11

2554 Words
Sabi niya, okay lang na may girlfriend si Brix para hindi ito mabuko ng Papa niya at maprotektahan siya.   Sabi niya, keri lang na friends lang sila talaga kahit na may nangyari ulit sa kanila sa pangalawang pagkakataon.   Sabi niya, keri lang din na makipag-date ito sa mga lalaki.   Sabi niya, hindi siya masasaktan as long as magkaibigan sila ni Brix.   Pero masakit pala kapag kaibigan lang ang tingin sa iyo ng taong mahal mo.  Ng taong pinaghandugan mo ng lahat lahat nang mayroon ka.     Sabi nito ay espesyal siyang babae para dito pero hanggang doon lang iyon.  Espesyal dahil nagagawa niyang gawin lahat ng hilingin nito sa kanya.   Pero ito ba, may nagawa na para sa ikasasaya ng puso niya?     "That's deep,"  napaangat siya ng tingin sa kaibigan.  Naupo ito sa tabi niya.     "Anong ginagawa mo dito?  Baka hanapin ka ni Eunice,"  sabi niya dito.   "Umuwi siya ng maaga.  Masama daw ang pakiramdam,"  sabi nito bago binuksan ang hawak na libro.   "Hindi mo man lang inihatid?"  tanong niya dito.   "Inihatid kaya nga hindi ako pumasok sa isang klase ko eh,"  ayun na naman, kumirot na naman ang puso niya.     Hindi na siya kumibo at ipinagpatuloy ang paggawa ng assignment.  Wala namang pasok bukas pero gusto niyang matapos agad ang mga iyon para wala na siyang isipin pa ngayong weekends.   "May lakad ako mamayang gabi, kailangang kasama kita,"  nag-angat siya ng tingin dito.  "Another exhibition for me and this time, I invited my brother."   Napasinghap siya sa sinabi nito.  Isa lang ang ibig sabihin nito.  Maglaladlad na si Brix sa kapatid!   "Anong gagawin mong pakilala?  Lalaki o babae?"  natawa ito sa tanong niya.   "Actually, hindi ko din alam.  But since I am known as La Brieta, I will  be La Brieta tonight."  Bumuntong hininga ito.  "How I wished, my parents will be proud of me someday."   "Don't worry.  Darating din ang tamang panahon para doon,"  hinawakan niya ang kamay nito.  "So, shall we shop for your dress?"   Tinitigan siya nito.  "I am so lucky to have you, Marsh.  Thank you for being my best friend,"  humilig ito sa kanya.   And she's teary-eyed, not because she's happy but because he doesn't feel anything for her.   Because she's only his Best Friend.  Kailangang kumbinsihin niya ang sarili na hindi na sila lalagpas pa doon. Sa hotel kung saan gaganapin ang art exhibit na lang niya inayusan ang kaibigan .  Nag-rent na lang ito ng isang kuwarto para sa kanilang dalawa.  Sadyang napakaganda nito at siya bilang babae ay naiinggit sa natural nitong ganda.   Ngiting ngiti ito habang nakatingin sa salamin.  "My brother will surely be shocked seeing me like this."  Naaaliw na sabi nito.  Bigla itong lumingon sa kanya na nakaupo sa kama.  "Wala kang balak mag-ayos?"  Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.   "Una ka na sa ibaba.  Sumasakit tiyan ko eh.  Natatae yata ako," reklamo niya dito.   "Don't tell me na hanggang ngayon eh kinakabahan ka pa din kapag may ganitong mga events, ha/" Mataray na tanong nito sa kanya. "Hindi!  Natatae lang talaga ako," totoo naman kasi ang sinasabi niya.  Parang hinahalukay ang sikmura niya.  "Susunod na lang ako.  I'll be quick, don't worry," hinila na niya ito  at binuksan ang pintuan ng kuwarto.  "Go na!" Sabay sara niya ng pintuan. Namaywang si Brix dahil sa inakto ng kaibigan pero nagkibit-balikat lamang siya.  Baka nga totoo na masakit lang ang tiyan nito. Pagpasok niya sa venue ay marami-rami na ang tao.  Naglapitan ang mga regular clients niya na art collectors.   "Brie, your paintings are absolutely fantastic!" Puri ni Mrs. Bennett.  Isa itong European na matagal nang nakabase dito sa Pilipinas.  May construction business ang pamilya nito sa Pinas na pinapamahalaan ng asawa nito.  "I already chose five of your works!" Tila kinikilig pa ito habang sinasabi iyon sa kanya. "That's wonderful, Mrs. Bennett!  Thank you so much!"  Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang isang staff upang mai-assist ang client niya.   Abala siya sa pag-iikot nang matanawan niya ang kapatid na pumasok sa gallery.  Agad siyang nagpaalam sa kausap at mabilis na sinalubong ang kapatid.  Hindi siya agad napansin nito kaya humarang siya sa dinadaanan nito.   Takang napatingin si Nathaniel sa kanya para lang magulat.   "You.....you...." halos matawa siya sa itsura ng kapatid na namumutla dahil sa suot niya. Nawala ang composure nito.  Nagkakanda-bulol na ito. Paanong hindi magiging ganoon ang kapatid eh sa unang pag-kakataon ay nakita siya nitong naka-suot pambabae! He's wearing a silver off-shoulder gown. Though he wants to wear loud color ones, Marsh stopped him. Ayaw nitong takaw atensyon ang suot niya. Isa pa, gusto daw nito na mukha siyang gagalangin kapag nakita siya ng mga tao at hindi isang teen-ager. Baka hindi daw magsibili ng artworks niya ang mga ito. Pero hindi siya pumayag na hindi pula ang wig niya! Gusto nga niya mag-ala Poison Ivy kaya pinagpipilitan niyang green ang gown niya, ayaw talaga ni Marsh! Ang hahaba din ng pilik niya with super heavy make-up at suot ang mamahalin niyang parure diamond jewelries. "SURPRISE!" ngumiti siya at niyakap ito at hinalikan sa pisngi. "Welcome to my exhibit Kuya!" mahinang bulong niya dito. He heard him cleared his throat and took one step back. "Congrats," iniabot nito ang kamay sa kanya bago iniikot ang paningin sa paligid. The gallery is full! Ibinalik nito ang tingin sa kanya na may nagniningning na mga mata. "You don't know how proud I am." "I know that, Kuya. Supporting me is enough. Thank you," nangilid ang luha niya. Buti na lang ay magaganda ang mga make-ups na ginagamit ni Marsh sa kanya kaya hindi agad agad iyon humuhulas. "Our parents don't know what they are missing," napa-iling ito. "If I can just announce to the world that you are my......" Umiling siya at hinawakan ito sa kamay. "No, Kuya. Nandito ka lang, sapat na sa akin." Agad siyang bumitaw dito dahil baka makahalata ang mga tao sa closeness nila. "You want me to tour you around?" "You have your guests, Bri.....La Brieta," masuyong ngumiti ito sa kanya kaya napangiti na din siya. "I can manage." "Marsh should be here by now," inikot niya ang paningin pero hindi niya matanaw ang kaibigan. "Di bale, kapag nakita ko, ipapahanap kita. Feel free to choose what you want. I will give it to you as a gift." "Nah. Business is business, Brie," lalong lumuwang ang ngiti niya sa tawag nito sa kanya. "I will buy whichever suits my taste. I'll walk around," Tinapik siya nito sa pisngi at naglakad palayo sa kanya. Kinuha niya mula sa hawak na purse ang mobile at tinawagan ang kaibigan. Sabi ay hindi ito magpapahuli pero hanggang ngayon ay wala pa ito! "Damn it Marsh! Answer the phone!" napatingin siya sa phone nang biglang mag-busy tone iyon. "She cancelled.....?!" "Brie!" napalingon siya at nakita niya ang dalagang humahangos. Naka-jeans lang ito na siyang namumukod tangi sa mga naroroong bisita. Nakasuot ito ng makapal na specs at short wig. Ito yata ang taong kahit na mag-disguise ay makikilala pa din niya. "What happened to you? Bakit ngayon ka lang?" mahinang sita niya dito. "Hirap na hirap kaya akong ayusan ang sarili ko, ano! Di ko mai-zipper yung damit na bigay mo sa akin kaya hindi ko na isinuot! Tumaba yata ako eh!" sinipat niya ang katawan nito. Parang bumilog lang naman ang balakang nito. "Kala ko ba alam mo ang sukat ko, ha?!" asik nito sa kanya. "Dapat naghanap ka ng ibang kasya sa iyo! Outcast ka kaya sa itsura mo ngayon!" napasimangot siya. "Keri lang. Tama lang na mukha mo akong alalay," ngumiti ito sa kanya. Kinurot niya ang ilong nito. "Pasalamat kat......Naku!" Pinalo niya ito sa pwet. "Nandito na si Kuya. Look for him and assist him. Ako na ang bahala sa ibang guests," pagtataboy niya dito. "Okay," pero bago ito umalis ay sinipat ang mukha niya. "Maganda ka pa din. Ikaw pa din si Brie. Di na kailangang mag-retouch," sabay kindat nito bago siya tuluyang iniwan. Pinanood niya ito habang naglalakad palayo sa kanya. Ilang araw na lang ang ilalagi niya sa Pinas at maiiwan na ito. Ngayon pa lang ay sobrang nalulungkot na siya. Paano pa kaya kapag tuluyan na silang nagkalayo? Naputol lang ang pag-iisip niya nang lumapit sa kanya ang isang usher. Naging busy na siya at halos di na naasikaso ang kapatid. Nalaman na lang niya kay Marsh na bumili ito ng sampung paintings niya. "Yung pinaka-mahal pa ang binili niya kahit na may bumili na ha! Triple ang binayad! Nakakaloka si Kuya Nathan kahit kailan," natatawang kwento nito. "Saan naman niya ilalagay iyon?!" naka-taas ang kilay na sagot niya. "Sa resort nyo daw. Magbubukas yata kayo sa Zambales eh," sabi nito. Sa susunod na buwan na nga pala iyon pero wala na siya sa grand opening ng resort. Marami pa siyang aayusin sa papasukang eskwelahan kaya kailangan niyang pumunta doon ng maaga. "And congrats! Sold out!" ngiting ngiti ito sa kanya. "May future ka talaga sa pagiging pintor." Kumikinang ang mga mata nito. "Nakaka-proud na may kaibigan akong katulad mo." Luminga siya sa paligid at nang mapansing walang tao ay hiniklas ito sabay halik ng mariin sa labi ng dalaga. Agad naman niya itong pinakawalan. "At yan ang sagot ng kaibigan sa kanyang kaibigan," pinindot niya ang ilong nito. Nanlalaki ang mga matang tinampal nito ang braso niya. "Baliw ka talaga! Paano kung may nakakita?!" luminga linga pa ito sa paligid. Ngumisi siya at hinawakan ito sa kamay. "Wala! Masyado kang paranoid. Dapat nga ako ang mag-alala dahil masisira ang virgin image ko ano!" sabay tawa niya ng maarte. Sumimangot ito pero hindi binawi ang kamay mula sa kanya. "Saan ka uuwi ngayon?" "Sa condo tayo. I want to relax myself in the bath. So tiring day," napahikab siya. "Mahirap pala kapag solo artist ka lang sa isang exhibit. You have to meet each one of them." Buti na lang magaling ang memorya niya at nakilala niya ang mga iyon. "Hindi ako makakasama. May pupuntahan kami ni Nanay. Papatahi pa ako ng damit para sa graduation." Hindi siya kumibo. Hindi man lang niya ito mapapanood na umakyat sa entablado. Tatapusin lang niya ang finals at lilipad na siya papuntang States. "Di ko alam ang ireregalo ko sa iyo eh. Bilhan na lang kaya kita ng damit for the grad?" tanong nito sa kanya. "Naku! Hindi papayag si Nanay. Tagal niyang inantay ito eh. Gusto niya siya ang bibili ng damit ko," sabi nito habang umiiling. "Ihahatid kita para matulungan kitang mag-alis ng make-up mo tapos uwi na din ako agad, ha?" Tumango na lang siya kahit ayaw nya sanang pumayag. Baka pareho pa silang mapagalitan kapag hindi ito naka-uwi. "Nga pala, may party ka ha," bigla siyang napalingon dito. "May send-off party ka. Inoorganize na ng Mama mo." "Bakit naman kailangan pang....." napagubga siya ng hangin. "I can leave quietly right?" "Hindi siguro! Sa sikat ng pamilya nyo, imposibleng walang maka-alam na aalis ka. Imbitahin mo si Eunice ha. Bilin yun ng Mama mo eh." Parang noon lang pumasok sa isipan niya ang nobya. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. "I will try. I haven't seen her for days now....." "Hindi mo man lang tinatawagan?!" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo nito nang umiling siya. "Anong klaseng nobyo ka!" sabay hampas sa balikat nito. "Nakaka-inis ka! Buti hindi kita boyfriend!" Umirap ito. "Kung maka-reklamo ka naman! Si Eunice nga, hindi nagde-demand ng kahit ano eh!" Inilagay niya sa backseat ng kotse ang mga bitbit niyang bag. "She should complain, not you." Umismid ito at sumakay na ng kotse. "Dito na lang kita tatanggalan ng make-up!" sabi nito pagkasakay niya. "Ha? Bakit naman bigla biglang......Akala ko ba sasamahan mo ako sa condo, ha?" inis na tanong niya. "Eh late na! Alas sais kailangan nasa bahay na ako," ngumuso ito sa orasan na nasa dashboard ng kotse nya. "Baka mapagalitan na naman ako." "Papayagan kita basta one of these days, pupuntahan mo ako sa condo ha. You will stay with me!" maktol niya. Tinignan siya ng masama nito pero tumango din. "Oo na! Manahimik ka lang!" Pinagmasdan niya ito habang kinukuha ang make-up remover sa bag. Matapos maglagay ng cream sa daliri ay ipinahid nito sa mukha niya at ikinalat. Pumikit siya para hindi malagyan ang mata niya. Naramdaman niya ang cotton pad na ipinunas nito para matanggal ang cream, kasama na ang make-up. "Yung damit mo? Magbihis ka na din dito at ipapalaba ko yan. Alangan namang bumaba ka ng naka-ganyan," sabi nito sa kanya habang dahan dahan na inaalis ang false eye lashes nya. Kumuha naman ito ng damit na maisusuot niya habang naghuhubad ng gown. Hirap na hirap siyang gumalaw buti na lang at ang Armada ang dala nilang sasakyan kaya medyo malaki ang pwesto niya. "Mag-shorts ka na lang tutal uuwi ka na naman," iniabot nito ang shorts at t-shirt sa kanya. "Bilisan mo at baka may makakita sa iyong nag-huhubad dito!" "Bakit? Ako ba ang may gustong mag-bihis dito?! Eh ikaw itong makulit!" tinaasan niya ito ng kilay habang isinusuot ang t-shirt bago tuluyang hinila pababa ang gown. "Kung hindi naman talaga ako kailangang umuwi ng maaga, hindi naman kita pipiliting na maghubad dito! Bilisan mo na!" binalumbon nito ang gown niya na ilang libo ang halaga at basta na lang isinilid sa supot na nakuha sa dashboard ng sasakyan. "Teka, lumapit ka nga at tatanggalin ko yang wig mo. Tungo!" sabay hila sa ulo niya at inginudngod sa hita nito! "Kadami ko palang nilagay na hair pin sa buhok mo! Hindi ka nasaktan?" "I'm used to it," kinagat niya ang hita nito na tila hindi naman napansin. "ARAY!" Napahawak siya bigla sa batok niya nang biglang alisin nito ang hairpin! Idederetso na sana niya ang katawan pero pinigilan nito ang ulo niya. "Ang sakit nun ha!" "Sinadya ko talaga! Manyak mo kasi!" napahiyaw na naman siya nang haltakin pa nito ang dalawang hairpin na nasa bandang batok niya. "Ayan! Tapos na!" Pero bago niya nai-alis ang ulo mula sa pagkakatalungko sa hita nito ay kinaltukan muna siya ng malakas! "Grabe ka ha! Masyado ka nang brutal!" hinimas niya ang ulo. "Kainis ka!" Ginantihan niya ito sa pamamagitan ng pag-pindot ng ilong nito. Natawa siya nang mapahiyaw din ito sa sakit. "Ayan! Quits na tayo!" "Bwisit ka talaga kahit kailan!" hinaplos nito ang nasaktang ilong. "Sige na. Ihatid mo na ako sa palabahan at nang maka-uwi na tsaka para makapag-pahinga ka na rin." Pina-andar na niya ang kotse at inihatid ito sa laudromat. Hinarap niya ito at tinanggal ang specs na suot nito. "Ingat ka pag-uwi," tumango ito. "Tawagan mo ako mamaya pagdating mo sa bahay, okay?" Tumango ito at tinampal siya sa pisngi. "Ingat sa pag-drive. See you when I see you!" Then she gave him a quick peck on his lips. "Bye!" She opened the door and jumped out of the car. Tinignan nya muna itong maka-pasok sa shop bago pina-andar ang Armada. Sobra talaga ang pagod niya ngayon kaya gusto na agad niyang makarating ng bahay. He smiled when he recalled what happened earlier in the gallery. Knowing that all his paintings were sold sends a shiver to his spine. This is the start of his dream, and he wants to be known all over the world. And he knows that it will happen sooner than he anticipated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD