Chapter 2: Blue Eyes

2451 Words
*** Putanginaaa! Muntikan na akong madapa sa kakatakbo. Naguguluhan na talaga ako sa mga pangyayari! Bakit ba kasi nadamay ako sa g**o nila? Tinulungan ko lang naman ang matandang 'yon! Tapos... tapos yung mga nakikita ko kanina! Yung naging apoy si sir at si kuya naging asong hybrid! Pakshet talaga! Sana nga hindi totoo yung mga nakikita ko pero totoo'ng totoo talaga eh. Mas totoo pa sa mga salita ng mga boyfriend niyo! Napalingon ulit ako sa likuran, ayun nga, hinahabol parin ako! Sisigaw sana ako ng tulong pero nang makalabas ako sa park, laking gulat ko nalang na walang kahit isang tao! Pati ang mga sasakyan ay hindi gumagalaw. Nasa gitna lang ng kalsada! Parang naging ghost town na ang paligid. "Hindi ka makakalayo, bata!" rinig kong sigaw nila sa aking likuran. Nasaan ba ang mga tao?! Dinukot ba sila ng mga aliens? Ano ba kasi ang nangyayari? Tinignan ko ang mga sasakyan, pero walang tao sa luob nito. Kahit ang mga stores na nilagpasan ko ay wala rin. Bakit ba kasi nila ako hinahabol?! Hindi naman siguro nila alam na nasa akin yung kwintas na hinahanap nila! Teka, ano ba meron dito sa kwintas at pinag aawayan nila ito? Aaah! Ang pa-panget ng trip nila! Pati ako nadadamay! Badtrip talaga! Badtrip! Habang tumatakbo , pinagtutumba ko ang mga basurahan at kung ano ano para maharangan sila pero wala paring silbe dahil nilagpasan at naiwasan lang nila ito na parang mga ninja. "Waaah!" sigaw ko at tumatakbo parin. Hinihingal na ako at gusto ko ng magpahinga pero natatakot ako sa mga humahabol sa akin! Eh ikaw ba namang hinahabol ng mga tao na parang kasali sa isang kulto?! Kulang nalang sisigaw sila ng KUMBAYA MY LORD! "Tangina... hindi ko na kaya..." Tagaktak na ang pawis ko at nararamdaman ko nalang ang pag dahan dahan ng aking pagtakbo dahil sa pagod. Hindi ko namalayang may naapakan—na naman—akong bato kaya nadapa ako.  "Aray!" humapdi yung tuhod ko kaya nabigla akong may sugat na ito at dumudugo. "Juskooo." Punyemas! Bakit ngayon pa umakto ang pagkalampa lampa ko?! Badtrip! Tatayo na sana ako nang biglang pinalibutan ako ng dalawang lalaki. "Huli ka." Pakshet...  "Bitawan niyo ako!" pumiglas ako at sumisigaw nang hinawakan nila ako. Pero hindi parin sila nakinig at patuloy akong puwersang kinaladkad. "Sino kayo? Anong gagawin niyo sa akin ha? Bakit niyo ako hinahabol? Anong klaseng pakshet kayo? Papatayin niyo ba ako? Aba, ang bata bata ko pa para mamatay tapos kayo---hmmmf!" Bigla nila pinaslakan ang bibig ko ng tela! Hindi man lang nila ako pinatapos sa pag tatanong! Patuloy parin akong lumaban at pumipiglas sa mga hawak nila. Halatang naiinis na yung dalawa sa ginagawa ko. "Taena! Ang likot ng babaeng 'to!" inis na singhal ng lalaking nasa kaliwa ko. Napaka reklamador! Anong i-expect nila? Tatawa ako habang dinudukot nila ako? Siraulo! Hindi hindi ako mag papatalo sa mga kagaya nila! Pasalamat talaga ako ni Tatay at napagtripan niyang turuan ako ng self-defense! The perks of having a navy seal in the family. Humugot ako ng lakas at bigla kong binangga ang ulo ko sa mukha ng lalaking nasa aking kaliwa. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang isang kamay ko. Hindi na ako nag sasayang oras kahit sobrang sakit ng noo ko at dali dali kong sinipa yung t**i ng lalaki sa aking kanan kaya nabitawan rin niya ako. Napahawak siya sa kaniyang t**i at napangiwi sa sakit habang nakaluhod. So ayun... takbo na naman ako part two. Lumiko ako sa isang pasilyo pero isang malaking pader lang ang nakaabang sa akin. "Dead end." Bulaslas ko. Patay! Bakit ba ang malas malas ko? Akmang tatakbo ako pabalik sa aking dinaanan ngunit nakaharang na yung dalawang lalaki sa daanan. Galit yung mga mukha nila. Yung isa ay napa ika-ika sa paglakad. Napalakas yata yung sipa ko kanina. Ha! Serves him right. "Bwesit kang bata ka." Tumindi ang takot ko nang makita kong kumikislap ang mga mata nila ng kulay pula. Tapos, laking gulat ko nang makita nag bago ang anyo nilang dalawa. Kagaya ni kuya na naging asong hybrid kanina, unti unting nag transform sila pero ang kaibahan lang ay naging malaking lubo ang mga istura nila! Yung isa ay kulay itim habang yung isa ay kulay abo. Parang normal na wolf pero hindi naman talaga normal. Nang dahil sa takot, binato ko ang mini bag ko ngunit mabilis itong naiwasan nila. "Ahh potangina talaga. Kanina pusa, ngayon mga aso na naman? Hindi na ako mag tataka kung unggoy na sa susunod." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko pa yun kahit walang tigil nanginginig ang mga binti ko. Napa atras ako habang nakatingin, puno ng takot, sa mga lubong aswang habang sila ay uma abante patungo sa akin. Tumatagaktak ang mga laway nila with their eyes full of evil intent. Patuloy ako sa pag atras hanggang sa naramdaman ko na nasa pader na ang likod ko. "Shit..." I stared at the beasts in horror habang dahan dahan silang lumapit sa akin. Ahh! Mamamatay na ako na walang ka alam-alam sa mga pangyayari! Napasigaw ako at napapikit nang aatakihin na ako ng isang lubo na kulay abo. Mamamatay na talaga ako! "MEOW!" T-teka... m-meow? P-pusa? Napa dilat ako at laking gulat ko nang makita si pusa na ngayo'y kumakapit sa mukha ni lubong kulay abo habang ang lubo ay nahihirapang paalisin ang pusa sa mukha niya ngunit sadyang matigas tong si pusa kaya nahihirapan ang lubo. Hindi ko akalaing masasabi ko 'to pero masaya akong makita si pusa ngayon! Mabilis nawala ang kasiyahan ko nang maalala ko na meron pa isang lubong aswang na kulay itim na ngayo'y galit nakatitig sa akin. "Pakingshe---!" Parang aatakihin ako sa puso nang makita ko ang pagbuka ng kaniyang bibig na may mga mahabang ngipin. Mabilis akong naka ilag nang atakihin ako sa lubong itim at napadapa sa sahig bilang resulta. I scrambled to get away pero dahil siguro sa malas na dala ni pusa ay nasa likuran ko na naman ang pader kagaya kanina. Napa tingin ako sa magkabilang banda tila naghahanap ng pwede kong gamiting depensa laban sa lubo. Pero wala akong nakita! "Kamalasan, lubayan mo muna ako kahit ngayon lang please..." For the last time, napakapa kapa ako sa aking magkabilang gilid, hoping may mahawakan akong pang proteksyon sa akin habang naka tingin sa lubong itim na ngayo'y ready-to-pounce na ang posisyon niya. Muntik na akong mapasigaw sa tuwa nang may nahawakan ako. Sakto rin na bigla akong sinugod ng lubo at hinampas ko sa kaniya ang bagay na aking nahawakan.  "HA!" napagulong ng ilang layo ang lubo sa akin. Napatayo ako ng walang oras habang hawak ko parin ang... teka, tubo?! Ha! Isang tubo pala to'ng hawak ko bwahahaha! Nang makita kong nahihirapang tumayo ang lubo, hindi ko alam kung bakit ako sumugod at bigla ko nalang paulit ulit hinampas sa ulo yung lubo gamit ang tubo na hawak ko. "WAAH! DIE DIE DIE DIE!" Habol ang hininga ko habang nakatitig parin sa nakahandusay na lubo, na ngayo'y naliligo ng sariling dugo. Nang marehistro ng aking isipan ang mga pangyayari, napatakip ako sa aking bibig gamit ng isang kamay... "P-putangina.." bulaslas ko habang nakatitig parin sa lubo'ng hindi gumagalaw. "D-did I just k-killed someone?" Napatulala ako ng ilang segundo at nakatitig parin sa walang malay na lubo. Hindi ako makapaniwala sa ganiwa ko. Matutuwa dapat ako dahil hindi ako namatay pero bakit ganoon... kahit alam kong halimaw siya ngunit... I killed someone... I freaking killed someone... Pakshet! Ano ba 'tong nagawa ko?! Dahil sa lalim ng inisip ko, nakalimutan kong meron pa palang isang lubong kulay abo. Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang sigaw ni pusa na ngayo'y natapon at nauntog sa pader. Huli na ako para depensahan ang sarili ko nang bigla akong atakihin ng lubo gamit ng matatalim niyang kuko. Napagulong ako sa lakas ng pwersa niya at napaiyak dahil sa sakit ng sugat sa aking balikat natamo ko galing sa lubo. Waah! Ang daming dugo! Parang mamamatay ako sa sobrang sakit! Napunit pa yung damit ko! Napasigaw ako nang makita kong sumugod na naman siya sa akin. Napa atras ako at mabilis itinaas ang tubo sa akin harapan para ma iharang yung lobo at hindi ako makain nito. "AAAH!" Nadagdagan ang sakit sa aking balikat dahil sa bigat ng lubo. Napapikit ako ng mabasa ang mukha ko dahil tumutulong laway niya! Mas idiniin niya ang kaniyang ulo at mas bumigat pa siya. Hindi ko na makakaya ang bigat niya! Mamamatay na talaga ako! CRACK~! Pareho kaming natigilan ni lubo nang marinig namin ang isang tunog na parang may nabasag. Hindi gaano ka lakas pero narinig namin yun. Parang may nabasag. Naramdaman ko nalang na biglang uminit yung pwet ko. Nabigla ako ng lumayo ang lubo sa akin at nag transform sa human form niya. Puno yung mukha niya ng takot at unting unti lumayo sa akin. "Nasayo ang kwintas..." bulaslas niya with wide eyes staring at me. "Bakit di mo sinabing na sayo yung kwintas?!" Nagulat ako sa pag sigaw niya ngunit ang mas napansin ko ay yung takot na bumabalot sa boses niya. Tumayo ako at kinuha ang kwintas sa bulsa ko at laking gulat ko na bigla itong umiilaw! Bakit ito umiilaw?! Tapos mas kapansin pansin yung basag na nasa gitna nito. Nagulat ako ng may itim na usok lumabas sa butas ng kwintas. Gusto kong itapon ang kwintas dahil sa takot pero hindi ako makagalaw! A-ano bang nangyayari?! Hindi talaga ako makagalaw! Naparalisado ang buong katawan ko! "K-Kasalanan mo 'to! Kung sinabi mo lang na nasayo pala ang kwintas, hindi sana ito mangyayari! Hindi sana siya maka labas!" Siraulo pala 'to! Bakit naging kasalanan ko, eh, wala akong ka alam-alam na may lintek na powers pala 'tong pakshet na kwintas na 'to! Tsaka, bakit ko naman sasabihin sa kaniya?! Muntik na nga nila ako mapatay tapos sasabihin ko sa kanila na nasa akin ang kwintas na ito?! Parang luging-lugi naman ako! Unti unti akong pinalibutan ng makapal na itim na usok na ngayo'y parang tornado'ng naka paligid sa akin. Gusto kong sumigaw pero wala talaga! Parang na paralyze yung buong katawan ko habang hawak hawak ko ang kwintas. Hindi ko na nakita yung lalaking-lubo. Parang nasa pinakadulo akong silid ng tornado. Naramdaman ko na naman ang sobrang takot ng may marinig akong tumawa. Yung tawa'ng alam mong may masamang balak. Napa angat ako ng tingin at doon tuluyan nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa takot at dahil sa nakikita ko. Eyes... A large pair of deadly blue eyes stared down at me. Walang mukha o katawan, isang malaking pares lang ng mata nakatitig sa akin. At sa paraan ng pagtitig niya ay para bang nakangisi na ito sa akin. "Sa sobrang tagal at haba ng panahon na ako'y nakakulong, hindi ko akalaing isang bata lang pala ang makakapagpalaya sa akin." Putangina. Hindi ako makagalaw. Kahit anong puwersa kong pagalawin ang aking katawan, hindi ko magawa! Hindi ko alam kung bakit ngunit parang na estatuwa ako. Napako ang paningin ko sa malalaking pares na mata. Kahit siguro hindi ako na paralisado sa aking kinatatayuan, hindi parin ako makagalaw dahil sa takot at surpresa sa mga nakikita ko. At hindi ako nagkakamali... nagsasalita rin siya. Kahit walang bibig! Parang nag cocommunicate gamit ng isip! Tapos ang tinig niya ay sobrang deep na pang lalaki na may pagka raspy! Halatang napaka luma na niya! Sana isang masama na panaginip lang ito! Kasi, sino ba naman mag aakalang may mga ganitong mangyayari sa buhay?! Mga nagsasalitang asong-aswang, taong nagliliyab ng apoy na hindi namamatay, mga pangyayaring hindi pangkaraniwan! Badtrip talaga! Nakakainis! Napaka g**o! Napakapakshet nilang lahat! "Sabihin mo sa akin bata, anong taon na ba ngayon?" Taon na ng kamalasan! Sasagot na sana ako pero kahit ang bibig ko ay ayaw gumalaw! Ano ba naman 'to! Minamalas talaga ako nang pinabongga! Bahala na si Peter Pan sa akin! Isang ungol nalang ang tanging sagot ko dahil ayaw talagang gumalaw ng bibig ko. Kainis! Ang weirdo ng posisyon ko ngayon! Isipin mo nga, nakatayo ako tapos yung dalawang kamay ko ay nakaposisyon na parang bang bibigyan na ako ng hostya sa pari! Pero ang nakapatong ay yung kwintas na ngayo'y hindi na umiilaw! Kainis talaga! Mamamatay na nga ako, pangit pa ng posisyon ko! "Hmm... Mukhang hindi maabsorba ng katawan mo ang presenya ko dahilan upang ma paralisado yang maliit mong katawan." Kung makapanglait ng katawan, parang may katawan rin siyang maipagmamalaki ah?! "Ngunit... nakakapagtaka kung bakit hindi ika'y namatay na walang espesyal na mahikang ginagamit. Ni wala akong naramdamang espesyal sa iyo." Espesyal na mahika?! Ano na naman yang pinagsasabi niya?! Mukha ba akong espesyal child?! Napapikit ako nang bigla kong maramdaman ang pagbago ng ihip ng hangin sa paligid. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang unti-unting nawawala ang enerhiya ko! Hindi na talaga ako magtataka kung mamamatay na lang ako bigla--- t-teka nga! Bakit ba kasi ako nag iisip ng ganyan?! Hindi pa ako pwedeng mamatay!  Pinilit kong inimulat ang aking mga mata pero agad ko iyon pinagsisihan dahil bumungad sa akin ang malalaking pares na mata na kulay asul at ngayo'y sobrang lapit na sa akin! Naramdaman kong sinuyod niya ang kabuohan ko. Kinilabot ako nang bigla siya'ng tumawa. Yung tawang nakakatakot! Pakshet talaga! Baka ma-iihi ako dahil sa sobra'ng takot! "Hmm... Pwede na rin yan ang katawan mo." Ha?! A-anong katawan ko? Anong meron sa katawan ko? Laking gulat ko nang makita ko yung nakapalibot na itim na usok ng torando ay unti unting nagtungo sa akin! Sinakop una yung mga paa ko hanggang sa umangat ito sa buong katawan ko. Nang maramdaman kong nasa leeg ko na, parang may nag control sa aking bibig at bigla nalang akong napanganga! Putek! Putek talaga! Gusto kong mag-wala. Gusto kong sumigaw! Pero ang hinahina ko. Hindi parin ako makagalaw! Hindi ko kontrolado ang katawan ko! Nagsibagsakan ang mga luha ko nang pumasok sa aking bibig ang itim na usok. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko at nanghinina na talaga ako, tapos ang init ng pakiramdam ko... unti-unting nanglabo ang aking paningin. Heto na talaga... Mamamatay na ako... Tatay... Basty... "Solis Flamma!" Biglang umilaw ang buong paligid. Narinig ko ang sigaw ng halimaw na blue eyes. "Hindi! Hindi ako pwede makulong ulit!" dinig kong sigaw ng halimaw. "Matitikman niyo ang galit ko, mga Nefferians! Uubusin ko kayong lahat!" Sa isang iglap, nawala yung blue-eyes tornado pero nandoon parin ang sakit ng katawan ko. Hindi parin ako makagalaw. Sobrang hinahina ko. "s**t!" Suddenly, someone came into my view. Hindi ko gaano maanigan ang itsura niya dahil nanlabo na ang mga paningin ko hanggang sa nawalan na talaga ako ng malay. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD