Three years have passed... "Ma, Pa, just wait for me here, okay?" Tumango naman ang mga ito at nagmamadali siyang nagpunta sa Billing Station upang magbayad sa mga ginawang laboratory sa kanyang mga magulang. Annual check up ang ginawa sa mga ito at na-late na nga siya sa pagdadala sa mga ito sa ospital. Dapat ay noong isang linggo pa ang schedule ng mga ito ngunit hindi niya nagawa dahil kadarating lamang niya mula sa New York. Hindi rin naman niya maipakisuyo sa kapatid dahil kasama nito ang pamilya na nagpunta naman sa South Korea dahil ngayon lang din nakapag-out of the country ang buong pamilya. Masaya siya dahil hindi pa man naaalala nang lubusan ni Nathaniel ang mga naganap sa isla ay talagang mahal na nito si Karidad, to the point na napaka-possessive nito sa asawa na pati s

