Kabanata 2

2183 Words
Kabanata 2 Kristina, the celebrity "So, how's work, Dash?" My father asked in the middle of our dinner together. It's been a while since we had dinner with Dash. These past few days, he has been so busy with his work as a celebrity. Napakarami nitong shooting na ginawa, interviews, at pati na rin mga photoshoot. His schedule has been really tight. Kaya ilang araw ko rin siyang hindi nakita kahit sa University. He never forgot to text me though, kahit kaunti lang.  "It's going well, Tito. My schedule is hectic, ngayon lang ako nagkaroon ng oras." Tugon niya at malawak na ngumiti, "By the way, I missed this adobo, Manang!" Aniya at nilingon si Manang na abala pa rin sa may kusina. It's his favorite dish of Manang. Kahit ako naman ay paborito ko ang adobo niya. Pati na rin si Dashiela, all of us here. The reason is, there's something on it that makes us crave for it. We could taste the saltiness, the spiciness, and of course, the sweetness of it. Mapa baboy o manok ang adobo niya ay talagang masarap.  "Kaya nga niluto ko 'yan dahil matagal-tagal ka rin hindi kumain dito," natatawa niyang tugon sa may kusina.  "I've watched the trailer of your movie," nakangiting komento ni Mommy. Yeah, he has a movie with Dingdong Dantes, Cristine Reyes, and some other big celebrities. I feel proud of him.  "Oh, yeah! I loved it, papanoorin namin 'yan!" Pahayag ni Daddy. Napangiti na lang din ako sa suporta nilang binibigay kay Dash. Mula umpisa talaga ay botong-boto na sila kay Dash. They have never been against him and forbid me from seeing him. It's the opposite that happened. Parang anak na ang turing nila sa kanya, pati na rin kay Dashiela na matagal ko ng kaibigan. How can I be friends with others when they all hate me because I'm the enemy of Dashiel Damon Sanchez, my own boyfriend.  "Thank you, Tito and Tita."  "What's the story of it?" Dashiela asked. Wala itong kahit anong ideya sa kanyang mga mata at mukhang hindi nito alam ang project ni Dash na iyon. It's because Dashiela never cared about her brother's celebrity career. Basta't ang alam lang niya ay artista ang kuya niya. Dashiela has different views and dreams. Her dreams are the simplest.  "It's a siblings and family story. My own sister doesn't know about it," napapailing na saad ni Dash sa kapatid na wala namang pakialam at tumango-tango lang bago nagpatuloy sa pagkain.  "By the way, Mica. Your teacher called me, and she said that you got the top 1 again? Ikaw pa raw ang nangunguna sa buong Senior High," pahayag ni Mommy. Marahan naman akong tumango. Napalingon silang lahat sa akin maging si Dash na katabi ko ay nahinto sa kanyang pagkain. Maliban na lang kay Dashiela na alam na iyon at hindi na nagulat pa.  "Really?" Proud na proud na tanong agad ni Dash sa akin at halos mapunit na ang kanyang mga labi sa lawak ng ngiti nito sa akin.  "Yeah," simple kong tugon.  "Wow, congratulations!" Aniya at sandali akong niyakap.  "I told you, our daughter is very brilliant. I'm not surprise anymore," natatawang komento ni Daddy kay Mommy.  "Hay nako, sabi ko nga sa kanya kahit ano pang grado ang makuha niya, we will always be proud of her. Kaso ay walang palya itong si Mica," kwento niya. That's what they always say. Lalo na kapag nakikita nila akong abalang-abala sa pag-aaral. They never forget to remind me that they are not pressuring me and I have nothing to prove because they are always proud of me. I guess I'm very lucky to have this kind of parents.  "Well, my girlfriend is really a brilliant one. Kaya sure ako na mawawalan ng panglaban ang La Vega University kapag naka graduate na si Mica ng college," natatawang saad ni Dash.  "I wasn't surprised anymore," komento ni Dashiela at mahinang tumawa, "No one can defeat her, duh." Maarte at mataray niyang dagdag.  Natapos ang dinner namin sa gabing iyon sa iba't ibang usapan. Kung saan saan napunta ang mga kwento ni Dash, ni Daddy, at maging si Mommy. Habang kaming dalawa naman ni Dashiela ay nakikisali lang lagi sa usapan nila. Maybe that's why my parents like Dashiel a lot. He knows how to interact well, kahit kanino. Aside from that, he's very respectful and responsible in everything. He knows how to balance things.  "Are you going to school tomorrow?" I asked. Nasa labas na kami at pauwi na sila. Nasa loob na rin ng kotse si Dashiela.  "Yeah. I'll be very busy in passing all the school works I wasn't able to do," pahayag niya at bumuga ng hangin. He's a celebrity, but he's also a consistent student. Hindi sa pagyayabang, but he's a topnotcher on the Dean's Lister. As I have said, Dashiel knows how to balance everything.  "Tell me if you need help, okay?" Saad ko at marahang inayos ang buhok nito.  "Okay. We have to go now," marahan niya akong hinalikan sa aking noo pagkatapos ay sa aking mga labi. Napapitlag kami nang malakas na bumusina ang kotse nila at bumukas ang bintana. Tumambad sa amin si Dashiela na naniningkit ang mga mata sa aming dalawa ni Dashiel.  "Can you continue that tomorrow? I'm sleepy, love birds!" Reklamo niya at muling sinara ang bintana sa pinto ng kotse. Mahina kaming tumawa ni Dashiel. If there's a bitter person here, that would be Dashiela who never had a boyfriend. She never dated as well in her entire life.  "Bye, I love you," pahayag niya at muli akong hinalikan.  "Ai! (I love you)"  Nakangiti akong kumaway sa kanya. Pinanood ko ang pag-alis ng kotse nila palayo sa aming bahay. Nang tuluyan nang naglaho ang bulto ng kotse nilang sinasakyan ay naiwan na ako roon na mag-isa. Bumuga ako ng hangin bago ko napagdesisyunan na pumasok na rin sa loob. Mabigat na rin ang talukap ng aking mga mata at inaantok na ako.  "Darling, what gift do you want?" Tanong ni Daddy habang may hawak na isang tasa. He's probably drinking coffee again in the middle of the night.  "Nothing, Daddy. It's fine," ani ko.  "Are you sure?" Paninigurado nito.  "Yes, Dad." Ani ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi bago ako umakyat sa aking silid. If I were to ask for a gift, it would be impossible to happen. My dream gift is to stop being Dashiel's enemy in front of everybody. I want to be her girlfriend in front of everyone. 'Yung walang halong kahit ano pang pagpapanggap.  Napailing na lang ako sa aking iniisip. I know it's a crazy dream.  Kinabukasan, maaga akong nagising kaya't agad na rin akong gumayak. I hope this day isn't a hassle like yesterday. Dala ang ilan kong libro at ang bag ko ay agad na akong bumaba para kumain ng almusal. My parents are probably still sleeping right now.  "Mang Berto!" Masaya kong sigaw nang natagpuan ko siya sa kusina at nagkakape na.  "Mica!" Tawag niya sa akin at agad na kumurba ang malaking ngiti sa kanyang mga labi. Nakahinga ako ng maluwag ngayong narito na siya. Sa wakas ay hindi na si Daddy ang maghahatid sa akin. Kung hindi, this day will be another disaster like yesterday. I'm glad Mang Berto is finally back. Pakiramdam ko ay hindi lang siya isang araw nawala.  "Mabuti naman po at nakabalik na kayo! Alam niyo naman si Daddy pagdating sa paghahatid at pagsundo sa akin. He's always late!" Utas ko at napailing. Naupo na agad ako sa upuan sa may lamesa. Nakahain na si Manang pero ako pa lang ang kakain dahil tulog pa sila Daddy at Mommy.  Malakas na humalakhak si Mang Berto, "Hay nako, Mica! Pasensya ka na at kailangan kong mag leave dahil sinugod sa ospital ang anak ko," bumilog ang aking bibig at suminghap. Gulat at nag-aalala ko agad siyang nilingon nang sabihin niya iyon. That's why he took a leave! Sa totoo lang ay napakadalang niyang gawin 'yon sa tagal na niyang nagtatrabaho sa amin. Bilang lang ang absents niya, at lahat ng rason niya ay mahalaga.  "What happened?" I asked, bago ako sumubo.  "Dengue," sagot ni Manang at nilagyan ng hot chocolate ang tasa sa gilid ng plato ko. I don't drink milk. Mas gusto ko ang hot choco sa umaga at kahit sa gabi. Dashiel has an opposite like. He likes drinking milk in the morning more than this hot choco. "Kumusta na po?" Nag-aalala kong tanong. Hindi biro ang dengue, ha! "Ayos naman na, naagapan naman ng asawa ko." Pahayag niya at muling humigop ng kanyang kape, "Oh siya, kumain ka na at ihahanda ko lang ang kotse ha?" Utas nito at agad na binitawan ang tasa saka mabilis na lumabas. Napailing na lang ako habang kumakain.  "Mica, top 1 ka pala ulit at nangunguna sa buong Senior High?" Nagagalak na tanong ni Manang sa akin.  "Opo," nakangiti kong tugon.  "Ano'ng gusto mong ulam mamaya? Ipagluluto kita!" Masaya at proud niyang saad sa akin. I pouted and started thinking.  "I want your adobo, Manang! 'Yung ribs? Saka medyo spicy!" Excited kong saad. Natatakam na agad ako iniisip pa lang iyon. I love spicy food, did I forget to tell you that? Dashiel doesn't like spicy food, but he can eat it though. Lalo na kapag adobo ni Manang.  After eating breakfast, I peacefully went to University without any hassle. Thank God, Mang Berto is back.  "Bye, Mang Berto!" May malaking ngiti kong saad bago ko isara ang pinto. "Good morning, Kuya!" Bati ko sa guard at pinakita ang ID ko.  "Aba, hindi ka ata bad mood, Mica? Mamaya lang 'pag nakita mo na naman si Dashiel ay siguradong magkakagulo na naman kayong dalawa," napanguso agad ako. Hindi dahil sa kanyang sinabi, kung hindi dahil naalala ko na kailangan na naman naming umarte na magkaaway. As I've said, the whole University is aware that Dash and I are enemies.  But the truth is the opposite though.  "I hate him since birth," komento ko at kinuha ang ID ko.  "Alam mo, ikaw lang ang babaeng may ayaw kay Dash," napailing na lang ako at nagkibit balikat bago tuluyang ng martsa papasok sa University. Well, he's right. Halos lahat yata ng babae sa buong La Vega University ay baliw na baliw kay Dashiel.  "Dashiela," tawag ko sa kanya nang abutan ko siya sa may hallway na nakasandal sa pader at may subo pang lollipop sa kanyang bibig, while wandering around.  "I was waiting for you," utas niya at sumabay sa akin sa paglalakad.  "Si Kristina!"  "Aray!" Ani Dashiela nang magkagulo ang mga tao at nabunggo pa si Dashiela. Kumunot ang noo ko at pilit na tinanaw ang pinagkakaguluhan nila papunta sa building ng college. Ilang sandali pa ay nahawi ang mga tao at tila ba ay papunta sila sa aming gawi ni Dashiela na walang pakialam sa mundo.  "Dashiela!" Naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang bumungad sa akin si Kristina na palapit sa amin. Kulang na lang ay hindi na niya ibitones ang polo ng uniporme niya. Everyone can see her cleavage. Did she forget that she's a student and not a model or a celebrity here?  "F*ck, here she goes again," inis na bulong ni Dashiela nang nasilayan ito.  "Ang ganda mo, Kristina!" Sigaw ng mga estudyante.  "Hi," napipilitan na bati ni Dashiela.  "Have you seen your brother?" Tanong niya agad. Pakiramdam ko ay literal na kumulo ang dugo ko sa kanyang tanong. Halos pigilan ko ang sarili ko pagsugod sa kanya ngayon. I hate her! Walang halong pagpapanggap!  "No, have you?" Tanong pabalik ni Dashiela.  "No, that's why I'm asking." She answered and looked at me. Hindi napawi ang ngiti niya sa kanyang mga labi nang tingnan niya ako.  "Kristina," nagtilian agad ang lahat nang dumating si Dashiel at malamig lang ang mga mata kay Kristina. May dala itong libro sa kanyang kanang kamay. Nagtama ang aming mga mata ngunit wala akong pinakitang kahit ano pang emosyon sa aking mga mata.  "Oh, Dashiel! I've been looking for you!" Sunod sunod ang naging flash ng mga cellphones ng mga estudyante. Ang ilan ay nag video pa. Kinuyom ko ang aking palad ng halikan nito si Dashiel sa kanyang pisngi habang ang mga mata niya ay nasa akin lamang. Niyakap ni Kristina ang braso nito at ngumiti pa lalo sa mga camera.  "She's annoying," komento ni Dashiela. Malakas na tumunog ang bell sa aming building kaya't agad akong natinag at marahan ng hinila si Dashiela paalis sa mga estudyante na walang pakialam sa bell at nasa kanila lang ang mga atensyon.  "Let's go," utas ko bago ko inalis ang mga mata ko kay Dashiel. Mariin akong pumikit sa aking pagtalikod at tiniis ang pagkirot ng aking dibdib. This day isn't a hassle, it's just painful. Akala ko ay sanay na ako, pero mukhang hindi pa pala. Well, I wanted this. I wanted this kind of relationship. Now, I have to endure it secretly, just like our relationship.  That was Kristina, the celebrity. And I'm aware that she likes Dashiel so much.  clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD