Zen
I arranged my clothes since I have a flight to korea tonight. Labag man sa loob ko pero katulad ng dati, palagi ko silang sinusunod. I'm not a revel daughter, I wish I am. Gusto 'kong makawala sa bitag nila, pero mahal ko sila. I'm stuck in between, whether I will obey them or I will just live my life. In the end, I always follow them.
Pagkalapag ng eroplano, naabutan ko si Zen na naghihintay sa akin. Hindi ko inaasahan na sasalubungin niya ako, hindi kami close dahil mailap din ito sa akin. He's standing there and he's getting every girls attention. Ang gwapo ng kapatid ko, koreano talaga. Samantalang ako hindi man lang pumuti.
Masungit ang mukha nito na kinuha ang mga bagahe ko. I stop him kaya napatingin din siya sa akin.
“I have a condo, you can stay there. Don't come to our house, our aunts are there. I know.. you're not in good terms with them.” Nagulat ako sa sinabi niya.
Tumango ako at pumunta na kami sa kotse niya. Masyado siyang iniispoiled nila Mommy, sobrang alaga siya kaya kahit pwede naman na iba nalang ang magpaenroll sa kanya ay ako pa ang kailangan tumulong sa kanya.
Nakarating kami sa condo niya at masasabi ko na hindi ko naranasan ang ganitong karangyaan. I never experienced being spoiled. Lumabas siya kaya nagikot ikot muna ako, napunta ako sa kwarto na kulay black and white ang interior designs. Palagay ko ay kwarto ito ni Zen. Napadako ang tingin ko sa bed side table niya, may picture doon. Dinampot ko ito at naalala na picture namin iyong dalawa noon mga bata pa kami. Nagtataka ako bakit ito lang ang tanging litrato sa kwarto nya, walang family picture. Sabagay, hindi pa pala kami nakakapag family picture. Pwede naman na picture nilang tatlo nila Mom?
Noon, nagtampo ako ng sobra dahil may picture silang tatlo pero nang tumagal ay natanggap ko rin. Magpasalamat nalang siguro ako na binuhay pa ako ni Mommy sa mundo. Nagulat ako nang biglang inagaw ni Zen ang picture sa akin at tinago iyon. Namumula ang pisngi nito na umiiwas ng tingin sa akin. Ngumiti nalang ako at iniwan na siya doon.
Nagpalit na ako ng damit dahil didiretso kami sa school nya, nagluto muna ako para bago kami umalis ay makakain siya. Nagluto ako ng caldereta since mahilig si Zen sa spicy, nilagyan ko 'yun ng konting anghang. Naabutan ko si Zen na pinapanood akong magluto. Agad ko siyang pinalapit kaya nahihiya itong lumapit sa akin.
“Tikman mo. Ay sorry! You don't understand Filipino right?” I asked.
“I can understand your language, Ate.” Para akong maiiyak.. sa unang pagkakataon tinawag niya akong Ate. Tumalikod ako at nagpahid ng luha. Bakit sobrang emotional ko?
Humarap ako sa kanya at pinatikim ang luto ko. He immediately taste it. Ngumiti siya at nagthumbs up sa akin, napatawa ako at niyaya na siya kumain. Sa halip na kotse niya ang gamitin, niyaya ko sya na gumamit ng bike. Nagbike kami na nagpunta sa school nya.
“Thim Zeneus Jang. Sobrang gwapo ng pangalan mo, ako ang nagpangalan sayo! Kasi nung time na pinanganak ka, walang malay si Mommy tapos si Daddy naman nasa trabaho.. they asked me kung anong name mo. I immediately said the name I wanted you to use. Nasa tiyan ka palang ni Mommy, iniisip ko na agad ang pangalan mo. Gusto ko katulad ng akin.” Nakangiting sambit ko habang nagbabike kami. He chuckled.
“Tatiana Zades Jang, Thim Zeneus Jang. Isn't it pretty?” Ngumiti siya sa akin kaya agad ko iyong sinuklian. He's silent pero alam ko na magaan ang loob niya.
Nakarating kami sa school niya at agad kong inasikaso ang mga papel niya. Nagulat ako nang malaman na enrolled na pala siya, agad ko siyang nilapitan.
“Enrolled ka na pala.. bakit hindi mo sinabi sa akin? Gusto mo bang nahihirapan ako.. I also need to enroll in college.” Naiiyak na sambit ko. I know na hindi kami okay pero sana sinabi man lang niya para hindi na ako pumunta dito.
“Ate.. I just want to see you. I want to spend time with you. I didn't see you for almost ten years..” Doon ako parang kinurot sa dibdib. Hindi ko naisip na baka kailangan niya rin ng ate. I became selfish. I thought masaya siya dito..
I hugged him tight. Niyaya ko siya mamasyal sa seoul. Kumain kami at nagikot ikot sa mga pasyalan dito. Nagpunta kami sa mga park at nagrace kami gamit ang bike. Muntikan pa ako masemplang kaya tawang tawa ang gwapo 'kong kapatid. He looks so sad when I told him earlier that maybe I will leave korea after two weeks. He wanted to go to the Philippines with me, pero baka pagalitan daw ako ng parents namin dahil iisipin nila inimpluwensyahan ko siya.
I also pity Zen. Hindi siya makapagdesisyon ng kanya lang. Nakatali rin siya sa parents namin, ayaw pa nila payagan ang paglipat niya sa condo pero pinilit niya iyon para magkaroon daw siya ng privacy.
“Once, I finished college I will live in the Philippines. I want to see where do you live, Ate.” Nginitian ko siya. Ginulo ko ang buhok nya at inakbayan ko siya since nakaupo lang kami. Hindi ko siya kayang akbayan kapag nakatayo sobrang tangkad nito.
“Magtatagal siguro ako rito. Baka magpasurgery ako, I want to change my nose at magpapaputi ako. Baka matanggap na ako ng pamilya natin, kapag ganoon diba?” Nakangiting sambit ko, per malungkot na mukha ang tugon niya sa akin.
“You don't have to change yourself for others. You're beautiful, you stand out in the crowd. I must say, you have a kind heart.” He said.
“Sometimes being kind isn't enough. They will just take you for granted. You have to be pleasing in their eyes, you must meet their standards.” Malungkot na sambit ko.
Nag-undergo ako ng surgery at naging sucessful iyon. Tinatawanan ako ni Zen sa tuwing nahihirapan ako tumawa dahil baka bumaliko ang ilong ko. Namamasyal pa rin kami dahil malamig ang weather dito sa korea, sobrang sarap maggala dito. Kumakain ako ng mga ramen, pero natatawa lalo si Zen kapag nahihirapan ako kumain. Sinasamaan ko na lamang siya ng tingin.
“Ate, don't you regret it now?” Natatawang tanong niya kaya binato ko siya ng chopstick. Sobrang mapang-asar talaga nito. Dumating ang kaibigan niyang si Nathan. Nakakaintindi rin daw ito ng English and Filipino.
“Snowman?” Tanong ni Nathan at nakaturo sa akin. Feeling close 'to, sarap hambalusin.
“Close ba tayo?” Inirapan ko siya kaya humagalpak silang dalawa ng tawa.
Niyaya nila akong dalawa na manood ng movie at talagang horror ang pinapanood namin. Nahihirapan ako magtakip ng mukha sa tuwing may suspense na scene dahil sa ilong ko.
Sila ang kasama ko sa tuwing namamasyal, wala kasi akong naging kaibigan noong nandito ako kasi saglit lang ako dito tsaka hindi ako kasing puti nila. Iba ang tingin ng iba dito kapag iba ang kulay mo, parang relatives ko..
Bumalik kami sa doctor at tinanggal na nila ang nakatakip sa ilong ko. Magaling na raw ito pero kailangan pa rin ingatan, sobrang hirap pala magpasurgery. Mahihirapan ka sa daily routines mo, paliligo, pagkain at kahit pagkilos pa ng ibang bagay. Sobrang maselan, maganda naman ang naging outcome. Kaunti lang ang inayos dito, hindi naman daw pango ang ilong ko pero ang problem hindi siya halatang pointed.
Parang nag-iba ang mukha ko pagtapos ng surgery, medyo gumaan ang pakiramdam ko. I feel like I became beautiful.. sana ganoon din ang tingin sa akin ng ibang tao.
Kahit sa pagpapaputi ko suportado ako ni Zen, palagi niya akong sinasamahan sa mga schedules ko sa doctor and check up. Minsan naman nagrereview kami pareho para ready sa pasukan. Malapit na kasi ang kanila, ako naman ilang months pa.
Habang nasa condo si Zen, nagpasama naman ako kay Nathan magshopping ng mga clothing na wala sa Pilipinas. Magaganda ang klase ng style dito, pinili ko rin 'yung sakto sa weather sa Pinas. Nagbago ako ng fashion style dahil fashion design ang kukunin ko, I want to be a model or designer ng damit.
“This one suits you well.” Pinakita sa akin ni Nathan ang magkaterno na parang pencil cut na skirt. Maganda ang design nito at kita ang tiyan ko sa blouse nito, it looks so sexy.
Pumayag ako at binili ko rin 'yun. Pagtapos ay niyaya niya naman ako mamili ng ilang damit niya dahil nauulit na raw ang mga sinusuot niya. Dapat daw bagong style sa college. Masyadomg conscious ang koreans sa damit nila, maganda ang fashion sense nila at halata 'yun kay Nathan. Para siyang actor sa mga KDrama dahil gwapo rin ito.
“Is it fine?” Tanong niya paglabas ng fitting room. Sinukat niya ang isa sa napili ko and I was amazed. It suits him well. Napapalakpak pa ako.
“You look so dashing!” I said.
“Don't fall for me.” Inirapan ko siya kaya napahagalpak siya ng tawa. Kung nandito si Zen yari talaga siya, sobrang protective 'nun. Ngayon ko nalaman nung nagkasama kami ng ilang months, may iilan kasi na nagtatanong ng kakao ID ko hindi siya pumapayag.
Nakwento ko kasi sa kanya na niloko ako ng dalawang lalaking naging boyfriend ko sa Philippines. Gustong gusto niya tuloy sumama pagkauwi ko para raw masugod niya ang mga 'yun. I said it's just fine, at least nalaman ko agad. Simula 'nun ayaw niya ng may lumapit sa akin.
“I will study in the Philippines. Maybe, Engineering.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nathan.
“Same University nalang tayo!” Naeexcite na sambit ko. Tumango siya at nagtatalon ako sa tuwa. At least may kakilala na ako bago pumasok. Nakakahiya rin kasi new environment na naman.
Nakauwi ako sa condo at naabutan ko si Zen na nakahiga sa sahig. Agad akong kinabahan dahil namumutla ito. Niyugyog ko siya at pilit ginising. Nagising naman ito agad.
“Hey! Okay ka lang? Bakit dito ka sa sahig natutulog? Namumutla ka!” I said panicking.
“Sorry.. I passed out. Maybe I fell asleep.” He said. Binabaan ko ang aircon dahil baka nilalamig ito. Agad akong nagluto ng soup at natatarantang naghanap ng gamot.
“Ate.. chill. I'm fine. But I admit that I'm glad that there's someone who's taking care for me now..” Nakangiting sambit nito at agad na humigop ng sabaw. Ginulo ko ang buhok niya at ngitian.
“Kapag magkasama na tayo. Aalagaan ka lagi ni Ate.” Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain. I wish I could stay with Zen.
Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang pagbabakasyon ko dito sa Korea, akala ko wala na naman kaming pansinan katulad ng dati. Pakiramdam ko may napunan na pagkukulang sa pagkatao ko. I was longing for a family's affection, I forgot that I have a sibling. I have Zen..
I forgot to think about his feelings.. nahihirapan din pala siya sa set up ng pamilya namin. Mukhang maswerte pa ako dahil napalayo ako sa toxic na pamilya. Siya nastuck siya doon at wala na siyang magagawa. Kailangan niya pa mag-aral bago makalayo sa kanila.
Bumalik ako sa doctor at nakompleto na ang mga kailangan ko gawin para pumuti ako. Sobrang nagiba ang physical appearance ko, sobrang laki ng pinagbago. Masasabi ko na gumanda ako, parang korean na talaga ako. Bumagay na rin lahat ng damit na pinamili ko. Nagdiet din ako para kompletong glow up na. Nagpaayos na rin ako ng buhok, kapag ba nagpakita ako sa relatives ko matatanggap na nila ako?
Bukas na ang alis ko pabalik sa Pinas, niyaya ako ni Zen na mamasyal ulit. Niyaya niya ako sa mga food stalls at kumain ng kung ano ano. I think he loves cotton candy, sobrang dami niya kasing binibili kapag bumibili kami as our desert.
“You still love cotton candy? Noong bata pa tayo, nakipag-agawan ka sa akin ng cotton candy.” Natatawang sambit ko.
“Yes.. I thought it was bad for you to eat those cotton candy. Your teeth always aches that time.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Natatandaan niya pa 'yun? Ang bata niya 'nun.
“Akala ko galit ka sa akin.” I said.
“Kahit kailan hindi ako nagalit sayo.” Nakangiting sambit niya.
Umalis ako ng madaling araw without bidding a goodbye. I just left a note that I left already. Sabi niya 'wag ko raw siya gisingin kasi malulungkot daw siya. Nagready ako ng breakfast niya para paggising niya iinitin niya nalang.
Nagulat ako sa tawag ni Mommy bago ako sumakay sa eroplano.
“Okay na ang papers ni Zen?” She asked.
“Yes Mommy, Is it fine with you if I'll bring Zen with me--” I was cut off by her.
“Good. I'll hang up now!” Bigla niyang pinatay ang tawag without letting me finish my sentence, without expressing any gratitude..
I wish I could stay for my brother, but I can't.