Erin's POV: Nag mamadali akong bumaba ng sasakyan. Papunta ako ngayon sa Japan para sana i-settle ang venue kaso nahirapan kasi akong iwan si Gavin kay Lola na dumating lang kagabi kaya sobra akong na late. Ayaw nitong mag pa iwan pero ayoko naman siyang isama dahil mapapagod lang siya doon. Habol hininga akong napahinto sa loob ng private plane at napahawak pa sa tuhod 'ko. "Sorry, late ako." "Balak 'ko na sanang iwan ka kaso na isip 'ko na kulang pag wala ka." Nanlaki agad ang mata 'ko ng mabosesan 'ko kung sino ang nag salita kaya gulat na gulat ako ng makita 'ko si Light na chill na chill na naka upo. "I-Ikaw?Anong ginagawa mo rito?" Napalingon ako sa paligid pero dalawa lang kami ni Light na nandito. "Ako ang kasama mo papunta sa Japan. May problema ba?" Umayos ako ng pagkak

