Chapter 30 Halos hindi na ako magkanda-ugaga sa pagbibihis dahil sa sinabing iyon ni Harvey. Hanggang sa pagbaba at pagsakay ko ng tricycle ay natataranta pa rin ako na may halong excitement dahil matapos ang ilang araw ay makikita ko na muli ang triplets ko. Naisend ko na kanina pa ang address kay Harvey pero hindi ang address ng resort na ito ang ibinigay ko kundi ang sa kabilang resort. Mas mabuti na yung maaga pa na maagapan ko kaagad ang mangyayaring gulo dahil kapag nalaman ng dalawa kong kapatid na dito mismo sa resort nina Gabriel ang work place namin ngayon at kapag nalaman din nila na ito ang head engineer sa project na ito, tiyak na hindi magdadalawang isip ang dalawang iyon na iuwi ako ng Manila. They are 10 minutes away na daw sabi ni Harvyn kaya naman sa may entrance ng re

