***
"Tay, alis na po ako!" Malakas kong sabi habang nagmamadaling nagtungo sa pinto.
"Eireniel Lockhart!" Biglang sigaw ni Tatay Erwin galing sa kusina. "Hali ka rito at kumain ka ng agahan!"
Napabuntong hininga nalang ako at nakayukong nagtungo sa kusina. Sinasabi ko na nga ba. Sana hindi nalang ako nagpaalam.
Di, joke lang! Mag paalam kayo mga kids para may plus points sa langit.
Nadatnan ko si Tatay nagbabasa ng dyaryo habang si Basty naman ay nag lilinis sa bar counter. Bigla niya akong binelatan kaya sinuklian ko naman siya ng masamang tingin.
Bwesit talaga na lalaki! Naninimula na naman! Siya ang pinaka unang dahilan kung bakit ayaw kong mag tambay dito sa bahay.
"Ang aga-aga, nakasimangot na yang mukha mo, apo." Biglang salita ni Tatay na ikinabigla ko.
"Oo nga tay no? Mukhang badtrip si Eiren. Bakit kaya?" Nang-aasar na sabi na naman ni Basty.
"Sino naman ang hindi ma ba-badtip? Eh kamukha mo yung tae ni King kong." Sagot ko agad kay Basty na ika-pawi ng ngiti niya.
"Hala tay oh. Inaaway niya ako." Sumbong niya agad.
Wow, ako pa talaga?!
"Umupo ka na Eiren at kumain. Huwag mong paghintayin ang pagkain." Napanguso akong sinunod at sinabi ni Tatay. Napaka-strict talaga.
Sanay naman akong ganyan si Tatay Erwin. He's a retired Navy Seal kaya strict talaga siya sa mga bagay-bagay but I love him. He's my grandfather at natitirang pamilya na meron ako.
Pumanaw na kasi si Nanay five years ago kaya kaming dalawa nalang ni tatay ngayon. Silang dalawa ang nagpapalaki sa akin at nag tatayong parents ko.
Sabi kasi ni Nanay noon, pumanaw yung mama ko noong isinilang ako tapos yung papa ko naman ay hindi nila kilala. May mga pictures and albums naman kami dito ni Mama and that's all I have of her.
"Saan ka ba pupunta kaya ika'y nagmamadali?" Tanong ni Tatay.
"Kina Timmy po. Mag pa-practice kasi kami ng banda."
"Sus. Palusot!" Sabat agad ni Basty. "Naku, Tay! Baka pupunta lang yan si Eiren sa jowa niya."
"Kung anu-ano nalang yang pinagsasasabi mo, Basty!" Inis kong sabi. "Eh ikaw?! Walang jowa kasi mukha kang d**g adik doon sa kanto!"
"Eh ikaw--"
"Oh tama na yan. Ang aga-aga, nag aaway na naman kayo." Seryosong wika ni Tatay. "Eiren, apo. Ang bata-bata mo pa para makipagrelasyon. Wala munang boyfriend hanggang matapos na ang pag-aaral mo."
Hala, bakit ako?!
"Tay, wala po akong boyfriend!" Sabi ko. "Fake news yang mga sinasabi ni Basty! Fake na nga yung mukha, mga salita pa kaya niya?"
"Oo nga, Tay. Imposible naman magka-boyfriend yang si Eiren." Sabat na naman agad ng ugok na si Basty. "Girlfriend yung jowa ni Eiren, Tay. Eh, tomboy naman po yang apo niyo! Hahaha!"
"Manahimik ka nga diyan!" Inis kong sigaw. "Babasagin ko na talaga yang mukha mong tinadyakan ng sampong demonyo!"
Nakakainis talaga! Kung nagtataka kayo, hindi ko yan ka anu-ano si Basty. Thank goodness! Twelve years old pa ako noong dumating si Basty dito sa bahay.
Siya kasi yung tagapagsilbe ni Nanay noong buhay pa siya. Siya din yung tagalinis ng bahay at inu-utosan nina Tatay at Nanay.
I think he's two years older than me. Palagi din niya akong inaasar at bina-badtrip! Walang araw na hindi niya ako pinag-titripan.
Even though ganyan siya, I see him as my older- annoying- brother. Parang pamilya ang turing namin sa kaniya.
Pero bwesit talaga siya.
"Hay naku. Kumain ka na dyan Eiren upang ika'y makapunta na sa iyong lalakarin." Palagitnaang sabi ni Tatay. "Ikaw naman dyan Basty bilisan mo na ang paglilinis at samahan mo akong magpunta sa sentro upang makabili ng gamot ko."
"Opo tay," sabay naming sagot kaya nagkasuklian kami ng masamang tingin.
***
Alam mo ba kung gaano kabilis mag bago ang takbo ng buhay sa isang pitik ni tadhana?
Sa sobrang bilis, pati pag spelling ng tae, hindi mo magawa.
Okay, that was weird pero kuha mo naman yung punto! Wag kang OA!
"Umuwi ka kaagad mamayang alas singko." Bilin sa akin ni Tatay nang makalabas kami sa bahay. "Delikado magpapagabi."
"Opo tay." I hugged him at nilingon si Basty na inismiran lang ako. "Hoy Basty, tulungan mo si Tatay sa mga bibilhin niya ha?!"
"Psh! Malamang! Trabaho ko naman talaga iyon." Ani niya. "Minsan nga, tinutulungan ko pa si Tatay Erwin mang chix. Diba tay?"
"HA?!" Uupakan ko na talaga tong si Basty!
"Kalokohan mo talaga, Basty." Tumawa lamang si Tatay at ginugulo yung buhok ko. "Oh sya, mag iingat ka apo."
Umalis na sina Tatay at Basty para bumili ng gamot at mag g-grocery din sila. Ako naman ay pupunta kina Timmy para mag practice ng banda.
Ako kasi ang drummer sa'min. Summer kasi ngayon kaya napag-tripan namin na sasali kami ng mga gig every Saturday para magka pera kami. Ipon-ipon din.
Naglakad ako putungo sa aking destinasyon nang makaalis na sina Tatay at Basty. Maaga-aga pa naman kaya napagdesisyonan kong dumaan muna sa People's Park at magtambay doon.
Nang makarating na ako park, hindi gaano karami ang namamasyal ngayon since it's still early. Mostly mga afternoon na ang mga tao pumupunta dito.
Malaki-laki ang park at sa bandang left side may malaking pond doon kung saan pwede mag fishing at mag tambay ang mga tao. Sa center naman ay may malaking fountain.
Gusto ko pang kumain kaya naisipan kung bumili doon sa isang maliit na convenience store. Papasok na sana ako na hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.
"Ay, puta-- I mean sorry!" sabi ko kay kay kuya.
Ang weird pa naman ng suot niya dahil sa malaking balabal at hindi ko makita ang mukha niya dahil sa hood sa ulo niya. Tanging bibig lang nakita ko.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun dahil narinig ko parang nag 'grrr' ng mahina para asong galit si kuya tsaka nilagpasan lang ako.
Ahhh gutom lang talaga ako kaya kung ano-ano nalang ang iniisip ko. Baka sabi ni kuya 'geeh', hindi 'grrr'.
Bumili ako ng tuna pasta doon tsaka umupo sa isang bench na nakaharap sa pond.
"Ano kaya'ng magandang e tugtug ngayong sabado?"
Meow...
"Mga kanta siguro sa The Vamps. Jamming naman 'yon. O di kaya, 5SOS?" Sumubo ako ng pasta.
Meow...
"Bahala na nga. Hindi naman ako yung kakanta. Pero mas maganda sigu— ANAK NG TIKBALANG!"
Napasigaw ako sa gulat nang biglang may kumalabit sa aking paanan. Tangina... Isang maitim na pusa lang pala!
"Pakshet..." Napahinga ako ng malalim tsaka tinignan ng masama si pusa. "Ginulat mo naman ako, pusa! Akala ko may aswang na cross-wise kumalabit sa akin!"
"Meow..." sagot naman nito at kinakalabit yung sapatos ko para bang nanghihingi ng pagkain.
"Ahh gusto mo nito no?!" Turo ko sa tuna pasta. "Ha ha! Alam mo kasi, ayoko sa mga pusa. Kaya shoo-shoo ka nalang."
"Meow..." Hindi parin siya umalis at nabigla ako ng bigla nalang siyang umakyat sa bench at tumabi sa akin at tumingin sa akin.
"Teka! Sabi ko umalis ka! Bakit ka--- ugh! Bahala ka na nga dyan!" Sumubo ako ng pasta at hindi pinansin si pusa.
"Meow..." tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Pssh! Ayaw ko nga sa'yo dahil ginulat mo ako kaya bahala ka dyan."
Tinignan ako ng pusa para bang sinasabi niyang 'kanina mo pa kinakausap ang sarili mo na parang tanga kaya hindi mo ako na pansin agad'
"'Wag mo nga ako tignan ng ganyan! Ang tawag dun ay self-talking! Part of self-love lang!"
Tapos bigla siya nag meow para bang sinasabi niya'ng 'Talaga lang ha'
"Oo! Tsk! Hindi mo kasi maintindihan kasi pusa ka."
May narinig akong mahinang tawa sa aking likuran kaya napalingon ako at nakita ko ay isang bata'ng nagpipigil ng tawa kasama ang kaniyang nanay na tinignan ako na parang nakakita siya ng baliw.
Tinignan ko ng masama si pusa. "'Wag mo nga ako kausapin! Tignan mo, napagkamalan akong baliw!"
The cat's eyes narrowed na para bang sinasabi niyang 'Ikaw lang naman yang kumakausap sa akin'
"Aish! O, sayo nalang 'to!" Binigay ko sa kaniya ang natitirang tuna pasta. "Sana magka allergy ka niyan!"
Masayang kinain ng pusa ang tuna pasta. Di ko akalaing kumakain pala ang mga pusa ng ganiyan. Pssh! Pake ko?!
Di naman ako cat-lover para malaman ang mga pwede at bawal nila. Mas mahilig ako sa mga aso eh. Nakakainis ang mga pusa kasi napaka baho ng mga tae nila!
Ang wirdo pa naman niya kasi kulay yellow yung kaliwang mata niya while yung sa kanan na mata ay kulay green.
I mean, na wi-weirdohan ako kasi usually puting pusa yung palagi kong nakikitang may iba't ibang kulay sa mata. Ngayon lang ako nakakita ng itim na pusa na ganyan.
Aalis na sana ako nang may nakita akong kakaiba sa pond. Parang bumubukal yung tubig. Hindi ko alam pero dahan dahan akong lumapit para tignan.
Parang may kung anong feeling na nag-pull sa akin papunta doon. Nang makalapit ako, laking gulat ko nalang nang may biglang umahon sa tubig!
"S-S-SHUKOY!"
Napa atras ako ng paatras, hindi ko namalayang may bato kaya naapakan at natumba ako. Kahit sobrang sakit ng pwet ko, umatras parin ako dahil sa takot.
Eh sino ba naman ang hindi matatakot na may bigla bigla nalang lumabas sa tubig?! Okay lang sana kung may nakita akong nag si-swimming kanina! Kaso wala eh!
Hindi ko inalis ang paningin ko sa shukoy, hindi ko parin makita ang mukha neto kasi naka facedown siya habang nahihirapang inaahon ang sarili sa tubig. Ang weird ng shukoy na ito kasi may cloak na kulay dark blue itong sinusuot. Pero ang hood ng cloak ay nakatakip sa buong ulo niya.
Nagulat na naman ako ng bigla itong umubo at hinihingal. "T-tulong..."
Hala! Tulong daw! Gusto niya ng tu-- teka teka! Did I just here it talk? And... and nanghihingi siya ng tulong! Tangina! Hindi naman pala 'to shukoy!
Tumakbo ako at tinulongan siyang umahon sa tubig. Tama nga ako! Hindi talaga siya shukoy. Isang lalaking mukhang nasa mid 40's niya.
"Tulong!" sigaw ko pero laking gulat ko nalang na wala ng tao sa park maliban sa akin at sa lalaking tinulungan ko.
Teka, bakit walang ni isang anino ng mga tao?! I was so sure na may mga tao dito kahit hindi naman gaano karami! Bahala na nga!
"Shuk— este, sir, okay ka lang ba?!" Pfft! Gaga ka talaga Eiren, malamang hindi! Ikaw ba naman naka lubog sa tubig for who-knows how long!
Imbes na sagutin ako, bigla nalang niyang hinigpitan ng hawak ang magkabilang braso ko at nakatingin deretso sa akin.
"Tago..."
Ha? Ano daw? Taho? Gusto niyang kumain ng taho?
"K-Kailangan ko mag tago."
Ahh tago pala. Kailangan niya daw mag---teka teka! Tago? Ba't kailangan niya mag tago? Tsaka, kakagaling lang niya sa tubig, tapos tatago siya? Anong klasing trip ba yan?
"H-ha? eh saan po kita e ta-tago?"
"Kahit saan. Please, tulongan mo ako. I don't have much time."
Ahhh! Ano ba 'to! Nag lalaro ba siya ng tago-tagoan?! Napakalupit naman ng hiding place ng matandang 'to! Sa tubig pa talaga.
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Nasa park kami for pete's sake! Saan ko naman siya e tatago?
Nahihirapang tumayo si shuko---este, si sir, inalalayan ko naman.
"Bilisan natin hija. Baka makita nila tayo."
T-tayo? Anong tayo? Bakit pati ako nadamay sa kalokohan nila?
"Ehh s-sir, nasa park tayo. Wala tayong matataguan dito." Sabi ko sa kaniya.
Pota! Ang weird talaga niya! Akalain mo, kanina pa ako dito sa park tapos bigla bigla na lamang siya lumabas sa tubig ng pond. Ni hindi ko nga nakita kanina na may nag si-swimming! Ano ba kasing klasing kalokohan 'tong pinasok ko!
"Then, kailangan natin maka alis sa lugar na 'to."
"S-sir, Teka nga! Ano bang nangyayari? Okay ka lang? Dadalhin nalang kita sa ospital." Pag aalang sabi ko sa kaniya. Kinakabahan and at the same time naaawa ako sa tandang 'to dahil para bang may tinakasan siya at kailangang-kailangan niya ang tulong ko.
"Hija, you don't understand. We are all in danger. Your world and mine are in the verge of danger." Mahabang sagot niya sa akin na ika-lito ko. Ano ba tong pinagsasabi niya!? "I need a place to hide."
Anong 'your world2x' na pinagsasabi niya? Ano to? Justine Bieber? Your world is my world? My fight is your fight?
Haha. Corny amputa.
Inalayan ko nalang si sir palayo sa pond. Pero hindi ko talaga maintindihan yung mga sinasabi niya kanina. Ano ba yung sinasabi niyang danger-danger? May gyera bang mangyayari? May aliens na ba dadating? Ano bang klasing pakshet 'tong pinasok ko!
Saang Mental Hospital ba 'to nakatakas ang matandang 'to?!
"Hija..." biglang tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. He was giving me a warm smile na ikinagulat ko. "Salamat."
"Para saan po?" Nabigla ako sa sinabi niya. Napaka weirdo talaga ng matandang 'to.
"Salamat na tinutulungan mo ako kahit alam kong naguguluhan ka na sa mga pangyayari." Tsk! Muntik na nga kitang mapagkamalan na baliw. "Pasensya kana ha? Naabala pa kita."
Nanglambot yung puso ko sa sinabi niya. "Sus! Wala 'to sir! Mas nakaka-abala pa yung pusang itim na kausap ko kanina."
May sasabihin pa sana ako nang biglang may narinig akong tumatawa sa likuran namin. Napalingon kami at laking gulat ko na ang tao'ng nasa likuran namin ay si kuya kanina! Yung nakabangga ko sa store! Yung si kuya GRRR!
"Shit." Biglang mura ni sir. Kitang kita ko ang alertness sa mga mata niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba.
Patay... Anong s**t? Bakit s**t?
"Ha! Akalain mo nga naman na dito ka pala magtatago sa Other Side. At talagang hinayaan mong nakabukas lang ang Gate of Thorns." Kitang kita ko na ang mukha niya ngayon unlike kanina sa store. Madaming scars ang mukha niya. Bigla siyang napatingin sa akin. Nadadagan yung kaba ko nang ngumisi siya. "Well well! What a surprise! A mortal can move within the glamour. How interesting."
Ano na naman 'tong pinagsasabi niya?
"Hindi ka parin nag babago, Borkon. Isa ka paring aso'ng sunod ng sunod sa kaniyang amo." Sagot ni sir sa kaniya.
Pakshet... alam kong bad timing pero pakshet talaga... ang pangit ng pangalan niya! Gusto kong matawa!
Matalim niyang tinignan si sir. "Surrender yourself with the necklace or that girl dies."
Hala! Ako agad?!
"Makinig ka sa akin, hija." Biglang sabi niya sa akin pero nakatingin parin siya sa lalaki. Nararamdaman ko nalang na may inilagay siya sa aking back pocket ng aking shorts. Muntikan ko na nga masuntokan 'tong matandang 'to dahil akala ko minamanyakan ako!
"Umalis ka dito. At protektahan mo maigi ang kwintas na nasa bulsa mo. 'Wag mo hahayaang mapunta ito sa kamay ng iba."
HA?!
"A-ano ba yang pinag sasa---"
"It is the only way. Kaya umalis ka na! Protektahan mo yan maigi hanggang sa mahanap kita ulit."
"Teka teka! Hindi kita maintindi---"
"No time to explain. Just remember, the fate of both worlds is in your hands."
Tapos bigla siyang kumawala sa akin at umabante siya patungo sa lalaki. Ano ba to? Mag susuntukan ba sila? Mag wre-wrestling?
And then the weird thing just happened...
Biglang nag liwanag ang right side ni sir at may lumabas na espada doon. Nag a-apoy na espada! Tapos hinubad niya yung cloak niya at laking gulat ko nang makita ko ang suot niya. He's wearing an armor. A freaking armor!
Kaya pala ang bigat-bigat niya! At mukhang hindi pa naubusan ng pakulo... nag liliyab din yun ng apoy!
Ano ba ang nangyayari?!
"p*****n ang gusto mo at p*****n ang ibibigay ko." Sagot ni kuya at napanganga ako sa nakita ko.
Bigla siya'ng nag transform into a hairy beast! Naging kulay orange ang mata niya tapos biglang humaba ang mga ngipin niya! His nails became claws! Nagulat ako ng may lumabas na tatlong matatalim na buntot sa kaniya!
"Nababaliw na ata ako..." bulaslas ko at hindi parin makapaniwala sa mga nakikita ko.
"Umalis ka na, hija!" sigaw sa akin ni sir na ngayo'y nababalutan ng apoy. Doon ako tuluyang tumakbo at umalis nang makita kong sumugod si kuya na ngayo'y mukhang asong hybrid.
"Hindi siya makakatakas!" Rinig kong sigaw ni kuya aso'ng hybrid. Nilingonan ko sila pero laking gulat ko na may dalawang lalaking humahabol sa akin.
Saan na naman sila galing?!
Juskooo!
***