Hindi mawala ang ngiti niya habang nakatingin sa kaibigan na kalong si Rafa. Lumingon ito sa kanya at nang makitang nakatitig siya ay gumanti ng ngiti. Inilahad nito ang isang braso upang lapitan niya ito. Agad siyang inakbayan ng binata at hinalikan sa ulo pagkalapit niya. "This is surreal," sabi nito. "You made me the happiest man, Marsh." "Alam mo ikaw, kung may makakarinig sa atin, aakalain na may something tayo," humagikgik siya. Hinawakan niya ang kamay ng anak at hinalikan iyon. Inilapit nito ang labi sa tainga niya at binulungan iyon. "Hindi pa ba something yung nangyari sa atin?" Tumaas ang kilay nito. Nahampas niya ang braso ng binata. Luminga-linga siya sa paligid at hinanap kung parating na ang ina ngunit wala pa din ito. Ngayon kasi ay nasa VIP Lounge na sil

