1

1519 Words
"Bakla! Bilisan mo namang maligo!" inis na kinatok ni Marsh ang banyo kung saan nandoon ang kaibigan. "Aayusan pa kita!" Pero wala siyang nakuhang sagot mula doon. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng banyo at nalaman niyang hindi pala iyon naka-lock. "Brix, ang bagal bagal mo talaga! Daig mo pa ako sa kaartehan, eh!" salita lang siya nang salita at hindi niya alam kung naririnig siya ng kaibigan. Naglakad siya palapit sa shower at binuksan ang sliding glass door at tumambad sa kaniya ang lalaking punong puno pa rin ng sabon ang katawan. "Oh My!" biglang nagtakip ng hinaharap si Brix. "Mamboboso ka talaga kahit kailan! Tsupi!" sinabuyan siya nito ng tubig sa mukha. "Bakla naman, eh! We are behind schedule! Sasali sali ka sa beauty contest na iyon tapos ikaw itong babagal bagal! Gusto mo bang paliguan pa kita?!" pinanlakihan niya ito ng mata. "Gagah! It's not a beauty contest, it's modeling! Sa ganda kong ito, kabog silang lahat sa akin!" binuhay nito ang dutsa ng shower at binanlawan ang katawan. Sumandal naman si Marsh sa dingding at pinanood ang paliligo ng kaibigan. Sanay na siyang makita ang katawan nito, kung paanong sanay na itong makita ang katawan niya. Kumbaga, wala na silang itinatago sa isa't isa. "What color of undies did you prepare for me?" tanong nito habang tinutuyo ng tuwalya ang katawan. "Orange," sagot niya at hinila na ito palabas ng banyo. "Handa na ang t-shirt at pants mo. Ang mga isusuot mo mamaya, nasa kotse na." They've been friends for years and until now, his family doesn't know about their secret. Marsh grew up assisting Brix in anything he needs. Lahat ng gustong gawin ng kaibigan ay lagi niyang sinusunod.   Hindi akalain ng lahat na ang kiming bata na ayaw makipag-usap sa mga lalaki ay nagawang maging kaibigan ni Brix...close friend to be exact.  Hindi mo mapaghihiwalay ang dalawang it. "Crush ka daw ni Peter," napalingon siya sa sinabi nito. "I thought he likes me but he's all eyes on you." Napasimangot siya at naupo sa kama. "Alam ko na iyon and he tried to make his move already." Napakunot ng noo si Brix sa kanya. "But I don't like him." "Bakit naman?" tanong nito habang nag-susuot ng t-shirt. "Gwapo naman si Peter kaya nga crush ko eh." "Mayabang kamo! Porket anak ng senador, feeling niya kaya niya akong makuha!" umirap siya pero maya maya ay napangiti. "Pero may crush ako, si Bryan." "Bryan the scholar?" she nods. "He's a gay like me!" nagulat siya sa sinabi nito. Tumikwas ang kilay ni Brix nang mapatingin sa kanya. "You don't believe me?" "Hin......hindi kasi halata, eh," bigla siyang nalungkot. Minsan na nga lang magkaka-crush, bading pa!  "Kapag nga naman minamalas ka..." "Eh ako ba, halatang binabae? Nakita ko kayang nilalandi niya ang bf ng friend ko! Tsaka,  sa iyo lang naman ako lumaladlad! But surely, that Bryan is really a gay!" tumingin siya sa mukha ng kaibigan. Brix is really handsome. Katunayan, pinagkakagulahan ito ng mga babae sa school. Minsan pa nga, napapa-away siya sa fans club ng kaibigan dahil lagi daw siyang nakadikit dito. Ang isang commoner na katulad niya ay walang karapatang dumikit kay Brix, palibhasa mga mayayaman kaya akala mo, pag-aari ang lahat. But Brix came to her rescue.   Pinagalitan nito ang mga babaeng umaway sa kanya.  Humingi naman ng paumanhin sa kanya ang mga ito at nangakong hindi na siya guguluhin pa.  Pero syempre, front lang un dahil kapag may mga tsansa na wala si Brix sa paligid, may mga pasimpleng parinig at pamimisikal sa kanya na pinalalampas lang niya dahil hindi naman grabe ang ginagawa ng mga ito sa kanya.  Kumbaga, kaya nyang tiisin.  "Magandang lalaki ka kasi....literal na magandang lalaki kaya di pansin kung maging binabae ka man," tumayo siya at sinuklay ng mga daliri ang buhok ng kaibigan. "No wonder, women and gents alike are attracted to you." Tinitigan siya ng matiim ng kaibigan. "Do you know how to kiss?" Nagulat siya sa biglang tanong nito. "Kiss? Ano bang malay ko doon eh ala pa akong nagiging boyfriend!" "Ako din," biglang ngumiti ito ng malaki. "Wala pang nagiging boyfriend but soon, I am going to have one." "And so?" hindi niya alam kung magtatampo o hindi sa sinabi ng kaibigan. Kapag nagkaroon ito ng boyfriend, tiyak na hindi na siya isasama sa mga gimmick nito. "Since wala pa tayo parehong experience, let's do some practice," napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. "Let's study how to kiss properly. Para kapag nagka-dyowa tayo, di nakakahiya na pareho tayong inexperience!" "Kadiri ka, Bakla!" bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. "Ayoko nga!" "Ayaw mo talaga?" tanong nito at siya naman, tigas sa pag-iling. "Ayaw mo talaga?" ulit pa nito. "Ang kulit! Bilisan mo na nga at mahuhuli na tayo!" siya na ang kumuha ng bag nito at isinukbit na sa balikat. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at naupo sa backseat ng kotse. Bigla siyang napahawak sa pisngi at mainit iyon. "Langya talagang bading na iyon! Pati ako! Talaga naman!" "Who's gay, Marsh?" nagulat siya dahil nang mag-angat ang paningin niya, naka-upo pala sa passenger's seat si Nathan, ang kuya ni Brix! "Wa.....wala po!" halos mabulunan siya ng sariling dila. "Wala po!" "Okay," muli itong tumungo at binasa ang hawak na papeles. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Muntik nang mabuking ang sekreto ng kaibigan niya dahil sa malaki niyang bibig! "Marsh I........Kuya!" she heard how her friend cleared his throat. "What are you doing in my car?" "You have to drive me to my office. I have a stalker," napangiti si Marsh nang makita niya ang nakatagong ngiti nito sa labi. Napaka-pilyo din kasi nito. "I have to run away from that crazy lady!" Umusod si Marsh nang pumasok si Brix sa back seat at prenteng naupo sa tabi niya. "Aren't you going to drive?!" nanlalaki ang mga mata ni Nathan sa kapatid. "Nope! Since the King is riding my humble car, we need a chauffeur with us," sabi nito at biglang nag-crossed legs sa panggigilalas ni Marsh! "Ouch!" biglang pinaghiwalay ni Brix ang mga hita. "Ang sakit nun, ha!" "Gaga ka! Andyan ang Kuya mo!" nanggigigil na bulong niya dito. "Gusto mo bang malintikan tayo pereho?!" Bigla naman itong natameme sa sinabi niya. Si Nathan naman ay tila walang narinig dahil patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng papeles. Maya maya ay sumakay na si Manong Jose na driver nila at tahimik na silang naglakbay patungo sa opisina ni Nathan. "Anything wrong with you, kids?" sabay silang napatingin kay Nathan. "Ang tahimik nyo, hindi ako sanay." "I am thinking, Kuya, huwag kang maingay," saway ni Brix sa kapatid. "About what?" tanong ulit nito. "What to do with my life," sagot naman na nakapagpalingon sa binata. "After I graduate, I will pursue my passion in painting." Napahinga nang malalim si Nathan at napailing. "You know that our parents don't want you to. Besides, I need somebody to be with me, Brix, especially now that Papa will retire from work." Once Uro Guanzon retires Nathan will automatically become the CEO of their chain of resorts.   At alam niyang kaya iyon ng kapatid ng kaibigan dahil bukod sa matalino, napakasipag nito.  Tutok ito sa negosyo at hindi nagpabaya kahit kailan.  Personal nitong iniikot ang lahat ng resorts nila sa buong Pilipinas, mali, sa buong mundo pala.  They have few resorts outside the country as well and Nathan can still manage it well.  Laging ibinibida iyon ni Uro Guanzon sa kanyang mga kaibigan kapag may pagtitipon at hindi iyon nakakalampas sa pandinig ni Marsh. "Mas magaling ka sa negosyo, Kuya at alam kong kaya mo iyan. You can ask for my help anytime but imprisoning myself in the resort is a big NO NO for me! I want to travel, Kuya, at hindi ko magagawa iyon kapag ikinulong mo ako sa kumpanya." Muli nitong hinarap ang binabasa samantalang si Brix naman, makikita mo na talagang tutol ito sa nais ng pamilya at alam iyon ni Marsh. Sa pagkakakilala niya sa kaibigan, alam niyang gagawin nito ang lahat makuha lamang ang gusto. And one way to achieve that is with the help of his big brother who cannot say no to him. "Kuya, you have to support me. You know that ever since I love to paint!" Pero hindi ito kumibo sa sinabi ng kapatid. Sa pagkaka-alam ni Marsh, nakatapos ng kursong Arkitekto si Nathan at pangalawang kurso nito ang Management. Sa dalawang kapatid, alam niyang higit na matalino si Nathan pero hindi pahuhuli si Brix kung utak rin lang ang pag-uusapan. He's a consistent honor student samantalang siya ay tama lang na makapasa para hindi naman nakakahiya sa mga Guanzon na nagpapa-aral sa kanya. Ang tangging pambawi nya lang, ang maging alalay ni Brix. Napasimangot si Brix nang wala pa ring narinig na anoman mula sa kapatid at inis na sumandal sa upuan. Salubong ang kilay nito. "I quit!" sabi nito sa mahinang tinig na muntik na niyang hindi marinig. "Call them and tell them that I will not go." Pero wala siyang balak gawin iyon. Hindi niya papahintulutang masira ang araw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD