Chapter 29 The elevator reached the floor I suppose to go. Hindi ko alam kung saan na nagpunta si Gabriel ng iwan ko siya kanina lang, at ayaw ko nang magkaroon ng pakialam pa sa kanya. Mabilis akong pumasok sa meeting hall at bumungad sa akin ang buong team na masayang nag-uusap. Ilang araw pa lang kami dito at maganda na nagkakasundo-sundo na kami halos lahat. Nandito kami ngayon para pag-usapan ang problema about sa delay ng ibang materials na gagamitin sa mga cabanas. Hindi daw aabot ang pagdating nito sa itinakdang oras kaya kailangan namin masolusyunan at magawan kaagad ng paraan. Lumapit na ako sa mga kasamahan ko at napiling maupo sa bakanteng upuan na katabi ni Mark. Kapag minamalas ka nga naman, katapat ko na naman si Hazel kaya kitang-kita ko ang pag-irap at pagbigay niya ng

