bc

SABRINA DOMINGUEZ ( Escape in him )

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.5K
READ
spy/agent
possessive
fated
aloof
police
tragedy
twisted
bxg
city
crime
like
intro-logo
Blurb

Sabrina Dominguez ang babaeng walang kasing tapang pagdating sa bakbakan. Pero mapapabaluktot kaya ang kanyang tapang ng isang Rafael ng dahil sa bilin ng dating kasintahan na nagbigay ng puso at panibagong buhay kay Sabrina. Paano sa pagtagal ay mahulog ang puso niya sa dalaga subalit malapit na pala itong ikasal.

May pag-asa pa kayang mahalin siya ni Sabrina na gayon ang Mahal nito ay si Arnold ang best friend at partner ng kanyang Ate Samantha.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Raf!" hirap sa paghinga na nagsalita si Sab na kanyang bigkasin ang pangalan ko. Hawak ko ang kanyang mukha, marahan kong hinihimas iyon gamit ang aking isang palad at pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa kanyang mukha gamit ang daliri ko. Ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata. Patuloy na pinapahiran ko gamit ng ilang mga daliri ko mula sa isang palad ko. “Sab!" naiiyak na sambit ko sa pangalan niya habang ang isang palad ko ay hawak hawak ni Sab. Hinimas niya iyon habang siya ay nakahiga sa harapan ko at ako ay nakaupo. “Raf, please pumayag ka na." hirap na hirap na pakiusap na ibinigkas ni Sab. Halos hindi na siya makapagsalita. Nahihirapan na siya sa labis na sakit na kanyang nararamdaman ng dahil sa tinitiis na sakit na nagpapahirap kay Sab. Si Sabby ay aking kasintahan na nakilala ko nuon sa isang misyon. Isa siyang nurse na tinulungan ako ng mabaril ako at malagay sa bingit ni kamatayan. Kundi kay Sabby baka ako ang nasa pwesto niya at hindi siya ang nahihirapan ngayon. Kung hindi lang ng dahil sa kanyang sakit na nagpapahirap sa kanya hindi niya sana maiisip na mas piliin ang mabuhay ang babaeng aming nailigtas kesa ang manatili sa tabi ko habang iniintay na maubos ang ilang araw na nalalabi sa kanya. May taning na ang buhay niya ng dahil sa sakit ni Sabby. Pero hindi ko lubos maisip na pumayag sa gusto niyang mangyari, gayong siya naman ang magiging kapalit at tuluyan na siyang mawawala sa akin. Ayokong bitiwan ang mga sandali na maaari ko pa siyang makasama kahit sa konting saglit nalang alam ko rin na mawawala siya. Pilit na pilit na huminga si Sabby. Pilit rin itong nagsasalita at muli ay binigkas. “Raf, kahit anong gawin natin. Wala na tayong magagawa kahit ipagpilitan ko man lumaban..." putol-putol na kanyang naibigkas saka siya muling huminga at makaraan ay muling ibinuka ang kanyang bibig at nagsalita. “Hindi na ako mabubuhay, Raf." Nakatingin sa aking mukha at nagpatuloy sa pagsasalita. Habang pinunasan niya ang tumutulong luha ko sa mukha. “Hindi na rin ako magtatagal, Raf alam mo yan. Dahil sa sakit ko malabo na magtagal ako. Hanggang dito nalang yung ibinigay ng Diyos at wala na tayong magagawa roon. Raf, pakiusap. Huwag mong tinggnan yung hindi na kaya. Ang isipin mo, mawala man ako sa mundo. May isang buhay na mananatili na buhay. Hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Lagi lang ako nakabantay at kasama mo." Nakangiwi ang mukha ni Sab habang kanyang hawak ang dibdib nahihirapan sa paghinga dulot ng sakit. Dumadaan ngayon si Sabby sa kanyang sakit na stomach cancer. Subalit huli na ng matukoy ang mabilis na pagkalat ng cancer sa ibang part ng kanyang katawan. Hinawakan ko ang kamay ni Sab na nakapatong sa dibdib niya. Marahan kong hinaplos ang naninikip niyang dibdib at pinisil ang kanyang kamay at bahagyang ngumiti upang makatulong ng bahagya sa kanyang nararamdaman. Nais kong kahit papaano ay maramdaman ni Sab na naririto lang ako at hindi aalis sa kanyang tabi. “Huwag ka na magsalita, Sab. Mas mahihirapan ka lang. Hayaan mo munang maipahinga ang sarili mo. Saka na natin muli yan pag-usapan." Iwinika ko. “Hindi, Raf. Please makinig ka naman. Alam kong hindi na ako magtatagal. Tanggapin mo na dahil tanggap ko na. Pumayag ka na please. Nakikiusap ako sayo. Siya! Maaari pa siyang mabuhay kung papayagan mo lang ang pakiusap ko. P-pero ako Raf, malabo na kahit anong pilit mo, kahit anong laban ang gawin ko. Alam kong hanggang dito nalang talaga ako." Kahit nahihirapan sa pagsasalita. Patuloy lang sa pakikiusap si Sab. Patuloy ang kanyang pang-gigiit na payagan ko na ang nais niya. Kahit nauutal sa pagsasalita. Hindi siya tumigil sa pakikiusap na payagan ko na. Ako nalang ang natitirang kasama ni Sab at kanyang guardian. Matapos mamatay ng kanyang Mama. Wala na siyang ibang pamilya maliban sa sinasabi niyang mga kapatid na matagal na niyang hinahanap. Bagsak ng bagsak ang mga luha ni Sab. Walang tigil na umaagos sa kanyang mukha. Maging ako umaagos ang luha sa aking mga mata, nilalandas ang aking mukha pabagsak sa mga braso ni Sab. Nakatingin lang ako sa umiiyak niyang mukha habang nakikinig sa patuloy niyang pakiusap. “Please, Raf. Huwag mo siyang pagkaitan na mabuhay. Marami pa siyang magagawa habang nabubuhay, pero ako Raf. Sa konting panahon malabo ko ng matupad ang lahat ng mga pangarap ko para sayo at sa dapat na magiging anak natin. Pero dahil sa sakit ko, maging siya ay naapektuhan at kasama ko masaya akong aalis na maluwag sa aking dibdib. Kasama ang ating munting anghel na sa sandaling panahon ay naranasan kong maging ina kahit hindi pa man siya nasilayan. Kaya please Raf pumayag ka na." umiiyak na pakiusap muli ni Sab, walang tigil ang pagbuhos ng pagkaraming luha sa mata ko. Habang nakikinig sa kanya at pinanunuod siyang nahihirapan, masabi lang ang nais niyang masabi sa huli niyang mga sandali ay mas gugustuhin niyang matulungan ang babaeng aming natagpuan na duguan at ngayon ay nasasalang sa isang mahirap na sitwasyon na tulad ni Sabby ay nabibilang nalang ang nalalabing oras upang mailigtas ito. Subalit malaki ang pinagkaiba nito sa sitwasyon ni Sabby na kahit anong gawin namin ay wala ng pag-asa na magamot ang kanyang sakit. Tanging dasal nalang ang aming pinanghahawakan na baka sakali na mabigyan pa kami ng konting panahon na magkasama. Pero, wala na. Ang sabi ng doctor ni Sab na si Leo. Malabo na. One percent nalang ang tanging pwede kong panghawakan at maaari na wala pa sa one percent dahil sa mabilis na kumalat ng husto ang sakit ni Sab sa ilang parte ng kanyang organs. Mabilis na kumalat at naapektuhan ng husto ang kalusugan ni Sab. Kaya't mas bumaba ang tyansa na tumagal pa si Sab. Bumuntong hininga ako at panandalian na naibulong. Panginoon, hayaan mo sanang makasama ko pa si Sab sa ilang araw. Nais kong makasama pa siya sa ilang araw na yon upang maipadama ko sa kanya ang higit na pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Napakasakit sa akin at napakabigat ng mga pakiusap ni Sab. Buhay niya ang nakataya rito para lang mailigtas ang babaeng kanyang tinutukoy na mas mahalaga pa sa kanya ngayon na mabuhay. Kesa ang makasama ako sa nalalabing oras niya Ayoko, hindi ko makakayang mawala siya at bitiwan nalang ang konting panahon na pinanghahawakan ko sa kanya. Mahal ko si Sab. Sobra-sobra at hindi ko makakayang bitiwan siya sa paraan na nais niya. “Sab, hindi ko kaya. Hindi ko makakayang hayaan ang nais mo. Mahal kita Sab. Hindi ko talaga makakaya." Ako naman ang siyang nakiusap sa kanya. Nagmamakaawa na huwag niyang ipilit ang nais niyang wakasan ng ganon kadali ang buhay niya ng dahil sa babaeng yon. Para sa isang agarang operasyon na siya ang magsasakripisyo at mawawala. Habang yung nais niyang bigyan ng pagkakataon ay mabubuhay. Sakim, gahaman. O ano man ang maaaring itawag sa akin. Wala akong pakialam. Basta makasama ko lang siya kahit saglit sa nalalabi niyang sandali. “Raf mahal na mahal kita. Kasama ng baby natin aalalahanin ka namin sa kabilang buhay at hindi kita kalilimutan. Napakabuti mo sa akin at napakaswerte ko ng dahil minahal mo ako. Tinanggap kahit ano pa man ako. Minahal ng higit pa sa inaasahan ko. Lahat ibinigay mo ng wala kang hiningi na kapalit. Kaya sa paglisan ko. Dala ko lahat ng magagandang alaala at lahat ng kabutihan mo sa akin. Raf, masaya akong nakilala kita." Pahinto-hinto, paputol-putol, nauutal man si Sab. Naiintindihan ko lahat ng kanyang sinabi sa akin. Kahit alam kong nahihirapan siya at higit siyang nahihirapan sa aming dalawa. Tinitiis niya lahat ng dahil sakin. Hinawakan ko muli ang kanyang mukha, pinahiran ang mga luha sa kanyang mata na umaagos sa maganda niyang mukha. Ngayon lang naglaro sa isip ko ang pagkakahawig ni Sab sa babaeng kanyang nais mabuhay at mailigtas. Bakit hindi ko naisip at napansin nung pa lang ang maaring koneksyon ng dalawa. “Sab, kaya ba?" Nakuha agad ni Sab ang nais kong puntuhin sa aking naiisip. Tumango siya sa akin at isinagot. “Oo, siya ang isa sa mga kapatid ko. Matagal ko ng hinahanap. Palagay ko siya ang aking kakambal. Batay sa Birthmark na makikita mo sa kanyang braso na nabanggit sa akin ni Mama nuong buhay pa siya. Ang tanging nag-iisang palatandaan na natandaan ni Mama matapos kunin ako sa mga tunay kong magulang." Pilit na pilit ang kanyang pagsasalita at kahit hirap pilit niyang inihayag ang kanyang nalaman at natuklasan. “Kaya please. Pumayag ka na. Gusto ko siyang mabuhay. Ito nalang ang maiiwan kong alaala sa kanya matapos ko siyang makita. Nang sa gayon sa paggising niya. Hindi man kami nagkaharap at nagkausap. Dahil sa puso ko mananatili ako sa tabi niya. Kasama niya habang nabubuhay si Sabrina." bumuhos muli ang luha ni Sab. Ang malungkot na pagkakasabi niya sa akin. Napansin ko ang paghahabol ng kanyang hininga. “Sab? Anong nangyari? Anong nangyayari?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. “Sinabi ko na kasi tama na muna. Sab? Okay ka lang? Huwag mong pilitin pang magsalita. Magpahinga ka na muna at makakasama lang sayo ang masyadong pagsasalita. Pakiusap tama na muna at magpahinga ka na. Sa ibang araw na natin iyan pag-usapan." Ako naman ulit ang siyang nakiusap sa kanya sa aking pag-aalala. Pero bigla nalang siya nawala sa kanyang sarili. Hindi makahinga at pumipikit na ang kanyang mata. Hindi na siya makadilat at hindi na makapagsalita. Huli niyang nasabi na mahal niya ako at makakahanap pa ako ng higit na magmamahal sakin. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Halos mawala na ako sa aking sarili ddahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ang lakas ng kaba ko ng magsipasukan ang lahat ng mga tao na nakaabang na pala sa labas. “Dok!" usal nung nurse at nakaturo ang tingin kay Leo. “Intubation please." Sabi ni Leo at nagsitakbo ang ilan pa sa mga staff na kasama niya. “Im sorry! Pero lumabas ka muna. Duon ka nalang mag-antay sa labas. Hindi ka maaari rito sa loob. Lumabas ka muna." Utos ni Leo ang doctor ni Sab. Ang doctor na matagal ng tumitingin kay Sab matapos na madetect ang kanyang sakit. Hindi namin inaasahan na ganito kabilis kakalat ang cancer sa kanyang katawan. Napabutong hininga ako habang tinitingan si Sab na pinagkakaguluhan ng maraming tao sa loob at kasama si Leo. Sinamahan pa ako ng ilang staff na makalabas at inihatid sa labas. Sabby... Sinisisigaw ko habang nakatingin sa isinaradong pinto. Huwag muna po. Parang awa niyo na. Huwag muna ngayon. Hayaan niyo muna si Sab na makasama ko. Parang awa niyo na. Huwag muna po ngayon. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana pagbigyan muna ang aking kahilingan. Napakaufair talaga ng pagkakataon. Bakit si Sab? Bakit ang babaeng pinakamamahal ko pa? Muli ay aking tanong. Kinakausap ang sarili at tinatanong. Nagdadasal na baka sakali ay kanyang pakinggan. Sabby please! Lumaban ka muna para sa akin. Lumaban ka muna. Habang nakasandal at umiiyak ay binubulong ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

YOU'RE MINE

read
893.5K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.7K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook