Napakaganang kumain ni Rafa at kahit para sa kanilang lahat iyon ay hinayaan nilang kumain ito. "Hindi ba sya mae-empatso niyan?" Tanong niya kay Marsh. "Anak, slow down," pinunasan ni Marsh ang labi ng anak. "May bukas pa. Baka sumakit po ang stomach mo kasi madami kang kinain and it's already evening." "I will bring you more next time," hinaplos niya ang buhok nito. "Okay," pero panay pa din ang kain. "But I will finish this one first," tumango naman siya. "Lagi ba siyang maganang kumain," natutuwa siya habang pinapanood ito. "Nasa tiyan pa lang iyan, matakaw na," natatawang sabi ni Yaya Choleng. "Kinuha kasi namin ni Ran si Nanay noong hindi ko na talaga kayang gumalaw-galaw. Good thing, maganda naman ang trabaho ng asawa ko kaya hindi naman kami kinapos kahit kailangan k

