Nang makababa si Nathan, sumunod naman si Manong Jose dito dahil ang kotse pala ng binata ay naka-parada sa opisina nito. Lumipat si Marsh sa harapan para siya na mismo ang mag-drive ng kotse dahil sa klase ng itsura ni Brix, malayong mapag-maneho nya ito.
Pasulyap - sulyap siya sa rear view mirror habang nagmamaneho. Hindi pa rin nawawala ang pagkaka-kunot ng noo nito.
"Sige na, pumapayag na ako," biglang sabi niya. Nang magkasalubong sila ng tingin ni Brix sa salamin, naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng pisngi niya.
"Agreed in what?!" asik nito sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.
"Kiss......" napalunok siya nang sinabi iyon. "You want to learn how to kiss, right?" At iyon na! Nakita na niya ang unti - unting pag-kawala ng yamot sa mukha ng kaibigan.
"Really? You will do that for me?" tumango siya. Nakita pa niya ang pagniningning ng mata nito. "But I bet, you want me to continue my ramp today, right?" Muli siyang tumango kaya ngumiti ito nang pagkalaki - laki. "Then, it's settled. We will do it after the event!" Kulang na lang ay pumalakpak ito! "Oh Goodness! I cannot believe that my first kiss is my best friend!"
"Kailangan ko bang matuwa diyan, Brix o hindi?" ang totoo, kinakabahan ang dalaga. "Nakaka-kilabot kaya! Hindi mo ba nararamdaman iyon?!" Pinili niyang ipakita sa kaibigan na nahihindik siya kaysa sa kabang nararamdaman.
"Nope! Actually, I am really excited! And since that will be our first time, we should do it properly......mag-check in tayo sa hotel!" Bigla niyang natapakan ang preno sa sinabi nito! "What the heck?! Ang sakit ha!" At katulad ng kaibigan, nahimas nya rin ang noong nauntog sa manibela. "Drive slowly, will you?!"
Buti na lang, deserted halos ang daan at wala silang kasunod na kotse dahil kung hindi, nadisgrasya na sila.
"Langya ka naman kasi! Halikan lang, sa hotel pa?!" pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan.
"Of course! I want to do it properly with you," ngumisi pa ito. Kapag ganito ang itsura ni Brix, mapapagkamalan talagang lalaki. Kung hindi lang talaga niya kilala, magdududa talaga siya. "We will practice kissing," kinikilig kilig pa talaga ang hitad!
"Anong ipapaalam ko kay Inay, aber?!" tanong niya dito.
"Tell her, you are with me. Di ba, alam naman niyang hindi tayo talo?" tumango naman siya. "Then for sure, she will not worry if you are with me. Baka nga mag-worry pa siya sa kalagayan ko dahil baka ikaw ang gumahasa sa akin!" sabay tawa nang nakakaloko!
"Ewan ko sa iyo, Brix!" ipinagpatuloy na niya ang pagmamaneho. Oo, maliban sa pagiging yaya, madalas din siyang driver ni Brix. Hindi kasi ito pumayag na ito lang ang may lisensya, tapos siya ay wala kaya ginawaan talaga ng paraan na magka-lisensya din siya.
"Ayan! Bumalik na ulit ang aura ko!" natawa siya nang makitang tinatapik tapik ng kaibigan ang pisngi tapos ay parang may kung anong itinataboy. "Nega! Nega! Go away! I don't need you any day!" maya maya ay inilabas nito ang lipstick at nagpahid sa labi. Brix can do make-up on his own pero mas gusto nito kapag siya ang nag-aayos. Mas tumataas daw kasi ang confidence nito sa sarili.
When she parked the car in the basement of the hotel where the event will be held, she transferred to the back of the car. Kailangan kasi bago bumaba si Brix ng kotse ay naka-ayos na ito kahit paano. Walang pwedeng maka-alam na ang bunsong anak ng mga Guanzon ay isang bading!
"You should trim your hair," sabi niya sa kaibigan. "Para hindi ka magkaroon ng split ends." Brix hair is naturally wavy and soft. May kahabaan iyon kaya nilagyan niya ng clip bago ipinatong ang wig nito. "Mamaya ko na aayusin ang make-up mo. Titignan ko muna ang lighting ng venue para mai-adjust ko ang shade."
"Ang laki talaga ng dede mo, Marsh," bigla niyang nabatukan ng malakas ang kaibigan! "Ouch! What's that for?!"
"Bakit pati dede ko pinapansin mo?!" pinitik naman niya ang tenga nito.
"Kasi naman Friend, takip na takip nga iyan, kung iduldol mo naman sa mukha ko, ganun ganun na lang!" reklamo nito sa kanya.
"Inggit ka sa dede ko, ano?" tukso niya dito. "I know that you are wishing to have something like this," then she pushed it up. "Palagay ka kaya? Bagay sa iyo!"
"Do you think so?" ayun na naman ang pagniningning sa mata nito.
"Gaga! Gusto mo bang mamatay nang maaga?!" singhal niya dito. Alam niyang hindi matatanggap ni Uro ang pagiging bakla ng anak. "Bilisan mo na at inaantay na tayo doon!" lumabas siya ng kotse at kinuha ang mga damit nito na nasa trunk. "Brie!" iyon ang tawag niya kapag nag-babagong anyo ito. Siya naman, nag-suot ng makapal na salamin para kahit paano ay maiba ang itsura niya.
"Andyan na!" Nang bumaba ito ay suot na ang flat shoes. "Ang hirap talagang maging Transformer!"
Nagkagulo ang mga models nang dumating si Brix. Paborito kasi nila ito dahil likas naman ang pagiging palakaibigan nito.
Napasimangot si Marsh nang makita niyang ipagduldulan ng mga kababaihang modelo ang katawan nila sa binata. Alam niyang pilit na inaakit ng mga ito ang kaibigan dahil narinig niya minsan na pinag-pupustahan nang mga ito kung sino ang makaka-una kay Brix. And of course, as his friend, she has to tell him. Kaya aware ito sa mga ginagawa ng mga kasamahang modelo.
Nang matapos niya itong ayusan, dahil magandang lalaki naman talaga, lalo itong nagmukhang babae. At siya naman, proud na proud sa kinalabasan ng ayos niya dito.
"Grabe! Ang hirap kumita ng ten thousand!" maarteng ibinagsak nito ang sarili sa couch nang matapos ang palabas.
"Mahirap ba iyon eh kumembot kembot ka lang naman doon!" inismiran niya ito. Siya na mismo ang nag-tanggal ng suot na sapatos ng kaibigan, ganoon din ng suot na damit nito. "Kung tutuusin naman kasi, hindi mo naman na kailangan pa ito, eh. Mas malaki ang allowance na nakukuha mo sa parents mo kaysa sa kinikita mo dito."
"I want to earn on my own," Iniangat nito ang katawan para tuluyan niyang mahubad ang suot nitong gown. "Magtatayo ako ng sarili kong gallery, whether they like it or not! At ang gagamitin ko doon, mula sa sarili kong pera."
Actually, since last month, they are checking where he can display his artwork. Kapag nagustuhan sa market, doon na ito maglaladlad sa pamilya ng tunay na pagkatao. At inihanda na nila ang magiging pangalan nito na siyang pirma sa lahat ng iginuhit ng binata: La Brieta.
Ipinagpaalam siya nito sa ina at sinabing hindi sila uuwi nang mag-damag dahil nag-kaayaan ang mga kaibigan nila na pumunta sa malayong lugar. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan nila. Instead of going to some famous hotel, na karamihan ay kaibigan ng kapatid nito ang may-ari, sa Tagaytay sila nag-tungo.
"Fresh air!" tuwang tuwang niyakap yakap nito ang sarili habang sinasamyo ang sariwang hangin. "So relaxing!"
Kabaligtaran naman nito ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay nangangatal ang kalamanan niya dahil sa mangyayari mamaya. Ewan naman kasi niya kung bakit siya biglang napa-oo sa kalokohan nito! Hindi kasi niya kayang nakikitang nalulungkot o naiinis si Brix. She likes to see him smile.
"After dinner, let's prepare na!" abot tenga ang ngiti nito sa kanya. "I cannot wait na talaga, Marshmallow!" Itinaas nito ang mukha niya. "Mag-sepilyo kang maigi ha then mouth wash."
"Sabay tayong maligo para makita mo ang gagawin ko!" inis na sabi niya dito.
"Good idea! Pero let's eat muna," hinaltak siya nito palabas ng kwarto. "I want something spicy."
"Aphrodisiac?" tumango ito. "Bakit naman?"
"Of course! Magpapaka-wild tayong dalawa ngayon!" kumekendeng pa ito habang nag-lalakad.
"Halik lang naman ang gagawin natin, ha!" sabi niya dito pero umiling iling ang kaibigan. "Ano yang iling iling mo, ha?!"
"Laters, Baby," sabay kindat nito sa kanya. Nang dumating sila sa restaurant, halos lahat ay orderin ito!
"Bakla! Ang dami mong order!" sita niya dito.
"I need energy, you know. And since first time natin dito, I want to taste everything. After eating, we will stroll around the area. May midnight market daw dito eh," napangiti siya sa sinabi nito. Kilala talaga siya ng kaibigan. Alam nitong kinakabahan siya sa mangyayari sa kanila mamaya kaya ginagawa nito ang paraan para kumalma siya. "Let's do some shopping."
Tumango na lang siya. Nang dumating ang mga inorder nilang pagkain, halos maubos nila ang lahat ng iyon. Itinuro ng staff kung saan ang daan papunta sa midnight market. They just walked there hand in hand. And as usual, marami na naman itong napamili. Basta may magustuhan, wala itong pinipiling lugar. Hindi naman kasi ito maselan na tao.
"Gawang Marikina po iyan!" pagmamalaki ng tindera sa kanilang dalawa. Sinisipat sipat kasi ni Brix ang isang sandalyas para makita ang kalidad nito. "Pang-matagalan po iyan."
"Dalawa pong ganyan. Sizes six and ten," idinikit pa nito ang sandalyas sa paa. "I want to try this one kaso baka masira ko."
"Naku, titignan ko kung may size ten ha. Bihira kasi akong mag-order ng ganun kalaki dahil mabibilang mo sa daliri ang mga babaeng may malalaking paa."
"Nay, hindi pa po ako babae. Magiging babae pa lang po," natawa ang matanda sa biro ni Brix.
"Alam ko iyon pero napaka-ganda mo naman talaga. Mas maganda ka pa kamo sa babae," puri pa nito at syempre pa, para na naman itong nakalutang sa nakuhang papuri mula sa matanda.
"Hindi pa po talaga malabo ang mga mata ninyo! Hurry up na po, Nay at kumukulo na ang aking tiyan. Kailangan na naming bumalik ng Inn. I will buy those two!"
Laking pasalamat ni Brix nang may nakita ang tindera na size niya. Parehong maganda ang sukat ng sandalyas sa paa nilang dalawa. "Sigurado kayong matibay po ito, ha?"
"Oo naman, itataya ko ang pangalan ko diyan!" nakangiti pa din ito. Matapos nilang bayaran ang sandalyas, hinila na siya ng kaibigan pabalik ng Inn.
"Bakla! Order ka ng Green Tea!" nanakbo na ito papasok ng kwarto habang bitbit ang mga pinamili niya. Siya naman ay bumalik sa restaurant at bumili ng bilin nito. Siya man ay mabigat ang tiyan at kailangan din niya iyon.
Nang pumasok siya sa kwarto, nakapaligo na ang bakla at nakasuot na ng nighties!
"O, akala ko ba natatae ka?" tanong niya dito sabay abot ng tsaa.
"Lumabas agad pagka-upo ko ng trono, eh. Wait, where's the hair dryer?" itinuro niya ang bag na kinalalagyan nun. "Thankie. Now, it's your turn. Yung bilin ko sa iyo, huwag mong kalimutan. Brush properly then mouth wash."
Nang matapos niyang maubos ang tsaa, agad na siyang pumasok ng banyo. Ayaw kasi ni Brix na babagal bagal siyang kumilos pero ito, okay lang kahit mamuti ang mata niya sa kaka-antay dito.
"Marshmallow! Bakit ka ba kinakabahan eh halik lang naman iyon?!" kausap niya sa sarili sa harap ng salamin. "Besides, it is you who agreed in his craziness!" halos sabunutan niya ang sarili dahil doon. Wala sa hinagap niya na maranasan ang unang halik sa pamamagitan ng isang kaibigan, higit sa lahat, isa pang bakla! "You ruined your own dream, Marsh!"
"Marshmallow!" Ayun na! Nangangatok na ang bading. "Hurry up! Baka gusto mong ako pa ang magpaligo sa iyo!"
"Oo na! Ten minutes!" sigaw niya bago padabog na nag-punta sa tub. Kinayos niya pati ang mga singit singit. Dalawang ulit din siyang nag-sepilyo kahit pa alam naman niyang wala siyang halitosis, ayaw pa din niyang mapulaan nito.
Nang lumabas siya ng banyo, nakasandal pala ito sa gilid niyon! "Kagulat ka naman Bakla!"
"Ma-late ka lang ng isang segundo pa, papasukin na talaga kita!" salubong ang maganda nitong kilay. "Ang ten minutes mo, kalahating oras!"
"Andito na nga ako, di ba?!" Hinanap niya sa bag ang dalang pantulog ni Brix. Iniwan lang siya nito sa kotse kanina at ito mismo ang namili ng mga pangangailangan nila ngayong gabi. "Nasaan ang damit ko?"
"That one!" nang lumingon siya dito, nakaturo ito sa kama. Nang lumapit siya doon, nakita niya ang kaparehong suot na nighties nito! "Ang ganda, di ba?"
"Kailangan talaga lagi tayong pareho?!" tinaasan niya ito ng kilay. "Nighties talaga, ha, Brix?!"
"Of course! Alangan namang naka-pajama ka ano?! Kadiri!"
Isinuot niya ang nighties bago hinubad ng tuluyan ang tuwalyang nakapulupot sa katawan. "Aalog alog naman ang hinaharap ko dito! Kaiinggitan mo na naman ako!" Dinampot din niya ang underwear na ka-partner nun. Napakunot siya ng noo nang mapansing hindi nagsasalita si Brix. Paglingon niya ay abala pala ito sa pagkakalikot sa TV. "Ano yan?"
"Nonood tayo ng X-Rated." Tinuhod niya ang pwet nito. "MARSHMALLOW!" Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya.
"X-Rated ka dyan!" Kulang na lang bunutin niya ang buhok sa matangos nitong ilong. "Iwan kita, makita mo!"
"Ay! Parang hindi pa nakaka-panood ng X-Rated kung makaarte! Hoy Bakla! The last time I checked, we watched a month ago TOGETHER!" Pinanlakihan siya ng mata nito. "So what is the difference now, aber?!"
"Difference? Etong suot natin at dahil tayong dalawa lang! Last time, we watched in group, na puro badingerzee na kasama mo sa sorority! That's the difference!" At hindi naman niya napanood ng maayos ang palabas na iyon dahil nabingi lang siya sa ingay ng mga bakla! Mga diring diri kasi sa panonood ng mga lalaki at babaeng nagtatalik.
"Kaya nga we will try to watch and enjoy it. Just sit there bakla at ihanda mo na ang nguso mo mamaya dahil mamamaga iyan!" Sabay tapik sa pang-upo niya!
At feeling niya ay bago mangyari iyon ay tatakas ang espiritu sa katawang lupa niya!