I can't blame him, I don't even know how to put make on my ugly face. My skin doesn't flawless. Damn life. I hate my life.
Tumingala ako at nakita ang magandang mga ulap. Wow, sobrang ganda. Kinuha ko ang phone ko and I took a photo of it para maipinta ko mamaya pagkauwi. Halos mapatalon ako sa gulat nang kalabitin ako ng katabi ko sa waiting shed. Naghihintay na ako ng bus pauwi sa condo.
“You step in my shoes.” Sabi ng lalaking nakasalamin habang tinuturo ang sapatos niya na inapakan ko.
Agad akong napalayo sa kanya kaya nabitawan 'kong muli ang hawak 'kong cake. Wala na talaga itong pag-asa nagkalat ito sa sahig, sa halip na ligpitin ko ito ay inapak apakan ko ito. The hell with the guy I wanted to give this cake. You piece of sht. Inapak apakan ko pa ito at nanggigigil na tinalon talunan. I don't mind my shoes.
“Are you insane?” Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na may katabi nga pala ako. Nagtakip ako ng mukha at lumayo sa kanya, umupo ako sa pinakadulo ng waiting shed. I'm still hiding behind my hands, nakakahiya masyado akong nadala.
“It's fine. You need to let it out. I will just pretend I didn't see the whole thing.” Sambit niya. Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko, he's like doing a circle motion while saying those “whole thing” with his finger.
I don't know, but I find it fascinating when someone acting some words.. Maybe because my lolo is mute. Sumesenyas lang siya kapag nakikipagusap sa akin noon, nag-aral ako para sa kanya. Siya lang ang nakakaintindi at nagmamahal sa akin pero kinuha rin siya sa akin. I sighed.
“Are you fine?” He asked. Tumango tango ako at lumapit sa kanya, tumabi ako at inoffer ang tupperware na may laman na spaghetti, binigyan ko rin siya ng tinidor.
“Wala 'yang lason.” Tumawa siya sa sinabi ko. Tumikim din siya at ngumiti.
“It's delicious.” He said. Ngumiti ako.
“Thank you. Pinag-aralan ko talaga 'yan kasi favorite ko. No one will cook this for me, so I must learn how to do it by myself.” He smiled weakly. Nakakaawa ba talaga ako?
“Don't pity me. It's just one of the worst day of my life. Tomorrow is another day, we'll never know maybe it will be fine than today. I can do it.” I smiled widely showing my orange or red teeth because of the sauce. He laughed.
“I love your cheerful personality. Keep doing that.” Ginulo niya ang buhok ko at nagpatuloy kami sa pagkain ng spaghetti ko.
Nauna akong sumakay sa kanya since magkaiba ang route ng bus na sasakyan namin. Kailan kaya kita ulit makikita? That's why I love talking to strangers.. they won't judge you. They will listen to your sentiments in life than to those people who's related to you.
I already finished Senior High School and I must say that I enjoyed it since I met my second boyfriend, William. He's handsome and a model. Marami ang nagkakagusto sa kanya kaya madalas ay nagseselos ako pero iniisip ko na lamang na mahal niya ako. Third year college na siya habang ako naman ay first year palang sa pasukan.
Nagtampo ako dahil wala siya nung graduation ko pero inintindi ko na lamang since alam 'kong busy talaga siya. I was about to call him when I received a photo of him in a bar last night, so all this time.. nagsasaya lang siya with his friends?
The next photo made me burst in tears. He was kissing other girl and they're both dancing like a wild animal. I can't even utter any words. I just wish for the pain to fade away..
Agad akong nagbihis at tinahak ang condo niya, since may access ako dito agad ko 'yung nabuksan. I found him sleeping next to the girl he kissed last night. Napahagulgol ako.. I can't punch him. Nanghihina ako. Napadilat si William at nagulat siya nang makita akong umiiyak sa harapan nila. I'm always like this.. vulnerable.
“Zades!” Sigaw niya pero agad akong tumakbo paalis.
Umiyak lang ako nang umiyak pauwi. Palagi nalang ganito, kailan ba ako sasaya? I always find myself bein hurt by the people I trust the most, I love the most. Is it too much to ask them to just love me back?
Tangina. Palagi nalang ako, palagi nalang ako ang nagbibigay kahit wala akong natatangap na kahit anong kapalit pabalik. I don't mind it, but just.. stay and never hurt me. That's all!
Later that night, someone knock in my door. William had a guts to return all the stuff I gave him while we're together.
“So this is the end.” I said while crying.
“Yes, I'm sorry.” Yumuko siya.
“Can I ask?” Tumango lang siya bilang sagot.
“Am I not enough.. or you're just too much?” I asked while staring in his eyes.
“Zades..” Nanlulumo na sambit niya.
“No, that's stupid. Of course, I'm not enough.” Agad 'kong sinarado ang pintuan ng condo ko at muling umiyak. I go through all the stuff I gave to him. It carries our different memories together. I thought he's the one..
Dinilat ko ang mga mata ko sa isang madilim na paligid. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang panlalamig, inabot ko ang gamot na iniinom ko sa tuwing hindi ako dinadalaw ng antok. Wala na itong laman at halos mabaliw ako sa lahat ng mga naglalaro sa isip ko, yakap yakap ko ngayon ang stuff toy na binalik sa akin ng ex ko. Nagkalat din sa kama ko ang mga gamit na binalik niya sa akin. Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pagtunog ng doorbell.
Dahan dahan akong bumangon at hindi man lang ako dinapuan ng hiya nang buksan ko ang pintuan ng condo ko. Bumungad sa akin ang isang lalaking sobrang bango, malinis ang pananamit, maging ang buhok nya ay proper haircut at wala ka atang makikitang ligaw na hibla ng buhok na hindi nakaayos. He's pretty.. he's handsome.. he's hot. Umiling iling ako at napansin na masculine ito at nakasalamin.
Napatingin ako sa itsura ng damit ko na malaking white shirt at maikling short, sobrang gulo rin ng buhok ko at sa tingin ko ay sobrang itim ng ilalim ng mga mata ko sa sobrang puyat. Puro tuyong luha rin ang mayroon sa pisngi ko, sobrang pula rin ng mga mata ko. Dinapuan ako ng hiya..
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, napaatras ako sa paraan ng pagtitig nya. Kumunot ang noo nya at tinalikuran ako, the hell.. para saan 'yun? Muli ko sanang isasara ang pintuan ko ngunit bumalik ito. Ngayon ko lang napansin ang dala dala niyang paper bag.
Inabot niya ang paper bag sa akin at tinitigan ko lamang iyon. Nababaliw ba siya, bakit niya binibigay sa akin 'yun? Inangat niya ulit iyon sa mukha ko at naaasar na tumingin siya sa akin, agad ko iyong kinuha.
“A-Ano.. wala akong order ngayon?” Nauutal na sambit ko. Nagtitimping pumikit ito, parang naiinis ito sa sinabi ko.
“Hindi 'yan package.” Tinalikuran niya na ako at walang sabi sabing umalis na. Pumasok ako sa loob at tinignan ang laman ng paper bag.
Pagkain 'yun.. may lugaw at mga energy drink. May gamot din.. hindi katulad ng mga gamot na iniinom ko. Gamot 'yun para sa sakit ng ulo..
Agad na tumulo ang luha ko. Kailan kaya ako makakatanggap ng mga ganitong bagay mula sa mga taong mahal ko?
Tumunog ang phone ko at bumungad sa caller ang pangalan ni Mommy.
“Anak? Could you please go to korea? Kailangan mo asikasuhin ang mga papers ng kapatid mo para makapag-enroll siya. He can't do it by himself. May inaasikaso lang ako ngayon sa japan.” I thought she's going to check my situation. Kung okay lang ako.. kung buhay pa ba ako.
“Nae. Bukas pupunta ako.” Agad nitong pinatay ang tawag.. May sasabihin pa sana ako.
Kumusta kayo? Okay lang po ba kayo? Nakakakain pa kayo sa tamang oras? Namimiss ko na po kayo nila Daddy. Mahal ko kayo..
Umiling iling na lamang ako at tinignan muli ang laman ng paper bag, nagsimula akong kumain pero nakarinig akong muli ng tunog mula sa doorbell. Binuksan ko ang pintuan pero wala namang tao sa labas.
Pinaglalaruan ba ako 'nun? Kanina may pumunta na hindi ko naman kilala at binigyan ako ng pagkain. Ngayon naman ay nagdoorbell na walang tao? Minumulto na ba ako? s**t, ito pa ang naiisip ko broken hearted na nga ako.
Naisip ko na naman ang sitwasyon ko, ang sarap siguro ikwento sa Mommy ko na broken hearted na naman ako. At least may paglalabasan ako ng lahat ng sakit at problema ko, hindi tulad ngayon mag-isa ko na naman haharapin lahat ng problema ko.
I just want her to hold me, embrace me with her tight hugs and tell me that everything's gonna be fine. I will just have to wait for the perfect man, they're just a free trial. I laughed at my own thoughts. My imaginations.. hindi 'yun mangyayari. Kahit kailan hindi siya maglalaan ng oras para kamustahin ako at alamin ang nararamdaman ko.
Papasok na sana ako pero may naapakan akong note mula sa lapag ng pintuan ko. Agad akong yumuko at pinulot iyon.
It's just one of the worst day of your life. Tomorrow is another day, we'll never know maybe it will be fine than today. You can do it.
-D
Parang familiar ang lines na 'to.. Saan ko nga ba 'to narinig? Sino ang nag-iwan nito sa labas ng condo ko?