CHAPTER 2

2427 Words
Pakiramdam ko ngayon tila ba nahimasmasan ako. Matapos kong magdasal sa makailang ulit at parang may bagay na humipo sa akin at naging maayos ang nararamdaman ko. Baka sakaling narinig na ng diyos ang marami kong pakiusap at ngayon ay maayos na si Sab. Pero hindi pa rin lumalabas ang Doctor ni Sab. Si Leo, hindi pa siya lumalabas matapos na may ilang staff na akong nakitang lumabas kangina. Nagdasal muli ako habang nag-aantay ng balita mula sa doctor ni Sab. Alam kong hindi pababayaan ng Diyos si Sab. Alam kong pagbibigyan niya pa aki kahit sa konting sandali na makasama pa ang babaeng pinakamamahal ko. May isang oras pa ang lumipas na aking ipinag-intay sa labas bago tuluyang bumukas ang pinto kung saan ay naroroon sa loob si Sab. Sinalubong ko ang Doctor, si Leo. Nakalupaypay ito at malungkot ang itsura ng lumabas ito sa kwarto ni Sab. Nang makalapit ako tinanong ko siya. “Leo, kamusta si Sab?" “I am so sorry, Raf." Malungkot at lupaypay ang katawan na itinugon nito ng magkalapit na kaming dalawa. Muling nag-umpisa ang malakas kong kaba at bumuhos ang aking mga luha sa patuloy niyang sinasabi mula sa sitwasyon ngayon ni Sab. “Raf, tanggapin muna dahil tinanggap na ni Sab na hanggang rito nalang siya. Hindi na kakayanin ng katawan niya ang tumagal sa sinabi ko sa iyong araw. Sa palagay ko. Mas mabilis pa sa inaakala ko ang bilis ng pagkalat ng cancer sa kanyang katawan." Sabi ni Leo. Napahugot ako ng malalim na hininga. “Tatapatin na kita. Hindi na aabutin ng twenty four hours si Sab. Kaya ngayon pa lang magdecide ka na." Muli ay sinabi ni Leo at sabay kaming napabuntong hininga. “Leo, lalaban pa si Sab. Alam ko yon. Laban pa siya." Giit kong sabi sa kanya. Alam kong lalaban pa si Sab. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Leo. “Wala na tayong magagawa pa sa kanya, Raf. Talagang hanggang dito nalang si Sab. Tanggapin mo na yon. Di ba, nung una pa lang sinabi ko na sayo yon. Lakasan mo ang iyong loob dahil darating talaga sa puntong masakit pero kailangan mong tanggapin. Si Sabby, nuon pa lang tanggap na niya dahil sa sarili pa lang niya alam na niya kung gaano ka risky ang sakit na kanyang dinadala. Raf, sana maunawaan mo. Nahihirapan rin si Sab na maiwan ka niya ng mag-isa. Lalo na't yung sanggol na kanyang dinadala ay nadamay ng dahil sa sakit niya. Nuon pa lang kasi. Sinabi ko na sa kanyang huwag niya ng ituloy dahil possible rin ang risk na pagdadaanan niya oras na magbuntis siya. Pero hindi siya nakinig sa akin. Mas pinakinggan niya yung kagustuhan niyang mabigyan ka niya ng anak kahit alam niyang wala rin kasiguruhan kung hanggang kelan ang itagagal ng kanyang buhay." “Hindi totoo sinasabi mo leo, alam kong may panahon pa at alam kong ilalaban ni Sab ito." Pamimilit ko. “Raf, wala na. Mas nakaapekto pa sa sakit niya ang pagkalat ng lason sa kanyang katawan ng dahil sa patay na sanggol. Kaya, Raf. Makinig kang mabuti. Alam kong nabanggit na sayo ni Sabby ang tungkol sa babaeng dinala niyo rito. Alam mo rin ang lagay ng babaeng yon. Siguro naman nabanggit na rin ni Sabby ang kagustuhan niyang ibigay ang puso niya sa babaeng iniligtas niyo ni Sab. Nabanggit na rin siguro ni Sabby ang kanyang dahilan kung bakit niya nais na gawin ito. Raf, intindihin mo sana at unawaing mabuti ang sitwasyon at nangyayari." “Pero mabubuhay pa si Sab. Alam ko yan. Alam kong mabubuhay pa siya." Napalakas na ang aking pagkakasabi. Ginigiit na mabubuhay pa si Sab at walang katotohanan lahat ng sinasabi ngayon ni Leo. Pero umiling na si Leo. “Wala na Raf, tanggapin mo na." “Hindi Leo, mabubuhay si Sab." Napaatras ako. Napasandal sa pader habang sinabunutan ang aking ulo. Mabubuhay pa si Sab. “Raf tanggapin mo na please. Hayaan mo na si Sabby na mapayapang umalis sa mundo. Hayaan mo na siyang makapagpahinga ng walang bigat sa puso nito. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal. Pero hindi lang ikaw ang dumadanas ng sakit. Maging si Sabby nasasaktan na iiwanan ka niya ng mag-isa. Pero, tinanggap na niya ito ng malugod ng dahil sa alam niyang maiiwanan ka man niya. Alam niyang makakahanap ka pa ng babaeng mas higit na magmamahal sayo. Malubha na si Sab, Raf. Tanggapin mo na. Parang awa mo na. Tanggapin mo nalang at magpakatatag ka." Hinawakan ako ni Leo sa magkabilang balikat ko habang sinasabi iyon. Hindi ako makapaniwalang ganoon kabilis talaga ako isusuko ni Sab. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na maisaayos ko ang aking sarili bago niya ako iwanan. Sobrang iniipit ako ni Sabby sa mga nagiging desisyon niya. “Leo, alam kong may magagawa ka pa. May paraan pa diba?" Kahit pabalik-balik lang kami. Kahit paulit-ulit lang ako nanggigiit sa kanya at alam kong malabo na. Pero nais ko pa ring makakuha ng maayos na sagot sa kanya. Hindi ang pilit nilang ginigiit sa akin ni Sab na mabuting paraan upang may isang buhay ang maililigtas habang si Sabby tuluyan namang mawawala sa akin. “Raf, ilang beses ko bang ipililiwanag at uulitin sayo. Wala ng ibang paraan hindi na kakayanin pa ni Sab. Katawan na niya mismo ang sumuko at kahit anong laban ang gawin ni Sab. Malabo na sa bilis ng pagkalat ng lason na nagmula sa patay na sanggol sa kanyang sinapupunan. Isa pa iyon sa isang dahilan kung bakit mabilis nanghina at bumigay ang katawan ni Sab. Kaya please, magdesisyon ka na Raf. Konting oras nalang ang natitira sa atin para maisagawa ang operations nilang dalawa ng kanyang kambal. Kundi, kapwa lang sila mamamatay oras na maubusan na tayo ng oras." Sa sinabi ni Leo, mas nagulo ang isip ko. Ang kambal ni Sab ang dahilan at mas importante sa kanya ngayon kesa akong hirap na hirap sa gagawin kong desisyon. Tila ba nahilo ako at muntikan ng matumba mula sa pagkakatayo. “Raf, are you okay?" Tanong ni Leo ng kanya akong daluhan. Mabuti at nasalo ako nito. “Okay lang ako." Sabi ko sa kanya. “Sigurado ka okay ka lang?" Tumango ako sa kanya. Saka muli ay binanggit ni Leo ang kangina pa niya iniintay na sagot mula sa akin. “Raf, kailangan ko na ng iyong desisyon. Pumayag ka na. Wala na rin naman tayo magagawa. Si Sabby na ang siyang nagdesisyon nito. Siya ang may kagustuhan matapos naming makumpirma na magkapatid sila at match ang kanyang organ para sa kanyang kapatid na ngayon ay tulad niya dumadaan sa isang mahirap na sitwasyon. Kaya Rafael, inuulit ko sayo. Tanggapin muna ng maluwag sa dibdib mo dahil iyon rin ang nais sayo ni Sabby. Please Raf, nakikiusap ako sayo. Hindi na oras ang kalaban natin ngayon. Minuto nalang ang pinag-uusapan natin rito. Sa ngayon stable si Sab pero oras na muling maulit ang nangyari kangina kay Sabby. Malabo na natin magawa pa ang operasyon. Malabo na rin natin mailigtas ang kanyang kapatid." Pakikiusap muli ni Leo, nagsusumamo habang iniintay ang mabigat na desisyon na hirap pa rin akong pagdesisyunan. “Hindi ba pwede na ako naman ang masunod at magdesisyon rito?" “Raf, huwag ka na nga maging matigas. Huwag mong igiit ang nais mo. Oo mahal mo si Sabby at ayaw mong mawala siya. Pero isipin mo naman yung desisyon ni Sabby. Masakit rin sa kanya yon at sobrang bigat. Pero, mas inisip niya yung mas makabubuti. Please lang Raf naman. Huwag mo naman ipagkait ang nais ni Sab na mailigtas ang isang buhay kapalit ng kanyang pagkawala. Mahal ka niya. At mahal din niya ang kanyang kapatid at masakit sa kanya na iiwanan ito ng hindi man lang sila nagkausap at pormal na nagkakilala." Pilit na pinauunawa at pinaiintindi ni Leo sa akin ang situation na ngayon ay gagarampot lang ang kanyang hinahabol. Subalit sa bawat kanyang winiwika mas lalo naman nagiging magulo ang isipan ko. Pakiramdam ko nagiging sakim at madamot ako para ipagkait ang buhay na nais nilang mailigtas ni Sab. “Please, Raf, desisyon mo nalang ang aking inaantay. Please, Raf! Makinig ka naman. Nakikiusap ako wala na tayong oras." Pagsusumamo at pakikiusap muli ni Leo, saka ito may inabot na isang papel sa akin. “Ano ito?" Naitanong ko ng mapansin ang papel na inibinigay niya sa akin. Matapos ay isang envelop ang kanyang iniabot muli. Binuksan ko iyon at labis ang kaba na aking nadama. Sobrang lakas ng kaba ko habang binubuklat iyon. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Leo ng magawa kong mag-angat ng mukha. Tumango si Leo at sinabi. “Una pa lang napansin ko na ang pagkakatulad ni Sab at nang babaeng inyong iniligtas. Hindi lang nagawang sabihin sayo ni Sab dahil hindi pa siya nakakasiguro ng una kong sabihin sa kanya na possible na baka ang babaeng inyong natagpuan ang isa sa matagal na niyang hinahanap. Umpisa pa lang may kutob na pala si Sabby ng kanyang mapansin ang kaisa-isang palatandaan niya sa nawawala niyang kakambal. Maliban sa malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Kaya agad kaming gumawa ng ilang test at lahat nagmatch maging ang isinagawa naming DNA test nila. Walang maitatanggi na magkapatid talaga sila. Kung nakita mo lang kung gaano kasaya ni Sabby ng malaman na magkapatid sila. Pero lungkot ang pumaibabaw rin sa kanya ng dahil sa hindi man lang nila magawang makapag-usap at makapagkwentuhan ng dahil sa nangyari sa kanyang kambal." Sabi pa ni Leo na humaba na ang kanyang pagpapaliwanag mula sa kailangan ko pa rin gumawa ng isang desisyon na kanya pa rin inaantay. “Iisa lang ang kahuli-hulihang habilin at pakiusap sayo ni Sab. Kahuli-huling hiling niya sa iyo at kanyang dahilan, kung bakit nais niyang mailigtas ang babaeng ngayon ay nag-aantay nalang ng iyong desisyon para siya naman ang mabigyan ng panibagong buhay ng dahil sa babaeng pinakamamahal mo na pilit mong ayaw bitiwan. Raf, handang isasakripisyo ni Sab ang mga nalalabing oras niya para makapagligtas naman ng buhay ng isa sa mga taong Mahal din niya. Mahalaga sa kanya ang kapatid niya, habang mahalaga sayo si Sab. Mula umpisa bago pa man malaman ni Sab na kapatid niya ang babaeng inyong natagpuan. Alam na niya na wala na talaga kahit pilit pa siyang lumaban para sayo, hindi na rin siya magtatagal. Kaya nagdecide si Sabby, mahirap man sa kanya dahil ipagkakait niya sayo ang nalalabi niyang oras habang nais niyang mabigyan ng pagkakataon mabuhay ang kanyang kapatid. Kaya, Raf. Muli akong makikiusap sayo. Isang mahalagang desisyon mo kapalit naman nito ang isang buhay na ating maiaalis sa linya ni Kamatayan. At mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay at makapagpatuloy sa buhay." Marami pang nasambit si Leo, pero hindi pa rin ako makagawa ng aking desisyon. Ang babaeng yon, napakaswerte niya. Nailigtas na namin siya ng matagpuan namin siya si Sab matapos na puntahan ako ni Sab sa aking trabaho. Sa pag-uwi namin duon namin napansin ang isang duguan at sugatan na babae. Pero hindi ko agad naisip o pumasok sa isip ko ang kanilang pagkakahalintulad na dalawa. Biruin mo nga ang pagkakataon. Magkapatid pala sila ni Sabby at siya ang isa sa matagal na hinahanap ni Sab. Naisip ko at naibulong habang nakatingin at binabasa ang sulat ni Sab. “Payag ka na ba? Pumayag ka na Raf. Magdesisyon ka na. Pakiusap, magdesisyon ka na, please." Muli ay pakiusap na naman ni Leo at hindi siya mapalagay ng biglang nagkagulo sa loob ng kwarto ni Sab. “Raf! Bilis na magdecide ka na." Malakas na sabi ni Leo, habang natataranta muli ang lahat at nagbigay ng signal ang nurse sa loob ng kwarto ni Sab. Nagkagulo ang lahat ng muli ay maulit ang nangyari kangina kay Sab. “Please, Raf. Pumayag ka na. Pirmahan muna Raf, wala na tayong oras." Magdadahilan pa sana ako ng masilip ko ang sitwasyon sa loob at ang nangyayari sa kalagayan ni Sab. Nagkakagulo na ang lahat dahil sa sitwasyon at tensyon ng lahat. Sinabi ni Leo na nakaabang na ang kakambal ni Sab sa operating room at kailangan ko lang pirmahan ang papel na ibinigay niya rin sa akin kangina ng dahil sa ako ang tumatayong guardian ni Sab. Para maumpisahan na rin nila na ang agarang operation ng dalawa. “Dok!" Muli ay tawag ng nurse kay Leo, habang si Leo ay nakaabang sa akin sa magiging desisyon. “Huwag ka ng magdalawang isip pa Raf, ang isipin mo ngayon mayroon kang isa sa dalawang kambal ang maililigtas. Huwag mong pairalin ang nararamdaman mo ngayon. Ang isipin mo yung buhay na maliligtas natin ngayon. Oh, baka ang gusto mo kapwa silang mawala sa pamimilit sa sarili mo na mailigtas si Sab?" Kinukwestyon at sa mga sinasabi pa ni Leo, pakiramdam ko, lumilitaw na ako ang masama dahil sa nagiging sakim ako sa mga oras na ito. “Dok!" naiiyak, nauutal na natataranta na si Cleo ang head nurse na pinakiusapan ni Leo para bantayan si Sab. Sa huli wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng babaeng Mahal ko. Naiipit na ako sa isang sitwasyon na buhay at kamatayan lang ang aking pwedeng pagpilian. Sa napaka- importanteng desisyon ko na bibitawan ko. Mayroon isa sa kanila ang mabubuhay. Subalit mayroon isa ring mamamatay. Kung ang pipiliin ko ay si Sab. Kapwa naman din sila mamamatay dahil sa mga sandali ngayon malabo ng tumagal pa si Sab. Pero kung pipiliin ko ang pakiusap ni Sab. Maililigtas ang ang isa sa kanyang kapatid na matagal niya ng hinahanap at may pagkakataon pa itong mabuhay tulad ng nais ni Sab. Pinirmahan ko na at iniabot kay Leo. “Salamat Raf. Salamat." Nabunutan ng tinik si Leo at panay ang pasasalamat. Lahat nagkalagulo na at ilang sandali pa inilabas na si Sab. Humalik pa ako sa kanya matapos saglit na ihinto si Sab sa aking harap. Mabilis na nila itinakbo sa operating room si Sab, habang ang kanyang kakambal ay nag-iintay na roon para sa agarang heart transplant para sa dalawa. Ang puso ni Sab na kanyang ibinigay sa kanyang kambal. Nakakalungkot lang isipin na sa ganitong tagpo sila pinagkita ng kanilang mga kapalaran. Hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na makapagharap at makapag-usap. Tanging puso ni Sab ang maiiwan na alaala sa kanyang kambal na hindi man lang nakausap. Sana maging maayos ang kanilang operation ng sa ganon masaya ng makaalis si Sab at makarating sa panibago niyang tahanan. Sabby mahal na mahal kita. Salamat sa lahat ng masasayang alaala. Naibulong ko habang nakatayo at nag-aantay sa labas ng operating room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD