Alas kuwatro pa lang ng umaga ay sinundo na niya ang pamilya ni Marsh dahil mahaba ang biyahe nila papuntang Zambales. Binuhat niya si Rafa papasok sa kotse, katabi ni Yaya Choleng. Nagising na daw iyon kanina at kumain tapos nang mabihisan ay natulog ulit. Sa tabi niya naupo si Marsh. "Mahirap na at baka makatulog ka," natatawang sabi ng kaibigan. Ngunit sa durasyon ng biyahe ay ito ang tulog na tulog. Si Yaya Choleng ay pagising-gising naman. "Where are we?" Tanong ni Rafa. Nagising na pala ito. "Is Mommy sleeping?" Tumayo ito mula sa kinauupuan upang silipin ang ina. "Yes, Darling," sagot niya. "Stay on your seat, okay? Kasi si Lola din nakatulog kaya dapat behave ka lang," tumango ito at agad ding naupo. "Are we going to the beach now?" Tanong nito sa kanya. "Ye

