Kabanata 1
Complicated
Yes, Dashiel Damon Sanchez is my boyfriend. Or should I say, my secret boyfriend? There will be a lot of questions about that, but we have been together for 5 years. Matagal hindi ba? We have been together for 5 years secretly. Lahat yata ng nakapaligid sa amin ay nasanay ng makita kami ni Dashiel na laging nag-aaway o kung hindi naman ay naghahabulan. La Vega University witnessed all of that. The students hate me because I am the number one basher of Dashiel as I have no choice but to act like I hate him even though I don’t. Hindi ko alam pero simula noon ay nasanay na ako. Well, we have been doing this for 5 years, hindi pa ba ako masasanay sa tagal na? We were in 8th grade when our relationship started. Dashiel grew up as a celebrity. Simula bata siya ay sikat na artista na siya. Mas lalo pa ngang sumikat nang lumaki na siya at mas lumitaw ang kagwapuhan nito lalo. Halos nabaliw lahat ng kababaihan sa kanya. Mahigpit ang manager ni Dashiel, he was the one who forbidden us to tell and show everyone that we have a relationship. Tanging kami, at ang mga pamilya lang namin ang may alam.
Noong una, mahirap. I don’t even know how I am going to turn him as my enemy and show that to everyone around us. I don’t know how can I start an argument na talagang pagtatalunan naming dalawa. It’s funny to think how it changed so much, to the point na ngayon ay kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan namin. And that’s how people used to us. Kung sanay na kami sa aming ginagawa, ganon din sila sa amin. That’s why no one will believe that we are in a relationship in this situation. They would probably just laugh as they know that we have been enemies since birth. Our parents aren’t against us. Ang gusto lang nila ay masunod kung ano ang gusto naming mangyari at ang desisyon naming dalawa. Dahil una sa lahat ay kami ang may relasyon at hindi naman daw sila. Aaminin ko, it was hard to pretend and play my role as his enemy when he is really my boyfriend. Mahirap din na makita siyang pinagkakaguluhan ng lahat. Habang ako ay nananahimik sa isang tabi at pinapanood siya sa pag-abot ng kanyang pangarap. I don’t like this as well. Sino ba naman ang gugusto ng ganitong sitwasyon sa isang relasyon?
Of course, no one.
Hindi madaling intindihin at hindi madaling maintindihan. But to be a successful celebrity and make a lot of movies and a lot of achievements in the showbiz industry is Dashiel’s dream ever since. I remember the day when I asked him what he wanted to do in life and for the rest of his life. He smiled and told me that he wanted to be a celebrity. Hindi lang basta celebrity, iyong celebrity na sikat na sikat at kilala sa kanyang talento. That’s when reality hits me up. Sino ba naman ako para pigilan ang pangarap niyang iyon? I’m not that selfish. That’s why I agreed to pretend as his enemy in order for him to start and have a spotless career in the showbiz industry. Well, it turned out to be successful according to our plan.
Dash is already one of the biggest celebrities.
It’s hard to be in my situation. But I would rather endure all of this as long as he achieves his dreams. I want him to do what makes him happy even if we are in this kind of relationship. Ang importante sa akin ay buo at matatag pa rin naman ang relasyon namin sa kabila ng lahat ng ito.
“I’m sorry. Hindi ko naman alam na sa’yo tumama. Hindi ko rin alam na naroon ka pala,” pahayag niya at bumuga ng hangin habang tinitingnan nito ang maliit na pasa sa aking noo. Hindi naman iyon ganon kasakit. I can take it, pasa lang naman. Malayo sa bituka. Binuksan nito ang band aid bago ako muling binalingan at apektadong-apektado sa pasa kong natamo sa aking noo. I can’t help but smile while seeing him worried about me.
“Bakit kasi binato mo na naman ang bote?” Oo, na naman. He did that a lot of times at lagi namang nalilinlang ang mga estudyante at pinag-aagawan iyon. Actually, hindi lang bote ang binato niya dati para lang makatakas sa mga fans niya sa University. I remember how he threw his book just to escape from them. Hindi lang iyon, pati ang thesis papers nila dati ay binato niya makatakas lang. Paano ba naman kasi, kahit anong bagay basta ginamit at mula sa kanya ay pinag-aagawan na ng fans. Para bang isa iyong ginto o bagay na may sentimental value. That is how crazy his fans are. Handang makipag siksikan at makipag-agawan para lang sa kanya.
“You know me, it’s my only way to escape,” aniya at napailing. Malapad at kuntento siyang ngumiti nang takpan niya ng band aid ang pasa sa aking noo. Tila ba ay hindi niya iyon kayang titigan at mas mainam kung natatakpan na lang ng band aid.
“It’s your fault. Lagi ka na lang nanggugulo sa building ng senior high, nasa kabila ang college building hano!” Napapitlag ako at agad na napahawak sa aking dibdib nang biglang sumulpot si Dashiela sa likuran hawak ang isang bucket ng fried chicken mula sa KFC.
“Dashiela?! Kanina ka pa ba diyan?” Gulat kong tanong sa kanya. Nagkamot ng ulo si Dash at napailing sa kapatid bago nito pinaandar ang kotse namin.
“Of course, my friend. I even saw you two kissed,” tugon niya bago nito pinaikot ang kanyang mga mata at akala mo ay napaka bitter. Napailing ako at bumuga ng hangin saka ako kumuha ng chicken sa bucket niyang hawak bago ako humarap sa daan habang nagmamaneho si Dash pauwi sa amin. Well, yes. Dashiela also knows about our secret relationship. Mula umpisa ay alam na niya iyon. She promised not to tell it to anyone, unless it comes from our own mouth at hindi sa kanya. Well, she didn’t really tell anyone and stayed silent. Kahit siya nga ay nagpapanggap na wala siyang alam kahit na alam niya ang buong katotohanan.
“Lagi naman ako dumadaan sa building niyo,” sagot ni Dash sa kanyang kapatid na abala sa pagkain.
“Ang sabihin mo, dumadaan ka lang sa building namin para mag krus ang landas niyo ni Mica,” mahina akong tumawa kay Dashiela. Habang si Dash naman ay nangingiti lang at nakataas ang kilay.
“You know what? Dapat talaga ay iniwan na lang kita sa bahay. Inuubos mo lang ang pera ko kakapalibre sa akin,” aniya at masamang pinagmasdan ang kapatid sa may rear mirror.
“Aba, you have a lot of money. Isa pa, take this as your payment for helping the both of you hide your relationship from everyone,” pagdadahilan niya. Muli akong umiling doon. Gasgas na iyon. Ilang beses ko na bang narinig sa kanya iyon? Every year ata ay halos araw araw niya iyong dinadahilan sa kuya niya kapag nagpapalibre siya.
“Is that unpayable debt?” Natatawa kong tanong sa kanya, “By the way, where’s Daddy? Siya dapat ang susundo sa akin ngayon, ah?” Nagtataka kong tanong. Nakalimutan ko na iyong tanungin kanina at ngayon ko lang naalalang tanungin.
“Oh, I insisted. Doon ako dumiretso sa inyo kasi akala ko ay nasundo ka na ni Mang Berto. Then, I found out that Mang Berto took a leave for today. Kaya ako na lang ang sumundo sa’yo, madilim na rin, eh.” Kwento nito ng nangyari. Mang Berto took a leave because of his son. Hindi ko alam ang details pero ayon nga, wala siya ngayon. That’s why I had to deal with my Dad. Hopefully, bukas ay naroon na siya para naman hindi na ako mahirapan pa sa paggising kay Daddy.
“What about Dad? Don’t tell me hindi pa siya paalis nang dumating kayo sa bahay?” Matabang ko na agad na tanong sa kanya. I already know the answer for that. Bakit pa ba ako aasa na baka hindi? Ngumiwi siya sa akin at umiling. Tila ba ay gusto pa rin pagtakpan si Daddy sa akin. Napairap ako at mariin na pumikit. I knew it. Kaya naman pala halos ako na lang ang matira sa University. That’s why I hate it when he will drive me kapag wala si Mang Berto.
“It seems like he forgot about it,” aniya at nagkibit balikat, “Just bear with him. He’s tired from work at ngayon lang sila nag leave ng matagal hindi ba?”
“That’s right, Mica. Ganon din si Daddy sa sobrang busy sa company namin,” singit ni Dashiela sa aming usapan. Bumuga lang ako ng hangin at hindi na kumibo. Hindi naman ako galit, and I understand him. Sanay na rin ako, pero talagang nakaka frustrate lalo na kapag may pasok ako.
“By the way, you didn’t reply to my text,” ani Dash sa akin. Kumunot naman ang noo ko at sandaling nag-isip. Hanggang sa naalala ko na may text siya sa akin na good morning kanina at hindi ko na na-replyan dahil sa nagmamadali na ako. Late na ako, pero nagawa ko pang makipag habulan sa kanya at umarte sa harap ng lahat. I guess I’m a good actress, then?
“Oh, I was running late because of my Dad. Hindi na ako nakapag reply kakamadali ko,” paliwanag ko kung bakit hindi na ako nakapag reply pa sa kanya kanina.
“At least, naghabulan ulit kayo,” pang-iinis na saad ni Dashiela at nagpatuloy sa pagkain ng fried chicken.
Nang nakarating kami sa bahay ay naabutan ko sila Daddy at Mommy sa may sala na nanonood ulit ng show sa TV. Malakas silang nagtatawanan habang kumakain pa ng popcorn. It’s better to see them like this kaysa naman iyong madalas kong makita kapag galing sila ng trabaho o sa aming kompanya. They barely go home from work, not exhausted. Madalas ay lagi silang pagod na pagod at tulog agad pag-uwi. It was fine to me. Sinasabayan naman ako nila Yaya na kumain and sometimes when Dash is free, I have a company. Minsan naman ay si Dashiela kapag sinisipag siya na magpahatid dito sa amin at kapag hindi ay ako na mismo ang nagpupunta doon sa kanila.
“I’m home,” ani ko at agad na inagaw ang atensyon nila sa kanilang pinapanood.
“Hi, darling!” Ani Daddy.
“Good evening po,” bati ni Dashiel at ganon din si Dashiela na dala pa rin ang isang bucket ng chicken na halos wala ng laman at naubos na niya. Isa lang ang nabawas ko doon. I can’t believe she finished it all by herself.
“Naghahanda na si Yaya ng gabihan, dito na kayo kumain Dash at Dashiela, ha?” Malawak ang ngiti na saad ni Mommy.
“Sure, Tita!” Maligayang saad ni Dashiela at niyakap ang aking braso.
“I’ll help Yaya, diyan muna kayo,” ani Dash sa akin at marahan akong hinalikan sa aking noo bago agad na tumakbo sa kusina. Hindi na namin siya pinipigilan kapag ganon dahil ayaw naman niya papigil at sanay na kami sa tuwing tumutulong siya kila Yaya kahit na hindi naman na kailangan pa. Umakyat ako sa aking kwarto kasama si Dashiela na hindi humiwalay sa akin at nauna pang binagsak ang kanyang sarili sa aking kama nang makapasok kami.
“Hay,” aniya at bumuga ng hangin. She faced the white ceiling habang ako ay hinubad na ang sapatos at medyas ko. Kumuha na rin ako sa walk in closet ko ng damit na ipapalit ko sa suot kong uniform. This is a hassle day. Mula sa pagpasok ko at hanggang sa pag-uwi. Mabuti na lang at nariyan si Dash to make my day better before this day end.
“Alam mo, you’re relationship is complicated,” nilingon ko si Dashiela na agad binangon ang kanyang sarili sa paghiga sa kama ko, “Very complicated,” dugtong niya at napailing mismo sa akin.
“What do you mean?” I asked, pretending not to know what she meant. Bumuga siya agad ng hangin sa akin.
“Stop pretending like you don’t know, Mica. We both know how complicated your relationship status is. It’s a headache, ugh!” Hinilot niya ang kanyang sentido bago nito muling binagsak ang sarili niya sa kanyang kama. Bumuga ako ng hangin at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin ng kwarto ko.
The relationship isn’t complicated, but the status is.
clarixass