Quarantine lang ba Tatapos?
I couldn't imagine na tatagal pala ako ng nasa bahay lamang. Ika-labing-anim ng Marso ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at pang trenta y uno araw na ako sa bahay. Akala ko noong mag-quarantine ay mas maengganyo ako pero hindi pala. Ano bang maari kong gawin ngayon?
Maaga akong naglinis ng bahay at nagdilig ng mga nalaman sa llikod bahay. Pagdating ng tanghali ay naligo na ako.
Pagdating ng gabi ay magka-chat na kami ni Lucas. Noong una ay maayos naman akong makitungo kay Lucas kahit noong nag-umpisa na ang quarantine hanggang sa unti-unti akong dumidistansya ng makausap ko si Bryan.
"Are you breaking up with me?" tanong ni Lucas. Nakatingin lamang ako sa kanya habang ka-video call siya. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Halos isang buwan ng ganito na lamang ang routine namin. Tawag. Text. Tawag ulit.
"What? Bakit ganyan mga texts mo na parang nakakaalis pa ako ng bahay?" pagtataka nito.
"Hindi ko alam. Okay?" singhal ko.
"Leigh ano bang problema mo?" tanong niya.
"Wala bukas na lang tayo mag-usap," sagot ko.
"Bukas na naman. Tapos, what magagalit ka ulit?" alam kong nagpipigil na naman siya ng inis.
"I'm sorry kung di ako makapunta sa inyo. After ECQ pupunta naman ako ulit sa inyo," ani nito.
"Bahala ka," walang gana kong sagot. "Good night," saka ko agad pinatay ang tawag. Bigla ay nakonsensya ako. Dalawang araw na simula ng makipag-chat ako kay Bryan. Halos mag dalawang buwan na siyang nag-chat bago ang quarantine. Noong una ay di ko siya nire-reply-an. Nitong nakaraang araw ay nag-umpisa akong sumagot sa mga chats niya.
Pagdating ng Lunes ay maaga akong nag-text kay Krista. Palagay ang loob ko na mabilis itong sasagot sa mensahe ko. Maaga naman kasi itong magising.
"Good morning!" text ko kay Krista.
"May sasabihin ako sa'yo, Kris..." ani ko.
"Good morning!" bati niya pabalik. "Ano iyon?" tanong niya.
"Naalala mo ba yung lalaki na kinukwento ko sa'yo noong nakaraang buwan?" balik tanong ko.
"Yung nangungulit sa chat?"
"Oo iyon nga," pagtipa ko ng mensahe.
"Bakit nag-reply ka?" tanong niya. Maya-maya ay tumawag na ito.
"Did you?" tanong niya sa kabilang linya.
"Oo.." dinig ko ang hirit nito sa inis.
"Bakit mo naman ni-reply-an?" inis na tanong nito.
"Bakit naman hindi? Hello bored na ako sa bahay," sarkastiko kong sagot.
"Ayy naku sinasabi ko sa'yo ha, pag nalaman iyan ni Lucas," pagbabala nito.
"Sige mamaya na lang maglilinis na muna ako ng bahay," paalam ko.
"Saglit. Tama ba narinig ko? Maglilinis ka na agad, so ibig sabihin di ka nagpuyat?" may mga pagtataka sa tanong nito.
"Oo. Mamaya na lang. Bye," saka ko tuluyang pinatay ang linya. Iniiwasan kong pangaralan na naman ako ni Krista na para ko siyang ate.
Alas siyete y media pa lamang ng umaga ay nag-texts si Lucas ngunit mas nangibabaw sa akin ng pag-ignore ng messages niya. Maya-maya pa ay tumawag na ito.
"Good morning Leigh!" may paglalambing ang boses niya. "Have you had your breakfast?" tanong nito.
"Good morning," walang gana kong bati. "Bakit ang aga mo tumawag?" tanong ko.
"Bawal ba?" tanong niya. "Mamaya pa ang schedule ng trabaho kaya tinawagan na kita habang maaga pa," paliwanag niya. Lucas and I are both working in a call center kaya ng mag-umpisa ang quarantine ay home-based na din ang trabaho namin.
"Anong oras pala klase mo?" tanong niya.
"Mamaya pang 10:30 may quiz kami. Mag-review muna ako then tawagan na lang kita pag di na ako busy," ani ko.
"I noticed these past few days parang ayaw mo akong kausap," ramdam ko ang pagtatampo niya.
"Hindi napa-paranoid ka lang," sagot ko. "Mamaya na lang," dagdag ko. Magkaiba ang ugali namin ni Lucas na kung siya ay kaya niya akong pagpasensyahan ako ay hindi. Napakaiksi ng pisi ko.
"I love you," ani nito sa kabilang linya. Nang marinig ko iyon ay agad kong pinatay ang tawag. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng pagtatampo gayong bumabawi naman siya sa mga oras na di kami nagkakausap. Imbes na mag-review ako ay nagawa ko pang makipag-usap kay Bryan. Lumipas ang maghapon na kausap ko si Bryan. Di ako nag-abala pa na tawagan si Lucas. Alas onse na gabi ng tumawag muli si Lucas.
"Why aren't you replying? Busy ka pa ba? Day off mo ngayon diba?" tila naiinis na ito.
"Yes rest day ko ngayon but that does not mean na wala akong ginagawa. May mga tinatapos akong narrative," singhal ko.
"Anong narrative? Ikaw unang nakapag-submit ng narrative last week," sabi nito. What? Nasabi ko bang nakapag-submit na ako.
"I know you Leigh alam ko pag nagsisinungaling ka," ani nito.
"Sige.. Ano bang gusto mo?" singhal ko.
"Mag-usap tayo," marahan nitong sabi.
"Alam ko namang naiinis ka sa akin. Nung mga times na overtime ako lagi sa trabaho kaya nga bumabawi ako ngayon eh," pagsusumamo niya.
"Tsk... drama mo," sarkastiko kong sabi.
“Pag naman pwede ng lumabas pupunta na ako ulit sa inyo,” paliwanag niya.
“Sige," walang gana kong sambit.
Nagdaan ang panibagong buwan ay ganon pa din ang pakikitungo ko kay Lucas. Late na ako kung mag-reply sa mga texts at chats niya. Sa tatlong taon ng relasyon namin ay ngayon lang ako nagkaganito kay Lucas. Mas napipili ko pang kausapin si Bryan kahit pa di ko lubusang kilala. Alam ni Bryan ni may nobyo ako.
Hindi ko alam na habang tumatagal ang ganoong pagtrato ko kay Lucas ay mas lalo pa itong nagpupursige makausap lamang ako at maging maayos ang takbo ng relasyon namin.
"Kumusta naman kayo ni Lucas?" tanong ni mama. "Tumawag kagabi kinakumusta ka," tuloy niya.
"Ayos lang naman po," sagot ko.
"Naku ikaw ha baka inaaway mo na naman iyang si Lucas," kilalang-kilala ako ni mama kapag may tampuhan kami ni Lucas.
"Sino naman pa lang Bryan iyon?" tanong niya.
"Po?" Paano niyang nakilala si Bryan gayong di ko naman binabanggit iyon?
"Tumawag kahapon sa landline eh kaaga-aga," ani nito. Hays... kairita talaga.
"Kaklase ko lang po baka magtatanong," palusot ko. Sige, galingan mo pa!
"Kumain ka na muna bago mag-umpisa online class mo," utos ni mama.
"Opo," sagot ko saka diretsong naupo sa hapag-kainan.
Ika-bente nueve ng Mayo, tanghali na akong nagising dahil magdamag kaming magka-usap ni Bryan. Wala din naman kaming klase ngayong araw kaya nagawa kong magpuyat. Bigla ay naisip ko si Lucas. Puno ako ng pagtataka na halos isang araw din itong di man lang nag-chat o tumawag. Walang paramdam na kung dati'y di ito tumatagal ng di nakikipag-usap sa akin. Sabi ko na susuko din iyan sa pagbawi niyang sinasabi!
Nag-sepilyo na muna ako saka tuluyang bumaba. Bago pa ako makarating sa unang palapag ay nagulat ako ng makita ang nagkalat na bulaklak at lobo sa sala. May nakasabit pa sa dingding, 'Happy 4th Anniversary!'
What? Bakit di man lang sumagi iyon sa isipan ko? Maya-maya pa ay inabot ni mama ang bouquet at isang box. Nang tumunog ang phone ko ay agad kong sumagot sinagot ang video call ni Lucas. Di ko na nagawang pigilan ang luha ko ng marinig ang boses nito.
"Happy anniversary, Leigh!" bati nito. "I love you," dagdag niya. Dinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Happy anniversary!" masaya kong bati. "Thank you for these," ani ko. "I didn't expect this," dagdag ko.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.
“Oo naman," sagot ko.
Maghapon kaming magkausap ni Lucas ng araw na iyon. Kinagabihan ay nagdesisyon na akong tapusin ang komunikasyon namin ni Bryan. Alam kong dapat noong una pa lang ay di ko na siya ini-entertain.
"I thought gusto mo din ako," ani ni Bryan.
"Di ko naman gusto na ganyan maramdaman mo," paliwanag ko.
"What? Ako pa pala may kasalanan at naramdaman ko ang ganito?" napaigtad ako ng sumigaw ito sa kabilang linya. Noong una ang akala ko ay mas mahaba pa ang pasensya niya kaysa kay Lucas. "Kung di mo ako inuuna kaysa sa boyfriend mo baka isipin ko na wala lang itong pag-uusap natin. Ano ayos na ba kayo kaya ba nagpapaalam ka?" singhal niya.
"Alam ko mali ang ginawa ko na nakikipag-chat sa'yo kaya dapat noong una pa lamang ay di ko na ginawa. Kaya sorry, mahal ko si Lucas" sagot ko. "Kahit anong mangyari ayaw kong mawala si Lucas," diretso ko.
Isang linggo mula ng mas maging maayos ang pakikitungo ko kay Lucas. Simula noon ay di ko kinausap pa si Bryan. Ang inaasahan kong maayos na, ay umpisa pala ng pagkasira ng relasyon namin ni Lucas.
"Kailan pa kayo magkakilala?" tanong ni Lucas. Di ko na napigilan ang mapaiyak.
"One month na. Pero please hayaan mo muna akong magpaliwanag," pagsusumamo ko.
"One month?" tanong niya. "Sa one month na pambabalewala mo sa relasyon natin doon mo kausap ang lalaking iyon," dinig ko ang iyak niya. "Paano kayo nagkakilala?" inis niyang tanong.
"Sa chat lang Lucas," marahan kong sagot. "Bago mag-quarantine nagcha-chat na siya but I swear last month ko lang siya ni-reply-an and wala na kaming communication ngayon," paliwanag ko.
"Should I be glad about it?" inis niyang tanong. "Sa chat lang kayo magkakilala?" ulit niya. Di ko magawang magalit dahil alam kong mali ang ginawa ko.
"Do you think sa f*******: ka lang talaga nakita noon at ini-add? Nang ganoon na lamang," para bang kilala niya si Bryan.
"Oo. Honestly di ko siya kilala personally," sagot ko.
"Pinsan ko siya Leigh," iyak nito. "He intentionally did that," sigaw niya.
"Siya lang na kwentuhan ko ng problema tapos ito," ani niya.
"Mahal mo pa ba ako, Leigh?" tanong niya.
"Oo mahal na mahal," walang pag-alinlangan kong sagot.
"Mabuti pa tapusin na muna natin ito," di ko mahihimigan ng emosyon sa boses nito.
"Lucas please huwag ka naman magdesisyon agad," pagmamakaawa ko.
"Ilang years tayo then you just cut off our communication for one a month para sa lalaking iyon. Pinsan ko pa Leigh," sarkastiko niyang sabi.
"Di kita kayang mawala, Leigh pero tama na muna. Ibibigay ko na muna sa'yo yung laya mo," dagdag niya.
"Then huwag tayo mag-break," suhesyon ko. "Ayos lamang kahit di mo ako tawagan o i-text basta huwag natin itong tapusin," pagsusumamo ko.
"Magpahinga muna tayo bago pa tuluyang masira ang relasyon natin," sagot nito.
"Tayo pa naman diba?" lito kong tanong. "Sabay pa din tayong aalis ng bansa pagkatapos ng graduation?" tanong ko.
"Di ko kayang sagutin iyan, Leigh" diretso niyang sagot.
"Patawarin mo ko please," pagmamakaawa ko. "Di ko kayang wala ka," ani ko.
"Kaya mo Leigh. That was one month na nagagawang mong isang chat at tawag lang habang nagagawa mong magpuyat kausap si Bryan," sumbat niya. Di ako nakasagot ng banggitin niya iyon. Maya-maya pa ay naputol ang linya. Ilang ulit akong tumawag ngunit sa huli'y pinapatay na lamang niya ang linya.
"I love you Leigh but I'm sorry di ko pa matanggap na may mas inuuna ka sa akin. Maiintindihan ko kung trabaho pa iyan eh... Let's both clear our minds," iyon na ang huling mensahe na natanggap ko mula sa kanya.
Tatong buwan na mula ng makausap kami ni Lucas. Hanggang umabot na ang graduation at na-post na ang mga diploma namin sa f*******: ay di pa din nagparamdam si Lucas kahit text man lamang.
"Leigh?" natuwa ako ng marinig ang boses niya sa kabilang linya.
"Congratulations!" bati ko.
"Congrats din sa'yo Leigh," ani nito na siyang kinagalak ko.
"Can we talk?" tanong ko. "I'm sorry" agad kong sabi. Noong una akala ko'y nawala na ito sa linya ng di ko agad marinig ang sagot niya.
"Leigh di na ako galit sa'yo but I couldn't accept it. Di ganon kadali," paliwanag nito.
"Mahal mo pa naman ako diba? Tayo pa rin naman diba kung di ko kinausap si Bryan?" tanong ko.
"Leigh," iyon lang ang narinig ko mula sa kanya.
"Ako pa rin naman diba?" ulit ko. "Lucas andyan ka pa ba??"
“Leigh, I'm still into you. Sa tagal natin di naman ganoon kadali ang kalimutan ka at ang pinagsamahan natin. Kung kailan matapos itong quarantine na ito doon tayo mag-usap. Pag pareho na tayong nakapag-isip."
"Ganon naman pala, so bakit kailangan pa hating maghiwalay? I don't understand," pagsusumamo ko. "Ako pa rin ba kahit kung sakaling magkita ulit tayo?" tanong ko. "Kasi kung ako ang tanungin, ikaw pa din di magbabago kahit gaano katagal akong maghintay. Ikaw? Kailangan ko ng kasiguraduhan. Kung di naman kasi nag-quarantine di kung ano-ano ang iniisip ko sa'yo."
"My God Leigh! Stop of the excuses, hindi quarantine ang dahilan," inis na sagot niya. "Huwag kang magsalita ng tapos. Kasi kung ako talaga wala kang magiging ka-chat. Wala si Bryan," dagdag niya. "Magpahinga ka na, madaling araw na," hanggang sa tuluyan niya ng putulin ang linya.