Simula
My Enemy, My Boyfriend
Mabigat ang bawat hakbang ko habang nagmamadali ako papunta sa kwarto ni Mommy at Daddy. It’s already 7:00 am at 7:30 ang pasok ko. Limang minuto rin ang biyahe papunta sa La Vega University at napaka bagal pang kumilos ni Daddy. Ni hindi siya makakaalis ng bahay ng hindi siya maayos tingnan. Kaya sigurado ako na mahuhuli ako sa klase lalo na kapag siya pa ang hinintay kong gumising. Kung bakit ba kasi absent si Mang Berto ngayon at tanging si Daddy lang ang makakapag hatid sa akin ngayong naka leave sila ni Mommy sa aming kompanya? Nakabusangot at para na akong isang kumukulong tubig ng malakas at sunod sunod akong kumatok sa pinto ng kwarto nila Mommy at Daddy.
“Dad, wake up! I’m already late!” Malakas kong sigaw sa harap at labas ng kanilang silid. Nang wala akong natanggap na responde mula sa loob ay mas nilakasan ko pa ang katok sa pinto ng kanilang kwarto, ‘yung tipong mabibingi at akala mo ay magigiba na ang pinto sa lakas ng sunod sunod kong mga katok magambala at magising lang si Daddy. I feel sorry to my mother, nadamay pa siya sa ginambala ko ngayong araw, “DADDY WA-”
“Yes, I’m here, Pauline! Now, stop knocking so hard like a giant!” Nagambala niyang bungad sa akin nang buksan nito ang pinto. Kasunod nito ay si Mommy na agad na yumakap kay Daddy mula sa pinto. Halata sa kanilang mga mukha na pareho ko silang nagambala sa kanilang mahimbing at masarap na pagtulog. Agad akong ngumiwi nang nagyakapan sila sa aking harapan.
“I’m late, Daddy! And please, don’t do that in front of me, you two are so cheesy!” Saad ko habang nakangiwi pa rin sa kanilang dalawa. Pareho lang nila akong tinawanan at hindi nakinig sa akin. I know they love each other so much. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa kapag nakikita ko silang ganito o maging ang ibang magkarelasyon. I really find it cheesy! Napaka keso at masakit din sa paningin. I’m not bitter though.
“Eh, bakit? Ganito rin naman kayo ni Da-”
“Oh, come on! Get out of there, at ihatid mo na ako sa school bago pa ako ma late!” Ani ko at hinila siya palabas ng kanilang kwarto. Bago pa niya masabi ang pangalan na iyon. Ayaw pa nito lumabas ng kanilang kwarto at akala mo ba ay mahihiwalay na habang buhay kay Mommy, eh ihahatid lang naman niya ako dahil wala si Mang Berto ngayon. Wow, this morning is really hassle already. Kay Daddy pa lang ay hassle na siyang gisingin at ilayo mula kay Mommy na hindi naman mawawala.
“Hay nako, ihatid mo na ang anak mo at gumawa pa tayo ng isa pa,” nanlaki agad ang mga mata ko at agad na humarap kay Mommy mula sa kanilang kwarto.
“MOMMY!” Malakas kong sigaw sa kanya. Malakas lang silang tumawa sa akin ni Daddy at tila ba ay hindi man lang naapektuhan sa aking pag sigaw.
“Sandali, maghihilamos lang ako,” ani Daddy at binawi ang kanyang kamay sa akin. Before I could even stop him, mabilis na siyang nakalayo sa akin at nakabalik sa kanilang kwarto.
“Dad!” Frustrated at hindi ko makapaniwalang tawag sa kanya.
“This will be quick, anak!” Sigaw niya pabalik at sinara ang pinto ng kanilang kwarto. Mariin akong pumikit at agad na bumusangot. Nagtatalon ako doon at parang tanga na hinampas ang pader. Inis kong tiningnan ang relo kong suot at 7:10 am na. I have never been late in my entire life! Ayokong magkaroon ako ng late record kahit isa lang! I’m a consistent student at allergic ako sa mga ganon na record!
Sa huli ay wala rin akong nagawa at bumaba ako ng hagdan papunta sa aming sala. Kanina pa ako nakakain ng breakfast at natapos na ako’t lahat ay hindi pa rin bumababa si Daddy. Talagang kailangan ko pa siyang akyatin sa itaas para gisingin.
“Wala pa rin si Sir?" Tanong ni Yaya. Nakabusangot akong umiling sa kanya, “Naku, baka mahuli ka niyan? Wala kasi si Mang Berto ngayon, hay!” Aniya at maging siya ay nangamba na rin. Sana nga ay nangangamba rin sila Daddy sa itaas na baka mahuli ako. Pero dahil okay lang naman sa kanila kahit gaano pa kataas o kababa ang mga marka kong ipakita sa kanila ay sigurado ako na hindi nila alintana iyon. Gosh, my parents are amazing. Sa lahat ng magulang ay sila lang ang okay sa kahit ano pa ang grades kong ipakita.
Unbelievable.
“Don’t worry, I’m here already,” nilingon ko agad si Daddy na agad akong nilapitan at hinalikan ako sa aking noo nang makitang naka busangot na ako, “I’m sorry, darling.”
“Let’s just go, Daddy.”
Agad akong mag martsa palabas at unang sumakay ng kotse. Dahil nga wala si Mang Berto ay si Daddy nga ang naghatid sa akin papunta sa University. Panay pa ang kanyang pagkanta habang nagmamaneho at sinasabayan ang tugtog sa loob ng sasakyan. Bumuga na lang ako ng hangin dahil sanay na ako kay Daddy. Well, if that’s what he enjoys, sino ba naman ako para tutulan ang maliit na bagay na iyon, hindi ba? Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang huling mensahe niya. Nag good morning ito sa akin pero hindi na ako nakapag reply pa. Panay ang kagat ko sa aking ibabang labi dahil ilang minuto na lang ay sigurado akong tutunog na ang bell sa buong unibersidad. Nang huminto ang kotse sa harap ng University ay agad na akong bumaba at hindi na hinintay pa si Daddy na makapagsalita.
“Take care, Micaela Pauline!” Sigaw nito nang agad akong tumakbo. Mariin akong pumikit at nilapag ang ID ko sa guard saka ako mabilis na tumakbo papunta sa aming klase. Why does he have to call me by my first and second name? Kulang na lang ay pati ang apelyido ko ay sabihin niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng marami pa rin ang mga estudyante na nakatambay at wala pa rin sa kanilang mga klase kaya nagkaroon pa ako ng konting pag-asa na hindi magkaroon ng late na record.
“Excuse me,” ani ko at pilit na nakikiraan at sumisingit sa mga estudyante na nagsisiksikan sa may hallway. D*mn it! Dalawang minuto na lang at tutunog na bell sa buong University at ito pa ang aabutan ko?!
“Aray!” Ngumiwi ako nang naramdaman ko ang sakit ng aking balakang matapos akong itulak ng mga estudyante at nasalandak ako sa sahig dala ang ilan kong mga libro. I really hate this day! This is the worst day in my entire life!
“I love you, Dashiel!!” Malakas na nagtilian ang mga estudyante at mas nagkagulo pa. Bumagsak ang aking mga balikat at inis na tumayo sa aking pagkaka-salampak. Natanaw ko si Dashiel na nasa gitna at halos hindi makadaan sa mga nagsisiksikan na mga estudyante. Mukhang papunta siya sa building ng medical courses pero pinagkaguluhan. Sawang-sawa na ako sa araw araw na pangyayaring ito. There’s always like this because of him! Dahil sa mga celebrities na nag-aaral dito sa La Vega University. Yeah, did I forgot to mention that? But yeah, there are celebrities who are studying in this University and they are making my normal life a hassle, lalo na ngayon!
“Mica!”
“Dashiela!” Ani ko at bumuga ng hangin nang nagtagpo kaming dalawa sa likuran ng mga nagkakagulo at siksikan pa rin na mga estudyante.
“I hate the fact that my brother is a celebrity,” komento niya at bumuga ng hangin habang pinapanood ang mga estudyante na pinagkakaguluhan si Dashiel sa gitna.
“Late na a-ARAY!!!” Napangiwi ako nang may tumama sa aking noo na bote ng mineral water.
“AKIN ‘YAN!!!” Agad akong tinulak ni Dashiela sa gilid nang nagkagulo sila at pinagkaguluhan ang plastik na boteng iyon. Bumungad ngayon sa akin ang celebrity nilang si Dashiel Damon Sanchez ang kapatid ni Dashiela Daniela Sanchez. Matalim ko siyang tinitigan nang mahina siyang tumawa mula sa bote niyang binato at ako ang tinamaan. He always ruins my mood! Talagang kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya! Nagsimula na siyang tumalikod at akma ng aalis ngunit agad kong kinuha ang bote na hinahanap nila pero nasa aming harapan lang naman ni Dashiela.
“Oh, here you go again guys,” ani Dashiela nang nakita niya ang pagkuha ko ng bote at agad iyong binato sa ulo ni Dashiel na nakakailang hakbang pa lang palayo sa amin.
“OH MY GOD!” Sigaw ng mga estudyante nang batuhin ko si Dashiel ng bote na siya rin naman ang nagbato sa akin. Pakiramdam ko nga ay nagkaroon ako ng pasa sa noo ko dahil iyong sa may takip ang tumama sa akin. Dahan-dahang humarap ito mula sa akin at naniningkit ang mga mata akong nilingon. Kung akala niya ay uubra sa akin ang kagwapuhan niya, ay nagkakamali siya. Agad ko siyang tinaasan ng kilay at masama siyang tiningnan. Sumama agad ang kanyang tingin nang nasilayan ako at tulad ko ay agad na kumulo ang kanyang dugo nang nagtama ang aming mga mata.
“How dare you throw that to me?!” Inis at galit niyang saad sa akin. Ngunit hindi iyon sapat para matinag ako sa kanya.
“How dare you throw this to me, too?!” Inis kong saad pabalik sa kanya.
“I didn’t throw this to you! Ganon ka na ba kabaliw sa akin para pati iyon ay akuin mo?” Umawang ang aking mga labi at mahinang tumawa sa kanyang sinabi. Kita mo nga naman at napakalakas ng loob niyang sabihin iyon dahil lang isa siyang sikat na artista. Well, I don’t care if he is a celebrity o kahit sikat at marami siyang fans!
“Ang kapal talaga ng mukha mo, hano?! Eto oh, pasa! Evidence na sa akin tumama ang bote mong binato! Mukha ba akong pader ha?!” Nahinto siya at pinagmasdan pa ako. Mabilis kong tinakpan ang aking harap nang napagtanto ko na bumaba ang kanyang mga mata doon.
“Ah, medyo?” Aniya at nagkibit balikat.
“Guys, that’s enough. Sawa na ako riyan,” ani Dashiela sa amin ngunit matatalim kaming nagpapalitan ng mga mata ni Dashiel.
“I will kill you!” Mabilis siyang tumakbo at agad ko siyang hinabol.
“Pikon!” Sigaw niya habang tumatakbo.
“Makapal mukha!” Sigaw ko at patuloy siyang hinabol. Tumunog ang bell kaya’t agad akong napahinto sa pagtakbo at pareho naming nilingon ang isa’t isa. Nanlaki ang aking mga mata at tiningnan ang relo kong suot.
“I’m late!” Ngumiwi ako at bumalik ng takbo papunta sa aming classroom. Oh, I hate this day! Agad akong tumakbo at tinodo na ang bilis ng pagtakbo ko. I hate him! Lagi na lang pahamak at kamalasan ang dala niya sa buhay ko! Kung bakit kasi dito siya dadaan kahit nasa kabila ang building ng mga kolehiyo?!
“You’re finally back,” ani Dashiela na nag-aabang sa may pinto ng classroom namin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na wala pa si Ms. Gonzales. Technically, I’m not yet late kahit late naman talaga pero hindi naman niya alam. Hinabol ko ang aking paghinga at tinukod ang aking mga kamay sa magkabila kong tuhod. Pinahid ko ang lumalandas na pawis sa aking noo mula sa pagtakbo ko.
“Oh, ano? Tapos na kayo mag habulan at mag-away ulit?” I just rolled my eyes at her at hindi pinansin ang masamang tingin sa akin ng mga kaklase kong babae. Sanay na ako sa mga mata nila na ‘yan, “Alam mo, sawang-sawa na nga ako sa araw araw na pagkakagulo ng lahat dahil kay Kuya at idamay mo na rin si Kristina na pinagkakaguluhan lagi, dumagdag pa kayo na makita lang ang isa’t isa ay nagsasabong na agad!” Sinalo niya ang kanyang noo at mariin na pumikit.
“Stop nagging me,” ani ko at naupo na sa harapan kong pwesto katabi siya at nilabas na ang mga libro ko. Dumating na rin si Ms. Gonzales at nagsimula na ang klase at nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa nag-uwian. Halos nag-uwian na ang lahat habang ako ay naghihintay pa rin kay Daddy na hanggang ngayon ay wala pa rin. Kanina pa ako buga ng buga ng hangin dito. Hanggang sa pagsundo ay late rin siya. Sana talaga ay pumasok na si Mang Berto bukas.
Malakas na bumusina ang kotse na pumarada sa aking harapan. Bumuga ako ng hangin nang bumungad sa akin ang kotse namin. Agad ko namang binuksan ang pinto sa may passenger seat sa pag-aakala na si Daddy iyon.
“Kanina pa ako di–” sinalubong ako nito ng halik sa aking mga labi pagkatapos ay malawak akong nginitian.
“Hi baby,”
“Dashiel!” Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.
Yes, Dashiel Damon Sanchez is my boyfriend. Yeah, my enemy, my boyfriend.
clarixass