Erin's POV: Huminga ako ng malalim na napatingin sa pinto. Parang gusto 'ko ng tumakbo palayo at bumalik na lang ng London. Mula rito sa kinatatayuan 'ko ay dinig na dinig 'ko ang tawanan nila sa loob. "Mama..." Tawag sa akin ni Gavin at muling napalingon sa pinto. Muli akong huminga ng malalim bago 'ko tuluyang binuksan ang pinto at kasabay noon ay ang pag tigil nilang lahat sa pag tawa. Shit! Wala ng atrasan ito. Nandito silang lahat. Napalunok na lang ako ng mapansing nakatingin silang lahat sa akin pero ang mas kinabilis ng pag t***k ng puso 'ko ay ang makita ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Kalma, Erin. Nandito ka para sukatan sila ng damit at hindi para sa kaniya. "Erin! Akala 'ko ay hindi ka na darating." Bungad sa akin ni Summer na kina iwas 'ko agad ng tingin kay Lig

