Malungkot na sinundan niya ng tingin si Brix. Simula nang mangyari iyon sa kanila sa resort, hindi na siya nito kinikibo. Iba na din ang barkada nito at hindi na siya sinasama sa mga lakad. Hindi niya alam kung may mali ba siyang nagawa.
"Aren't you going out with my brother?" napa-angat siya ng tingin kay Nathan na sinusundan pala ng tingin ang kapatid. Nag-aayos ito ng necktie at mukhang papasok na sa opisina. "Is there something wrong with you two?"
Umiling siya at tumungo. Naiiyak na kasi siya at ayaw niyang makita iyon ni Nathan.
"Do you want me to talk with him?" umiling siya pero hindi pa rin nag-angat ng paningin. Narinig niya ang pag-buntong hininga nito ng malalim. "Brix is going to study in Canada, do you know about it?"
Nanlaki ang mga mata niya kaya hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Sunod sunod ang patak niyon na ang bagsak ay sa paa niya.
"I don't know why suddenly, he asked me to look for a school for him there. Itinanong ko nga kung isasama ka pero ang sabi, hindi daw. Ano bang problema ninyo?" ulit muli nito sa tanong kanina pero umiling lang siya. "Hindi kita matutulungan kung ayaw mong magpatulong, Marsh. But knowing Brix, he cannot live without you," ginulo nito ang buhok niya bago naglakad patungo sa garahe.
Nagtatakbo siya papunta sa bahay nila at doon nag-iiyak. Wala man lang itong sinasabi sa kanya tungkol sa plano nitong paglilipat ng eskwela. Pagkatapos niyang ibigay dito ang puri niya, iiwan na lang siya nito ng ganun ganun lang at wala man lang paliwanag. Kung iwasan siya nito ay para siyang may sakit na nakakahawa. Kahit text o kahit ano, wala man lang ipina-aabot sa kanya.
Nang maubos ang luha niya ay gumayak siya para magpunta sa National Library. Hindi siya pwedeng magmukmok dahil hindi na siya pinapansin ni Brix. Isa pa, kahit naman may nangyari sa kanila, hindi naman niya pwedeng obligahin si Brix na panagutan siya o magkaroon sila ng mas malalim na relasyon dahil ginusto din naman niya ang nangyari. Iyon ay sa pag-aakala niya na ang pagbibigay dito ng puri ay ang daan para maging tunay na itong lalaki. Kaya marami sigurong namamatay dahil sa maling akala.
Pero di bale, she will just charge it to experience. Ang pagkawala ng virginity niya ay hindi naman isang nakaka-iyak na bagay at hindi naman iyon ang tunay na dahilan kung bakit siya nagngangangalngal ng ilang araw. Kundi dahil nasasaktan siya sa paglayo ni Brix. Isa pa, maigi nang nawala iyon sa isang taong pinagkakatiwalaan niya at minamahal.
Nang makarating siya sa napakalaki at antique na library, parang mahihilo siya sa dami ng mga estudyante. Siya ang naka-toka sa reporting ng Reneissance Period kaya naman gusto niya, mas malalim ang gagawin niyang research. Buti na lang, sa isang linggo pa iyon kaya marami pa siyang pagkakataon para makakalap ng mas maraming impormasyon tungkol sa panahong iyon.
Gabi na nang maka-uwi siya pero bago tumuloy sa bahay nila, nanatili muna siya ng ilang sandali sa garden ng mga Guanzon. Paalis na sana siya nang may marinig siyang tila hagikgik ng babae. Dahan dahan siyang sumilip sa labas ng bakod na natatakpan ng malagong poplar tree. Para siyang tinarakan ng punyal sa dibdib nang makita kung sino ang isa sa dalawang taong nakatayo doon. Si Brix, samantalang ang babae na umiirit ay si Eunice, ang pinaka-popular na babae sa eskwelahan nila.
"Sabi ko naman kasi sa iyo, Brix, huwag ka nang umuwi, eh," sabi nito habang panay naman ang ganti sa halik ni Brix.
"You know that I can't. We're always together so there's no need for me to sleep in there," nang dumako ang labi ni Brix sa leeg nito ay narinig niya ang ungol ng babae. "Can't get enough of you, Babe!"
Napakagat ng labi si Marsh at umatras mula sa sinisilipang lugar. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha niya na akala niya ay tuyo na. Ang sakit sakit kasi ng puso niya na matapos ang namagitan sa kanila, ibang babae naman ang ikinakama nito. Parang namamanhid ang buo niyang pagkatao.
Brix is her first love, her first kiss, her first of everything and now, her first heartbreak. At para siyang nababaliw dahil sa sakit na nararamdaman niya. Parang gusto niyang mamatay ng mga oras na iyon. Totoo pala ang nababalitaan niyang laging magkasama ang dalawa at ayaw maghiwalay. Wala namang siyang lakas ng loob para puntahan ito sa college building kung saan ito nagkaklase at lalong wala siyang lakas ng loob na komprontahin si Brix. Isa pa, wala naman siyang karapatan dahil personal maid lang naman siya nito.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroroon at umiiyak. Kung hindi pa niya narinig ang pag-alis ng sasakyan sa labas ng bakuran, hindi pa siya maglalakad pabalik ng bahay nila.
Nang mapatapat siya sa kusina nang mga ito, nakita niya si Brix na maganda ang pagkakangiti at parang alam nito na nakatingin siya kaya nag-angat ito ng mukha. Nawala ang ngiti nito sa labi at biglang tumalikod na lalong nagpasakit ng nararamdaman niya. Bukas, kakausapin niya ang mga Guanzon at ang kanyang ina. Sasabihin niyang titira na lang siya sa boarding house na inaalok ng kaklase niya at magtatrabaho sa fast food chain para may maipambayad sa upa doon. Siguradong matagal bago niya makumbinsi ang nanay niya pero gagawin niya ang lahat para pumayag ito.
Pero laking gulat niya nang ito na mismo ang mag-sabi sa kanya na mag-boarding house na lang siya.
"Ayaw nyo na po bang dito ako tumira na kasama ninyo?" tanong niya dito dahil iyon ang unang naisip niyang itanong dahil sa sinabi nito.
Ngumiti ito ng tipid at malungkot na tinignan siya sa mga mata. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Brix pero alam kong nasasaktan ka sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya. Hindi ko alam kung paano kita patitigilin sa pag-iyak gayong hindi ko alam ang dahilan dahil hindi ka naman nagsasabi sa akin."
"Nay......."
Hinawakan nito ang kamay niya at tinapik ang ibabaw niyon. "Huwag ka nang mag-alala ngayon sa sasabihin ng mga amo natin dahil naipag-paalam na kita. Si Sir Nathan mismo ang sumegunda sa akin na mas makakabuti nga na mag-boarding ka na lang para mas makapag-concentrate ka sa pag-aaral. Hindi na naman nag-tanong pa ang mag-asawa nang magsalita si Sir Nathan kaya bukas din, maghahanap na tayo ng matitirhan mo."
Alam niyang balak niyang umalis pero ngayon, parang ayaw nya namang iwang mag-isa ang ina lalo na at may-edad na din ito.
"May....may inaalok po sa akin ang kaklase ko, doon po sa pag-aari nilang boarding house. Actually, mababa nya lang pong ibibigay sa akin ang upa dahil gusto lang talaga niyang may makasama sa kwarto. Pandagdag lang daw niya sa allowance ang hihingin niya sa akin. Hindi naman po siguro mabigat ang isang libo isang buwan, hindi po ba?" tanong niya sa ina.
At dahil libre naman siya pag-aaral ay agad itong pumayag. Makakatipid din siya sa pamasahe dahil nga nitong mga nakaraang linggo ay hindi na siya isinasabay ni Brix sa pagpasok sa eskwela.
"Pero sana, kahit malayo ka na sa akin, dalawin mo pa din ako dito, maari ba iyon?"
Natatawang niyakap niya ang ina at hinalikan sa pisngi. "Ikaw talaga Nay! Pwede po ba namang hindi? Biyernes pa lang po ng gabi, nandito na ako, maliban po siguro kapag nagkaroon na ako ng trabaho."
"Balak mong mag-working student?" tanong nito at tumango siya. "Bakit naman? Kaya naman kitang sustentuhan." Nahimigan niya ang tampo sa boses nito.
"Nay, alam ko naman po iyon. Gusto ko lang po talagang maranasan yung buhay sa labas ng mansyon, yung sa iba ako nagtatrabaho. Hindi naman po siguro masama iyon, hindi ba?"
"Baka makaapekto naman iyan sa pag-aaral......"
Umiling siya at pinisil ang kamay nito. "Don't worry Nay. Ipinapangako ko po na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko."
Nang matapos silang mag-usap mag-ina, agad niyang tinawagan ang kaklase at sinabihang doon na siya titira sa boarding house nito. At dahil alam niyang wala sa mansyon si Brix, nagtungo siya doon para personal na magpaalam sa pamilya Guanzon at magpasalamat.
"Basta Hija, kung may kailangan ka, don't hesitate to tell us. Alam mo namang laging bukas ang bahay namin para sa iyo," nakangiting sabi ni Uro, ang padre de pamilya ng mga Guanzon.
"Opo, Sir. Dadalaw dalaw pa rin naman po ako dito kapag may oras ako. Ngayon po talaga ay kailangan kong mag-focus sa pag-aaral lalo na at malapit na ang graduation."
"Siya nga pala, saan mo ba balak mag-aral ng kolehiyo?" tanong pa ng matandang lalaki. "Brix will be studying in Canada or in London, as you know," napasulyap siya kay Nathan na matiim na nakatingin sa kanya. Napatango na lang siya kahit wala naman siyang alam sa plano ni Brix, kung hindi pa sinabi ng nakatatandang kapatid.
"Ewan ko ba kung bakit kailangan mong payagan ang batang iyon sa pag-aaral sa ibang bansa gayong naririto si Marsh!" sabi ni Pacita sa asawa. "Lalong magiging mapaglaro sa babae ang batang iyon. Nahihindik ako sa mga naririnig ko tungkol sa kanya na kung sino sinong babae ang kasama gabi gabi."
Para na naman siyang tinarakan ng punyal sa narinig. Nararamdaman na naman niya ang pag-iinit ng mata.
"Mas maigi na iyon kaysa naman sa narinig kong kalokohan na nagdadamit babae ang batang iyon!" napanganga siya sa sinabi ni Uro. "Mas nanaisin ko nang maging babaero siya kaysa lalakero!"
Kung hindi pa niya narinig ang sinabi ni Uro, hindi niya maiisip na maaring palabas lang ni Brix ang pakikipag-date sa iba't ibang babae para mapag-takpan ang pagiging binabae nito. Nakikita niya sa mukha ni Uro na hindi matatanggap ng matandang Guanzon kapag nalaman nitong bakla ang bunsong anak.
"He can be BI as we all now," biglang sabi ni Nathan na nakapagpatigil sa pag-tatalo ng mag-asawa. "Kapag nalaman kong bakla ang kapatid ko, I will accept him fully," sabi nito habang nakatingin sa kanya.
Agad siyang tumungo para iiwas ang mata sa tingin na iyon ni Nathan na parang inaalam nito kung may alam siya sa tunay na kasarian ng kapatid.
"May alam ka ba, Nathan sa pinaggagagawa ng kapatid mo?" hindi nya narinig ang sagot nito kaya ewan niya kung umiling ito o tumango. "So paano mong nasabi ang ganun?"
"I am his brother, Papa. Whatever preference he chooses, he will always be my brother. But for now, let's drop the issue about Brix. Marsh will leave the house and Brix will be now on his own, which is what he is doing now for quite some time. Sa tingin ko rin naman, hindi na dapat pang sundan sundan ni Marsh si Brix dahil malaki na rin naman sila. At kung magiging yaya ng kapatid ko si Marsh hanggang sa school, paano pa siya makakapag-concentrate sa pag-aaral? Let my brother enjoy his teenage life, for now, Papa. Darating din naman ang time na magsasawa siya sa mga ginagawa at magseseryoso sa pag-aaral. Sabagay, wala namang naging problema sa pag-aaral ang isang iyon. Just let him do what he wants to do. No bodyguards, no personal maid. I hope I am making myself clear?"
Nang itaas ni Marsh ang ulo para makita ang sagot ng dalawang matanda, nahuli pa niya ang among babae na tumango sabay umismid. Tingin din niya at tumango ang asawa nito dahil ngumiti si Nathaniel at tumayo.
"But don't you worry, guys. Once I hear that he is doing something stupid, ako na mismo ang kukuha ng mga taong mag-babantay sa kanya. But for now, let him be, okay?" And when they nod, he walks towards her and pulled her up. "Mag-uusap lang po muna kami ni Marsh."
Maliban kay Brix, ang matandang Guanzon at si Nathan lang ang pinapayagan niyang makalapit sa kanya ng ganito. Ang mga lalaking kaklase at kakilala niya ay ilag sa kanya dahil sa pagiging masungit niya at matapang. She's suffering from Androphobia years ago before she met Brix but because of her constant interaction with him and the rest of his family, she overcomes it. She was almost r***d when she was four by her Stepfather and undergone theraphy until Choleng, her aunt on her father's side, took her from her mother and raised her as her own daughter.
Ewan niya pero kapag nasa paligid niya ang isa sa mga lalaking Guanzon ay alam niyang ligtas siya. Nasa mata ng mga ito ang kabaitan at pagmamahal. Para na kasi siyang anak at kapatid kung ituring ng mga ito.
"Hindi ako mapalagay sa nangyayari sa inyong dalawa, Marsh," hindi siya kumibo at patuloy na nag-lakad kaagapay ito. "I asked my brother and he didn't tell me anything. Tinanong na din kita, ayaw mo ding magsalita. Is it regarding his womanizing?" hindi pa rin siya kumibo. "Damn that guy!" napapikit siya nang magmura ito. "Ano pa bang hahanapin niya sa iyo kung tanggap mo ang lahat sa kanya?"
Doon siya napaangat ng tingin at nanlalaki ang mga matang napatanga sa binatang amo.
"How did I know?" ngumiti ito sa kanya. "Because I have eyes and ears around. I have friends here and there. Sa tingin mo, hindi ko alam ang pinaggagagawa ninyong dalawa? Even when he took you to the hospital, do you think I will not know?"
Totoong dinala siya ni Brix sa ospital ng mawalan siya ng malay. Nagulat pa nga siya ng puting kisame ng ospital ang unang nakita ng mata niya. Walang sinabi si Brix kung bakit siya naroroon maliban sa nawalan lang siya ng malay.
Ginulo ni Nathan ang buhok niya. "I know how much you love my brother, sisterly or in romantic way, you are the only one who can answer that. Hindi ko alam ang estado ninyong dalawa pero ngayon ang masasabi ko lang, he's doing things that are hurting you. Leaving this house is the best option that you have. In due time, alam ko namang mag-kakaayos kayong dalawa. Sabi ko nga, Brix cannot live without Marshmallow on his side." Hinawakan nito ng dalawang palad ang mukha niya at itinaas. "I want to see you smiling again, Marsh. Don't let the situation now ruin your whole being. Napakabata mo pa para masaktan. Live on and meet other men. Malalaman ni Brix kung ano ang nawala sa kanya......."
"Wala naman po kaming relasyon," she heard herself choke. "Hindi naman po ako kawalan."
Ngumiti muli si Nathan at pinisil ang ilong niya. "You'll see. But for now, go and pack your things. Kapag hindi ako busy sa trabaho, I will come and visit you, okay?" Tumango siya at nagpasalamat bago mabilis na tumakbo papunta sa bahay nila. Naguguluhan siya sa sinabi ni Nathan. Kung ang ibig sabihin nito ay may gusto sa kanya ang kaibigan, agad niya iyong iwinaksi sa isip. Alam niyang hindi magkakagusto sa kanya si Brix kahit kailan. At tama ito, kailangang ipagpatuloy niya ang buhay niya at huwag magpaapekto sa sitwayon ngayon.
If Brix will come back and ask for her forgiveness, she will accept it without a doubt. Pero kung naglalaro ito, makikipaglaro siya pero pipigilan niya ang puso na masaktan pa nito. She has to live on, sabi nga ni Nathan at susundin niya ang payo nito.