bc

Mr. Nuknukan Saga - Brix "Genero"

book_age16+
540
FOLLOW
4.8K
READ
friends to lovers
maid
bxg
humorous
male lead
city
first love
friendship
friends
naive
like
intro-logo
Blurb

"I love her...."

Brix Guanzon is madly in love with his best friend, Marshmallow Dela Torre, since time immemorial. The very first day that he laid his eyes on her, he already knows that she is the one. He always wants her on his side so he pretended to be a "damsel in distress".........and being a "weakling gay" is the easiest way to have her........

chap-preview
Free preview
Prologue
"Mama, can she be my pet?"  tanong ng batang si Brix sa ina nang makita ang isang batang babae na may bilugang mga mata na nagtatago sa likuran ng yaya niya.  "Is she your daughter?"  tanong niya sa yaya. "Opo, Senyorito.  Anak ko po siya,"  nang sabihin iyon ng yaya niya ay inilahad niya ang kamay sa batang babae. "Hey Pet, what's your name?"  tanong niya sa bata.  Napatingin siya sa nanay nito nang hindi siya sagutin ng bata.  "Is she mute?" Nagkatawanan ang Yaya at Mama niya.  "Hindi po Senyorito,"  ngumiti sa kanya ang babae.  "Hindi lang po siguro kayo naiintindihan." Napa-ahhh naman siya.  "Hello.  Ako nga pala si Brix Guanzon.  Anong pangalan mo?" Muling kumapit sa saya ng ina ang bata bago tumingala dito.  Tumango naman si Manang Choleng sa anak.   "Marshmallow,"  napakunot siya sa isinagot nito.  "Marshmallow ang name ko." "Wow!  I love Marshmallow!"  lumapit siya sa bata pero nang akmang hahawakan niya ito, muli itong nagtago sa likuran ng ina. "Naku, senyorito.  Pasensya naman po at hindi iyan basta nagpapahawak sa lalaki,"  sabi ni Manang Choleng pero hindi siya tumitingin dito.  Mataman ang pagkakatingin niya sa batang babae na may bilugang mga mata.   "Perhaps, she doesn't like me......" "Naku hindi po sa ganun!"  nakita niyang hinawakan ng yaya niya ang anak at pilit na pinapalapit sa kanya.  "Marsh, mag-Hi ka sa Senyorito mo......"  kinuha pa nito ang kamay ng bata at iginiya sa kanya.  "Makipag-kamay ka!" Pero tigas sa pag-iling ang bata kaya ngumiti siya at tumingala sa nanay nito.  "Yaya Choleng, don't bother.  She will like me eventually, that is for sure because she doesn't have any choice,"  muli siyang tumingin sa batang babae.  "She will be my pet."  And he grinned at the girl who didn't even blink. "Naayos mo na ba ang mga papel niya, Choleng?"  tanong ng Mama niya sa kanyang Yaya. "Opo, Ma'am.  Maraming salamat po talaga sa tulong ninyo," yumukod pa ito. "Walang anuman.  Sige na, ipasok mo na siya sa room ninyo para makapagpahinga na," tumingin ito sa batang babae.  "Bye, Marshmallow,"  nanlaki ang mga mata ni Brix nang kumaway ito sa kanyang ina! Magalang na nagpaalam ang mag-ina sa kanila.  Humawak siya sa kamay ng ina.  "Mama, why she's like that towards me?   Bakit sa iyo, nag-wave sya?"  nakakunot ang noong tanong niya dito.   "Maybe because she knows that I am harmless,"  ngumiti ito sa kanya. "Ako din naman po ah!  But you know what?  I really like her.  Is she going to stay here for good?"  he's really hoping she is. Tumango ang Mama niya.  "Oo at tayo na din ang magpapa-aral sa kanya.  Sa isang school na lang kayo papasok." "That's great!  That means, she can be my friend, right?"  tanong pa niya. Nakangiting tumango ito sa kanya.  "Oo naman.  But you can see that she is a timid girl so be patient with her, okay?  Wag mong masyadong kulitin at baka lalo kang layuan." "Promise, I won't" and he grinned at his mother. Pero sa pag-daan ng mga araw, hindi niya magawang makalapit kay Marsh.  Sa tuwing sinusubukan niyang kausapin ang bata, agad itong nagtatatakbong palayo.   Katulad na lang kanina, nakita niya itong naglalakad lakad sa gilid ng swimming pool.  Hahakbang pa lang sana siya palapit dito nang mapatingin ito sa gawi niya at biglang kumaripas ng takbo!  Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang takot nito kapag nakikita siya.  Minsan tuloy iniisip niya kung pangit ba siya para katakutan nito. In his young mind, he's already thinking about what he can do to make her come to him. He knows, there is a way... And he got the answer one day while waiting for his brother to finish his class as he is sitting on the bench in the parking lot, he saw a boy, surrounded by girls and they seated on the bench beside him. "Ganda, I tried the new lipstick that you sold the other day! Bagay na bagay sa akin!"  napakunot siya ng noo.  He is very sure that the girl is talking to that boy so why is she calling him 'Ganda'?  And he is selling lipstick?!   Because as far as he knows, lipstick is just for women! "Of course!  I asked my sister to send it to me from States so when a product was made in the US, means to say it is good quality, right girls?"  lalong nalukot ang mukha niya nang marinig ang boses nitong parang pinipilit maging babae.  Nakita pa niyang tumitikwas-tikwas ang kamay nito habang nakikipag-usap sa mga kaibigang babae. Bigla na lang siyang napangiti sa ideyang pumasok sa isip niya.  Perhaps this time, Marsh will definitely talk to him........ Alam niyang parating galing eskwelahan si Marsh kaya doon siya pumuwestong maupo sa alam niyang dadaanan nito.  Pinilit niyang pisil-pisilin ang ilong at kusutin ang mata para mamula ang mga iyon at maging convincing ang pag-arte niya.  Nang makita niyang paparating na si Marsh, ipinatong niya ang noo sa tuhod at kunwari ay umiiyak ng mahina.  Nakita niya ang pagtigil ng bata sa harap niya.   "B-Brix........umiiyak ka ba?"  tanong nito sa kanya. Umiling siya at kunwari ay nagpunas ng luha.  "Hindi, bakit naman ako iiyak?"  pero panay naman ang sigok niya at kunwa ay itinatago ang mukha dito.  Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya.  "Umiiyak ka, eh.  Halata naman.  Bakit ka nga umiiyak?" "I am not!"  Bigla siyang tumingin dito at gaya ng inaasahan niya, nakita niya ang awa sa mga mata nito nang makita siyang luhaan.  Gusto niyang mangiti dahil tingin niya ay magtatagumpay ang plano niya.  Ngunit pinigilan niya ang sarili. "Don't look at me that way!" "May nangyari ba sa iyo?"  umiling siya sabay tingin sa malayo.  "Pwede mong sabihin sa akin." Huminga pa siya ng malalim bago tumingin sa katabi.  "Promise me you will not tell a soul, kahit pa kay Yaya!"  tila nag-aalangan ito kung tatango o hindi.  "Promise me muna!" "Oo na!  Promise na!  Ano ba iyon?"  napipilitang sabi nito.   "Swear to God and hope to die?"  tanong pa niya. Itinaas pa nito ang kanang kamay.  "Swear to God and hope to die!" Kinagat kagat niya ang mga kuko habang nakayuko.  "I......I was being teased in school."  Napakunot ng noo ang katabi niyang bata.  "They said.......they said that I am a gay......" Narinig niya ang pagsinghap ni Marsh. "Pero bakla ka nga ba?  Hindi naman kasi halata, eh!  Tska ang bata bata mo pa para maging bakla!"  the girl exclaimed. Bigla niyang tinakpan ang bibig nito!  "Huwag kang maingay!  Baka marinig ka nina Papa!  They are going to kill me!" Inis na tinanggal ni Marsh ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito.  "Eh totoo naman kasing hindi ka mukhang bakla at wala pa akong nakikilalang batang bakla, ikaw pa lang!" Malungkot siyang tumingin dito.  "That's the reason why I don't want to tell anybody.  I will be mocked by you all."  Pinilit niyang maiyak muli para mas convincing ang arte.  "Sana hindi ko na sinabi sa iyo!"  Paggagalit-galitan niya.  Tumayo siya at naglakad palayo kay Marsh.  Mawawalan na sana siya ng pag-asa na mapaniwala ang bata sa kanyang made up story kung hindi niya naramdaman ang kamay nitong humawak sa braso niya. "Uyyy......galit ka ba?"  hindi siya lumingon.  "Brix....."  naglakad ito papunta sa harap niya at sinilip ang mukha niyang nakatungo.  "Huwag kang nang umiyak.  Hindi ko naman sasabihin sa kanila na bakla ka eh.  Secret lang natin iyon." Bigla siyang nag-angat ng mukha.  "Talaga?"  tumango naman ang bata.  "Baka naman sinasabi mo lang iyan pero ipagkakalat mo din." "Naku!  Hindi naman ako madaldal, ano!  Nakaka-awa ka kaya.  Syempre, wala kang mapagsabihan ng problema mo at alam kong mapapagalitan ka talaga kapag nalaman iyan ng pamilya mo kaya promise, wala akong pagsasabihan."  Nag-cross pa ito sa tapat ng labi tapos ay itinaas ang kanang kamay.  "Secret lang natin iyon."  Ngumiti ito sa kanya kaya napangiti din siya.  "At ako ang magiging tagapag-tanggol mo sa mga mang-aasar sa iyo."   "Thank you, Marsh!"  bigla niya itong niyakap.  He felt her stiffen but then, she loosens up and hugged him back.  "I am lucky that I trusted you." Bumitaw sa kanya ang bata at inilahad ang kamay sa kanya.  "Basta kapag kailangan mo ng tulong ko, nandito lang ako." He took her hand and shook it.  "Salamat ulit." And beneath his warm smile towards the girl, a mischievous grin is hiding.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook